logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 3

Chapter 3: Sa Kakaibang Mundo
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay hinahabol ako ng mga halimaw! My goodness, sino ba 'yang matandang 'yan?!
Nakaupo pa rin ako sa lapag, nakaturo sa akin ang mga palaso habang ang matandang lalaki sa aking harapan ay naniningkit ang mga mata sa akin.
"Ligaya? Hindi ko alam na may pamilya ka pala sa Masbate, Punong Hada."
Tumango si Naya, "Patawad kung hindi ko ito nasabi sa inyo. Ang totoo niyan ay si Ligaya na lamang ang natitira kong kamag-anak, sakaniya ako nagpapadala ng mga pilak sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag-lagas."
Napako ang tingin ko kay Naya nang lumuhod siya sa harap nung matandang lalaki at kasunod niya ay si Elias na bakas ang takot sa mga mata habang tumatabi kay Naya. Oh my god, hindi ko naiintindihan ang nangyayari!
Bumalik sa akin ang tingin ng matanda pagkatapos ay ngumiti sa akin. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon.
"Anong balak mo sakaniya?" 'Yung matandang lalaki.
"H-Hindi ko pa po alam, Don Rajan..."
Wait, what? Don Rajan?
Ibig sabihin ba no'n ay mataas na tao ang kaharap ko ngayon? Kapitan ba siya rito? Governor? Mayor?
"Ipasok mo siya sa palasyo."
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Naya. "Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
"Maaari mo siyang sanayin upang maging ganap na Hada." Malawak na ngumiti si Don Rajan sa amin bago na ito naglakad papasok ng napakalaking tarangkahan.
Hinintay naming makaalis nang tuluyan ang Don bago inalalayan ni Elias si Naya patayo. Agad silang tumakbo sa akin at tumawa.
"Mukhang magaan sayo ang loob ni Don Rajan, Ligaya! Napakaswerte mo!" Wika ni Elias.
"Ha? Anong swerte roon? At saka, ano ba 'yong Hada? Anong palasyo? Sino ba siya?" Sunod-sunod kong tanong, naguguluhan.
Nagbukas ang mas maliit na tarangkahan para sa amin, iginaya ako ni Naya papasok doon hanggang sa tuluyan na nga kaming makapasok sa isang napakagandang lugar na mala-Disney Land. For real?!
Parang 'yung bangungot ko kanina... ay unti-unti nang nagiging paradise! I can't believe, this is really happening!
"Ito ang Palasyo ni Don Rajan, ang Hari ng Ivalon," Paliwanag ni Naya. "Hada ang tawag sa mga kababaihang naninilbihan sa loob ng palasyo. At ako ang namumuno sa mga Hada, ako ang Punong Hada ng palasyo."
Hindi ako makapaniwala. Sobrang kakaiba sa pakiramdam. Parang may something... Parang ang weird!
Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi na ako nakapagsalita pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may mga nakasalubong kaming iba pang mga grupo ng kababaihan na pareho lamang ang suot sa kulay ng telang hawak ko ngayon. Ang sabi ni Naya kanina sa akin ay ganitong tela ang karaniwang suot ng mga Hada. Baka mga Hada ang mga iyon. Nagbibigay-galang ang mga nadadaanan namin sa tuwing makikita nila si Naya. Mukhang mataas nga ang katungkulan niya rito sa palasyo.
"Elias, kailangan ng mga kusinero ang tulong mo." Anang isang lalaki na nakasuot ng unipormeng pang-sundalo.
Nalaman ko na agad na sundalo siya dahil sa suot niyang sumbrero at ang nakasabit na baril sakaniyang balikat. Nagpadagdag pa pala iyon sa mga katanungan ko. Simula kasi nung pumasok kami ng palasyo ay kaliwa't kanan na ang mga sundalo. Hindi ko alam kung anong mayroon.
"Punong Hada, mauuna na ako." Paalam ni Elias at pasimple pang kumindat kay Naya.
Napangiwi ako sa kajejehan ni Elias at bumuntong-hininga nalang.
"Sa nakikita mo ngayon, abala ang lahat dahil bukas na ang kaarawan ng Hari. Pasensya na, Ligaya. Ngunit mukhang mapapasabak ka agad sa giyera sa unang araw mo bilang isa sa mga Hada ng palasyo." Ngisi ni Naya bago na nagpatuloy sa paglalakad.
Oh my goodness! Is she serious?!
Gagawin talaga nila akong yaya sa palasyo na 'to? Wow! All my life, I've never been treated like this before! From CEO's daughter to a freaking Hada? What the hell is wrong with these people!
"Opo, Punong Hada."
What the?
Wait, I wasn't supposed to say that! Did I just spoke without me knowing that I really said it? Hindi ako ang nagsabi no'n! Ewan... bigla nalang lumabas sa bibig ko. Anong nangyayari sa 'kin?
"Whoah, this is pretty cool ha!" Papuri ko nang marating na namin ang main hall ng palasyo. I actually don't know how they call it but this is really amazing.
"Ito ang malawak na bulwagan ng palasyo. Sa parteng ito ng palasyo gaganapin ang selebrasyon sa kaarawan ng Hari bukas."
I sarcastically laughed, "So, itu-tour mo ako ngayon? I mean, ilalakbay? Ilalakad? Uh, shit. What do you call that..."
"Ililibot kita sa palasyo." Seryosong saad ni Naya. "Iyon ba ang ibig mong sabihin?"
"Oh, ahm yes... Ililibot..." Dahan-dahan akong tumango at napapahiyang sumunod nalang kay Naya.
It's very very hard to explain kung anong nararamdaman ko ngayon! Namamangha na naguguluhan na excited at masaya! This is very strange to me but I'm always excited to explore things out!
Susulitin ko na hangga't hindi pa ako nagigising sa panaginip na 'to.
"Malawak ang palasyo na 'to. Pero sigurado naman akong madali mong matututunan ang mga ituturo ko sayo ngayon." Si Naya habang isinusuot na sa akin ang isang bistidang kagaya ng mga Hadang nadadaanan namin. "Mahigpit si Don Rajan pagdating sa kaniyang pamilya. Kaya hangga't maaari ay huwag na huwag kang makikisali sa mga usaping maririnig mo sa bawat sulok ng palasyo. Bukas ang tainga ngunit sarado ang bibig, itatak mo 'yan sa iyong isipan."
Nang tuluyan nang nailusot na ni Naya ang huling butones sa suot ko ay lumabas na kami ng... powder room? Uh, hindi ko na naman alam ang tawag doon!
"Panganay si Don Rajan sa labing-tatlong magkakapatid na anak ng namayapang si Don Rakal. Namatay ang sampu niyang kapatid at tatlo na lamang silang natitira sa palasyo. Sa pamumuno ni Don Rajan, mas napalawak pa ang lupain ng Ivalon. Ang mga natirang buhay na kapatid niya ay sina Don Radon na may malubhang sakit at ang bunsong si Don Rakim..."
Biglang napahinto sa pagkukwento si Naya nang mabanggit niya ang pangalan ng bunsong kapatid ng Hari. Anong mayroon kay Don Rakim?
"S-Si Don Rakim, lagi siyang wala rito. Kung wala naman sa Danum ay marahil naglalakbay na naman." Napapunas sa noo si Naya bago kami lumiko ng pasilyo. Tumambad sa amin ang naglalakihang mga paintings na nakasabit sa nagtataasang pader. "Ito ang silid-tanggapan ng mga panauhin. Makikita mo ang tatlong mga obra maestrang iyan..."
"Si Don Rajan," Turo ko sa matandang nasa gitna. "Si Don Radon," Patungkol ko naman sa pinakapayat sa tatlo. "At si Don Rakim?" Nanlaki pa ang mga mata ko. Gosh, I didn't know na gwapo pala itong si Don Rakim. Hah! Kaya naman pala mukhang may something kay Naya habang nagkukwento tungkol dito. Hmm...
Pero matanda na si Don Rakim! Imposible naman! What if... Tatay pala ni Naya si Don Rakim? OMG, what a twist!
"Narito naman ang iba pang mga kapatid nilang namayapa na. Silang lahat ay iisa ang naging sanhi ni pagkamatay. Ang sakit din ng kanilang ama na Turus. Sakit ito sa utak, hindi mo mamamalayan na sa pagtulog mo ay bigla ka na palang papatayin nito."
Dumiretso kami ng daan. Hanggang sa naaamoy ko na ang sobrang bangong amoy ng pagkain na papalapit na ng papalapit sa amin! Shit, papunta na ba kami sa kitchen?!
"Sunod naman ay ang silid-aklatan—"
"What?! Akala ko ba sa kusina na tayo?" Pigil ko kay Naya sabay nguso ng kabilang daan kung saan nanggagaling ang mabangong amoy.
"Mamaya na ang kusina, mas mahalagang malaman mo naman ang tungkol sa anak ng Hari, kaya tara na."
"Anak ng Hari? Lalaki ba? Gwapo?" Nangingising kong tanong pero mapang-asar lang akong nginitian ni Naya.
"Patawad ngunit babae ang nag-iisang anak ni Don Rajan."
Ha? Babae?!
Sayang naman.
"Gusto mo na bang makilala ang Prinsesa ng umaga?"

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Jellian Espirida

    Not bad

    02/08

      0
  • avatar
    Alhasan Pandaog

    hahahw

    24/07

      0
  • avatar
    Aian Chris Uban

    oklang

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes