logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Hello Past

Hello Past

ruvychii@gmail.com


00 | Starting Over

Chynna
"Opo, ma! Nandito na ako sa bahay nina Tita." aniya ko. Inilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone ko at pinakinggan muli ang mga sinasabi ni mama.
"Huwag kang pasaway diyan."
Tumango-tango ako, "opo, pang-walong sabi mo na po iyan, mama." sagot kong pabiro.
Narinig kong napatawa mula sa kabilang linya si mama kaya napangisi ako. Ibinaba ko na ang tawag at ibinato ang cellphone sa kama ko.
Maya-maya ay may narinig ang pagkatok kaya agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin si Tita kaya bumati ako ng ngiti sa kanya. "Hi Tita! May kailangan po ba kayo?"
Umiling siya, "tinawagan ako ng mama mo, dito mo na daw tapusin ang fourth semester mo." panimula niya. Inabot niya sa akin ang maliit na papel kung saan nakatala ang mga requirements ng enrollment para sa highschool.
Itinupi ko ito sa apat at nilagay sa loob ng wallet ko. "Sige po Tita, aasikasuhin ko ito after ko ayusin ang mga gamit ko." nginitian niya ako at sa bumaba na.
Pinag-iisipan ko pa kung tatawagan ko yung old school ko regarding sa paglipat or diretso lipat na ako. Medyo kapit na kapit 'yung school sa akin kasi consistent honour student ako.
In fact, balak pa nila akong i-exchange student sa Canada pero I chose not to kasi okay na ako dito sa pilipinas, atsaka, hindi ko kaya mabuhay nang mag-isa.
Dapat habang bata pa lang ako, marunong na akong pahalagahan ang mga tao sa paligid ko dahil sila mismo ay pinapahalagahan din ako.
Nang makaupo ako sa kama, hinatak ko ang bag ko at inayos ang mga damit ko. Tiniklop ko ito ng maayos at itinabi sa maliit at puting kabinet. Inilagay ko ito sa kabinet ng maayos para hindi malukot dahil kakaplantsa ko lang din.
Nagwalis na din ako at tinanggal ang mga drawings sa pader. Kaming magpipinsan ang may gawa noon nung bata pa kami. Hilig namin gawing papel ang lapag at dingding gamit ng crayola o ng markers kaya nahahampas kami ng tsinelas nina mama.
Itinali ko ang buhok ko at ginawang bun ito. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko at pinagmasdan ang maliit na kwarto na kinaroroonan ko. Ito ang kwarto ng pinsan kong babae na si Ate Letlet kaso hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon. Ang sabi ni Tita ay nabusy ito nang makatungtong sa 4th year ng highschool. Ang sabi naman ni mama, mas inintindi nito ang mga luho niya at ang boyfriend niya. Anyways, excited na akong makauwi siya para makipagchikahan. Gusto ko na rin makilala ang boyfriend niya, dinig ko kay Kuya Jan, gwapo daw at mabait. May vitamins sa mata.
Kumuha ako ng damit pang-alis at agad nag-ayos. Dinukot ko ang mga school requirements na dala ko at dumiretso na sa baba. Nakasabay ko sa pagbaba si Kuya Jan na may kausap sa cellphone kaya hindi ko na siya inistorbo, tutal nagkatinginan na rin naman kami at nagtanguan.
"Chynna, pupunta ka na ba sa school?" tanong ni Tita. Tumango ako bilang pagtugon at umupo sa sofa. Kinuha niya ang wallet niya sa drawer at inabutan ako ng 500 pesos. "Ayan, baon mo. Pagdating mo sa school, sabihan mo na rin si Capulet na umuwi nang maaga."
Ngumiti ako bilang pagpapasalamat, "Maaga? Anong oras po ba siya umuuwi?" umiling-iling siya at napahawak sa ulo.
"Minsan nga hindi na umuuwi eh, kailangan pang sunduin siya ng papa niya."
"Ay, ganoon po ba? Hindi naman siya ganito dati di'ba Tita?" sinuot ko ang sapatos ko at sa nilapitan kami ni Kuya Jan na umiinom ng kape. Graduating college student na siya ngayong taon at mukhang wala siyang pasok ngayon. "Wala kang pasok ngayon, Kuya?"
"Mayroon, mamaya pa." pagsagot niya at inabutan ako ng baon na pagkain. "Iabot mo nga kay Letlet iyan, lagi niyang iniiwan baon niya." naiinis niyang saad. Natawa ako ng bahagya sa mga reklamo nila kay Ate Letlet kaya nagpaalam na ako at baka mahaba na pila sa registrar.
Sumakay ako ng tricycle papuntang school at grabe, ang lawak ng school na ito. Halatang mga privileged lang na mga students ang nakakayang makatungtong at makapag-aral dito.
Pumasok ako sa main gate at nagtungo sa registrar. Buti na lang at may map ang school na ito, daig pa UP sa sobrang lawak. May nakabanggaan akong babae na mukhang kaidaran ko lang kaya lumingon ako sa kanya. "Sorry, okay ka lang ba?"
Narinig niya ako pero hindi niya ako nililingon. Parang may kinakapa siya at namumula na siya sa sobrang kaba. "France!" sambit niya na pautal-utal, "Nasaan ka?"
Hinarap ko siya at inalalayan, "Okay ka lang ba?" tumingala siya sa akin at kinapa ang mukha ko. "Ako yung nakabangga sa iyo... sorry, nabangga kita. Nagmamadali kasi ako eh."
Umiling-iling siya at hinawakan ako ng mahigpit sa braso, "Hoy." narinig kong tawag at sa may humawak sa balikat mo.
Si Ate Letlet.
"Sabi na nga ba, bakit ka nandito?" tanong niya. Napatingin siya sa babaeng inaalalayan ko at umirap. "Kailan ka pa dito?"
"Kagabi lang. Hinahanap kita bakit ba wala ka sa bahay? Alalang-alala sina Tita sa iyo."
"Sabi ko sa iyo, Capsi Caps eh! Dapat kasi nagpaalam muna tayo." sabat ng isang lalaki na katabi ni Ate Letlet. Mukha siya 'yung boyfriend niya.
Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Hello. Ako si Felix."
Bumuntong hinga si Ate Letlet at hinawakan si Felix, "Chynna, ito si Felix. Felix, si Chynna, pinsan ko."
Ngumiti ako pabalik kay Felix at base sa paghawak ni ate Letlet sa kanya, siya nga ang boyfriend nito. Kilig ako.
"Dito na rin ako mag-aaral, Ate." sigaw ko at tumawa, "sana magkalapit lang tayo ng room." inabot ko sa kanya ang baon na pinapabigay ni Kuya Jan. Hindi niya ito kinuha kaya kay Felix ko na lang ibinigay.
"Ah sana." naiirita niyang sambit na nagpalungkot sa akin. "Mauna na kami." tumalikod na siya sa akin at lumakad papalayo.
Nakakapanibago ang ugali ni Ate. Siguro dahil na rin naiimpluwensiyahan siya ng mga kaibigan nito.
"Umuwi ka nang maaga ah!" sigaw ko pero mukhang mas lalo ko siyang nabwisit dahil tumakbo ito pagsigaw ko. Natawa ako at sa binaling ulit ang atensyon ko sa babaeng nakayakap na sa akin at nanginginig.
"Pasensya na ah," bulong ko sa kanya at sa tinulungan ko siyang makaupo, "Ako nga pala si Chynna... Ikaw?"
Hindi niya ako sinagot pero nakahawak pa rin siya sa akin.
"Peruianna..." bulong niya at sa lumingon sa kabilang direksyon. "Pasensya ka na rin sa akin.
"Okay lang ano ka ba!"
"Bulag ako." natahimik ako sa pag-amin niyang bulag siya. Kaya pala parang may kinakapa siya kanina. Maya-maya ay may lalaking huminto sa harapin namin at hingal na hingal dahil sa pagtakbo.
Agad niyang hinawakan ng mahigpit si Peruianna at alalang-alala ito sa kanya. "Hi, ako si Chynna. Nakabanggaan ko siya kanina. Ikaw, anong name mo?"
Agad niyang kinapa ang bulsa ng pants niya, pati na rin ang bag niya. Dumukot siya ng notebook at ballpen at nagsulat. Inabot niya ito sa akin kaya binasa ko Ito.
'France. Kaibigan ako ni Peruianna.'
Napatingin ako sa kanya, "mute ka?" tumango siya bilang pagsagot at sa binawi niya sa aking ang notebook niya.
"France?" tumayo si Peruianna at kinapa ang mukha ng kaibigan, "buti naman at nandito ka na. Kanina pa kita hinahanap." mahinang sambit ni Peruianna. Ngumiti si France sa kanya at hinawakan ang mga kamay nitong nasa mukha niya.
"Mauuna na ako," pagpapaalam ko, "Sana magkita pa ulit tayo next time."
———
"Tita, alam mo bang nameet ko na boyfriend ni Ate Letlet?"
"Si Felix?" tumango ako habang naghahain ng pagkain sa lamesa. "Mabait 'yung bata na iyon, wala akong masabing hindi maganda sa lalaking iyon."
Tumango muli ako, "gwapo!" sigaw ko na kinikilig pa. Nakarinig ako nang pagdabog na pagbukas ng pinto kaya parehas kaming napatingin ni Tita.
"Letlet, buti at nakauwi ka na. Saan ka ba nakitulog kagabi?" kasama niya ngayon si Felix at bitbit nito ang mga gamit ni Ate Letlet.
Tumabi ako kay Tita at binulungan siya, "Tita, gentleman pa!" hinampas ako ni Tita sa balikat at parehas kaming nagtawanan.
"Hi po Tita, sorry at ngayon lang po nakauwi si Capulet. Nabusy po kami sa paggawa ng projects." aniya ni Felix at sa pinauna niyang pinapasok si Ate Letlet.
Umupo siya sa sofa at nahiga. Pinaupo niya si Felix sa tabi niya pero tumanggi ang binata at mas piniling makipagkwentuhan kay Tita.
"Hindi naman ba pasaway anak ko?"
"Hindi naman po, pilya lang."
Tumabi ako kay Ate Letlet at inabutan siya ng juice, "kumusta ka na?" tinungga niya ang juice at ibinaba ito sa lamesa. "Kayo ni Felix, ilang taon na?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti, "maga-apat na taon na." namangha ako sa tagal ng relasyon nila. Mapapa-sana all ka na lang talaga kapag makikita mo sila.
"Kainggit naman!" sigaw ko at tinulak siya kaya nahulog siya sa sofa.
"Bwisit ka, huwag kang magpapakita sa akin."
Pagkatapos mag-hapunan, iniligpit ko ang mga kalat sa lamesa at naghugas ng pinggan.
Pagka-akyat ko sa taas, napadaan ako sa guest room kung saan matutulog si Felix. Nag-uusap silang dalawa at mukhang nagaaway kaya hindi na ako nakichismis pa. Problema na nila iyon bilang magjowa.
Hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ko ay may narinig akong pagbagsak sa kwarto nila.
Nataranta ako at baka sinasaktan ni Felix ang pinsan ko kaya dumiretso ako sa kwarto nila. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Ate Letlet.
"May narinig akong bumagsak, nag-aaway ba kayo? Sinaktan ka ba niya?"
"Ha? Anong sinasabi mo?" nagtaka ako sa sagot niya kaya hinanap ko si Felix sa loob, "alam mo bang istorbo ka?" hinawakan niya ang labi niya at pinupunasan ang lipstick na na-smudge.
"Eh ano ba kasi 'yung ginagawa niyo?"
"Wala. Matulog ka na, may pasok pa bukas." sinarhan niya ako ng pinto at iniwang naguguluhan. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nagpahinga dahil maaga pa ako bukas.
———
Habang naglalakad sa hallway ng school, napadaan ako sa isang room at ang room na ito ay tinatawag na "special room". Binasa ko ang sign na nasa wall at sinasabi na para sa mga person with disabilities ang room na ito.
May kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa likuran ko, sina France at Peruianna pala. Nginitian ko sila at ganoon din ang ginawa nila sa akin.
Kinapa muli ni Peruianna ang mukha ko at hinayaan ko lang siya, "Chynna? Ikaw ba iyan?" tumango ako at sa umabot hanggang tainga ang ngiti niya. "Anong section mo?"
"Section C ako, sa fourth floor pa." Pagsagot ko.
"Kami dito lang sa first floor." aniya ni Peruianna. Tumingin ako kay France na pinagmamasdan ang bawat galaw ng kaibigan.
Base pa lang sa ngiti at titig niya kay Peruianna, damang-dama ko na may crush siya kay Peruianna. I mean, sino ba hindi magkakagusto kay Peruianna? Ang cute niya kaya at super sweet pa kahit kahapon lang kami nagkakilala.
"Malapit na mag-7:30. Aakyat na ako. Kita ulit tayo mamaya ah? Wala pa kasi akong kakilala dito eh, kayo palang." sambit ko. Tumango-tango ang dalawa bilang pagtugon, "sige! Aral well guys!"
Tumakbo ako paakyat at excited na makilala ang mga magiging kaklase ko.

Comentário do Livro (19)

  • avatar
    ComonsadElizabeth

    great

    09/05

      0
  • avatar
    Rheg Nerval

    nice story i like it

    09/04

      0
  • avatar
    Nitiwa Rk

    mag aral Ng mabuti

    16/03

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes