logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 1

Chapter 1: Sa Bayan ng Ivalon
Bata pa lang ako, gusto ko nang humiwalay sa mga magulang ko. Gusto kong maranasan kung paano mabuhay ng mag-isa. 'Yung malaya. 'Yung walang sino man ang magdidikta o pipigil sa mga nais kong gawin sa buhay.
Mabait naman ako e! Sina Mommy at Daddy lang talaga ang problema. Sabi nga sa Facebook, Strict parents creates ninja children.
Ilang beses ko nang sinubukang maglayas. Aalis ako ng 9pm at babalik din naman sa bahay ng 5am nang hindi nila namamalayan. Layas ba tawag doon? Argh! Takot din naman kasi ako sa parents ko. But still, hindi pa rin ako masaya. Gusto ko 'yung katulad ng ibang mga kaedaran ko. 'Yung nakasupport lang ang mga magulang sakanila.
Kahit mag-bar, mag-night out, mag-vacation trip, o kahit na anong gawain kasama ang mga barkada. Sometimes, hinihiling ko nalang na sana hindi nalang ako anak nila Mommy. Not because I don't want them to be my parents! Hindi lang talaga nila deserve magkaroon ng anak na kagaya ko. Masyado akong pasaway para sakanila.
Gusto kong maranasan 'yung buhay ng iba. Oo, mayaman kami. Nakukuha ko ang lahat ng gusto ko sa isang salita lang. Kaya kong libutin ang buong mundo gamit ang pera. Kaso nga lang, dapat lagi kong kasama ang mga magulang ko. Kailangan kong sundin ang mga gusto nila bilang kapalit na rin sa mga luhong natatanggap ko.
Samantalang, 'yung mga mahihirap. Kahit wala silang pera, iba 'yung saya nila. Kahit hindi nila kayang bumili ng mga bagay na gusto nila ay nakikita kong malaya sila sa lahat. Hindi sila pinipilit o sinasakal ng mga magulang nila. At mas gusto ko 'yon. Gustong-gusto ko iyon.
"Hoy, bumangon ka."
Tumunog sa paligid ko ang paggalaw ng mga dahon malapit sa aking mukha. Nakapikit pa rin ako at halos hindi ko maidilat ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw.
"Naririnig mo ba ako? Bangon!" Muling pagsigaw nito.
Marahas akong napahilamos sa mukha at padabog na umupo.
"What, Mommy?! Natutulog pa ako! Stop disturbing me!" I shouted, nakasarado pa ang parehong mga mata ko.
"Baliw."
Nag-echo sa tainga ko ang huling salitang narinig ko. Bakit sobrang lalim ng boses ni Mommy? At bakit sinisipa niya ako? At... Never pa akong sinabihan ni Mommy na baliw!
Mabilis kong naidilat ang dalawa kong mga mata para tuluyan nang makita kung sino ba ang tumatawag sa akin.
"W-Who the hell are you?!"
Lumibot ang mga mata ko sa kabuuan ng aking kaharap. Pero tanging mga tuhod lang ang nakikita ko dahil nakasalampak pa ako sa... lupa?
"S-Sino ka—" Napatakip ako sa aking bibig nang umangat na ang aking paningin.
Wala siyang damit!
Napalunok-lunok ako sa nakikita ngayon. Shit! Katapat pa mismo ng mukha ko 'yung ano niya!
Unti-unti pang bumabaling paitaas ang aking ulo hanggang sa dumako iyon sa abs, oh goddamn it!
"Fuck you!" Muli akong sumigaw kasabay nang mahigpit kong pagtakip sa dalawa kong mata. No! No! No! My virgin eyes!
Mabilis ang tibok ng puso ko habang nakatalikod. Grabe! Anong klaseng lalaki siya at nagagawa niya pang iharap sa pagmumukha ko 'yung ano niya! Hindi ba siya nahihiya?! Ang laki-laki tapos---What the heck!
Sunod kong narinig ang mahina niyang pagtawa. Naramdaman kong naglakad na siya papalayo at parang may ginagawa pa. What the, don't tell magmamasturbate siya?! O baka naman...
Kinapa ko agad ang katawan ko. Mula sa suot kong bra at panty. Thank God, may damit pa rin ako!
"Kung sino ka mang manyakis ka, lumayo ka sa akin! You don't know my Daddy! Ipapakulong ka niya sa oras na malaman niya ang ginawa mo! Napakabastos mong nilalang! You fucking conniving shit on earth, walang modo!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw habang nakatalikod pa rin sakaniya at tinatakpan pa ang mata.
"Hindi kita maintindihan," Aniya. "Baliw ka ba?"
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "How dare you call me crazy! I'm not! Baka ikaw 'yung baliw, ha?! Pagkatapos mong ipakita 'yang ano mo sa akin, ako pa 'tong baliw?!"
Muli kong narinig ang paggalaw ng mga dahon sa lupa. Hanggang sa makita kong nakatayo na siya ulit sa harapan ko!
"Sino ka ba? At anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.
Iniawang ko ang espasyo sa pagitan ng mga daliri ko para makita kung nakahubad pa rin siya. Mula sa dazzling abs---I mean, sa tyan! May tapis na rin siya sawakas.
Napahinga ako ng malalim at dahan-dahang inalis ang takip ko sa mata. Tsaka ako mabilis na tumayo. Teka, bakit wala akong sapin sa paa?
"I-Ikaw, sino ka ba? And, where am I?!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Nasaan ako? Bakit ako nasa freaking forest? With you?"
He pointed the small lake near us, then he smirked.
"Naliligo ako. Tapos bigla kong narinig ang ungol mo."
"What? U-Ungol?" Kabado kong tanong. Aish! Siguro, I was just... Groaning!
"Ano bang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang tungkol sa lawa na 'to? Hindi mo ba ako nakikilala?" Sunod-sunod niyang tanong.
Sandali kong pinagmasdan ang kabuuan nya. Y-Yeah, ahm, he's... he's handsome---No! Just, cute lang... medyo.
Magulo ang basa niyang buhok at tumutulo pa ang mga tubig niyon pababa sakaniyang dazzling abs. Makapal ang kanyang kilay, matangos ang ilong, golden brown eyes and... his pinkish lips, oh my god.
Nag-iwas ako ng tingin, "H-Hindi. Hindi kita kilala! Sino ka bang manyak ka? Siguro, kinidnap mo ako 'no? O baka nga may balak kang ano!"
Umangat ang kilay niya, "Balak na ano?"
"Na ano... 'Yung ano, ano nga... basta!" Inis kong saad. "Nasaan ba kasi ako?"
Natutop ako sa kinatatayuan ko nang hindi niya ako sagutin.
Sabay kaming napabalikwas ng tingin matapos makarinig ng sunod-sunod na pagtakbo ng mga kabayo sa hindi kalayuan. Shit, I need to hide!
Tumakbo ako ng mabilis papatago sa likuran ng matandang puno para hindi ako makita ng mga paparating. Mabuti nalang at hindi na ako pinigilan ng manyakis na 'yon.
Tatlong kabayo, bawat isa ay may nakasakay na... wait! pamilyar ako sa mga suot nila. Ganyan na ganyan 'yung mga suot ng sundalo ah! Baka, nasa taping ako. Huh?
"Pinapatawag na kayo ni Don Hanu," Narinig kong sabi nung isang nakasakay sa kabayo habang nakayuko sa manyakis na lalaking 'yon.
"Susunod na ako," Tanging sagot nito at tumalikod na sa mga kausap.
Bastos talaga!
Gulat akong napahawak sa sanga ng puno dahil aksidente akong nadulas sa ugat niyon. Dahilan para gumalaw ang mga halaman sa paligid ko. Lintek na kamalasan naman!
"May tao ba riyan?" Alertong pinalibutan ng tatlong sundalo ang manyakis na lalaking nakausap ko.
Kahit labis na nagtataka ay nagfocus nalang ako sa pagpikit. Shit, mahuhuli nila ako!
"Sinong nariyan? Isa ka bang espiya?!" Sigaw pa nilang muli.
Ramdam kong nakatutok na sa likuran ng puno ang mga palaso nila. Oh, no Mommy! I don't know what to do... what to do... what to do...
"SUMAGOT KA!"
"M-Meow!" Paimpit kong usal. "Meow... Meow... Meow..."
Gusto ko nang umiyak sa takot at kaba! Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lord! Help me!
"Ano ang tunog na iyon?" Taka nilang tanong.
"Umalis na kayo. Hayaan niyo na at baka ligaw lang na hayop 'yan." Natatandaan ko ang boses na 'yon.
Kapal ng face! Tinawag pa akong hayop!
Gumalaw ang mga yapak nila pabalik sa mga kabayo. Pero hindi ako nakakilos nang biglang may humila sa kamay ko, papalayo. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nababalot siya ng kulay brown na tela.
"H-Hoy, sino ka?! Sino ka na naman ba?! Bakit ba ang dami-dami niyo, at hindi kayo maubos-ubos! My gosh, let me go!" Pagpupumiglas ko.
"Pakiusap, manahimik ka na muna! Tumakbo ka nalang!" Sigaw nito pabalik.
Napakurap-kurap ako nang mapagtantong babae pala ang humihila sa akin. Pero bakit napakabilis niyang tumakbo?
"S-Saan mo ba ako dadalhin?!"
"Mamaya ka na nga magsalita! Sasagutin ko ang mga tanong mo kapag nakaalis na tayo rito!" Hingal niyang sagot.
Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ako kaya hahayaan ko siya. Kung may balak man siyang masama sa akin, sasabunutan ko siya hanggang sa matanggal lahat ng buhok niya sa anit!
Sa bilis ng takbo namin ay nahulaan ko na agad na mukhang kabisado niya ang pasikot-sikot sa gubat na 'to. Napakaraming puno at nagtataasan ang mga damo.
Tsaka lang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari bago ako makatulog...
Damn!
"Sawakas!" Sigaw nung babae. Binitawan niya na rin ako nang malampasan na namin ang mahabang bakod na para bang naghahati sa lupa na iyon.
Habol ang hininga naming dalawa habang nakasandal sa fence.
"T-Teka, sino ka ba? Bakit mo ako hinila ha? At saka, nasaan ba kasi ako?" Pagalit kong saad, nagpapadyak pa ako sa lupa na parang bata.
"Ako si..." Hinihingal pa rin siya, nakahawak sa dibdib. "Ako si Naya, Punong Hada."
Napanganga ako sa sinabi niya, "W-What?"
Ngumiti siya sa akin at tinanggal ang nakatakip sa kaniyang kabuuan. Doon ko nakita ang nakapusod niyang buhok at ang kaniyang kasuotan. Naka-brown Victorian dress siya at hanggang talampakan niya iyon. Wait, paano siya nakatakbo ng gano'n kabilis e ang haba-haba ng dress niya?
Sa tingin ko ay mas matanda siya ng mga tatlo or limang taon sa akin. And she's a little taller than me. Pero nakakapagtaka dahil kung makatingin siya sa akin ay parang kilala na niya ako.
"Itong harang na 'to," Patungkol niya sa bakod na sobrang haba pala at halos hindi na matanaw ang dulo niyon. "Ito ang naghahati sa dalawang bayan na hindi mapagkasundo-sundo."
"What? Ano? Why? Bakit?" Kunot-noo kong tanong.
"Mahabang kwento," Iling niya at tumawa.
Nagsimula na naman siyang maglakad, pasuong sa makakapal na sanga ng puno. Hinawi niya ang mga baging at naglalakihang dahon na nakaharang sa daan namin. Hanggang sa tuluyan ko ng makita ang isang napakagandang kapatagan. At ang napakalawak na nayon. Napanganga ulit ako sa pagkamangha.
"N-Nasaan ako?"
"Ito?" Patungkol niya sa paligid. Tumango siya at ngumiti sa akin. "Ang bayan ng Ivalon..."

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Jellian Espirida

    Not bad

    02/08

      0
  • avatar
    Alhasan Pandaog

    hahahw

    24/07

      0
  • avatar
    Aian Chris Uban

    oklang

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes