logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 3 New Friend

Maaga akong gumising kinabukasan kasi pupunta dito si Scarlet. Sinabi ko kasi kahapon na pinapapunta siya ni yaya dito sa. Nagpunta na ako sa cr para gawin ang daily routine ko. Nagbihis ako ng black short at white t-shirt, maluwang s'ya sa 'kin. Ganyan lahat ng t-shirt ko, ayaw ko nung fit na fit.
Bumaba na ako para tulungan si yaya na magluto ng meryenda para kay Scarlet. Naabutan ko si yaya naghahanda ng mga ingedients ng, ewan ko kung anong lulutuin ni yaya.
"Morning yaya. Ano po lulutuin mo?" tanong ko at humalik sa pisngi n'ya.
"Morning din. Magluluto ako ng spaghetti at maruya pati adobo para pang ulam n'yo," sagot naman niya. Ahh, kaya pala may saging. Okay. I know na. Ngumiti  ako habang tinitingnan ang ibang ingredients.
"Tulungan na kita Ya. Ano bang pwede kong gawin?" tanong ko habang inaayos n'ya ang ibang gagamitin.
"Gayatin mo na lang ang mga sibuyas. Mag-ingat ka lang at tsaka medyo ilayo mo ang muka mo," paalala ni yaya. Nakangiti akong tumango sa kaniya.
"Okay po," sagot ko at kinuha ang sibuyas at sinimulang gayatin.
Hindi pa ako nakakarami ng nagagayat ng maramdaman ko ang hapdi sa aking mata. Oh my gosh! Ang sakit ng mata ko. Ang hapdi. Lumukuha na ako habang sumisinghot.
"Oh bakit umiiyak ka na diyan?" natatawang tanong ni yaya.
"Paano kasi yaya, pinaiyak ako nitong sibuyas. Hahaha," lumuluhang sagot ko sa kanya. Tinawanan ako ni yaya kaya natawa rin ako.
"Haha. Sabi ko kasi sa 'yo, ilayo mo. 'Yan tuloy ang nangyari," natatawang sabi ni yaya.
"Paano kasing sibuyas na ito, sinaktan n'ya ako. Break na tayong sibuyas ka. Hahaha, kahit 'di naman tayo," natatawa kong sabi. Nababaliw na yata ako at pati sibuyas ay kinakausap ko na.
"Ikaw talagang bata ka. S'ya, bilisan mo na diyan at ang saging naman ang balatan mo," natatawang sabi ni yaya. Maigi pa iyong saying na lang ang binalatan ko.
"Tinatawanan pa ako ni yaya eh," nakangusong sabi ko pumunta dun sa mga saging at sinimulang gayatin.
"Buti pa 'tong saging yaya, 'di ako sinasaktan," sabi ko at natawa naman ito.
Pagkatapos naming magluto ay kinuha ko ang cp ko sa room ko at tinext na kung nasaan na si Scarlet baka kung saan saan na 'yon napunta. Hahaha.
SAM:
Scar nasan ka na???
SCAR:
Nandito sa labas ng vilage n'yo,
kakatapos ko lang mag fill up ng kung
anu-ano. Grabe kasi ang higpit ng
guard n'yo.
SAM:
Ngayon lang naman 'yan. Sa sunod
pipirma ka na lang. Geh intayin na
lang kita sa labas ng bahay namin.
Malapit lang ang bahay namin sa gate ng village kaya alam kong masali lang siyang nakakapunta dito.
"Yaya!! Sa labas muna po ako. Iintayin ko po ang friend ko!!" sigaw ko at tumakbo na palabas. Kita ko na mula dito ang bulto ni Scar na papalapit kaya kinawayan ko s'ya at kunaway rin naman s'ya papabalik.
"Sammmmmmm!!!" sigaw niya at tumakbo na at niyakap ako pagkalapit. Ang higpit. Wagas kung makahanap.
"'Di mo naman sinabi na napakahigpit pala dito at napakaganda pa ng mga bahay," hingal n'yang sabi kaya natawa naman ako. Pumasok na kami at sinaraduhan ang gate.
"Sam, ang ganda naman ng bahay n'yo, ay hindi pala 'to bahay kasi mansion na 'to," manghang sabi n'ya habang minamasdan ang kabuuan ng bahay namin. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mata niya.
"Bahay pa rin naman ito, 'yun nga lang malaking bahay," sagot ko sa kaniya. Totoo naman kasi eh.
"Pilosopo," sabi n'ya at natatawang umirap sa 'kin. Totoo ma eh.
"Tara na. Nandun si yaya sa kusina," sabi ko at hinila s'ya papuntang kusina. Nagpahila naman siya habang panay pa rin ang lingon sa kung saan-saan
"Hello yaya. Nandito na po kami," nakangiti kong sabi. Lumingon naman si yaya at ngumiti sa 'min. Inilapag niya ang hawak na mangkok sa lamesa.
"Good morning po," magalang n'yang bati at bahagyang tumango pa.
"Btw, yaya s'ya nga pala si Scarlet and Scarlet this is my yaya ang gustong makakilala sa 'yo," nakangiti kong pagpapakilala sa kanila. Nagngitian naman sila.
"Napakagandang bata," puri ni yaya sa kanya. Namula naman si Scarlet dahil sa sinabi ni yaya. Hiya pa ay.
"S-salamat po," nahihiya n'yang sagot. Nahiya pa talaga eh.
"S'ya sige, kumain na tayo at ng makapagbonding na kayo," sabi ni yaya. Umupo na kami ni Scarlet nagsandok na ako ng pagkain ko.
"Wow! Adobo," mangghang sabi n'ya habang nakatingin sa adobo. "Alam n'yo po, favorite ko 'yan kaso minsan lang kami nakakain ng ganito kasi hindi namin afford," nahihiya n'yang sabi. Malungkot naman akong napatingin kay Scarlet. Ang dami talagang mga tao na hindi nakukuha ang mga gusto nila dahil wala silang pera. Kaya napakaswerte ko dahil may trabaho sina mommy at daddy kaya nakukuha ko iyong mga gusto ko. Pero dahil alam ko ang hirap nila sa pagtatrabaho, hindi ko iyon inaabuso tulad ng ibang kabataan. I know how to appreciate my parents hardwork.
"Sige, kumain ka lang ineng. Saan nga pala kayo nakatira?" tanong ni yaya sa kanya. Uminom si Scarlet bago sagot kay yaya.
"Diyan lang po sa San Juan," sagot n'ya at kumain na rin.
After naming kumain ay si yaya na daw ang maghuhugas para makapagbonding na kami. Hinayaan na namin si yaya at nagtungo na kami sa sala.
"Wait lang. Pupunta ako sa kwarto, may kukunin lang ako," sabi ko sa kanya na nakaupo sa sofa namin.
"Sama ako, para makita ko kwarto mo. Hehehe," sabi n'ya kaya umakyat na kami sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Hinayaan ko siyang naglibot sa kwarto at nagtungo naman ako sa cabinet na pinaglalagyan ng mga gitara ko.
"Wow! Ang ganda naman ng kwarto mo. Black and white," manghang sabi n'ya at tumango-tango pa. Baliw. Umupo ito sa kama ko at tumalon-talon pa dahil malambot iyon.
"Bakit black and white? Bakit 'di mga pink or something girly?" takang tanong n'ya. What? Napasimangot ako sa sinabi niya. Something girly? We! Huwag na lang. Hindi naman sa ayaw ko talaga pero hindi kasi ako mahilig sa ganoon. Kaartehan kasi ako kapaga ganoon ang nakikita ko. Girly thingy doesn't suit my taste.
"Ngek! Ayoko nga ng masyadong girly, ayoko nun," nakasimangot na sabi ko. Muka akong uminom ng suka dahil gusumot ang muka ko.
"Maganda kaya. Gusto ko ngang magkaroon ng ganun, ang kaso nga lang hindi ko magawa sa kwarto ko dahil hindi salat ang pera ko kaya next time na lang kapag may trabaho na ako. Heheh..... Teka! Tomboy ka ba kaya ayaw mo ng ganun?" Kumunot naman noo ko sa tanong n'ya. Ako? Tomboy? Muka ba akong tomboy?
"Ewan ko sa 'yo," sabi ko at lumabas na ng kwarto. Sumunod naman s'ya kaya nagderitso na ako sa garden namin, maganda kasi dun eh.
"Tell me something about you and your family," sabi ko pagkaupo sa damuhan.
"Ahmmm, simple lang buhay namin. Apat kaming magkakapatid and ako ang panganay. Janitor si tatay sa isang hotel then si nanay waitress sa Mc Do.... Sapat lang 'yong kinikita nila dahil scholar naman kaming tatlong magkakapatid. Okay lang kahit ganun ang buhay namin masaya naman kami kahit hindi ko nabibili ang mga gusto ko. Okay lang kasi alam kong 'di talaga namin afford ang mga ganun. Kagaya iyong adobo, minsan lang kami nakakain nun. 'Yun lamg," kwento niya sa 'kin. Naaawa ako sa kanila. 'Di ko alam na ganun pala ang buhay nila. Maswerte talaga ako. Tumango-tango ako sa sinabi niya at huminga ng malalim.
"Pahiram nga niyang gitara mo," nakangiti n'yang sabi at kinuha ang gitara sa 'kin. Iniabot ko naman ito sa kanya. Ipinatong niya ito sa kanyang lap.
"Marunong ka n'yan?" tanong ko sa kanya. Sumandal ako sa puno ng mangga dito sa garden.
"Oo naman," nakangiti n'yang sagot. Tumango ako.
"Saan ka natuto? Meron kang gitara?" tanong ko sa kanya. Curious ako eh. Pake n'yo ba? Hahahaha.
"Dun sa kapitbahay namin, tinuruan kasi ako. At baliw ka ba? Alam mo namang mahirap lang kami, paano ako makakabili ng gitara ay ang mahal mahal nito," natatawa n'yang sagot. Oo nga naman. Nagtawanan kami dahil sa sinabi niya.
"Wait lang," sabi ko at pumasok sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang isa ko pang gitara na regalo sa 'kin ni dad nung thirteenth birthday ko. Tutal 'di ko naman na ginagamit dahil meron na akong bago, ibibigay ko na lang ito sa kanya. Hehe. Pagdating ko dun ay naga-stram na s'ya. Marunong nga.
"Scar! Sa 'yo na 'yan. Regalo sa 'kin ni dad nung nagthirteen ako. 'Di ko na ginagamit kaya sa 'yo na lang," nakangiti kong sabi at iniabot sa kanya 'yun. Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala na binibigay ko sa kanya iyong gitara ko.
"Talaga? Akin na 'to. Baka magalit dad mo kasi regalo n'ya ito sa iyo?" tanong n'ya na parang maiiyak na. Ngumiti na lang ako at umiling.
"Oo, sa iyo na. At tsaka 'di 'yun magagalit. Isa pa, gusto ka nga nilang makilala pag-uwi nila," sagot ko naman sa kanya. Nagkausap kasi kami sa Skype kahapon at sinabi ko sa kanila na may bago akong friend sa RBU. Sobrang tuwa nila at mabuti na lang daw ay pumayag sila sa pagiging exchange students ko. Gusto daw nilang makilala si Scar pagkabalik nila sa sunod na buwan.
"Thank you. Alam mo ba na ang tagal ko ng gustong magkameron nito, wala nga lang kaming pambili," nakangiti n'yang sabi habang nakatingin sa gitara at saka ako niyakap. Napangiti na lang ako at niyakap rin siya.
"Tara duet tayo. Marunong ka bang kumanta?" panghahamon ko sa kanya. Nginisian lang niya ako.
"S'yempre, ako pa. Anong song?"
"Ajmm, kung hindi rin lang ikaw," sagot ko. Maganda kasi 'yun eh. Hilig kong kantahin iyon tuwing nandito sina mommy at pinapakanta nila ako.
"Game!" sabi n'ya. Pinangunahan niya ang pag-strum. Magaling talaga siya. May maipagmamalaki. Mabuti at pareho naming hilig ang ganito.
"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa'ting dalawa.
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw."
Magaling nga s'ya. Ramdam sa boses niya ang mensahe ng kanta. Nakapikit siya habang kinakanta ang line niya. Magaling. Pwede siyang maging recording artist.
"Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli.
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sa'ting dalawa."
Nakapikit ko ring kumanta ang line na iyon. Dinadama ko ang mensahe ng bawat salita sa kanta. Iyon kasi ang Turi sa akin nina mommy at daddy. Kung kakanta ka, dapat damhin ang bawat mensahe nito para mailabas mo ang tunay na emosyon ng kanta.
"Bumibitaw dahil 'di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?
Kung 'di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli.
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka....
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung di rin tayo sa huli
(Kaya bang umibig ng iba?)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung di rin tayo sa huli
(Papayagan ba ng puso kong...)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"
"Ang galing mo pala talagang kumanta," puri ko sa kanya. Magaling naman kasi talaga siya. Ngumiti lang siya sa akin at ibinaba ang gitara sa gilid niya. Ganun din ang ginawa ko.
"Ikaw rin naman. Mas magaling ka pa nga sa 'kin eh," sabi naman niya. Nambola pa.
Wala kaming ibang magawa dito sa garden. Kanina pa kami strum lang ng strum. Napangiti ako ng may maisip akong pwede naming gawin. Sure aking magustuhan niya iyon.
"Manood tayo ng movie," pag-aaya ko sa kaniya. Napangiti ma'am siya sa sinabi ko. Sabi ko na nga be eh, magustuhan niya iyon.
"Sige gusto ko 'yun. Titanic panoorin natin, maganda iyon," excited n'yang sabi kaya pumasok na kami sa loob. Tinuro ko sa kanya kung saan nakalagay ang mga cd at ako naman ay pumunta sa kusina para kunin ng maruya at juice na inihanda ni yaya kanina.
SCARLET POV
I'm so happy for having a friend like Crystal. She's so kind. Binigyan pa niya ako ng gitara na alam kung napakamahal niyon. Noong una ko siyang makita, ang seryoso lang ng muka niya. Hindi man lang s'ya nakangiti noon habang nagpapakilala sa amin. Pero kahit ganun there's something on me that want to know her. Kaya naman ako na ang unang kumausap sa kaniya. Nagulat pa nga siya dahil kinausap ko s'ya.
"Nakita m------ayyy baklang pangit," nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko. Sapo ko ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Grabe naman kasi ang babaeng ito.
"Grabe ka Sam. Gusto mo ba akong patayin?" tanong ko habang sapo pa rin ang dibdib ko. Ang lakas pa rin ng kabog nito. Ang gulat ko talaga kasi.
"Sorry, 'di ko alam na magugulatin ka pala," sincere n'yang sabi at nilapag ang tray na naglalaman ng pagkain namin. Hmm. Mukang masarap iyon ah.
"Okay na 'yun, basta huwag mo na uli akong gugulatin. Matitigok ako sa 'yo ng maaga eh," sabi ko at napatawa naman s'ya.
"Nahanap mo na ba?"
"Oo, tsaka paano ba 'to? Nakakamangyan eh," sabi ko habang kinakamot ang ulo ko. Hindi kasi talaga alam kung paano ilalagay ang cd para makanood kami. Ngayon lang naman kasi maglalagay ng ganito dahil doon sa kapitbahay namin ay nanood lang kami.
"Akina nga 'yan. Ganito kasi 'yan oh," sabi n'ya habang pinapakita sa 'kin kung saan ilalagay 'yun. Madali lang pala iyon.
"Ahh okay, ang hirap naman kasi ehh. Iba 'yung nasa kapitbahay namin. Hehe." Napakamot ako sa ulo. Natawa naman siya at naupo na sa sofa. Naupo na rin ako dahil nabuhay naman na lying t.v.
"Tandaan mo na ngayon para sa susunod alam mo na," sabi n'ya na natatawa. Grabe s'ya.
"Para namang lagi ako dito ay," natatawa kong sabi. Pero masaya ko kung lagi akong makakapunta dito. Ang ganda naman kasi ng bahay nila at ang laki pa.
"Of course! Lagi ka talaga dito dahil friend na tayo, 'di ba?" Natouch naman ako sa sinabi niya. Friend na talaga kami. Oh my gosh.
Pinanood namin ang ang Titanic. Pareho naming gusto ang Titanic kaya naman kilig na kilig kami habang nanoood. Hindi namin mapigilan ang umiyak ng matapos ang kwento dahil sa sinapit ni Jack. Tatlong movie pa ang pinanood namin bago maghapon. Nang maghapon naman na ay nagpaalam na ako para umuwi.
"Ahmm okay. Punta ka na lang uli dito para mapanood mo uli, at tsaka punta ko sa inyo next week," nakangiti n'yang sabi.
"Naku! 'Wag na, 'di ka sanay sa mga ganung lugar at tsaka maliit lang bahay namin," tanggi ko sa kanya. Totoo naman eh, buhay mayaman sila kaya 'di sila sanay sa ganung lugar. Marami akong kilala na ganun at malay ko ba kung ganun din siya.
"Huwag kang mag-alala, kaya ko 'yon at tsaka sanay rin naman ako sa bukid dahil tumutulong ako sa lola ko 'pag nandun kami sa probinsya. May farm kasi sila dun," paliwanag naman n'ya. Napakabait talaga n'ya. I'm very thankful that I met her. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Mabuti naman pala at ganun siya.
"Bahala ka. Sige, hapon n alis na ako, baka mag-alala sila sa 'kin," sabi ko at kinuha ang bag ko pati na rin 'yung gitara.
"Salamat dito," sabi ko sabay pakita sa kanya nang guitar.
"Welcome. Basta punta ko sa inyo next week," sabi n'ya at hinatid ako sa gate.
"Sige bye, ingat ka," sabi n'ya at niyakap ko naman s'ya.
"Next week ahh!" sigaw niya pa ng makalayo ako sa kanila.
"Oo na, oo na, kulit mo," natatawa kong sabi at naglakad na pauwi. Ang swerte ko talaga sa kanya. 'Wag kang mag-alala Sam, iingatan ko ang gitara na ito that symbolize our friendship.
Pagkarating ko dun sa gate ng village nila ay pinapirma uli ako nung guard na sa katunayan ay nakaalis na ako dun. Ang higpit talaga. Iba na talaga 'pag mayaman. Someday, ititira ko din ang family ko sa gantong lugar. Naglakad na ako papunta sa bahay namin dahil malapit nga lang dun sa village nila.
"Scarlet, may gitara ka na ah," nakangiting sabi nung kapitbahay namin kung saan madalas kaming nakikinood.
"Ahh ito? Bigay po sa 'kin nung kaibigan ko," nakangiti kong sabi. Napatango lang sa siya at nagtuloy na ako sa bahay namin.
"Oh anak, nandito ka na pala?" sabi ni nanay pagkapasok ko sa bahay namin kaya lumapit ako sa kanila ni tatay at nagmano.
"Nakapagluto na po ba Nay?" tanong ko at nilapag sa sofa ang bag ko at gitara.
"Oo. Maaga kasi kaming nakauwi kaya nagsaing na ako d'yan," sagot naman ni nanay habang nagkakape ganun rin si tatay.
"Ate, ang ganda naman ng gitara mo," sabi ni Samuel habang tinitingnan ang gitara. Dinampot niya iyon at nagstrum.
"Oo nga Ate. Saan galing ito?" nakangti namang sabat ni Stella bunso namin, grade 4 na s'ya. Iyong isa naman ay si Samuel, sunod sa 'kin at grade11 na. Tapos ang isa ay si Smael na grade 9 na.
"Ah 'yan, galing 'yan kay Samantha, 'yong pinuntahan ko kanina," sagot ko sa kanila. Si Smael at wala dito baka nandun sa likod at nag-iigib.
"Ang bait n'ya naman ate. Mayaman ba 'yon?" tanong ni Stella na tumabi sa akin.
"Oo, mabait 'yon at tsaka mayaman sila. Ang laki nga ng bahay nila eh," nakangiti kong sabi. Naalala ko pa rin kung gaano maganda ang bahay nila Sam.
"Talaga ate?" namamaghang tanong ni Samuel. Tumango naman ako.
"Balang araw magpapatayo rin ako ng ganun," nakangiting sabi ni Samuel. Gusto n'ya kasing maging engineer. Wala namang problema doon dahil tutulungan ko siya.
"Ahmm.. Nay, Tay," tawag ko sa kanila. "Gusto daw pong pumunta dito ni Sam next week," sabi ko sa kanila.
"Sige, ipagluluto ko s'ya ng pansit. Magdi-day off kasi ako dahil iintindihin ko ang mga papeles para sa lupa ng lolo mo dun sa kabilang bayan," sabi naman ni nanay. Mabuti naman kung ganun.
"Sige po. Palit lang po ako," sabi ko at kinuha na ang bag ko pati na ang gitara.
"Ate, kantahan mo kami mamaya gamit 'yang gitara mo ha," hiling ni Smael.
"Sige, tapos kakanta rin si Samuel," sabi ko at pumasok na sa kwarto ko. Nilapag ko sa kama ang gitara at kinuha ang pampalit kung damit. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas na ako at kumanta si Samuel habang ako naman ay naggigitara. Namana namin ni Samuel kay Nanay ang pagkanta samantalang si Smael naman ay magaling gumuhit na namana kay tatay at si Stella ay marunong sumayaw at 'di ko alam kung kanino n'ya namana iyon, pero sabi ni nanay iyong lola n'ya daw ay magaling sumayaw. Baka doon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng binigay talaga ni Sam sa akin ang gitara niya.
Napakabait niya talaga.

Comentário do Livro (53)

  • avatar
    DonettoAntimo

    jgiugbn

    9d

      0
  • avatar
    Genbert Paez

    iam so very happy to study HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA to get well soon saemoha itoy ug happy birthday ya know I have to go to the bank and then I heard you have her number and I will be there in about in it and then send daw nag chat mo to st Louis from san miguel sauna toh nag tinga a little while doin' that I can get over the next few months now I think I need a ride to work with you on this environmental services and im still have her phone number and I'll send em a good time to call you a

    15/08

      1
  • avatar
    BelasMerrylyn

    ang ganda ng story 😊😊🥰

    08/07

      1
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes