logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Chapter 4: Sa Labi ng Liwayway
Hindi ko alam kung saan na kami pupunta ngayon. Nagrereklamo na ang mga anaconda kong alaga sa loob ng tiyan ko at sigurado akong gutom na gutom na ang mga 'yon. Sino ba namang hindi magugutom kapag nakaamoy ng gano'n kabangong pagkain sa kusina! Tapos hindi pa ako pinagbigyan ni Hada Naya na makakain man lang kahit kaunti.
Ayaw na ayaw pa naman ni Daddy na nalilipasan ako ng gutom!
Dumiretso kami sa tinatahak na pasilyo. Totoongang naghahanda na ang lahat sa isang celebration or whatever na nagaganap dito dahil abalang-abala sila sa pag-aayos ng mga kurtina, ilaw, dekorasyon at iba pa sa kabuuan ng palasyo.
Bakas na bakas sa mukha kong hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Sobrang ganda ng Palasyo ng Ivalon. Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit?
Bakit ako naririto? Ano bang dapat kong gawin dito? Paano ako mabubuhay rito? Saan ako lulugar at magtitiwala?
Katulad ba 'to ng mga napapanood ko sa Kdrama na bumabalik sa nakaraan dahil may misyon na kailangang gawin? Or, nareincarnate ako dahil ito talaga ang past life ko? Nananaginip lang kaya ako? Lucid dreaming? O baka naman.... langit na 'to? Patay na kaya ako?
"Ligaya, makinig kang mabuti." Hinarap ako ni Hada Naya na nakasiklop ang mga kamay sa isa't isa at seryosong nakatingin sa akin. "Nasa hardin ang Prinsesa, gusto kong mag-ingat ka sa bawat kilos mo at bawat salitang lalabas sa iyong bibig. Hangga't maaari ay huwag ka na lamang magsalita liban nalang kung magtatanong ang Prinsesa. Ligaya, umayos ka."
Dahan-dahan akong tumango bago na kami naglakad papunta sa isang malaking pintuan kung saan nakaabang sa magkabilaan ang dalawang mga guwardiya. Tinanguan lang sila ni Hada Naya saka na kami pinagbuksan.
Oh my gosh...
Agad na isinara ang pintuan nang makapasok kami. Bumungad sa akin ang napakaraming mga paru-paro, iba't ibang kulay, na lumilipad sa paligid ko. Hahampasin ko sana ngunit masyado akong namamangha at wala na akong oras na pagsungitan ang mga paru-parong iyon.
Napakaraming mga halaman at bulaklak. Para itong secret garden sa mga palabas!
"Maliban sa silid-aklatan, madalas na naririto ang Prinsesa. Sundan mo ako upang maipakilala na kita sakaniya." Ani Hada Naya.
Sumunod ako sakaniya at umikot sa isang napakalaking bulaklak sa isang vase at doon na sumalubong sa amin ang isang napakagandang babae.
Tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nang magtama ang mga mata namin ay bigla akong nakaramdam ng kirot. Bigla kong naramdaman ang isang sakit sa dibdib ko na hindi ko alam kung saan nagmumula at kung bakit nito binabagabag ang sistema ko dahil lang sa nagtama ang mga mata namin.
Yumuko si Hada Naya sa Prinsesa at tumingin sa akin.
"Siya ang prinsesa, ang nag-iisang anak ni Don Rajan. Ang tagapag-mana ng trono, ang kinabukasan ng Ivalon. Siya si Liwayway..."
Liwayway...
"Bakit? Naging mabuti ako sayo! Akala ko ay tapat ka sa akin! Pero bakit? Paano mo nagawa sa akin ito? Ipaliwanag mo! Paano?!"
"M-Makinig ka sa akin... hindi ko sinasadya... Patawarin mo ako, sinubukan kong pigilan pero—"
"Manahimik ka! Ayoko nang makinig sa mga sinasabi mo! Wala na akong tiwala sayo at simula ngayon... simula ngayon ay hinding-hindi na kita pagkakatiwalaan. Pagbabayaran mo ang kasalanang nagawa mo sa akin! Taksil!"
"N-Nakikiusap ako sayo..."
"Ikulong ang babaeng 'yan!"
"P-Prinsesa Liwayway... ikinagagalak kong makilala ka..." Malawak akong ngumiti na sinundan din ng pagyuko bilang pagbibigay galang sa Prinsesa.
Sobrang ganda niya. Maamo ang kaniyang mukha, mahaba ang kumikinang na buhok, maninipis at mapupulang labi, magandang kilay at pilik-mata, at balingkinitang katawan. Para siyang... para siyang dyosa ng kagandahan!
Mas pretty pa rin ako...
"Ano ang pangalan mo?" Sabi ng isang napakalambing at mahinahon na boses ng Prinsesa.
"Ako si Ligaya,"
Ngumiti ang Prinsesa sa akin at sa hindi inaasahan ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ganoon din ako, Ligaya."
Muli kaming nagkatinginan ni Prinsesa Liwayway. Pero sa pagkakataong ito ay mas malapit na ang kaniyang mukha sa akin. At mukhang inoobserbahan din niya ang kabuuan ng aking mukha.
"Galing ka ba talaga sa Masbate? Napakakinis ng iyon mukha at mukhang naalagaan ang iyong balat ng mabuti. Maputi ka at mestisa. Aakalain kong galing ka sa isang angkan ng mga Partian."
P-Partian?
"Pareho kaming nagmula ng pamangkin ko sa angkan ng mga Alipin sa Masbate, Prinsesa Liwayway." Sumingit si Hada Naya at mahigpit na hinawakan din ang kamay ko upang bawiin sa Prinsesa.
Muling ipinakita ni Liwayway ang ngiti niya sa akin sabay tingin din kay Hada Naya.
"Maaari mo ba kaming iwan muna sandali, Punong Hada?" Hiling pa ng Prinsesa at itinuro ang upuan na katapat ng kaninang kinauupuan niya.
Gusto niya ba akong makausap? What the hell?
Makahulugan ang pinakatitigan ni Hada Naya bago na ito umalis. May kakaiba sa titig niyang iyon. Parang nagpapahiwatig na kailangan kong mag-ingat.
Nang kaming dalawa nalang ng prinsesa ay pinaupo niya ako at inabutan ng isang tsaa. Katabi niyon ang isang platito na hindi ko alam kung paraan saan.
H-How? Should I drink it or not?
"B-Busog pa ako---I mean, shit, ang ibig kong sabihin... hindi ako mahilig sa tea---tsaa."
Tama! I think, that's the right thing to do! Kapag hindi mo alam ang gagawin, umayaw ka nalang. Dang, you're cool Marga! Keep going...
"Ngayon lang kita nakita, ngayon ko lang din napag-alaman na may kamag-anak pa pala ang Punong Hada," pag-uumpisa niya. "Gusto kitang tanungin, Ligaya. Nais mo bang maging Hada ko?"
W-What?
"Prinsesa Liwayway, pinapatawag na kayo sa silid-tanggapan ng Don Rajan."
Pinutol ng isang babaeng mukhang may mataas na posisyon ang pag-uusap namin ng Prinsesa. Sa mukha ng babae ay mukhang malapit sila ng prinsesa. Seryoso ang boses niya at hindi man lang ako binalingan ng tingin. Punong-puno ng kasungitan ang mukha niya dahila na rin para tumaas ang kilay ko. Hindi na bale, mas matangkad naman ako sakaniya.
"Sarisa," napatayo si Liwayway. "Kasama niya ba ang aking Ina?"
"Oo, Prinsesa Liwayway."
Sarisa? Wtf, her name sucks!
"Kung ganoon, kailangan ko nang mauna. Ligaya, maghihintay ako sa iyon kasagutan." Muli niyang hinawakan ang kamay ko bago na dali-daling sumunod kay Sarisa paalis ng Hardin.
Naiwan ako mahinang tumatawa sa gilid habang iniisip ang pangalan ng pilingerang babaeng 'yon. Sarisa, pfft.
"Ligaya, anong pinag-usapan niyo ng Prinsesa? Sabihin mo sa akin, anong sinabi niya sayo?" Sunod-sunod na tanong ni Hada Naya sabay tingin sa buong katawan ko.
"T-Tinanong niya lang ako kung gusto ko raw ba maging Hada niya?"
"Hindi, hindi pwede. Mananatili ka sa pangangalaga ko, Ligaya." Umiling-iling si Hada Naya habang hinihila na rin ako papaalis ng lugar na iyon. "Tutungo na tayo sa silid ng mga Hada."
"Teka, sino nga pala 'yung babaeng pumasok? 'Yung Sarisa?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"Siya ang tagapayo ng Prinsesa Liwayway. Nawala sa pangangalaga ko ang Prinsesa nang mag-labing walong taong gulang na ito. At nagkaroon na ng sariling tagapayo para sa paghahanda niya bilang susunod na mamumuno sa buong Sigana."
"S-Sigana?" Takang tanong ko.
"Ang lupang kinalalagyan mo ngayon ay bahagi ng Sigana. Napakarami mong tanong, bilisan mo nang maglakad at kailangan na nating bumalik sa Quadra."
Sigana? Sa Sigana, nakatayo ang Bayan ng Ivalon at palasyo nito.
Ngayong nakilala ko na si Liwayway, ang Prinsesa ng Ivalon. Ngayon naman, kailangan ko nang malaman kung bakit ba talaga ako naririto.
Ano ang purpose ko sa mundong 'to? Bakit ako nawawala at bigla na lamang napunta sa kakaibang lugar na 'to?
Pumasok kami sa isang pintuan na nakalagay ang sulat na QUADRA. Marahil ay ang pintuan na ito ang magdadala patungo sa silid ng mga Hada ng palasyo.
At totoo nga. Napakaraming pintuan, dire-diretso. Kapag liliko kay ay may mga pintuan pa rin. Maaliwalas ang paligid at walang ingay na maririnig galing sa mga Hadang sumasalubong sa amin. Ang iba ay ngumingiti sa akin, at ang iba naman ay tumataas ang kilay. Naiintindihan ko iyon dahil alam kong bago lang ako sa kanilang paningin. At gano'n din ako. Lahat nang nakikita ko ngayon ay kakaiba.
"Nasa ikalawang palapag ang silid ko. At simula ngayon ay roon kana rin matutulog." Si Hada Naya habang umaakyat na kami ng hagdan.
At sa palapag na iyon ay may tatlong lamang na pintuan. Mukhang inihiwalay nga ito para sa may mga posisyon.
"Iyan ang silid ng punong kusinero, ito naman ang silid ng punong tagapayo at ang aking silid."
Nasa pinakahuling pintuan ang silid ng Punong Hada. At doon kami pumasok.
Katam-taman lang ang laki nito. Mukhang kasya pa nga ang limang tao sa silid na ito kumpara sa nakita kong mga silid ng ibang Hada sa baba. Ang swerte ko naman.
"Nakahanda na ba talaga ang isang kama na ito para sa akin? Ang bait mo naman!" Kinikilig kong wika sabay upo sa napakalambot na kamang katabi lamang ng malaking bintana.
"Hindi. Matagal nang nariyan ang kamang 'yan, masyado kang asyumera."
Oh, god...
Did she just... did she just... did she just... did she just... did she just...
"A-Asyumera? H-How... don't tell me galing ka rin sa mundo ko?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sabay yakap ng mahigpit sakaniya at nagtatalon. "Oh my god! Bakit hindi mo sinabi agad?!"
Pero nagulat ako nang itulak lang ako ni Hada Naya papalayo.
"Baliw ka na ba?"
"E paano mo nalaman 'yung word na Asyumera? I mean, hindi ba pwedeng masyado kang... pilingera or masyado kang umaasa? Gano'n? E bakit kailangan mo pang sabihin na Asyumera! What the heck!"
"Manahimik ka nga, Ligaya. Napakaingay mong bata. At saka, ano naman ngayon kung alam ko ang salitang 'yon? Narinig ko lang 'yon sa mga Hada na nag-uusap."
Mga Hadang nag-uusap?
Uso na ba ang term na 'yon sa panahon na 'to? Ugh!
Pinanood ko nalang na maglabas si Hada Naya ng mga damit sa isang aparador. Inihahagis niya iyon sa kama ko hanggang sa matabunan na ako.
"Si Magda ang may-ari ng mga damit na iyan. Natapos na ang mahigit dalawampung taon na paninilbihan niya sa palasyo dahil hinayaan na siyang umalis ni Don Rajan. Buntis si Magda at magkakaroon na sila ng isa pang anak, napilitan si Magda na iwan ang panganay niyang anak na babae sa masbate dahil na rin para mabuhay niya ito. Kailangan niyang magtrabaho. Bumalik na siya sa Masbate kasama ang asawa niyang galing din sa mga sundalo ng Don." Litanya ni Hada Naya.
"Magda? Galing din sa Masbate?"
"Oo, malapit lang ang bahay namin sa kanila," nagpatuloy siya sa pagkukwento. "Ang mga babaeng walang trabaho o mga babaeng nagmumula sa mga Alipin ay nabibigyan ng pagkakataon para manilbihan sa palasyo, o maging Hada. Mataas ang mga ibinibigay na pilak ni Don Rajan, para sa mga iba, ang pagtatrabaho sa palasyo ang pinakamabisang paraan para mabuhay."
"Alipin? Galing tayo sa mga taong tinatawag na alipin?"
"Oo, Ligaya. Napasok ako sa pagiging Hada dahil sa tulong ng isang may mataas na katungkulan. Alipin ako ng mga Partian noon, at kung hindi dahil sakaniya ay baka habang-buhay na akong magiging Alipin." Ngumisi si Hada Naya. "Ang mga Partian, mga taong galing sa mga mayayamang pamilya at may koneksyon sa mga noble."
Napatitig ako kay Hada Naya.
Hindi ko alam na sa likod ng maganda at seryoso niyang mukha ay nagin alipin siya ng mga Partian. Pero mabuti nalang talaga at may tumulong sakaniya.
"Pero sana, 'wag mong gayahin ang pagkakamali ko noon, Ligaya." Humina ang boses ni Hada Naya nang sabihin niya iyon. "Nagtiwala ako sa isang tao na akala ko ay magiging tapat sa akin. Pero sa huli, siya rin pala ang sisira sa buhay at pangarap ko. Wala rin akong nagawa kundi ang tanggapin nalang ang nangyari."
N-Nainlove ba siya?
"Sa lugar na 'to, tandaang mong ikaw at ikaw lang din ang tutulong sa sarili mo. Wala kang ibang pwedeng pagkatiwalaan maliban sa iyong sarili. Dahil lahat ng tao, pwedeng-pwede kang linlangin. At lahat ng bagay ay pwedeng mawala sa tunay na nagmamay-ari nito."

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Jellian Espirida

    Not bad

    02/08

      0
  • avatar
    Alhasan Pandaog

    hahahw

    24/07

      0
  • avatar
    Aian Chris Uban

    oklang

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes