logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

05

"May meeting tayo para sa research." Napalingon ako kay Masoy na nagsalita sa gilid ko. Himalang hindi sila magkasama ni Ikay ngayon.
"Anong oras?" tanong ko.
"Ngayon na." Napatango ako at agad na inayos na ang mga gamit. Dalawang oras kasi vacant namin ngayon. Pabor sa amin dahil makakapagplano na rin kami tungkol sa research namin.
"Saan?" tanong ko. Tumayo na ako at mabilis na isinukbit ang bag.
"Sa music hall para tahimik."
"Sunod ako." sagot ko. Tumango naman siya bago lumapit kila Adam na kasama ang isa pang lalaki na kagrupo namin. Galing ang dalawa sa labas, at parehong may dalang pagkain.
"Chandler!" lumingon kay Masoy ang kasama ni Adam na lalaki.
"Yes, lola kulot?" sumimangot si Masoy kaya natawa siya.
"Meeting tayo ngayon para sa research, sa music hall tayo." Tumango ang dalawa bago kinuha ang kaniya-kaniyang gamit.
"Meeting." bungad ni Adam nang kunin niya ang gamit sa tabi ko.
"Alam ko."
"Sure"
Sabay-sabay kaming naglakad palabas pero nasa huli ako. Hindi ko naman gustong lumapit sa kanila.
"Puntahan muna natin si Ikay, Buti nalang dala niya na talaga mga gamit niya!" Maganang saad ni Masoy. Ganiyan siya lagi pero pagkaharap na ako, tumatahimik na siya. Hindi ko naman siya masisi. Alam kong may kasalanan ako.
Bumuntong hininga ako pero napatigil ako nang tumigil bigla sila Masoy sa paglalakad.
"Inaaway nila si Ikay!" Natanaw ko sa di kalayuan si Ikay na sinisigawan ng limang babae tila galit ang mga iyon. Nagkalat ang gamit niya sa sahig habang nakatayo lang siya at hindi nagsasalita.
Tumakbo si Masoy kaya sumunod din kami. Mabilis na hinubad ni Masoy ang bag niya at binato kay Chandler.
"Aray ko naman, lola kulot. Kalmahan mo lang!" Hindi siya pinansin ni Masoy at akmang maglalakad na siya palapit kila Ikay nang hinawakan ko bigla ang kamay niya.
Sabay-sabay silang tatlong napalingon sa akin. Umiling ako kaya nagtaka si Masoy. Nakatingin lang si Adam pero si Chandler ay nangiti-ngiti.
"Ako na." Napasinghap siya dahil sa sinabi ko. Dahan-dahan siyang tumango sa akin kaya tumango lang ako.
Kalmado akong lumapit kay Ikay at naramdaman kong napaigti siya dahil sa gulat. "Amanda" bulong niya.
"Bakit ka nila ginaganito?" tanong ko. Hindi ko ugaling magsalita hanggat hindi ko alam kung sino ang tama at mali. Napayuko siya bago sumagot.
"Gumawa kasi ako ng article tungkol sa teenager pregnancy, kasi iyon ang iniutos sa akin ng dean. To give awareness daw sa mga teenagers." sagot niya. Nabasa ko iyon, lahat naman nang nakasulat doon ay puro katotohanan. Wala akong nakitang mali, siguro ang mali ay nasa pag-iisip iyon ng limang babaeng nasa harapan namin.
Napalingon ako sa harap nang muli itong nambulyaw.
"Alam mo ba dahil sa'yo, yung kaibigan namin gusto nang mamatay!" saad nito. Nangunot ang noo ko dahil sa ini-asik niya.
"Hiyang-hiya siya dahil sa article na ginawa mo. Wala naman kaming nakikitang mali sa mga teenagers na nabubuntis!" gusto kong matawa dahil sa mga sinabi nito. Mas napayuko si Ikay dahil sa pagbulyaw ng babae.
"'Yong ulo mo ba, nasa loob ng utak mo?" biglang tanong ko.
Napasinghap silang lahat dahil sa sinaad ko. Narinig ko ang halakhak ni Chandler mula sa likod pero hindi ko iyon pinansin at kalmado lamang akong nakatingin sa babaeng masama na ang mga tingin sa akin.
"Sa mga isinulat ni Ikay sa article, it's all facts." Totoo namang walang mali roon. Nagbibigay lang siya nag awareness sa mga teenagers to avoid pregnancy at the young age. The words that she uses was also careful and clear.
"Teenage pregnancy shouldn't be normalize. Period." Hindi na kailangan pang pahabain ang ekplenasyon. Napapahaba lang iyon kapag ang kausap mo ay makitid ang utak.
"Do you think your friend are ready to raise a child? Kaya na ba niyang kaibigan mo na saluhin lahat ng responsibilidad ng isang ina?"
"She has a parents! ano pang silbi ng mga magulang niya kung hindi naman siya sasaluhin!?"
"Idiot. The parents shouldn't be burdened. They should be cared and loved. I pity you for having an empty brain." malamig na tugon ko. Hindi ko aakalain na may mga ganitong pag-iisip pa pala rito sa mundo.
"So anong gagawin? Ipalaglag nalang ang bata ganoon ba? The baby is a blessing!" Napabuntong hininga ako dahil mukhang hindi talaga siya nagpapatalo.
"It's a blessing, but having a baby at the young age and you're financial unstable? The baby will suffer."
"Still, it's their decision!" dismayado akong umiling.
"We can decide whatever we want to decide. We can do whatever we what to do, but we should always remember that all things has a limitations."
This is why we need a better sex education. A lot of close minded people that still normalizing teenage pregnancy. It's awful. Ang sabi pa ay para maiwasan ang pagbubuntis ng maaga ay gumamit ng sex protections, Bakit hindi nalang sila magturo ng direct to the point? Like don't do the sex. Period.
Marami ang naging batang ina, but we still don't need to make fun of them. Hindi natin alam kung ano ang nangyari why they got pregnant at the young age. Some got raped, and some also got no choice or sabihin nating pinilit ng kasintahan.
But we still shouldn't normalize the teenage pregnancy. A lot are curious. They're not gonna see it as something wrong and go to it. We should guide them and give them advices about that 'things'. Educate them is a must.
We should think first, before we decide at something that will make us regret after.
○○○
Naglalakad na kami ngayon papunta sa music hall matapos ng nangyari kanina. Hinila ko nalang paalis si Ikay dahil nakakabobo makiusap sa bobo.
Nangunguna akong maglakad sa kanila dahil kagaya nga ng sabi ko, hindi ko gustong mapalapit sa kahit kanino.
Nanigas ako at agad na napahinto nang may biglang yumakap sa likod ko. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.
"Hindi ko alam na isinabit mo pa rin pala sa bag mo ang angry birds na ginansilyo ko!" kumalas si Masoy at agad na pumunta sa harapan ko, Malawak ang ngiti.
Noong araw na nag-away kami ni Ikay, bumalik ako noon kung saan ko itinapon iyong ibinigay sa akin ni Masoy, nagulat ako nang hindi niya manlang iyon kinuha kaya ako nalang ang nagtago, dahil para sa akin naman talaga iyon.
Isinabit ko siya sa bag ko at hindi ko naman alam na ngayon pa lang pala napansin ni Masoy iyon. Umirap ako kaya napabungisngis siya.
"Bati na kita!"
Mabilis niyang ipinulupot ang braso sa braso ko kaya agad akong umalma. Kinakalas ko iyon pero ayaw niyang bitawan. Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian niya lang ako. Kaya wala akong magawa kunti ang bumuntong hininga at hayaan nalang.
"Hala 'yong crush mo Masoy!" naramdaman kong nanigas bigla si Masoy dahil sa sinabi ni Ikay na nasa likod.
"Wyatt pre!" lumingon ako at nakita ko ang pinsan ni Adam na si Wyatt. Nagbatian ang tatlong lalaki. Si Masoy naman ay halos nanlamig na ang kamay na nakahawak sa braso ko.
"Oi Wyatt! Sama ka sa'min." saad ni Ikay. Nilingon ko si Masoy na napapikit na.
"Hala wag..." bulong niya na kaming dalawa lang ang nakarinig. May gusto nga yata talaga siya sa pinsan ni Adam. Namumutla e.
"Where?" tanong nito.
"Music Hall pre." sagot ni Chandler.
"Alright, vacant naman kami." Tumawa ito bago sumabay sa amin maglakad.
"Tahimik mo ngayon lola kulot ha!" sigaw ni Chandler mula sa likod. Nang-aasar. Nagpadyak naman si Masoy at masamang tinignan si Chandler.
"Heh!" asik niya. Napailing nalang ako.
Pumasok kami sa Music Hall at tama nga si Masoy na walang tao sa loob at tahimik. Naghanap kami ng pwesto at agad na nagtipon roon.
Nag-usap kami kung ano ang magiging title namin sa research dahil noong nakaraang semana ay wala naman kaming nagawa, nauwi kasi iyon sa daldalan ng tatlo.
"Okay! ayon nalang 'yong title natin?"
"Environmental Forestry Monitoring and Protection System through the Use of Sensor Detection and Wireless Camera?" Pagbasa ni Ikay sa nakasulat sa papel. Tumango kami at napagkasunduan na nga namin na iyon nalang ang magiging title.
"When will we start the Chapter 1?" tanong ni Adi.
"Hindi ngayon, we don't have enough time na." sambit ni Ikay. Tumango si Masoy.
"Saturday." sagot ko. Sumang-ayon naman silang lahat kaya wala ng problema.
Wala na kaming gagawin kaya nauwi na naman sa kwentuhan. Ilang minuto lang ay maingay na si Masoy tila hindi na pinansin na kaharap niya lang ang hinahangaan niya. Maliit akong napangiti nang mapansin na linalakasan niya lang ang loob para hindi siya mahalata masyado.
Sa kabila ng itsura niya ay hindi ko talaga itatanggi na matalino si Masoy. Siya nga ang leader namin dahil sa aming lima, siya lang ang mas responsible. Sa kabila naman ng itsura niya, mas nangingibabaw pa rin kung gaano siya kamabuting tao.
Masoy is a pure and innocent person. Aminin ko mang ayokong magkaroon ng kaibigan. Pero kung magustuhan ko man na magkaroon ulit, si Masoy ang pipiliin ko.
"Si Chandler nga pangiti-ngiti lang pero sawi talaga 'yan." Saad ni Wyatt. Tumawa naman si Chandler bago nagsalita.
"Pucha kasi pre, Hindi ko alam kung ako ba talaga iyong may kasalanan sa amin pero nasasakal kasi talaga ako e." Biglang sambit nito. Sumeryoso naman bigla si Wyatt. Siguro kasi sa pagkakakilala ko ay minsan lang magsalita si Chandler tungkol sa ganitong mga seryosong bagay,dahil madalas puro ito kalokohan.
"Ganoon pa rin ba?" Mahinang tumawa si Chandler sa tinanong ni Wyatt.
"Oo, hindi naman nagbago. Mas nakakasakal na nga. Andami kasing bawal pre. Andami kong hindi nagagawa kasi madalas ayaw niya." saad niya. "Pero sinusunod ko naman kaso love of my life ko siya." Humalakhak ito sa sariling sinabi pero sinuntok lang siya ni Wyatt sa braso.
"Tanga mo!"
"Si Chandler? Ulol na ulol sa syota? Unbelievable!" saad ni Ikay sabay nang tawanan.
"Aminado naman ako." Saad ni Chandler sabay na tumawa ulit. Napailing ako at agad na nagsalita.
"You should stop. It's toxic." Napatigil silang lahat at sabay sabay na lumingon sa akin.
Maliit na ngumiti lang si Chandler, "Di ko pa alam e."
"You will just end up losing yourself, if you dont end it." kalmadong saad ko.
"I know, I just still don't know how to do 'it'."
"You don't know how to do it or you don't want to do it?" tanong ko.
"I don't know." Tumawa lang siya kaya hindi ko na pinansin at hindi na sumagot pa.
"How 'bout you Wyatt?" Tanong ni Chandler.
"Ha? anong ako?!" Natawa sila dahil sa reaction nito.
"Iyong buhay pag-ibig mo raw!"
"Wala naman akong syota." sagot niya. Makahulugang tumingin si Ikay kay Masoy dahilan nang pagkapula nang pisngi nito.
"Hays hindi ko pa rin alam kung paano ako mabubuhay kung wala si Ikay!" biglang saad ni Masoy para mapalitan ang topic. Natawa naman si Ikay at umiling-iling. Sila Adam naman ay kuryuso lang na nakikinig kagaya ko.
"Why?" kunot noong tanong ko.
Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Sa kanila kasi ako nakatira! si Ikay na nga ang nagiging dahilan kung bakit nakakapag-aral pa rin ako."
"Hindi ko talaga alam gagawin ko kung wala siya. Wag mo'kong iwan Ikay ha! iiyak ako niyan! hindi ko kaya!" pagdadrama nito.
"Isang aguy kay Lola kulot" saad ni Chandler kaya sinamaan siya agad ng tingin ni Masoy.
"Pero seryoso, ngayong magcollege? hindi ko talaga alam ang gagawin ko, baka lalapit ulit ako kila Ikay." busangot itong tumingin kay Ikay na pangiti-ngiti lang sa gilid.
"You don't have to rely on others, you can do it yourself." saad ko.
"Ihh takot din ako mag-isa! Baka malungkot lang ako." saad niya. Biglang tuloy akong may naalala pero pinilit kong inalis iyon.
Bumuntong hininga ako bago siya sinagot. "Sobrang importanteng matuto na maging maayos kahit mag-isa." sagot ko dahilan kung bakit natahimik silang lahat.
Totoo naman ang sinabi ko. Pero marami pa rin talaga ang takot na maging mag-isa.
I was too.
Before.
"Sa ilang oras lang, andami ko nang natutunan agad! hindi dahil sa research kundi dahil kay Amanda." sagot ni Masoy. Lahat sila natawa pwera lang kay Adam na seryoso nang nakatitig sa akin. Tila ba'y binabasa ako.
"You're so cool! I wanna be like you!" kinikilig na ani ni Ikay, sabay naman silang bumungisngis ni Masoy kaya napailing ako.
"Angas nga e tangina" Saad ni Wyatt,  "I've always been afraid of being left behind, I can't even imagine myself being alone, di ko yata kakayanin." dagdag pa nito. Napairap lang ako, Naisip ko na rin naman iyon noon.
"Ako rin, takot din akong maiwan na magisa. pero si Amanda grabe.." ani ni Chandler.
"Lahat naman yata takot." Humalakhak sila pero natigil din nang may biglang nagsalita.
"You're so strong and independent." Lahat kami napalingon kay Adam. Sa buong oras na nag-uusap usap kami, ngayon lang siya nagsalita.
Hindi ako sumagot at napailing nalang. I am not strong and independent. I'm just always unbothered. And numb.
"What are you afraid of?" mabilis akong napalingon sa kaniya at agad akong kinilabutan dahil sa pamilyar na mga titig nito. Nakakalunod.
Naalala ko tuloy bigla sa tanong ni Adam ang araw kung kailan itinanong din sa akin, ang parehong tanong ng isang taong minsan na rin pinaramdam sa akin kung gaano ako kahalaga, ngunit iniwan din katulad ng ginawa sa akin ni Daddy.
The two person, who turned me to be the person, who I don't want to be.
Pinakalma ko ang sarili at kinumbinsi na sobrang imposible niyon. Malalim din akong tumitig sa kaniya, hindi nagpatinag.
"What are you afraid of?" pag-uulit nito dahil sa hindi ako sumagot. Tahimik na tahimik ang buong lugar, tila nagkakaroon ng tensyon na nagmumula sa aming mga titigan na may kahulugan pero hindi maintindihan.
Seryoso akong nakatingin sa kaniya bago ibunuka ang bibig
"I'm afraid of being not afraid." blangkong sagot ko.
Nakakatawa na ang parehong tanong galing sa magkaibang tao, ay nakatanggap ng magkaibang sagot mula sa isang tao.
Lahat talaga ng tao ay maaaring magbago, sa isang iglap o sa isang mahabang proseso.
Sa hindi mo inaasahang magiging ikaw.
______
ಥ_ಥ

Comentário do Livro (53)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank po

    05/07

      0
  • avatar
    CoronelAkisha

    may part 2 po? hindi pa tapos story eh huhu, hindi pa nalalaman ni Amanda na si Adam at si Adi ay iisa. ☹️

    13/06

      0
  • avatar
    RanayBlesie

    good

    30/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes