logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Behind The Red Curtain

Behind The Red Curtain

mr.fahrenheit


CHAPTER 1: HER SAVIOUR

PROLOGUE:
The curtain rises for every Creatives—folks who is part of a company in Ford Academy. A huge and impeccable University in the West, for building greater minds and nourishing talent. The spotlight is on for Ray and Adel as they both shine and showcase their talent in performing. Adel, a multimedia student who already performed at the CCP (Cultural Center of the Philippines). A broad minded, badass, upfront and feisty young lady who once loved by a bully, Vad— a filthy rich and posseive type of boyfriend from Escuela de Unibersidad. On the other side, here's Ray— an avation student, who never get a chance to fall in love with someone else but not until Carolina came into his life. Yet, destiny has always a plan for Adel and Ray. An aviation man, became a theater actor and have the spotlight.
But he will still be able to perform when his voice starts to fail?
A chance for them to perform in one show will not gonna happened. Adel, gave the spotlight to others and choose to stay out of it, but Ray keep his light bright as he continue as a theater actor. "A lover behind the red curtain" became their name inside the theater. Without a hint of goodbye, Ray moved to the States and pursue his passion and became a professional theater performer. He moved to States without having a courage to say his feelings towards Adel. And soon performed in Broadway and West End. At last, he came back as a human embedded with talent. He develop a courage to confess his feelings ,but is every thing too late?
The spotlight is on as he confesses ,but not until the crowd went wild as they hear a bang. Little did he know, Adel—the love of his life got shot.
Do Adel will survived and will able to continue the magic of love?
Disclaimer
This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or persons, living or dead is entirely coincidental.
All right reserved
—————
CHAPTER 1: HER SAVIOUR
Adel can't get her eyes off on the clock knowing that she's already late to her next class. She's biting the tip of her finger, indicating that she's frustrated. Kunot-noo niyang tinitignan ang orasan na nasa harap nilang lahat. Pero kahit pa gano'n ay hindi niya pinapahalata na naubusan na sila nang oras, at maamong naka-focus sa kanilang Professor.
Napatingin si professor. King sa relo niya at tumingin sa kanilang lahat, "I'm sorry class, hindi ko napansin ang oras," saad ni prof. King. Professor ni Adel sa media arts na nag-leave for three months dahil sa aksidente na natamo sa kalsada na hanggang ngayon ay may benda pa sa kamay.
"It's okay prof. Ngayon lang din nga kami nakinig nang maayos," pabirong saad ni Millie—classmate ni Adel na straight-to the- point kung magsalita.
Ngumiti sa kanya si prof. King sabay sabi, "It's good to hear that, Ms. Valencia," aniya at ibinaling ang tingin sa lahat.
Inayos niya ang kaniyang eyeglass at sinabing, "Anyway, class dismissed."
Dali-dali na inayos ni Adel ang gamit niya at halos 'di na mapakali. Agad siyang lumabas sa room nila para maka-abot sa susunod niyang klase. Hindi siya sanay na ma-late. She knows the value of time and what can time do to her life.
"Damn!" she furiously said nang makita ang mga estudyante na nagsilabasan sa kani-kanilang kwarto.
Huminga siya nang malalim at saka sumingit sa kung saan man ang may bakante, "Excuse me. Please, excuse me," saad niya habang nagpapatintero sa mga dumadaan. Naka kunot-nuo na itong sumisik-sik sa pagitan ng mga tao para maka-abot lang sa klase niya.
"Ms, mind your steps...... Adel, slow down..... Take it easy, you might slip," sinasabi ng mga tao sa kanya as she run. Hindi niya ito pinansin, wala siyang pakialam sa sasabihin at sinasabi nang iba, ang importante ay maka-abot siya.
Nang biglang....
Napatigil siya malapit sa locker nila nang makita ang mga nagkukumpulang mga tao sa paligid, "Hey!" malakas na pagsita niya.
Lahat ng tao sa hallway ay napatingin sa kanya. Tinignan niya nang masama ang mga tao, as if that she's a gangster. She stands confidently at tinaasan sila nang kilay. Wala na siyang pakialam kung sino man sila, estudyante rin naman sila walang mataas o mababa.
"Seems like you want see the other side of me." Lumapit siya sa grupo ng mga lalaki at pumagitna. Adel can be kind but she's not nice at all times. She can be stubborn, callous and badass—that's what makes her as Adel.
Napatingin siya sa babae na naka-short at sando na lang at nagtatago sa likod niya, "Hey! you sh*tty mo*on, how dare you to this to her?!" pagbaling nang tingin niya sa mga lalaki, sabay taas pa nang kilay.
"Hoyy babae, 'wag mo nga akong ma english-english diyan. Hindi na o-obra sa'kin 'yan," sagot ng leader na mukhang lasing dahil sa naka unbotton na uniform na kita ang sando niya. A typical bully na maangas na parang depress at walang magawa sa buhay.
"Sige, tatagalugin ko para maintindihan mo nang maayos. Ang sabi ko, ikaw na lalaking walang modo, at stu*ido, ano ang karapatan mo para gawin 'to sa kanya! Ano, gets na?!" hinay-hinay niya pa sa pagbigkas nang mga salita ni Adel sa mukha ng leader.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa babae na pilit tinatakpan ang katawan niya dahil sa dami ng tao na nakatingin sa kanya. Nakayuko lang ito habang kinukunan siya ng mga tao nang video at pinagmamasdan ng mga bullies mula ulo hanggang paa.
Kinuha ni Adel ang kanyang jacket sa kanyang bag at inabot ito sa babae,"Go fix yourself," sabay abot sa babae nang jacket.
Nag-eye roll siya,"Shame on you! Di na kayo nahiya!" malakas na saad ni Adel sa mga pagmumukha nila.
Aalis na sana si Adel kasama ang babae nang hawakan ng leader ang kamay niya,"Hoy babae, sino ka naman sa tingin mo para pagsabihan kami?!" sabay pisil pa ng leader sa kamay niya.
Lumingon siya at nabaling ang tingin sa kamay niya na nasa kamay ng leader. Sinamaan niya ito nang tingin ,and gave him a killer smile, "Get that sh*t off!" walang emosyong saad niya sabay smirk.
Lumapit sa kanya ang leader, "Sabihin mo lang kung gusto mo din," sabay kagat labi niya.
Pilit na ngumiti sa kanya si Adel, "Oh thanks, but no. I don't hang out with stu*id people," she said with a class.
"Aba, eh bastos pala 'to ah," sagot ng leader at tumingin pa sa mga grupo niya, sabay handa na ng kamao niya na tatama kay Adel.
Napapikit na si Adel sa pagbabadya ng leader na tatamaan siya sa mukha. Mga ilang inches na lang ang layo nang mukha niya sa kamao ng leader, nang biglang may dumating na lalaki at sinangga ang kamao ng leader, "Miss, don't close your eyes hindi ka natamaan," he said.
Minulat ni Adel ang mga mata niya at nakita na hawak ng lalaki ang kamao ng leader. Pinagmasdan niya pa ang lalaki na nagmistulang 'saviour' niya. She stare at the man, standing in front of him, naka aviation uniform at naka-glasses pa. 5'4 in height at fit ang pangangatawan.
"At sino ka naman para makialam dito?!" nangingit-ngit sa galit na saad ng leader matapos dumating ang lalaki.
"Do I need to introduce myself? Dude, get your hands off her," aniya nang makita ang kamay ni Adel na hawak-hawak ng leader.
"O bakit? Jowa mo ba 'to?!" sabay tingin niya sa mga grupo niya na at sabay na nagsitaasan nang mga kilay.
"Ipagtatanggol ko ang kahit sinong tao, kahit na may jowa man o wala. I'm not like you," he replied sabay lapit sa mukha ng leader. He's playing the game and he knows how to play it.
"Just get your hands off her and we're fine," dag-dag pa ng lalaki.
Nagmatigas ang leader at hindi kinuha ang kamay niya kay Adel kaya napilitan itong hawakan ang kamay ng leader para alisin ang kamay ni Adel. Masyadong malaki ang kamay ng leader at malakas din ang pwersa sa lalaki. Alam niya na 'di niya kaya ang pwersa ng leader habang hinihigpitan nito ang hawak niya sa kamay ni Adel.
Binitawan ng lalaki ang kamay ni Adel at ngumiti sa leader, "By the way, I know you. You lived near at this school at kapag 'di mo pa siya bibitawan, magkita na lang tayo sa Dean's office," tinignan niya ang relo niya at sinabi na, "Yeah, may oras pa naman ako," pag-ayaya pa ng lalaki. He's trying to manipulate the leader para bitawan na si Adel.
Unti-unting binitawan ng leader ang kamay ni Adel sabay sabi na, "Pasalamat ka dumating itong lalaki kong hindi tatamaan ka na sa'kin," sabay alis kasama ng nga alipores niya.
"Tsk!"pag-smirked pa ni Adel. Sabay hawak sa kanyang kamay na namumula.
"You're okay?" pag-aalalang tanong ni aviation man.
"I'm fine. Thank you!" aniya, habang minamasahe ang kanyang kamay.
Nang bigla niyang maalala, "Goodness! I got to run. Thank you so much, and you, take care of yourself," at tumakbo.
Papa-alis na rin sana ang nabastos na babae nang tanungin ito ng lalaki, "Hey! You know her?"
Naiiyak na sumagot ang babae, "Nope, she just save me bago ka dumating."
"Do you know her name?" Kunot-noo na tanong ng lalaki.
"No, kakalipat ko lang dito," pagsisinghot nito.
Ngumiti ang lalaki, "Oh, thank you and take care of yourself."
"Te-thank you," sagot ng babae habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mata at umalis na.
While heading to his room, they so called 'aviation man' thought that Adel was too familiar. He don't know where and when but he knows that they've met before. He can't stop thinking about her face and the tone of her voice. It's classy ,yet not so girly.
"Oh Adel, bakit ngayon ka lang?" tanong sa kanya ni Frey nang dumating sa theatre room. Sinalubong siya ni Frey sa pinto. Frey is a senior batch of theatre performers, magka-batch sila ni Adel. He's a gay friend of Adel, typical gay friend but Frey is more kind of a nice human. He speaks sarcastically at wala siyang pakialam kung masama o mabuti man ang sinasabi niya sa iyo. Once he speaks, then that's it.
Hinihingal na sumagot si Adel, "Late na kasi kaming diniss-missed ni prof. King. At nakipag-away pa ako doon sa bullies. Masyadong matapang 'di naman kagwapuhan."
"What?! Are you okay?" tanong ni Frey at tinignan ang itsura ni Adel kung may pasa o sugat ito.
"Frey stop it, you know me," sabay ngiti ni Adel.
Ngumiti si Frey, "Yeah, and I also know that smile."
"Don't mind this," sabay hila kay Frey papunta sa center stage kung saan naka-abang na ang mga kasama nila.
Pumwesto ang director nila sa kanilang harapan, "Good day, Creatives. I just want to tell you na makakapasok na kayo nang maayos sa mga klase ninyo. Sa ngayon wala pang schedule nang next performance, but I'll update you all," pag-announce pa ni Ms. Eysi. Ms. Eysi is their director since they all entered the theatre. A 40 year old woman, very professional yet friendly.
"Ohhh," sagot nang lahat.
"Everyone, don't worry, this will never be the last time. You can all perform soon," she replied.
The reaction of every people in the theatre is priceless, hindi na sila nasanay na makakapasok nang maayos sa klase. Theatre played a huge part in their lives, kaya 'di maaalis sa kanila na maging malungkot sa sinabi ni Ms. Eysi.
———
"Uyy Ray, sa'n ka nanggaling?" tanong sa kanya ni Nic nang dumating sa room nila. Nic is a chick-addict, halos araw-araw ay may ibat-ibang babae na dinadala sa bar but the nice thing about him ay may pangarap siya kahit na walang pakialam sa course niya.
"Ah wala, umiikot lang ako kanina sa campus," pagsisinungaling ni Ray, sabay iwas kay Nic.
"Ray, sabihin mo saakin kong may pinopormahan ka, tutulungan kita," sabay akbay niya kay Ray.
Tumingin sa kanya si Ray, "Ikaw talaga puro babae ang nasa isip mo. Kapag babae talaga, tumatagal diyan sa utak mo pero kapag lessons na ay kahit isang salita ay walang natira."
"Alangan naman lalaki?" pamimilosopo pa ni Nic.
Sa mga magka-kaibigan hindi talaga mawawala ang taga bu*iset, na walang magawa sa buhay kaya pati buhay mo ay pinapakialaman na. 'Yung kailangan ay dapat inform sila sa bawat ganap mo sa buhay para lang may pag-usapan.
"Ray, tignan mo 'yung si Dree, kulang na lang sumubsob ang mukha sa libro," pagbaling naman ni Nic kay Dree na nag-aaral sa kabilang row.
Tiniklop ni Dree ang libro sabay tingin kay Nic, "What?!" Kunot-nuo na sagot niya. Dree is a whip-smart friend, family oriented, and one of the heck talented. Very intovert person at repsonsableng anak.
"Hayaan mo na nga lang, Nic," pagsaway sa kanya ni Ray.
Ilang saglit pa ay dumating din ang professor nila at inayos ang kanilang mga sarili.
"Mr. Mendoza at Mr. Reyes!" malakas na tawag kay Nic at Dree ni professor. Dela Peña. Professor nila sa technicality. Ang tinaguriang terror professor sa buong campus.
"Maging responsable kayo. Mr. Mendoza, you can't just sit na parang hari ka sa room na ito. Mr. Reyes, huwag nang gumawa pa nang away. Gusto niyo bang hindi maka-graduate?!" malakas na saad ni prof. Dela Peña. Nakakadag-dag nerbiyos pa sa kanila ang terror face nito.
"I'm so sorry prof," nakayukong sabay na sagot nina Nic at Dree.
Pinalagpas ni prof. Dela Peña ang inasta nina Nic at Dree at nagsimula na lang mag klase. Walang kinatatakutan si prof. Dela Peña, even their Dean ay kinakalaban niya. Minsan hindi na rin tama ang paninindigan niya, but that's how she is.
"Anyway, dahil 4th year na kayo ay dapat nagte-training na kayo but before that, review muna natin ang do's and dont's kapag nasa loob na kayo nang eroplano," pag-iikot pa ni prof. Dela Peña sa harap nila.
"Makinig kayo kung ayaw ninyong mamatay nang maaga," dag-dag pa ni prof. Dela Peña. Sabay sentro nang tingin kay Nic.
Matapos ang isang oras kay prof. Dela Peña ay diniss-missed na sila nito. Walang estudyante ang nakakatulog sa oras niya, sa boses niya pa lang ay maiihi kana sa nerbiyos. Wala silang choice kundi, makinig nang maayos kung gusto nila na hindi mapahiya sa buong klase. Swerte nalang sila kong makakakuha sila nang 1.5 na grade sa technicality. Dahil hindi maiwasan na bumibigay nang tres(3) si prof. Dela Peña.
Nililigpit na nila ang kanilang mga gamit, matapos i-dissmissed ni prof. Dela Peña, papalabas na rin sana ang lahat nang biglang tawagin sila nito. At ipabalik ang mga nakalabas na, "Class listen! Bago ko makalimutan, bukas na magsisimula ang training niyo at siguraduhin niyo lang na ma-a-apply niyo ang mga natutunan niyo ngayon. Kung ayaw ninyong bumagsak na lang," she said, at lumabas sa room.
Pagkatapos nila kay prof. Dela Peña ay humarap na naman si Nic kay Ray para bwisitin ito at pakialaman ang ginagawa ng mga tao sa paligid niya. Isang dakilang judgemental si Nic kahit sa ano mang bagay, "Andami yatang iniisip ang Ray namin," pangu-ngulit sa kanya ni Nic. Habang nakasablay na ang bag sa likod.
"Nic, 'wag ngayon. I'm not in the mood para bwisitin mo," iritang sagot ni Ray sa kanya.
"Ito naman parang 'di mabiro," matinong sagot ni Nic. At lumayo kay Ray habang nakakunot-noo ito.
Sumulpot sa tabi ni Ray si Dree, "Ray, if it is a girl, hayaan mo na lang mawawala din 'yan," he said like he's an expert in love.
Ray looked at Dree at sinabing, "Dree, this is not about the girl, it's about a friend," aniya at tumingin sa malayo.
Napakunot-noo na sumagot si Dree, "May kaibigan ka pa ba na hindi namin kilala?"
———
Nagkita si Laurice, ang na- harassed na first year college sa loob nang campus nila, at si Adel na papasok sa gate. Hindi alam ni Laurice kung ano ang sasabihin niya at parang nag-aalangan na mag-approach kay Adel. Gusto niya itong maka-usap ngunit ayaw niya namang ma-istorbo sila ni manong guard na parang seryoso ang pinag-uusapan.
"Oh, is that you? How are you?" pag-aalalang tanong ni Adel nang mapansin ito na nasa tabi niya. Mahaba ang buhok, maputi at konting baba sa height ni Adel.
Napayuko siya, "Ah, okay lang po ako. Thank you nga po pala dahil niligtas niyo ako sa mga bullies," sabay ngiti niya.
"And about that," binaling ni Adel ang atensiyon niya kay manong guard na nakikinig sa usapan nila.
"Manong, there this incident kahapon na binastos siya ng mga lalaki, grupo sila, dito rin sila nag-aaral. Pakibantayan na lang po ang buong campus. At 'wag na sanang mangyari pa ito," pagsugo ni Adel sa guard.
"Sige iha, ako na ang bahala. Ipapa-alam ko din 'to sa Dean para wala nang madamay pa," sagot ng guard.
Friendly ang guard nila pwera na lang sa mga tresspassers, wala itong patawad na papasukin ang hindi estudyante sa school nila. Sa kanilang tunay at tapat na serbisyo ay mas naging maayos ang pamamalakad sa Ford Academy. Kaya mas kinikilala ito, compare to some Universities and Academy.
Papa-alis na sana si Adel para pumasok nang tawagin siya ni Laurice, "Ah ate, isasauli ko lang itong jacket mo," aniya at inabot kay Adel ang pink na jacket.
"Salamat," she replied.
"Sige manong, pasok na ako. Salamat," nakangiting pagpapa-alam ni Adel.
Napatalikod na sa kanila si Adel at nagbabadya na umalis, "Ah ate?" pagpigil sa kanya ni Laurice.
"Yes?" paglingon pa ni Adel.
"Ah, can I know your name? At may nagtatanong kahapon kong ano'ng pangalan mo," nakangiting tanong niya.
"I'm Adelaide, but you can call me Adel. And to that person you're talking about, sabihin mo sa kanya na magpakilala sa'kin hindi naman ako manghuhula kung sino man ang may interesado sa pangalan ko," mahinahong sagot ni Adel.
"Mukhang type ka niya, sasabihin ko po 'yan kapag nakita ko siya ulit. By the way, ako nga po pala si Laurice, " sabay ngiti niya kay Adel.
"Nice to meet you then, Laurice. Sige mauna na ako. Nice to meet you at huwag ka na uli magpapa-api do'n sa bullies, matuto kang lumaban. Enroll ka sa karate workshop to know self-defense," sagot ni Adel saka umalis.
Kaka-unti pa lang ang tao sa campus nila dahil alas siyete pa lang nang umaga. Nilibot niya pa ang buong campus at tumingin-tingin sa mga school building's nila, madaming buildings for different courses, mukhang mayaman din ang school nila dahil sa ganda nang uniform— sa boys ay maroon pants, white uniform tops na may karabat pero depende sa course na kinuha mo, habang sa girls naman ay maroon pencil hindi baba-ba sa tuhod at naka- tuck na white long sleeve na may kasamang lace. Magaganda rin ang mga buildings at kumpleto sa courses ang school nila.
Pabalik na sana siya nang harangan siya ng grupo nang nam-bully kay Laurice. Nakita niya na ito malayo pa lang ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad na parang walang nakita.
"So, Adel?" Kagat labi na tanong ng leader. Sabay harang sa dinadaanan ni Adel.
Tinignan siya nang masama ni Adel, "How did you know?" Kunot-noo na tanong niya.
Nag-smirked ang leader sabay sabing, "Sino ba naman ang hindi makakakilala sa'yo sa school na 'to? Huh, Adelaide Manzano?!" may diin na saad ng leader.
Napakunot-nuo na sumagot si Adel, "Bakit ang dami mong alam, sino ka ba?!"
Insultong ngumiti ang leader, "Hayy Adel, isang aktres, multimedia student, may boyfriend, at nakapag-perform sa CCP. Sino ang hindi ka makakakilala sa'yo?" sabay hawak sa balikat niya.
Pumiglas si Adel, "Don't touch me!" salubong na kilay niyang tinignan ang leader.
"Sino ka ba talaga?!" she stepped back.
"Hindi mo ako kilala? Hindi ba nasabi sa'yo ng boyfriend mo?" he's trying to persuade Adel, dahil wala itong alam sa mga sinasabi niya.
"Hayaan mo akong magpakilala para malaman mo," sabay tingin at kagat labi ng leader.
Nang biglang....
"Huyy, kayo ba 'yung tinutukoy ni Adel na bullies?!" pagsita ng guard na may dalang lubid.
Napalingon ang mga bullies. "Sumama kayo saakin, dadalhin ko na kayo sa Dean's office!" tinignan sila isa-isa ng guard at tinali ang kamay nila sa lubid.
Lumapit ang guard kay Adel, "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito.
Tulalang sumagot si Adel, "I'm fine manong, salamat," mahinang sagot niya.
Ibinaling ng guard ang atensyion niya sa mga bullies,"Sumunod kayo!" malakas na saad niya sabay alis kasama ang mga bullies.
Bago umalis ay napa kagat-labi pa ang leader kay Adel sabay smirk. Wala siyang alam sa nangyayari, she seems like a dumb. Alam niya na may hindi sinasabi sa kanya si Vad.

Comentário do Livro (42)

  • avatar
    AlexXanderaroso

    yo it's nice

    24d

      0
  • avatar
    Kim Ashley

    goods

    24d

      0
  • avatar
    JulianoCaiden

    good story

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes