"Mommy, I can't, I can't accept that he's married to someone and that someone is my best friend," My mother stroked her fingers to my hair because I am crying too much, after I saw that, I had already gone back here to our company. "Shh, you deserve someone better," she said. I shook my head, I don't deserve someone better because he's the one who's better for me, I don't need anyone to be better for me, he's all I need! "What's happening here?!" my father shouted. I quickly wiped my tears, for sure daddy will get mad if he knows that I'm crying over my ex-fiancé. "Sinong nagpaiyak sa 'yo?!" he shouted. I shook my head, patuloy pa rin sa pagpahid ng mga luha ko. Ayokong malaman ni daddy na si Ace ang may kasalan nito, knowing daddy, hindi niya hahayaang umiyak lang ako rito dahil sa isang lalaki. Ang sakit lang kasi, he promised to me but he didn't do his promised, sa iba siya nagpakasal, sa iba niya tinupad ang pangako niya. "N-Nothing daddy, medyo stress lang ako rito sa company but I can handle myself naman po." I assured him. "Then why your mommy is here too?" he asked. "U-Uh, I call Mommy to come here, I need her! Yes, I need her!" i answer. "Okay? You can take a rest, Amelia Fern, magpahinga ka muna bago ka bumalik sa trabaho." he offered. "You think dad? How about the dilemma here? Kaya niyo ba ni mommy?" I asked. Our company is in crisis right now, we need to solve this problem right away soon, kapag hindi agad ito naresolba, maaaring maghirap or maibenta namin itong kompanya. "We can do this, princess, now go to our house and take some rest, you need that." he said. I nodded, sumang-ayon nalang ako dahil baka maging mas problemado pa itong kompanya namin kesa sa akin, ayaw ko naman na ako ang maging dahilan kung bakit masisira ang kompanya namin. "Mommy, Daddy, I'll go home na po." i weakly said. They kissed my cheek and nodded, I get my key, pagkalabas ko ng kompanya ay may nakita akong hindi ko dapat nakita, it's Ace, my ex-fiancé. "Mel!" he shouted when he saw me. Mabilisan akong tumakbo papuntang kotse ko, hindi ko pa siya kayang harapin ngayon, sariwa pa lahat ng kagagawan niya sa akin. "Amelia! Please talk to me!" he shouted. I didn't give him a glance, alam kong bibigay agad ako kapag binigyan ko siya nang pagkakataong kausapin ako, baka mapatawad ko siya. Okay lang naman sa 'kin na mapatawad siya pero hindi okay sa akin ang paglilihim niya, akalain mo yun? Pumunta ako sa kanila kanina ta's I saw him, walking happily with his family. Hindi ko siya pinakinggan at agad na pinaharurot ang kotse pauwi, tangina galit ako sa kaniya, sobrang galit na galit ako pati sa sarili ko kasi hinayaan kong lokohin n'ya ako, hinayaan ko ang sarili kong magtiwala at maniwala sa mga mabubulaklak niyang salita. Umiiyak akong nag-drive, hindi ko alam kung anong nasa isip ko at do'n ako dumiretso sa parke kung saan kami unang nagkita. "Ang daya mo." umiiyak na sabi ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko, naramdaman ko na naman ang sakit no'ng makita ko silang masaya kahapon. "B-Bakit best friend ko pa?" tanong ko ulit at tumingala upang pigilin ang mga luhang nag-uunahan sa pag-agos. "Chandria, kaibigan mo ako, e." Chandria is my ex-fiancé crush, my best friend, my partner in crime, siya lang ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko, siya rin ang unang naka-alam ng relasyon namin ni Ace, hindi nga ako sinabihan o chinat man lang na uuwi na siya. "T*ngina naman, e. Kasama kita sa lahat, kasama kita umiyak, kasama at taga-gising kita, e, tagapag-luto kita, b-bakit naman gano'n, Ace?" humagulhol ako. Ilang minuto pa akong parang t*ngang kinakausap ang sarili bago napagdisesyunang bumili muna ng inumin, nakaka-uhaw umiyak nang umiyak dito. "Here," Gulat na tumingin ako sa nagmamay-ari ng kamay at isang drinking bottle na iyon. "Kuhanin mo na, wala naman 'yang lason, atsaka hindi naman kita lalasunin." he said and chuckled. Napatitig ako ng ilang minuto sa kaniya, hindi ko pa rin kinukuha ang tubig sa bote na hawak niya. "Miss, hindi kita lalasunin, hindi naman ako masamang tao atsaka kung inaakala mong lalasunin kita para ma-alam mo na, manakawan, ganoon, nako Miss! Inosente ako!" biro niya. I had urge to laugh when he say that thing, how he can be cute at this time? "T-Thank you," I uttered. "Wala 'yon Miss! Saka oo nga pala, anong pangalan mo? Atsaka sino 'yong kausap mo kanina?" he asked, confused. I shyly shook my head, nakakahiya naman! Nakita niya akong parang tanga na kinakausap ang sarili ko! "W-Wala," nautal kong sabi, nahihiya. "By the way, I am Amelia Fern Juarez, you?" I smiled. "Captain Kaiden Lee Del Vega!" sabi niya at itinaas ang kamay. "Are you a pilot?!" gulat kong tanong. "Hindi, lawyer ako, e, nanood kasi ako ng cash landing on you kanina sa eat bulaga, gusto mo sali tayo ro'n? Ikaw cash army ko, malaking pera mapapanalunan do'n! Kuha lang tayo ng mga bagay na kailangan!" pagkukwento n'ya. I laughed, he's like a comedy actor, hindi nga halatang abogado siya dahil karamihan ng kilala kong abogado ay mga seryoso. "Totoo yung sinasabi ko! M*matay man yung chismosa naming kapit-bahay!" sabi niya at tumango tango pa. I laughed again, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nangyayari sa akin, I should be broken hearted now but instead I was laughing on the boy who I just met now. "Okay ka na ba?" sabi niya. I nodded, medyo okay na naman ako pero masakit pa rin, masakit pa rin dahil ikakasal na kami no'n, e, ikakasal na dapat kami ngayong bumlik siya, naghahanda na sana kami ngayon, e. "Thank you, huh, Captain Kaiden," I said and smiled at him. "Ano ka ba, wala 'yon, libre mo lang ako, okay na!" tila wala lang na sabi niya. Tumayo ako. "Teka, Ate, sa'n ka pupunta?!" nagtatakang tanong niya. "You want a libre, right?" nakangiting tanong ko. "Hala, Ate, ito naman hindi mabiro, tara na nga." sabi niya at hinitak ako. Natawa nalang ako at nagpatianod sa kaniya, pumunta kami sa malapit na convineince store. "Thank you, Ate, huh?" sabi niya habang kumakain. "No problem but can you stop calling me Ate?" I asked. "Luh, bakit po ate—este bakit?" tanong niya. "I'm not that old." sabi ko at tumawa. "Nge, ilang taon ka na po ba?" he asked. "25, ikaw ba?" nakangiting tanong ko. "17 lang po ako." parang wala lang na sabi niya at kumain ulit. "Weh?" hindi convinced na tanong ko. "Joke lang po, twenty-eight na ako, hehe." sabi niya at nag-peace sign. Kumain kami nang kumain hanggang sa mapagdesisyunan na naming umalis, tuwang tuwa naman si Kaiden dahil libre raw. Hindi ko rin inaasahan na siya ang babago nang pagmamahal na akala ko kay Ace lang iikot, hindi lang pala dahil siya ang nagparamdam sa akin. Noong araw rin palang iyon, mababago ang buhay ko ng hindi ko alam.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
napakaganda Po Ng story 👏👏👏👏
09/09/2024
0ganda ng estrya
09/09/2024
0nice
02/09/2024
0Ver Todos