logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4: BABES

CHAPTER 4: BABES
"I'm sorry," mahinang saad ni Vad habang hindi makatingin nang diretso kay Adel.
Napa buntong-hininga si Adel, "Bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang ginawa sa'kin to? Bakit pinahaba mo pa?" kalmadong saad niya.
"I'm sorry! I didn't mean, I'm really sorry," maamong saad ni Vad at tinignan si Adel. He hold her hands, at nagmamakaawa na patawarin siya nito.
Kinuha ni Adel ang kamay niya na hawak ni Vad, kinuha niya rin ang seatbelt niya at nilingon ang kanyang gamit na nasa likod nila, "I'm sorry, please don't leave me!" naiiyak na saad ni Vad at hinawakan ang kamay ni Adel para pigilan ito na lumabas ng kotse niya.
Napatalikod si Ray nang mapansin na papalabas na si Adel sa kotse habang bukas pa rin ang tenga niya na nakikinig sa kanilang dalawa. "Get your hands off! We're done!" pagdiin niya at padabog na sinara ang pinto.
Hindi niya napansin si Ray na nakatalikod sa kanya. She just passed him by without knowing that he have been listening to them. Sinundan siya ni Ray nang tingin.
"Manong, paki sundan na lang po ang taxing 'yun," pagtuturo niya pa sa taxi na sinakyan ni Adel.
Ilang minuto ang nakalipas, ay nakita niya na lang ang taxi na na pumasok sa isang village.Napatingin siya sa 'taas kong saan may naka-arkong pangalan nang village. Gran Planes. Sinundan siya ni Ray hanggang huminto ang taxi na sinakyan ni Adel.
"Manong, dito na lang po tayo," pagpapahinto niya kay manong, hindi kalayuan kong saan bumaba si Adel.
Hinintay niya na makapasok si Adel sa loob nang kanilang bahay bago siya lumabas sa taxi. Lumapit siya sa bahay nila at pinagmasdan ito, isang two story na bahay, maliit pero may second floor. Mga ilang minuto niya pa pinagmasdan ang bahay ni Adel hanggang mabaling ang atensiyon niya sa pinto. Huminga siya nang malalim bago mag-door bell.
Naka kunot-noong nakatingin sa kanya si Adel, "Ray?! anong ginagawa mo dito? Pa'no mo nalaman ang bahay namin?" she was trying to figure out his face.
"Ah, may nakapagsabi lang. I just want to check on you," nakangiting sagot ni Ray.
"I'm fine, thank you for asking," she smiled.
"Do you need anything else?" tanong ni Adel.
Umiling si Ray, "Nothing."
"By the way, bakit 'di mo ako nakilala agad? I can see it from your face when you opened the door," napatawa si Ray nang maalala ang itsura ni Adel.
"Sino ba naman kasi ang pupunta dito nang alas siyete nang gabi?" sabay cross arm pa niya.
"Ako. Naku naman, Adel. Lahat nang mga nakakakilala sa'kin ay kilala na ako sa likod pa lang. Sa katawan kong 'to, kabisado mo na dapat," saad niya at nag post pa, para ipakita ang fit niyang katawan.
Nag-smirk si Adel at sinabing, "Mahiya ka nga!"
"Oh bakit, saang planeta ka ba nanggaling?" pamimilosopong tanong sa kanya ni Ray.
Tumingin sa kanya si Adel at ngumiti, "Kakalabas ko lang diyan," malambing na saad niya at tinuro ang puso ni Ray.
"Bakit ka umalis?" he replied.
"Dami na kasing nakasiksik, hindi na ako kasya," mahinang saad ni Adel.
"For all you know, ikaw lang ang nandito for the past 15 years," nakangiting sagot ni Ray.
"Pa'no kung hindi naman ako ang tinitibok niyan? Ipipilit ko pa ba?" she's really doing an act sa mga banat nila ni Ray.
Ngumiti si Ray,"You should know."
Napatawa si Adel, "Corny mo, Ray," sabay hampas niya sa braso nito.
"Alis na!" dag-dag pa niya.
"Hindi mo ba ako papapasukin? Mangangamusta lang sa future manugang ko," saad ni Ray at nagtitingin-tingin pa sa loob nang bahay nila.
"Alam siguro nila na darating ka, kaya natulog na," she said and gave him a faint smile.
"Sayang naman, aakyat pa naman sana ako nang ligaw sa kanila," saad niya habang nakatingin kay Adel.
"Kahit 'wag na," she replied.
"Stop it. Sinisira mo ang mga plano ko."
Kinuha ni Adel ang phone niya at may dinial,"Hello, mental hospital?" saad ni Adel habang may kausap sa phone.
"Hey..hey..hey!!!" agad na pag-awat sa kanya ni Ray.
"May tao po dito na kailangan nang tulong niyo," she said continously.
"Stop it!" salubong na kilay na sagot ni Ray at pilit na kinukuha ang phone sa kanya.
"Fine, I'll go," dag-dag pa niya.
Tinignan siya ni Adel at binaba ang phone, bahagya pa itong natawa, "I was just kidding, you think it's real?!" natatawa na saad niya.
"Alis na!" dag-dag pa ni Adel habang hindi mapigilan ang kanyang pagtawa.
"Are you sure? Baka hanapin mo ako 'pag umalis ako," he smiled.
"Not sure about that," naka cross arm na sagot niya at tinaasan si Ray nang kilay.
Sinara ni Adel ang pinto. Napayuko si Ray and just smile. Papa-alis na sana siya nang tawagin siya ni Adel.
"Ray?" mahinahong tawag niya.
Lumingon si Ray, "Yes, love?" sabay ngiti niya.
Umiling si Adel, "Not that one."
"Mahal?"
"No!" agad na sagot niya.
"Bhe?" hindi siguradong tanong ni Ray.
"Cliche," sabay eye-roll na sagot ni Adel.
"Ano ba?! Lahat na nabanggit ko ahh!!" Kunot-noo na sagot ni Ray matapos wala nang maisip.
Ngumiti sa kanya si Adel, "It's BABES!" At sinara na ang pinto.
Ngumingiti si Ray habang papalayo sa bahay ni Adel. Papalabas na siya sa village nang namataan ang mga grupo ng lalaki. Malayo pa lang ay nakilala na sila ni Ray at wala siyang balak na takasan o mag-iba nang daan sa kanila. Naka-abang sila kay Ray hindi kalayuan sa entrance nang Gran Planes.
"Huyy!!!" malakas na tawag sa kanya ni Vad.
Hindi siya lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi nakuntento si Vad kaya malakas na tinawag niya si Ray sa pangalawang pagkakataon.
"Huyy!!!" paglapit ni Vad kay Ray.
Lumingon si Ray, "Oh bakit? Nag-break kayo?!" diretsong sagot niya.
"Paano mo nalaman?!" salubong na kilay na tanong ni Vad.
"Oh c'mon Vad, hindi ka naman maghahamon nang away nang alas siyete nang gabi kung hindi kayo nag-break!! pwera na lang kung trip mo talagang manghamon nang away," he said.
He closed his hands at nagbabadya na sapakin si Ray, "You idio—" saad ni Vad at sinapak si Ray.
Ngunit, bago niya pa masapak ay naunahan na siya ni Ray. Sinapak siya ni Ray gamit ang kanyang kanang kamay at saka siya kwinelyo, "You know what? Masaya ako dahil nakipaghiwalay siya sayo. He don't even deserve you!" paglapit niya pa sa mukha ni Vad.
"At ano, ikaw ang karapat-dapat?!" sagot ni Vad at pinunasan ang dugo sa kanyang labi.
Binitawan siya ni Ray, "Paano kung sabihin ko na OO, may magagawa ka?!"
Hinigpitan niya ang kanyang tie at nag-smirk kay Vad, "You should know when is the right time to fight, hindi 'yung basta susugod wala rin naman palang ilalaban. How stupid."
"Choose who you're fighting with. You're not even worth the fight," dag-dag pa ni Ray.
Kinuha ni Ray ang kanyang bag at paalis sana nang biglang harangan siya nang mga alipores ni Vad, the same bullies na nag-harass kay Laurice.
"At saan ka pupunta?!" saad ng leader na naka harang kay Ray.
Lumingon siya kay Vad, "Just a little spoil brat coward!"
"Boss, sabihin mo lang kung papatulan na namin!"saad ng leader at tumingin pa kay Vad na nasa likod ni Ray. Habang nagpapabali nang buto ang iba niyang kasama.
Ilang saglit pa, napatingin ang leader sa likod niya kung nasaan si Vad at bigla na lang nilang inatake si Ray. Pinagpasa-pasahan hanggang wala nang natitirang lakas para makatayo, ni hindi nga maimulat ang mga mata at makuha na humingi pa nang tulong sa iba. Iniwan nila si Ray na walang lakas, malapit sa village ni Adel. Hanggang sa hindi niya na marinig ang mga sasakyan na dumadaan at malabo na ang mga mata niya para makita ang mga tao.
———
Kinabukasan
Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang paligid. Napatingin ito sa bawat sulok nang bahay at saka nagbuntong hininga. Unti-unti siyang bumangon,"Arayyy!!!!" pamimilipit ni Ray sa sakit.
Kumuha siya nang lakas sa sandigan nang sofa at saka ulit bumangon, "Arayy!!!" malakas na sigaw niya.
Napatitig pa ito sa kisame at sinabing, "Punyeta!!" saad niya nang maalala ang nangyari kagab.
Kinapa niya ang kanyang mukha, "Sa pagkamalas naman! hindi pa nga ayos ang isa may isa na naman?! Ano 'to, turtore?" Kunot-noo na saad niya.
Habang nakahiga sa sofa ay napatingin siya sa orasan na nakasabit sa ibabaw nang t.v. Dali-dali siyang bumangon nang makita na alas nuwebe na nang umaga at hindi na siya makaka-abot sa klase.
"Hold on, bakit naka-uwi pa ako?" Kunot-noo na saad niya.
Naalala niya ang nangyari sa kanya kagabi, at pilit na maalala kung nakilala niya pa ang nagdala sa kanya pauwi, but no. Hinalughog niya ang buong bulsa nang bag niya at walang nakita na mag-uugnay sa nangyari kagabi. Kaya kinuha niya na lang ang kanyang cellphone.
"Ma," aniya.
"Anak, kamusta ka diyan?" sagot ni Mrs. Warren.
"I'm good ma. Ma, I have a good news," he smiled.
"May girlfriend ka na?" agad na sagot ni Mrs. Warren.
"Ma, naman," aniya.
Napatawa si Mrs. Warren,"Ano 'yun anak?"
"Do you remember Adelaide Manzano from the village before?" tanong ni Ray.
"Of course, bestfriend mo sa village. What about her?"
"Ma, I met her again," galak na sagot niya.
"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Ikamusta mo na lang ako sa kanya."
Ngumiti si Ray, "Oum."
"Bye, love you," dag-dag pa niya at saka binaba ang phone.
Nang biglang nakita niya ang nakasulat sa kanyang draft.
"Hi. I'm sorry kung pinakialaman ko man 'tong phone mo. Nakita kita na nakahandusay malapit sa Gran Planes, wala ka nang malay. Gusto ko sana na tawagan man lang kahit isa sa mga contacts mo pero wala kang load, buti na lang may nakalagay na address sa ID mo kaya hinatid na kita. By the way, I'm Carolina Franz Dela Puente," mahinang pagbasa ni Ray.
Hindi niya napansin na napabangon siya nang mabasa ang message ni Carolina, "Akalain mo nga naman."
Agad niya si-nerch si Carolina sa Facebook, "Ca—ro—li—na—," isa-isa niyang sambit habang nagta-type sa kanyang keyboard.
Naglo-loading lang ito at walang balak na ipakita ang pictures ni Carolina. Kaya naisip niya na eh-text ang kanyang loader, "Dree, paki-loadan nga ako. Importante lang, salamat," pag-dm niya pa kay Dree.
Ilang saglit pa ay tumawag sa kanya si Dree, "Ray?! Bakit hindi ka pumasok? Ano'ng nangyari?" sunod-sunod na tanong ni Dree.
"Don't worry I'm fay—yes, I'm fine," sagot ni Ray habang tinitignan ang kalagayan niya.
"Buti na lang at walang training ngayon sa teachnicality."
"Bakit? Sa'n ba si prof?" tanong ni Ray.
"Hindi namin alam, hindi nga nag-lesson," sagot ni Dree.
"Dree, if you don't mind. I need my load," aniya.
"Oh, just wait for it."
"Thank—" hindi na nagawa ni Ray na magpasalamat dahil binabaan niya ito agad nang tawag.
Isang minuto ang nakalipas
May nag-pop up na message kay Ray, "09***2****5 loaded to 09****7**4**4. Enjoy the 200 mb of data everyday," pagbasa niya pa sa message at napangiwi.
"Akala ko Giga 100 na, Fb 10 lang pala. Hinayupak 'yun!" mahinang saad niya habang sine-search na si Carolina sa Facebook.
Cli-nick niya ang photos at bumungad sa kanya ang mga naggagandahang pictures ni Carolina. Pinagmasdan niya ang buong mukha at postura ni Carolina na parang pinag-aaralan ito, ''So this is her?" mahinang tanong niya habang nakatitig sa pictures ni Carolina. Carolina Franz Dela Puente is really girly, maganda, mayaman, maputi, matangkad at mahaba ang buhok, the way you look at her face is like seeing an angel. Mabait ang mukha na parang walang bahid nang kasalanan, like for her, life is perfect.
Napalingon si Ray nang marinig na may kumakatok, "Sandali lang," saad ni Ray habang pinipilit na makatayo.
"Arayy!! Sandali, just wait there," dag-dag pa niya habang namimilipit sa sakit.
Paika-ika siyang lumakad papunta sa pinto at binuksan ito, "Hi," nakangiting bungad sa kanya ni Carolina, na naka uniform: black pencil, black shoes, with white long sleeves at nakatali ang mahaba niyang buhok.
Napatitig pa si Ray sa kanya bago ma- realize na hindi niya pa ito pinapapasok, "Ah, pasok ka," pag-ayaya pa ni Ray. Pumasok naman sa loob si Carolina at umupo sa sofa kung saan nagkalat ang mga gamit ni Ray.
Sinara ni Ray ang pinto at inalok si Carolina nang drinks, "Do you want, juice, tea, or just water?"
Tumingin sa kanya si Carolina, "Ah no thanks. Hindi naman ako magtatagal just sit down and let your body rest," mahinahong saad niya.
Umupo si Ray sa sofa kung saan hindi kalayuan kong saan nakaupo si Carolina, "Ah I came here to check up on you," dag-dag pa niya.
Tumingin sa kanya si Ray, "Ah about yesternight, thank you for saving me," he replied.
Bahagya pang natawa si Carolina, "Ah, no worries. Mabuti nga din at nakahingi ako nang tulong sa mga tao. And I have my driver that moment. Kilala ko rin 'yung mga mga taong 'yun, mga tao sila ni Vad na kilala bilang mastermind and boss nang mga bullies."
"Paano mo sila nakilala?" Kunot-noo na tanong ni Ray.
"Ah, I knew them. We're schoolmates from Escuela de Unibesidad, hindi kalayuan sa campus ninyo but our school is somewhat low-key. Alam mo 'yun, masyadong tahimik, at nakilala si Vad bilang bully. He came from a wealthy family kaya kahit anong gulo pa ang dulot niya sa school ay hindi siya pinapatalsik."
"Even Professors namin ay natatakot sa kanya," dag-dag pa ni Carolina.
"At hinahayaan lang nang Dean niyo?!" pag-smirk ni Ray.
Nagbuntong hininga si Carolina, "Our Dean is his father."
"Then the school is not progressing," he replied.
Hindi umimik si Carolina, dahil sa katotohanan na sinabi ni Ray.
"Ah, how are you?" tanong ni Carolina.
"Ah, sumasakit lang ang katawan ko," sagot ni Ray.
"Then, take some meds. and have a rest," pag-uutos sa kanya.
Nang biglang may nag-ring na phone, "Is it yours?" tanong pa ni Carolina.
Umiling si Ray, "No, I think it's yours."
Kinuha ni Carolina ang phone niya sa kanyang dalang bag. Tinignan niya kung sino ang tumawag at tumingin kay Ray, "I have to take this call," saad niya.
Tumango lang si Ray at ngumiti habang pinagmamasdan si Carolina as she answered the phone, "Hey mom," nakangiting bungad niya.
"Don't worry, I'm fine. I'm in nowhere place but I'll get back when I'm done here. I have Mang Nando to be my driver. I'll get back before the class started," saad ni Carolina over her phone.
"Yeah, I'll be fine. Bye," dag-dag pa niya at saka binalik sa bag ang kanyang phone.
Tumingin siya kay Ray, "That's my mom, pinapabalik na ako."
"You need to go now," aniya.
"Ah yeah, may klase pa ako, " she replied.
Tumayo si Carolina at sunod na tumayo si Ray, "Hatid na kita."
"Hindi na, you should rest. I'll see you again."
"No, I insist," he replied at tumayo kahit na sumasakit ang kanyang katawan.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang puting kotse na naka-parking sa harap nang bahay niya. Paglabas ni Carolina ay may lumapit sa kanyang lalaki na driver niya, inabot ni Carolina ang bag niya sa driver at ipinasok ito sa loob nang kotse, "I'll see you again, Ray. Bye!" sabay ngiti ni Carolina.
"Thank you!" he then smile back.
Umupo siya at pinagpatuloy ang pag-stalked kay Carolina.
Nang may kumatok, "May nakalimutan ka ba?" tanong ni Ray sa pag-aakalang may naiwan si Carolina.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya sina Nic at Dree na may dalang paper bags, "Sino'ng may naiwan?" tanong sa kanya ni Nic habang karga ang bote nang mga inumin.
Dumiretso na si Nic at Dree na pumasok sa bahay, "Huh, Ray sino 'yung may naiwan? May pumunta ba dito?" pagtatanong ni Nic habang kinukuha sa paper bags ang kanilang mga pinambili.
"Nothing," saad ni Ray at saka sinara ang pinto.
"Bakit nga pala kayo nandito, 'di ba may klase pa?" tanong ni Ray at saka pumwesto sa sofa kung saan naka-upo si Dree.
"Wala si prof. Dela Peña, pinatawag ng Dean regarding of what happened sa training natin. Kaya naisip namin na since hindi ka nakapasok ay hindi na rin kami papasok. Besides wala namang buwis buhay na klase ngayong hapon," sagot ni Dree habang nakataas ang paa sa lamesa.
Tumango-tango lang si Ray nang sumulpot sa usapan si Nic, "Teka, ano nga pala ang nangyari diyan sa mukha mo? Huwag mong sabihin na nauntog lang 'yan, puro pasa na ang nakikita ko," salubong na kilay na saad ni Nic habang naglalagay nang drinks sa ref.
Napatingin sa kanya si Dree, "You look like being turtore. Tignan mo nga 'yang itsura mo Ray, may benda ka sa kamay tapos parang tinapunan nang black berry ang mukha mo sa daming pasa," aniya habang pinagmamasdan ang buong mukha ni Ray.
He sigh, "Ah napa-away lang ako kagabi sa mga grupo ng mga bullies. Kaya ko naman, hindi naman ako nabawasan nang buto o namatay," he replied.
"Sino? Resbakan na natin?" saad ni Nic.
"Huwag ka nang mandamay Nic, ikaw na lang," sarkastikong sagot niya.
Unti-unting tumayo si Ray para ligpitin na ang mga kalat sa bahay niya: ang cd's niya ay nagkalat na sa kung saan, hindi napupunasan ang lamesa at hindi pa siya nakakapagbihis. Paakyat na siya sana sa kwarto niya nang hawakan ni Dree ang remote habang nakataas ang paa niya sa lamesa na nasa harapan niya, "Movie marathon tayo?" pagtatanong sa kanila ni Dree habang naka sentro ang paningin sa t.v.
Nag-smirk si Nic at sinabing, "Dree, alam mo naman na oldies 'tong si Ray, tapos movie marathon ka pa diyan."
Nabaling ang tingin ni Ray kay Nic na hindi pa tapos sa kalalagay sa kanyang ref, "Ano'ng sayo?! Kung ayaw mong manood, edi pumikit ka," sarkastikong saad niya.
"Ano'ng magandang panoorin?" tanong ni Dree, habang na sa folder na siya nang mga movies.
"Ikaw na ang pumili, may mga 90's to 20's naman akong movies diyan. Naka-label naman lahat," sagot ni Ray at umakyat sa taas.
Ginabi na sila sa panonood nang movies ni Ray kahit na oldies ito. Nakatapos sila nang limang movies na 1 hour and 30 seconds ang haba. Nagkatitigan lang sina Dree at Ray nang mapansin nila na may iba nang nararamdaman si Nic. Nasa sofa sina Dree at Ray habang nasa sahig naman si Nic na naka-focus sa pelikula. Nagkalat ang bote nang alak at chichirya sa sahig. Alas nuwebe na rin sila nang gabi nakauwi at balak pa yata na sa bahay na ni Ray matulog dahil wala pang balak na umuwi. Hindi gaanong lasing si Dree dahil may kotse pa itong kailangang iuwi habang malakas naman ang tama kay Nic na halos hindi na magawang makatayo.
Hinatid sila ni Ray sa labas nang bahay niya at sinara ang pinto. Pumasok siya sa loob at saka nagbuntong hininga sa mga nakita niya, nakakalat na mga bote, plastic, chichirya at plastic bags. Kaya imbes na magpahinga na siya ay niligpit niya ang lahat nang kalat nila.
Nang biglang maisip niya si Carolina, kinuha niya ang kanyang phone na nasa lamesa katabi nang kama niya at saka i-nadd-friend si Carolina sa Facebook. Nang agad na may nag-pop up sa notification niya.
"Carolina Franz Dela Puente accepted your friend request," pagbasa pa ni Ray.
Huminga siya nang malalim at nag-iisip kung ano ang sunod na gagawin at saka sinimulang mag-type sa kanyang keyboard, "Hi, ah thank you so much!" pag-type pa ni Ray.
"Masyadong formal," saad niya at saka dinelete ang message.
"Hey! How's your day?" Pag-type niya sa keyboard at dinelete din agad.
"Masyadong feeling close," mahinang saad niya at saka nag-isip nang magandang sasabihin.
"Bahala na," he shortly said.
"Hi, thank you for coming. I appreciate it!" Pag-type niya at lakas na loob na sinend.
Alam niya ang nararamdaman niya towards Carolina, walang duda that he likes her. If ever, Carolina will be his first love. Halos papikit na ang mga mata niya kakahintay sa reply ni Carolina at naisip na matulog na. Nang napukaw siya nang marinig ang ringtone niya.
Kinuha niya ang kanyang phone na nasa lamesa at sunod na binuksan ang mesaage, "Oh hi, no worries. So how are you?" she replied.
Napabangon si Ray at saka dali-daling nag-reply, "I'm doing good. Unti-unti nang humihilom ang mga pasa at kaunting sugat."
"That's great! So maybe, tomorrow you can attend your class," she replied.
"Yeah. By the way, do you want to have a coffee tomorrow? My treat," nakangiting pag-type niya.
"Tomorrow? I'm sorry, but my plate is full."
"What about weekend?"
"Ah, maybe. I'll update you when I'm free," sagot ni Carolina.
"I'm sorry. But next month will do or even a year?" Ray was trying to keep the situation smooth by telling jokes and show his wit.
Inabot na sila nang madaling araw sa kaka-chat lang sa isat-isa. He wanted to know more about Carolina bago siya magpakita nang motibo. As the night gets colder, Ray got to asked Carolina about love and start to somewhat confess his feelings.
"So, do you have someone else? Or is there someone who's waiting for you?" pagtatanong ni Ray habang pinipigilan ang kanyang pagtulog.
"Nope," she replied.

"Seriously? I mean, you're gorgeous, kind and smart."
"So, why?!" dag-dag pa niya.
"I don't know, maybe I waited for someone and not that someone is waiting for me. "
"So maybe, we have a chance?" lakas na loob na ni-reply ni Ray.
Hindi naka-imik si Carolina, "I mean, since I saw you, I can't help myself but too fall in love with you. I'm sorry kung masyadong mabilis man, but don't worry, liligawan kita. I want you to be there when I'm flying and take-off. Fly the plane together with me, and I assure your safety," dag-dag pa ni Ray.
"Don't hide with your words," she replied.
Huminga siya nang malalim at saka nag-type, "Can I court you?"
"Ray, hindi kapa nanliligaw sinagot na kita."
"What?"Kunot-noo na sagot ni Ray.
"You are the person that I've waited, Ray. Kaya nang nakita kita sa Gran Planes na walang malay, hindi ako nagdalawang-isip na iuwi ka and make sure that you're safe and sound."
"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. But, I will keep my words. I will court you no matter what," he smiled.
"Bahala ka."
"I wanna work hard for it," pagi-insist ni Ray.
"You have your choice."
And officially, Carolina is his first love, pero napatanong siya kung masyado ba silang mabilis. Kahit papano ay nagduda si Ray dahil halos kakilala lang nila sa isat-isa, hindi niya maiwasang isipin na kung gano'n kabilis na sagutin siya ni Carolina ay gano'n din kabilis ang pagbitaw nito sa kanya.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    AlexXanderaroso

    yo it's nice

    24d

      0
  • avatar
    Kim Ashley

    goods

    24d

      0
  • avatar
    JulianoCaiden

    good story

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes