logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 6

Sabi nga ng iba magigising ka sa malalim mong tulog kung may nakatitig sayo. At ngayon mapatunayan ko ng totoo dahil nagising akong nakatitig sa akin si Nate na kulang na lang lamunin niya ako.
"Bakit ka nandito? At bakit mo ako tinititigan habang tulog ako?" Nagtagis ang kilay ko habang tinitignan siya.
Ang creepy kaya ng may taong nakatitig sayo habang tulog ka. At mas creepy dahil ang nakatitig sa akin ay si Nate.
"Why do you think I'm here?" Ganting tanong naman nito.
"I was asking because I don't know. Utak mo Nate nasaan." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Bumuntong hininga si Nate habang nakatingin sa akin
"Binabantayan kita kasi nawalan ka ng malay sa gitna ng maraming tao. Me and your assistant brought you here in your hotel room." Napaupo ako sa pagkakahiga at muling humarap sa kanya.
"And so my assistant really left me in your care? Kahit kailan talagang itong si Gemma ang bilis magtiwala at nabubulag agad sa panlabas na anyo." napailing ako. "Well now that I'm awake,  you can go and get the hell out of my sight. Thanks." Sabi ko habang naglalakad papunta sa banyo.
I really passed out last night at sa gitna pa ng floor. Napatingin ako sa mukha ko sa salamin well atleast nakabawi na ako ng tulog I can tell dahil medyo energize na ako ngayon. Ilang oras ba akong nagpahinga?
Unexpected talaga na binantayan ako ni Nate at tumulong siya sa akin. Oh well no choice siguro siya kagabi kasi hindi naman niya ako pwedeng iwang nakahandusay sa semento. Ha nakokonsensya din pala siya, nakakatuwa naman at alam na niya ang salitang ganon ngayon kasi dati naman di niya alam ang salitang konsensya.
Mag-iisang oras din akong nanatili sa banyo. Nagpalit na ako ng damit ko pang-alis dahil flight ko na mamaya pabalik ng Pilipinas. Nakahanda at balot na din naman ang mga gamit ko kaya wala na akong gagawin masyado.
Narinig ko na ang kalam ng sikmura ko. Oo nga pala hindi pa ako nakakain ng dinner kagabi kaya ngayon gutom na gutom na ako. Magroroom service na lang siguro ako ng food alam kong masarap ang pagkain nila dito.
Lumabas na ako ng kwarto mg marinig ko ang uunting ingay sa may living room. Naglakad ako at nabiglang muling nakitang nakatayo si Nate habang naghahamda ng kakainin namin na nasa trolley pa. Mukhang kakahatid pa lamang ang naturang pagkain.
"Why are you still here?" Tamong ko habang nakakrus ang dalawa kong braso.
"Lets eat while the food is still hot." Nagbigay pa ng paanyaya ang moking.
"Why the hell are you still here? Diba pinaalis na kita kanina pa? Hindi ka ba nakakaintindi talaga?" Iritado kong tanong sa kanya.
Magsasalita pa sana ako ng may makita akong emosyon sa mga mata niya. Lungkot? may nakikita akong lungkot sa mga mata niya? Bakit? Hindi guni-guni ko lang iyon dahil bakit naman siya malulungkot. Its just probably my imagination.
"Masamang paghintayin ang pagkain Rezzy." Sabi niya maya-maya.
"I don't want to eat kung gusto mo ikaw na lang kumain since ikaw naman nagpaorder niyan."  Sabi ko habang nakatingin sa masasarap na pagkaing nakahain na. Napansin kong puro masustansya ang nasa mesa, siguro pinili niya kung ano ang mga dapat ko kainin. Well I don't care if he took his time to order the food, ni hindi ko naman sinabi sa kanya na gawin ito.
"You fainted because you didn't have your dinner last night kaya kailangan mong kumain ngayon ng marami. Hindi iyan healthy sayo at para sa baby. I specially chose everything that is in this table kaya kumain ka na." He said. Nakakairita lang dahil umaakto siya na parang doctor ko siya.
"I am capable of ordering my own food at hindi ko kailangan ng tulong mo. Your efforts are not appreciated Nate kaya pwede ba umalis ka na dito sa hotel room ko." Iritado kong sabi sa kanya. Namumuro na talaga ang lalaking ito sa akin eh, makakatikim na talaga ang lalaking ito ng bagsik ng isang iritang buntis.
"Fine, aalis ako kung makikita kong kakain ka sa harapan ko." Sabi niya sabay muwestra ng pagkain sa harapan ko. Padabog akong naglakad at naupo sa katapat niyang upuan.
"Hindi kita doctor para imonitor mo ang buong galaw ko pati na sa pagkain. And as I said I am very capable of feeding myself Nate, wag ka ding umarteng parang nag-aalalang asawa para ikuha pa ako ng pagkain sa plato ko." Sabi ko ngunit wala na akong narinig na sagot galing sabibig niya. Di ko din tinignan ang reaksyon niya dahil di na ako tumingin sa mukha niya ngunit ramdam na ramdam ko ang titig niya sa mukha ko ngayon.
Binuhos ko na lamang ang atensyon ko sa mga masasarap na pagkain. Hindi ko na siya napansin hanggang sa naubos ko na ang napakaraming nilagay niya sa plato ko kanina. Tama nga ako na masarap talaga ang pagkain sa Hotel na ito, I'll definitely stay in this hotel again when I'll be here in Singapore again.
Tinaas ko ang tingin ko at nakita kong nakatitig siya sa akin habang nakangiti. It was a genuine smile planted on his face, the kind of smile he only gave to Serena. I saw it once, the way he smiled to Serena. Agad kong inalis sa isip ko ang alaala.
"What?" Tanong ko rito. Parang bulang nawala ang ngiti sa labi niya ng magsalita ako.
"Lets talk Rezzy." Tinignan niya ako sa mata, na parang sinasabi ng mga mata niya sa ako na kailangang-kailangan niya ako makausap. Napabuntong hininga ako.
"Sige mag-usap na tayo rito, say everything you want to tell me but I'll talk first." Tumango naman siya kaya nagsalita muli ako. "As for the baby, I told you hindi ko siya ipagkakait sayo paglabas na paglabas niya sa mundong ito. The child will have your surname if your willing to let him or her have it. Hindi ko alam kong naniniwala ka ng anak mo siya o hindi. If you have doubts about it then you can take a DNA test. I will give your right as the father at hindi ako tumatalikod sa sinabi ko. I'll say it first, hindi kita inuobliga magbigay ng tulong sa bata. I am very capable of raising my kid on my own." Diretsahan kong sabi sa kanya. Mapride akong tao ngunit hindi ako bumabaliktad sa desisyon ko.
"I believe you. How couldn't I? Of course he will have my surname. It is my obligation to give child support as his father. Alam ko namang may isang salita ka Rezzy." Nakatingi niyang sabi habang nakatingin sa akin.
"He? The gender is still unidentified." Gusto niya bamg lalaki ang anak namin? Paano pagbabae pala?
"Nararamdaman kong lalaki siya but if she is a girl then its fine too, she'll definitely be the mini version of you." Siguro nga paglalaki ang anak namin ay mini version ito ni Nate at kung babae naman ay ako. Well ok lang kung babae o lalaki basta healthy lang.
"Rezzy tungkol sa nangyari noon, I jaut wanted to say I'm sorry ---" Pinigilan ko siyang ituloy ang sasabihin niya.
"Lets not talk about the past Nate, ang tagal na noon. Lets just both forget about it and get along for the sake of the baby." Sabi ko habang ngumiti kay Nate. I don't want to appear like I'm still affected by what happened to us back then even tho I'm still affected this much.
Gusto kong mawala iyong galit ko kay Nate ngayong magkakaanak na kami. At kahit na hindi ko siya asawa kailangan ko din alisin itong galit at pait sa puso ko. Kailangan ko ng maging mature mag-isip at magdesisyon sa buhay ngayong magiging nanay na ako.
"Lets be friends Nate or lets just be civil with each other. Yeah, lets just be civil with each other."

Comentário do Livro (2)

  • avatar
    Mary Ann Binolirao

    fwtnfTamarbrabra

    07/05

      0
  • avatar
    Bert Guasque

    endless love

    16/12

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes