logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 2 SLUM PRINCE

Umibis ang batang babaeng si Rana sa sasakyan at ang Mommy nitong si Sylvi. Bumungad agad sa kanila ang ilang mga pinagtagpi-tagping maliliit na mga kabahayan. Mga maiingay na batang naglalaro sa gilid ng putikan. Madudungis ang mga mukha ng mga bata ngunit masasalamin ang totoong ngiti sa mga labi ng mga ito.
Ang tuluyang nakahagip ng atensyon niya ay ang isang batang lalaking tila kaedaran niya lamang. Masaya itong nakikipaglaro sa iba pang mga bata. Sa tuwing napapangiti ito ay mas nadadagdagan ang kagustuhan niyang sumali. Para kasing sobrang saya talaga ng nilalaro ng mga ito.
Humigpit ang pagkapit niya sa ina nang lingunin siya nito.
"Mom, can I join them? Mukhang ang saya-saya po kasi nila!"aniya sa namimilog na mga mata.
"But Rana, we are here to visit Mang Caloy,"anang ina niya na tila nagpapaalala.
Ngumuso siya na tila ayaw padaig na ina. Pasimple niyang ikinikiskis ang dalawang magkabilaang palad upang maitago ang frustration.
"Can I atleast consume a bit of the time, mommy? Mabilis lang po talaga, promise!"
Parang nangangakong itinaas pa niya ang isang kamay. Bagama't hindi pa rin kumbinsido ay tinawag ng Mommy Sylvi niya ang driver nila na nasa gilid lang ng kotse sa may di kalayuan. Nakita niyang pinaalalahanan pa ng mommy niya ang lalaki.
"Watch my daughter closely and don't let her out of your sight," matigas na sabi ng ina niya bago siya nito nginitian saka pumasok sa makipot na kalsada patungo sa bahay nina Mang Caloy.
Para namang sinisilihan ang pwet na lumapit ang batang si Rana sa mga madudungis na paslit.
"Hello everyone! Can I join? Mukhang nagkakasayahan kayo dito ha?"aniya sa palakaibigang tono.
Gulat na nagpapalipat-lipat ng tingin ang ilang bata sa gawi niya. Bakas sa mga ito ang pagkamangha nang makita siyang lumapit. Kanina pa ito napapansin ng mga bata ngunit takot ang mga itong lumapit man lang dahil sa kalidad ng makakaharap nila.
"Diba ikaw iyong palaging bumibisita kay Mang Caloy?"anang isang batang babae na may gula-gulanit na kamiseta. Wala itong sapin sa paa.
Tumango siya. Bago muling napatitig sa nilalaruan ng mga bata kanina.
"What is that called?"aniya at itinuro ang hugis krus na pinagtagpi-tagping mga box na may iilang batang naglalaro.
Tulad ng naunang Englis na tanong ay wala parin siyang nakuhang sagot sa mga bata. Tila pinapanood nalang ng mga ito kung ano ang susunod na magiging hakbang niya o ang susunod na lalabas sa mga labi niya.
Sinuyod niya ang grupo ng mga bata. Wala na roon ang batang lalaki na nakakuha agad ng atensyon niya. Pero ipinagpatuloy niya parin ang pagkausap sa mga bata.
"Pwede ba akong sumali sa laro ninyo?"aniya sa mapagkumbabang tono.
Magsasalita na sana ang iba pang batang naroon sa galak at pagsang-ayon nang pumailanlang ang isang malamig na boses ng kung sino.
"No,"malakas na anito na para bang isang kasalanan ang paglapit niya upang sumali.
Napalingon siya sa bagong dating. At halos mapanganga siya nang masilayang muli ang batang lalaking nakakuha sa atensyon niya kani-kanina lang.
Sulyap lang ipinukol nito sa kaniya bago bumalik muli ang paningin sa mga naglalaro.
"But why?"iyon agad ang tila mangiyak-ngiyak niyang tanong.
Sa tanang buhay niya, hindi pa siya kailanman nagkaroon ng pagkakataong ma-reject ng kahit sino. Spoiled siya sa halos lahat ng bagay pero hindi naman siya nagsobra para mapagbawalan. Kumbaga ibinibigay sa kaniya ng ina ang nais niya ayon lang din sa kung ano ang mas makabubuti sa kaniya.
"I don't want you here. Unang tingin ko pa lang sa postura mo, mukhang konting galos lang ay iiyak ka na,"tugon nito.
"Try me. I might look weak but I'm never fragile,"aniya sa matigas na tono.
Tinitigan siya ng batang lalaki mula ulo hanggang paa. Nainsulto siya sa tila pangmamata nito sa kaniya. Porke ba magkaiba sila ng estado ay hindi na niya kayang sumali sa mga ito?
"I just want to play,"aniya sa nagsusumamong boses.
Pero muli siyang tiningnan ng batang lalaki na puno ng disgusto ang mukha. Nasasalamin niya ang intensidad sa abuhing mga mata nito.
"No baby girl, you're not here to play. You certainly wanted to prove something for yourself."
Tumaas ang dugo niya sa tila pagpapasaring ng bata. Tila ba may gusto itong ipakahulugan sa ipinunta niya roon.
Tinuro niya ang batang lalaki nang may pigil-pigil na emosyon. She exaggeratedly crinkled her nose. At tiningnan ng nakamamatay na tingin ang supladong bata.
"And what will I get with this stupid game? Do you seriously think it boast my pride joining all of you here?!"asik niya sa batang lalaki.
He just snorted in return and his lips rose into a smirk.
"It came out from your lips already. This game is stupid so why join?"anang bata at tiningnan siya ulit nang nang-iinsulto.
Bitbit ang sugatang pride at panghihinayang ay nagmartsa siya pabalik sa sasakyan. She stoop too low to seriously beg to the Prince of the Slum.
'Prince of stupid games!'she chanted in her mind.

Comentário do Livro (82)

  • avatar
    Jay M Pineda

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Jecker Lama

    ganda

    21/08

      0
  • avatar
    Kevin Sibucao

    JUSTIN

    13/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes