logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 3: RAY MEETS ADEL

CHAPTER 3: RAY MEETS ADEL
RAY'S POV
Flashback
"No matter what happend, save yourself," tanging sinabi ni Mr. Cruz habang pabagsak ang chopper.
"Go!" malakas na saad ni Mr. Cruz.
Binuksan ko ang pinto at tumalon, mga 30 feet na lang ang pagitan namin sa lupa nang tumalon ako mula sa chopper. Nanghihina ang tuhod ko, walang lakas para tumayo. Kitang-kita ko pa ang mga classmates ko na nagtitipon-tipon. Lumalabo na ang paningin ko, at tanging sigawan na lang nang mga tao ang naririnig ko. Hindi ako nakatayo o nakahingi nang tulong, nakita ko na lang ang umaapoy na chopper sa lupa at ang dumating na medic.
"Ray?" pagpukaw saakin ni Dree.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Nasa ospital ako, "Dree?" mahinang sagot ko sa kanya.
"Ray, gabi na kailangan ko nang umuwi, papabantayan na lang kita dito kay yaya," saad niya habang nakasablay na ang bag sa likod.
"Hindi na, ayos lang ako. Sige na umuwi kana, baka mapagalitan kapa sa inyo. Salamat," I smiled.
Nic and Dree knew that I'm on myself —living in the city. Hindi sa wala akong nanay, pero pinili niya na sa probinsiya tumira. She lived most of her life in the city at hindi maganda ito para sa kanya. Siguro dala na rin nang trauma of what she'd experience from the past.
Ilang saglit pa ay may pumasok at binati ako, "Good evening Mr. Warren!"
"Good evening, doc," mahinang sagot ko at pinilit na maka-upo.
"How are you?" Lumapit saakin si doc at chi-neck ang dextrose ko.
"Ah, okay naman po. Masakit lang po ang katawan ko."
"Good. As you can see may nakalagay sa braso mo, may konting bali lang, may konting sugat ka din sa arms at konting sugat sa mukha, but eveything will heal," aniya.
"Anyway, where's your parents?" sabay tingin ni doc sa paligid.
"Ah, my mom can't made it, she's in the province," sagot ko sa kanya.
"Well, bukas pwede ka nang lumabas since mild lang ang natamo mo sa aksidente," aniya at ngumiti.
"Thank you, doc."
"You're welcome, if you need anything call me over the phone," saad ni doc at tumalikod na sa'kin.
"Ah doc, dito rin po ba dinala si Mr. Cruz?" pagpigil ko sa kanya.
"Yes,"she replied.
"How is he?"
"Mr. Cruz is fighting, hindi madali ang pinagdaanan niya. Nasa ICU siya to monitor him. Hindi pa rin siya ngayon gumigising but he's fighting," sagot ni doc at saka umalis.
End of Flashback
Pumasok ako na may benda sa kamay at may mga sugat sa mukha. Nang biglang sumulpot sa tabi ko sina Nic at Dree.
"Ray, bakit kapa pumasok?" tanong ni Dree habang naglalakad kami papunta sa room.
"Oo nga, tignan mo nga 'yung itsura mo," dag-dag pa ni Nic na akala mo naman 'di nahimatay.
"Baka may lesson si prof. Dela Peña at hindi ko maabutan, baka mapa-aga pa ang buhay ko," saad ko at tumawa.
"You know what? Sometimes you have to stop being funny!" salubong na kilay na saad ni Dree.
"Why? I'm just speaking my mind," sagot ko.
"Then stop thinking!" malakas na saad sa'kin ni Dree.
"Alam niyo, inom na lang tayo mamaya. Ano game kayo?" nakangiting saad ni Nic.
Nag-smiked kami ni Dree sa sinabi ni Nic at nauna kaming naglakad habang naiwan naman si Nic. Nic can be sometimes annoying, 'yung tipo na ayaw mo siyang makasama but Nic is a good friend, kapag may problema ka, sumbong mo lang sa kanya, hindi siya magsasalita, makikinig lang siya hanggang makatapos ka. An ultimate listener namin ni Dree. Pero minsan sinasadya namin ni Dree na 'wag pag-usapan ang mga babae dahil konting banggit lang ay mangungulit agad and often times, it's NOT good.
"Dude, sama ka?" tanong nila sa'kin bago umalis para bumili nang milktea sa labas nang school.
"Susunod ako," sagot ko sa kanila na nasa labas na nang room. Habang inaayos ko pa ang gamit ko.
Naunang umalis sina Nic at Dree habang naiwan ako sa room. Ang dami pa namang tao na dumadaan sa room at may mga kasama din naman ako. Matapos kong maayos ang mga gamit ko ay lumabas na ako sa room para sumunod sa kanila. Hindi na rin ako nagdala nang pera dahil si Dree naman ang gagastos.
Pinilit kong bilisan ang paglakad ko, para sa gayon ay maiwasan ang mga tao. Nang may kumalabit sa'kin.
Lumingon ako at namukhaan ang babae, "Oh, how are you?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ah, okay naman po. Nabalitaan ko po sa guards na expelled na ang mga bullies dahil nakita sila ni manong guard kasama si ate Adel dito sa school," saad niya.
"Hold on, who?" Kunot-noo na tanong ko sa kanya.
"Oh si ate Adel, that girl na kasama ko sa locker, siya 'yung sinabi ko sa'yo na she saved me bago ka dumating," sagot niya.
"Adel what?"
Napa-isip siya sa tanong ko, "Ahhh, Adelaide lang po ang sinabi niya sa'kin."
"Sige salamat.... Ano nga ba ang pangalan mo?"
"Ah, Laurice," nakangiting sagot niya.
"Nice to meet you, Laurice ,and thank you!" saad ko at nagmadaling umalis papunta sa bulletin board malapit sa locker kong saan naka-away namin ang mga bullies.
Pagdating ko sa area nang bulletin board, school papers at news ay matiyaga kong hinanap ang pangalan na binigay sa'kin ni Laurice. Hindi na rin ako nakasunod kina Dree at Nic sa labas nang school. Hinanap ko ang schedule ng bawat student sa bulletin board, sige lang ako sa pag-flip nang mga pages kahit alam ko na imposible ko siya na mahanap dito, sa dami ba naman ng students dito sa school tapos tanging Adelaide lang ang alam ko, ni hindi ko nga alam kong anong department siya o kong ano man lang ang apelyido niya. Parang naghahanap ako nang perlas sa bato o isda na lumalangoy sa lupa.
After 30 minutes
Nasa multimedia department paper na ako.
"A-de-laide... A-de-laide.... A-de-laide," paulit-ulit kong sambit habang hinahanap ang pangalan niya. At sa pag-flip ko nang page ay bumungad sa'kin ang profile niya.
Binasa ko ang nakalagay sa portfolio niya, "Manzano, Nicole Adelaide. A 4th year college major in multimedia arts, from multimedia department. Her adviser is professor. King. A theatre performer who already performed in Cultural Center of the Philippines (CCP) performing a hit musical, entitled Cats," mahinang pagbasa ko habang akay-akay ang portfolio niya.
"Hold on, Manzano? is that right?" Kunot-noo na saad ko nang maalala ang apelyido niya.
"I need to clarify everything," dag-dag ko pa.
"Napaka-busy naman nitong tao," mahinang sabi ko nang mabasa ang kanyang schedule.
Nagsisimula ang klase niya 8:00 am at nagtatapos 5-6 pm. Napalaki ako nang mata nang makita ang schedule niya.Tinignan ko nang maayos ang form at nakita kong bakit ito ginagabi umuwi.
"Dated rehearsals in theatre: 5-6:00 pm."
Sinara ko ang portfolio at tinignan ang relo ko. Palabas na sana ako nang gate para sumunod sa kanila nang napa-isip ako. Hindi ko masyadong pinagmasdan ang itsura niya sa locker incident ,but the way she spoke, it feels like I already knew her. Napatingin ako ulit sa relo ko habang nakatayo sa gate, at 5:10 na nang hapon.
"I need to know her," mahinang saad ko.
Tumakbo ako at pumunta sa direksiyon nang hallway sa locker kong saan kami nagkita, doon din kasi ang papuntang theatre room. Tumakbo ako sa pag-aakalang maaabutan ko siya at makilala man lang, nang may nasiko akong bigla.
"Dude, can't you see me?!" salubong na kilay na saad niya.
Napatigil ako sa pagtakbo at liningon siya, "I'm sorry, I didn't mean to," hinihingal sa sagot ko.
Nag-smirk siya sabay sabing, "Fine!"
Tatalikod na sana siya sa'kin nang maalala ko ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali, sa kanya ang boses na 'yun, "Wait," pagpigil ko sa kanya sa paglalakad habang nakahawak sa balikat niya.
Lumingon siya at masamang tinignan ang kamay ko na nasa balikat niya, kaya agad ko itong kinuha, "What?!" malakas na saad niya sabay taas pa nang kilay saakin.
"Ah, Adelaide?" mahinang sambit ko sa pangalan niya na parang hindi pa sigurado.
Kunot-nuo niya akong tinignan,"What?!"
"I thought you were Adelaide," napahiyang sambit ko.
"Yes, I'm Adelaide. But I don't know you, I'm sorry," saad niya at tumalikod na sa'kin.
"Wait, I'm just looking for you since that locker incident happened," pagsunod ko sa kanya.
Lumingon siya, "Are you that man wearing an aviation uniform?"
"Exactly!" galak na saad ko.
"Then, what do you need?" diretsong tanong niya.
"Hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ko.
"Bakit, sino ka ba?" she said sarcastically.
"I guess you don't. I'm Ray. Jonathan Rayleigh Warren," pagpapakilala ko pa sa kanya.
Napa-isip siya, "Wait gimme a minute."
"You have your time," sagot ko. At sumandal sa pader habang nag-iisip siya.
"Wait, Warren? My friend from the village?!" nakangiting saad niya.
"Yup. I'm that boy," I answered.
"Good Lord, we finally met!" she smiled.
"But hey, anong nangyari diyan?" sabay tingin niya sa nakabenda kong kamay.
Tumayo ako nang maayos at lumapit sa kanya, "Got an accident and here's what happened."
"Oh, by the way, saan ka pupunta?" mahinahong tanong niya.
"Heading to the theatre room to find you," sabay ngiti ko sa kanya.
"We have no schedule yet, kaya hindi na muna kami pinapasok," aniya.
"I'm sorry kung nasungitan man kita kanina," dag-dag niya pa.
Ngumiti ako, "No, it's fine. I expect how you response. I know that you are a fighter, sino ba naman kasi ang susugod sa mga bullies na malalaki ang mga katawan?" sagot ko.
"And about that. Thank you. But don't belittle women, because they might be stronger and braver than you," aniya.
"Do you want to sit?" tanong ko sa kanya.
"Wag na lang pala, baka hindi ka sanay," pagpigil ko pa.
Nag-smirk siya at sinabing, "It's fine. Minsan ganito din ang ginagawa ko sa theatre. Just sit and rest for awhile."
Umupo siya kaya umupo na rin ako sa tabi niya. We talk about stuff and the things that happened matapos kaming magkahiwalay. It's nice to meet her again after 15 years.
"Pero paano nga ba tayo naghiwalay?" Kunot-noo na tanong ko sa kanya if she remember. Actually, I don't have a reason or words to stand because, I don't know what was happen 15 years ago. Wala akong alam, kung ano talaga ang nangyari. One day, nawalan na lang ako ng kaibigan.
Tinignan niya ako, "Do you wanna know?"
I look at her face at pilit na tinatandaan every detail nang mukha niya. And what captured me? I can say that it's her eyes and her magnificent voice. Matapang ang mga mata niya at kalmado ang boses.
"Of course. Go, I'll listen." I answered, while looking at her damn gorgeous face.
"Do you remember when our last play at the village? It's my last play with you. Kung natatandaan mo, sinundo na lang ako ni mama at inuwi sa bahay, she said that we're going to the mall at binihisan niya na ako. I can see the baggages sa sala namin at sinabi ni mama na for donations lang daw pero mga gamit na pala namin. At 'di na kami pa bumalik sa village na 'yun. That's the reason why, I left you," aniya.
"And now, we've met again," nakangiting sagot ko sa kanya at ngumiti siya.
Tinignan ko ang relo ko at alas sais na nang gabi. Kinuha ko ang bag ko na nasa tabi ko at ginamit ang kanang kamay ko para isablay ito, since left hand ang hindi makagalaw.
Tumayo ako at inabot ang kanang kamay ko sa kanya, "Let's go?"
Hindi niya ito inabot at tumayo mag-isa sabay sabing, "Let's go!"
Napatanong siya bigla, "Ah, nga pala, bakit ka nag-aviation?" at tumingin saakin.
"I just want to bring my mom in quiet places, without minding the fare," I answered.
"Got to pack my suitcase when that day comes and note, it's FREE!" sabay ngiti niya saakin.
Nag-smirk ako, "Ang mahal kaya nang tuition, tapos sasakay ka lang nang libre?!" salubong na kilay na saad ko sa kanya.
Nag- eye roll siya, "Fine. Then, I have to find my own pilot."
"Go!" pag-cheer ko pa sa kanya, as if that she'll find one.
"Eh ikaw, bakit multimedia arts?" tanong ko.
"Actually, I don't know. Ang alam ko lang ay gusto ko ang theatre, I'm inlove with it at gusto ko ang trabaho ni Ms. Eysi. Ang galing lang. She's breathtaking!" she smiled.
Tumango lang ako kahit hindi ko alam kong sino si Ms. Eysi and what do theatre makes a theatre. Why is Adel so deeply inlove with it. Ano ang meron sa theatre and multimedia arts na wala sa ibang activities at courses. Is it unique and fun?
Nang biglang...
"Hey! What do think you're doing?!" pagsita saamin ng isang lalaki habang papalapit sa direksiyon namin.
I don't know who the hell he is at hindi ako interesado kong sino man siya. But man, nakakabastos siya. "Hey, who the hell are you?!" malakas na saad ko sabay lapit sa kanya.
"You didn't know me?!" tanong niya at kinuha ang kanyang sunglass.
"Bakit, sino ka ba?!" malakas na saad ko habang nakatingin siya kay Adel na nasa likod ko.
Pinagmasdan ko siya at napansin ko ang suot niya, he's not wearing the same ID as we did, the uniform is really different— white na tops with black pants. He is probably came from different school. Nang malapit na sa'min ang lalaki ay lumapit ako sa kanya. Tinignan niya ako na parang naghahamon nang away, hindi ko alam kung trip lang ba nito o ano. Nabaling ang tingin ko kay Adel na nasa tabi ko, habang tinitignan ang lalaki, "Behind me," mahinahong saad ko kay Adel.
"Ray, wai—" putol na sagot niya.
"I said, behind me," kalmadong saad ko habang nakatingin sa lalaki na nakahawak ang kamay sa kanyang bulsa.
Labag sa loob na sinunod ni Adel ang sinabi ko at pumunta sa likod ko. Lumapit ako sa kanya habang na sa likod ko si Adel.
"What's wrong with you?!" salubong na kilay na saad ko. Hindi ko ugali ang manapak ng tao nang walang dahilan, if you're not hitting me then I will not hit you too. Just make sure na hindi dadampi sa mukha ko ang kamao mo.
Nag-smirk siya, "What's wrong with me?! Huh?!Ako pa talaga?!" he sarcastically said.
"What do you think, you both are doing?!" dag-dag niya pa. May pinupunto siya, hindi ko lang maisip kong ano 'yun.
Napakunot-noo ako, "Bakit, sino ka ba?!" malakas na tanong ko. Wala akong pakialam kong anak man siya ng Dean, anak nang mayaman o kong kay sino man siya'ng anak.
"You don't know me?!" Kunot-noo na tanong niya sa'kin.
"Bro, hindi mo ako kilala pero nakikipaglandian ka sa kasama mo?! You got the nerve, then!" sabay cross-arm niya.
At this point, I can't stop myself to stay calm as I should do. Hindi ko mapigilan na isara ang kamao ko at ihanda ito para sapakin siya. Nang biglang hinawakan ni Adel ang kamay ko, lumingon ako sa likod kung nasaan si Adel. Tinignan ko ang kamay ko na hawak nang kamay niya at sinunod na tinignan siya na parang nagmamaka-awa na 'wag ko nang patulan pa.
"What do you need?" kalmadong tanong ko ngunit hindi ko maiwasan na tignan ang lalaki nang masama.
Tumawa pa siya nang bahagya at sinabing, "I need you to get your hands off of my GIRLFRIEND!!" pagdiin niya pa.
"Girlfriend?!" hindi makapaniwalang tanong ko. This smart-mouthed man ay boyfriend ni Adel? Sino'ng niloloko nito?!
"Bakit? Ano ba ang nakita sayo ni Adel? Ang pagiging bastos mo?!" without a pause na saad ko.
Napangiti nang bahagya ang lalaki at sinabing, "Simple. Nakita niya sa'kin ang hindi niya nakita sa'yo," he looked at me strangely.
"You're done, stu—" putol na saad ko.
"Enough!!" malakas na sigaw ni Adel at saka pumagitna saaming dalawa.
Tinignan lang kami ni Adel, as she was trying to solve everything. Kahit isa sa saamin ay walang umimik at hinayaan na lang si Adel na magsalita for good. Salubong na kilay na tumingin siya saaming dalawa.
"Adel, is it true? Boyfriend mo 'to?!" tanong ko sa kanya at tinuro ang stupidong lalaki.
She looked at me at sinabing, "Yes, Vad is my boyfriend."
"See?! So stay out of her!!" aniya at sabay na inakbayan si Adel.
"O—kay.. I don't want you both to fight. We can all settle this back, just please," saad ni Adel habang nagpabalik-balik ang tingin sa'min ni Vad.
Ilang saglit pa, "Ray, this is Vad, my boyfriend and Vad, this is Ray, my friend," pagpapakilala saaming dalawa ni Adel.
I didn't say any word, I just stare at him strangely, "Ray? Are you fine?" pagbaling nang tingin sa'kin ni Adel.
Napukaw ako at sinabing, "Ah yeah, I'm good," nakangiting sagot ko sa kanya.
I should be happy for them ,pero bakit hindi ko kaya na ngumiti man lang sa kanila.
Lumapit ako kay Vad habang nasa pagitan pa rin namin si Adel. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya to show that we're fine with each other, pilit na inabot ni Vad ang kamay ko at nakipag- shake hands.
"I'm sorry, 'di ko alam. I shouldn't do that," mahinahong saad ko at ngumiti kina Vad at Adel. I was trying to be happy for them, hindi dapat ako tumutol or to tear their relationship apart, I know where I stand, kaibigan lang ako.
Behind the smile I showed, I had a feeling that, something's wrong between Vad and Adel. Unang kita ko pa lang kay Vad, ay mukha na itong manloloko and I don't want that to happen especially to Adel.
"It's fine, Ray," she said at ngumiti saakin.
"Let's go?" tanong ni Vad kay Adel sabay kuha niya sa bag ni Adel at inakbayan pa ito.
"Ray, mauna na kami. Take care," she smiled.
Huminga ako nang malalim at napahawak sa aking batok. Hindi na muna ako sumunod sa kanilang dalawa, kaya naghintay ako nang 10 minuto bago umalis at umuwi.
Nang makalabas ako ay nag-agaw pansin sa akin ang red na Ferrari sa labas nang gate. Napahinto ako sa paglalakad at lumapit nang kaunti sa kotse nang may narinig akong sigawan na nagmumula sa loob nang red na Ferrari. Ang lakas nang sigawan nila sa isat-isa, I can hear them fight together as Vad became malicious. Napakunot-noo kong pinakinggan ang pagtatalo nina Vad at Adel at umasta na, naghihintay lang nang taxi pauwi. Halos isang dapa lang ang layo ko sa kanila.
"Hey, what's wrong?" mahinahong tanong sa kanya ni Adel.
"Kailan pa kayo nagkakilala ng Ray na 'yun?" interesadong tanong ni Vad.
"An hour ago ,but we've met in a locker incident, why?"
"I told you, 'wag kang makikipag kaibigan sa hindi mo kilala. 'Wag ka nang ulit makipag-usap do'n sa cheap guy. You should be careful," malakas na saad ni Vad.
"Ray, is just a friend. And besides, we are on the the same school, hindi malabo na hindi ko siya maiiwasan. He's just a friend, kakakilala lang namin and I want to fill that missing times with him no'ng iniwan ko siya," she replied.
"Alam mo kung ano ang kaya kong gawin. Iwasan mo siya hanggat kaya mo!" Vad force her to leave me, again.
"Hindi na ako bata!"
"I don't want you to be friends with him, just stay away from him!!" malakas na saad ni Vad.
"No, I'm not!"salubong na kilay na saad ni Adel.
"Whether you like it or not, iiwasan mo siya!!!" sigaw niya.
Hindi naka-imik si Adel at nakatingin lang sa bintana, "Do you have an affair with him?!" Vad looks at her directly.
"What the heck, Vad. You knew me for three years at pagbibibtangan mo ako?!" malakas na saad niya like she was bursting her anger.
Napa-smirk si Vad,"Malay ko ba kung ano ang ginagawa niyo?!" he sarcastically said.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo that Ray is just a friend... A friend... A friend!!" napalakas na saad ni Adel at tinignan nang diretso si Vad.
"Friend? It is where it all started, Adel. Friend now and then what later? Lovers?!" sabay eye-roll nito.
"Goodness Vad!!where is this all coming from? Ray is just a friend. Anong mali do'n?!"
"Let say that you were friends but with what? With benefits?!" pagdiin pa niya.
Napapikit si Adel at malakas na sumigaw, "That's enough!"
Huminga nang malalim si Adel at tumingin nang diretso kay Vad, "I understand you for three years, inintindi kita, minahal at pinahalagahan kahit na ang daming bawal. I stayed kahit na hindi naman dapat ,dahil alam ko that one day ay magbabago ka. But now? You prove me wrong," her voice cracked.
"And what? Akala mo hindi ko alam? That those stupid bullies ay mga tao mo!!" salubong na kilay na saad ni Adel.
"Pa-pa'no mo nalaman?" Napakunot-noo na tanong ni Vad habang iniiwasan ang mga tingin ni Adel.
Nag-smirk si Adel at pinahiran ang namumuong luha sa kanyang mga mata, "Pa'no ko nalaman?! that freaking bully mentioned to me,' hindi ba nasabi sa'yo nang boyfriend mo?' and that I sense something wrong between us. No, just YOU!!" dag-dag pa niya.
"What the heck!! Don't make me dumb, Vad. I am not stupid. Don't you dare deny it, you're caught on guard!!" she close her fist na parang gustong saktan si Vad.
"Pinapabantayan mo ako dahil wala kang tiwala sa'kin, that's the point! I trusted you but you can't even trust me. Bakit? Sino ba sa'tin ang unang nagloko? Is it me?!" malakas na saad ni Adel.
Nag-smirk si Adel, "Baka nakalimutan mo what happened 2 years ago at gusto mong ipa-alala ko pa?!"

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    AlexXanderaroso

    yo it's nice

    24d

      0
  • avatar
    Kim Ashley

    goods

    24d

      0
  • avatar
    JulianoCaiden

    good story

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes