logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Fate From The Lost Wind

Fate From The Lost Wind

Lemeryems


Umpisa

FATE FROM THE LOST WIND
Umpisa: Sa Pagkawala ni Marga
Margareth's Point of view:
"Mommy naman! Ayoko ngang sumama..." Nagmamaktol kong saad habang pinaghahahagis ang mga unan sa sofa.
"You need to come with us, Marga." Mahinahon niya akong tinignan, "Hindi ito ang tamang oras para sa kaartehan mo."
"What? Sa tingin niyo kaartehan ko lang 'to? Mommy naman, ayoko nga diba! 'Wag niyo na akong pilitin sa mga bagay na ayaw kong gawin. Kung gusto nyo, iwan nyo na lang ako rito." Umirap pa ako sa kanya bago na nagmartsa papaalis ng sala.
Mabibigat ang mga hakbang ko hanggang sa marating ko na ang kwarto.
Psh! I don't want to go with them! Nakakainis sila, alam naman nilang ayoko sa mga probinsya. Masbate? No way! Mas gusto ko pang magspend ng summer dito sa Manila kasama ang mga friends ko.
"Marga!" Ilang beses na kumatok si Mommy sa pintuan. Hmm, mabuti nalang nai-lock ko. "Open the door! Anak, please!"
"Ayoko, Mommy!"
"Sigurado akong hahanapin ka ng mga Lola at Lolo mo roon. Sige na, Marga. Pack your things now!" Pagpupumilit pa nito habang ginagalaw ang door knob.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa pangungulit nila. I really don't want to go there. Masyadong boring doon at siguradong hindi ako mag-eenjoy.
"Okay, okay...Ganito nalang, mauna na kayo ni Daddy roon at usunod nalang ako," Sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa labi ko habang kunwaring binubuksan ang mga drawer, "P-Promise."
"What? Hindi pwede! Hindi mo alam kung paano pumunta roon at baka maligaw ka pa. Please anak, 'wag ka nang pasaway. Or else, babawiin ko ang shop mo!"
"Mom, you can't do that to me! Mauuna lang naman kayo roon e! Tapos susunod nalang ako. Hindi ko kayo tatakasan, promise! Just trust me, Mommy!"
Sandaling tumahimik si Mommy na para bang nag-iisip. At saka muling kumatok ng isang beses.
"Okay, deal." Omg! "Basta siguraduhin mo lang na susunod ka, okay? Kapag hindi ka sumunod doon sa loob ng dalawang araw, papabalikin ko si Daddy mo rito para sunduin ka. And I'm not kidding."
"Thanks, Mommy!" Mahinang nagpyesta ang puso ko, "You can go now! Live your life to the fullest! Take care!"
Nang marinig na wala na sa pintuan si Mommy ay nagtatalon na ako sa malambot kong kama. Mag-isa ko sa bahay! Shit, I am free to party all night! Kailangan kong tawagan si Kristen!
Mabilis kong pinulot sa side table ko ang phone at hinanap ang name ni Kristen doon. Ilang ring pa at mabilis niya na rin iyong sinagot.
"Hey! My parents are leaving! Saan ang party?!" Excited akong tumalon-talon ulit.
"9pm, sa bahay nila Niane! Omg, see you! Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhuli ni Tito George!"
"Yup, I'll make sure! I'm excited! Bye!" Then I ended the call.
Pagkasuot ko ng tsinelas ay lumabas na rin ako ng kwarto para tignan kung naghahanda na ba sila Mommy. Mamaya na raw ang alis ng barko nila.
"Margareth Claveria Villarmino," narinig ko ang pagbanggit ng buo kong pangalan mula sa pinto. Gosh, si Daddy! Kapag binabanggit niya ng buo ang name ko ay sigurado na akong seryoso siya! Damn it. "Anong sinabi ng Mommy mo? Hindi ka sasama?"
"Daddy, susunod naman po ako. May mga kailangan lang akong ayusin sa milktea shop." Pagpapalusot ko.
"At ano nanamang aayusin mo roon? Halos buwan-buwan nalang ang renovation ng shop mo, Marga! Hindi ka na halos kumikita dahil sa pagpapagandang ginagawa mo." Ani Daddy na nakabihis na pala pang-alis.
"It's mine, Daddy. I can do whatever I want and I can handle it. Sige na, mauna na kayo ni Mommy sa Masbate. Susunod ako," I sighed. Humalik na ako sa pisngi niya at sa pisngi rin ni Mommy na nasa sala na dala-dala ang mga maleta nila. "Bye, Daddy, Mommy. Ingat kayo."
"My daughter, please, take care." Napangiwi ako ng halikan pa niya ako sa noo.
At nang lumabas na sila ng double doors, wala ng mapagsidlan ang tuwa ko. I can't believe it, I am freeeee!
Bumalik ako sa kwarto ko at doon nagtatalon. Nakita ko pang umalis na ang van nila Mommy kaya mas dumoble ang saya ko.
At nang mapagod ay sandali muna akong nahiga. I have two days. Dalawang araw para magawa ko ang gusto ko. Hmm...
Yayain ko kayang mag barhopping si Kristen? Or mag overnight dito kasama ng iba pa naming friends na lalaki. O kaya...
"Date with Roder..." Nangingiting tanong ko sa sarili.
Matagal na akong niyaya ni Roder na sumama sakanya sa mga party nila. At makipagdate. Pero lagi akong tumatanggi dahil ayaw ni Daddy. May curfew ako! At sobrang nakakahiya 'yon.
19 na ako pero kung itrato nila ako parang kakatapos ko pa lang magtanggal ng diaper. Psh. Samantalang 'yung mga friends ko, nagagawa na nila ang gusto nilang gawin. Kahit anong oras sila umuwi o kung sinong mga kasama nila. Hindi kagaya ko na susunduin pa kapag lampas na ng 11pm at hindi pa ako nakakauwi.
But now, wala na ang mga sagabal dito. Makakagalaw na ako ng maayos!
Hindi ko namalayang mabilis pala akong nakatulog habang nag-iisip. Hanggang sa papalubog na ang araw nang magising ako.
"Geez," Sinuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin. "I'm hungry..."
Hindi pa man ako nakakagalaw ay bigla akong nakarinig ng malakas na pagbagsak ng isang babasagin mula sa sala. Damn! Sino 'yon?
Lumuob ang takot sa katawan ko nang subukan kong silipin ang hagdan. Hindi 'yon multo! Magnanakaw!
Oh my gosh! Baka patayin niya ako kapag nakita nyang may tao. Help! Mommy! Daddy! Natatakot ako!
Oh, no! Mukhang... Argh! Binabawi ko na ang mga sinabi ko! Sana pala sumama nalang ako! Shit! Magnanakaw nga!
Nakita kong may itim na telang pumapalibot sa ulo niya. Habang ang isang kamay ay may hawak na kutsilyo!
"Oh my god..." Nangilid ang luha sa mga mata ko habang dahan-dahan na inilo-lock ang pinto. Ano nang gagawin ko!?
Napatingin ako sa maleta na nakadisplay lang sa baba ng lampshade. Mabilis kong kinuha iyon at pinaglalagay ang mga importanteng gamit ko.
Siniguro kong hindi niya ako maririnig habang gumagalaw ako dito. I need to go out of here!
Tinabunan ko ng cardigan ang suot kong pantulog. Sandali pa akong nagpabango bago sinuot ang sandals ko. Wait. Paano ako makakalabas?
Oh, no. Sa rooftop, may hagdan doon papunta sa garahe. Pero kaya ko bang bumaba roon?
Napatakip ako sa dalawa kong tenga ng muling marinig ang pagbagsak ng isang gamit sa baba. Omg! Umaandar ang oras! I need to fucking move!
Wala akong choice kundi ang kunin nalang ang susi sa wallet ko kasabay ng paghila sa maleta. Makailang ulit akong nagdasal bago ko dahan-dahang binuksan ang pintuan. Saktong nakita ko 'yung magnanakaw na dumiretso sa kusina. It's my time!
Malalaking hakbang ang ginawa ko para marating ko ang hagdan papunta sa roof top. Hanggang sa makaakyat na ako roon ay nakita ko na ang unti-unting pagdilim ng langit.
Pulis! Tama! Bobo, bakit ngayon ko lang naisipang tumawag ng pulis?
Pero pagtingin ko sa phone ko ay bigla nalang itong nagpower off. What the hell? Napakamalas talaga!
Wala na naman akong choice. Akmang lalapit na sana ako sa ladder padiretso sa garahe nang makakita ako ng isang libro sa ilalim ng paso. What the heck?
Naakit ako sa design nung libro kaya hinablot ko nalang din iyon at nilagay sa loob ng maleta. Kailangan ko nang bumaba!
Pahirapan ang paghakbang ko dahil sa hawak kong maleta. Dapat kasi duffle bag nalang! Psh.
At nang tuluyan na rin akong nakababa sawakas ay hindi na ako nag-aksaya ng oras. Sumakay na ako sa pick up ko at malakas na bumusina. Stupid motherfucker! Marinig mo sana 'to! Didiretso ako sa pulis! Ipapabunot ko sakanila ang mga buhok mo sa katawan!
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko palabas ng nakabukas ng gate. At dumiretso paalis. Damn! Iniwan ko sa magnanakaw ang bahay namin. Dibale na, doon na sana siya maabutan ng pulis.
"Paano na 'to, hindi ko alam ang daan sa police station," Natatangang usal ko habang patuloy pa rin sa nagmamaneho.
E hindi ko talaga alam kung saan 'yung police station dito. Or, dumaan muna ako sa isang store para makitawag. Tama! You're so smart, Marga!
"What the fuck? Nasaan ang mga stores?" Kunot-noong tanong ko pagkalabas ng highway. May mga bahay na dapat dito!
Nasaan na ba ako? Bwisit, ngayon pa kasi nalowbat 'tong walang kwentang phone na 'to!
Mas lalo pang nadagdagan ang pagkalito ko nang makitang iisa nalang ang daanan. Isang kalsada na diretso lang at walang likuan. Sa paligid ay napapalibutan na ng mga nagtataasang damo at puno. Oh my god. Nasaan na ba ako?!
"Baka didiretso lang?" Tanong ko sa sarili. Argh! Ni hindi ko nga alam kung anong mangyayari kapag diniretso ko ang daan na 'yan! Wala namang ganyan dito sa Manila!
Nasa Manila pa nga ba ako?
Oh my gosh talaga! Hindi na ulit ako nag-isip pa at mabilis na pinaandar nalang ang sasakyan padiretso sa matuwid na daang ito. Parang walang katapusan na kalsada! Straight na straight! Grabe.
"Turn right,"
Napatalon ako sa gulat ng marinig na magsalita ang sasakyan ko. Shit! May nangpa-prank ba saakin?! Haunted ba ang lugar na 'to?!
Bumalin ako sa right na sinasabi ng sasakyan at nakita ko ngang may nag-iisang likuan. Pero nagdalawang isip agad ako dahil mas marami ang puno roon at halos lamunin na ng damo ang kalsada.
"Turn right," Muling pagsasalita nito.
"Oo na! Saglit lang!" Inis kong iniliko ang sasakyan papasok sa kantong 'yon. Oh my, help me!
Saktong pagkapasok ko roon ay biglang nagsigilidan ang mga damo. Shit, nananaginip ako!
"Panaginip lang 'to! Oh my Lord, please help me..." Nagpatuloy pa rin ako sa pag-andar.
Bumuhos na ang mga luha ko. Natataranta ako dahil sa mga nangyayari! Please tell me na nagha-hallucinate lang ako! Nightmare!
Hanggang sa kusa na lamag tumigil ang sasakyan ko. Bumaba ang arrow sa gasolina at mabilis na namatay ang makina. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Kailangan ko nang bumalik! May party pa akong pupuntahan.
Lumingon ako sa pinanggalingan kong daan pero nagulat ako ng makitang puro puno nalang ang naroon. Muli akong humarap at mas lalong lumuwa ang mga mata ko ng malamang napapalibutan ako ng puno at damo.
"Anong klaseng panaginip 'to!"
Padabog akong lumabas ng sasakyan at padabog ko rin itong isinara.
Naglakad-lakad ako sa paligid ng sasakyan ko hanggang sa bigla akong may matapakan na bugkol ng mga tuyong dahon na siyang naging dahilan para mahulog ako sa loob non. Patibong!
Malakas ang pwersa sa naging pagbagsak ko, humampas ang ulo ko sa isang bato dahilan para maramdaman ko na ang unti-unting pagkawala ng aking malay.
A-Anong nangyari sa akin?

Comentário do Livro (149)

  • avatar
    Jellian Espirida

    Not bad

    02/08

      0
  • avatar
    Alhasan Pandaog

    hahahw

    24/07

      0
  • avatar
    Aian Chris Uban

    oklang

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes