logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Bitter and Sweet

Bitter and Sweet

cedriannakhaile


Kabanata 1

Hired
Nakakahingal at nakakapagod. Nanghihina akong umupo sa waiting shed. Bitbit ang isang malaki at mabigat na bag ay kailangan ko pa ring magpatuloy sa pwede kong pagtrabahu-an. Basta't marangal at walang inaapakan.
Matindi at tirik na tirik ang haring araw na siyang nakadaragdag ng aking pawis at uhaw. Totoo at walang halo na biro ang sabi ng ilan. Kung mahirap ang hanap-buhay sa probinsya mas mahirap naman dito sa Maynila.
Kasalukuyang nahinto ako sa pag-aaral sa Kolehiyo dahil hindi sapat ang pangtuition at ang bayarin kung sakaling nagpatuloy ako. Kaya't nakipagsapalaran akong lumuwas ng Maynila at makapag-ipon para sa susunod na taon.
Buwan ng Marso, pangatlong buwan ngayong taon pero grabe na ang pahirap hindi dahil sa init ng panahon kundi sa hirap ng buhay.
Kailangang kumayod para sa pamilyang nangangailangan.
Nakaramdam naman ako ng gutom. Kumakalam na rin ang sikmura. Mabigat naman ang aking paghinga dahil kaunti na lamang ang pera na nasa wallet ko. May dala man akong baon na pagkain subalit hindi iyon sasapat para sa mga susunod pang mga araw.
Kumuha ako ng baunan sa bag ko. Kaunting kanin at tuyo na lang ang natitira. Wala akong magagawa kundi pagkasyahin at kainin ang nakahain dahil kailangan ko rin nang lakas para mamaya para sa paghahanap ng trabaho.
Ilang minuto ay natapos na akong kumain. Inayos na ang dapat ayusin at hinanda ang sariling katawan.
Malayong lakarin na ulit.
Isinuot ko na ang sombrero at kahit mainit ang panahon, masunog man ang balat at umitim ay ipinagbalewala ko na lamang. Nagsimula na akong tahakin ang daan na sana'y mag-aahon sa akin sa kahirapan.
Marami nang mga establishments na ang napuntahan ko. Restaurants, Fast-food chains, Mall, o karinderya ay napuntahan ko na. Iba't-iba at maraming rejections na rin ang ibinato sa akin. Kahit nga katulong ay pinatulan ko na ngunit ganun din ay hindi pa rin ako tanggap.
Lumipas na ang mga oras, lumulubog na ang araw, nagkukulay kahel na ang kalangitan at malapit ng bumagsak ang katawan ko ay wala pa ring nangyari ulit sa araw na 'to.
Talagang nakakapanghina...
Hindi ko na alam kung saang lupalop ako naroon basta't may nakita lamang ako na pwede kong upuan ay umupo na ako. Nanghihina akong inilabas ang bawat butil ng luha dulot na siguro ng pagod. Talagang matinding pagod dahil hindi lang katawan ang pinupuntirya maging ang aking emosyon at pangarap.
Sadyang kay hirap pala talaga. 'Yung inaakala kong wala nang ihihirap pa ay may ihihihirap pa pala.
Nakakasikip ng dibdib. Nakakapanghinayang rin.
Sinubukan kong patahanin ang sarili at i-urong ang mga luha ngunit kahit pilitin ko ay nagpatuloy lamang ito sa pag-agos.
Mukhang hindi ko na kaya... pero ngayon pa ako susuko? Wala pa ako sa kalingkingan.
Abala ako sa pag-iyak nang may naglahad ng Brown na panyo sa harap ko. Natigilan naman ako at tumingala.
Nakita ko ang gwapong lalaking nakatingin rin sa akin. Kayumanggi, maayos ang pagkaka-ayos ng buhok at ang sinserong abong mga matang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
Foreigner?
"Might you need this?" Alanganin niyang sabi.
Ibinalik ko ang tingin sa kanyang panyo na kanina pa pala na nakalahad. Hindi ako tinablan ng kaba sa lenggwaheng sinambit niya subalit tinablan naman ako nang hiya, baka nangangawit na siya kaya kaagad ko ring kinuha at ipinunas sa hilam kong mga mata.
Nahihiya akong bumaling sa kaniya. "S-Salamat..."
Mas lalong sumiklab ang hiya ko nang umupo sya sa tabi ko. Kinakabahan ako dahil hindi lang sa hindi ko kilala ang lalaking 'to... baka may gawin pa siyang kakaiba.
Kaya't medyo umusog ako ng kaunti palayo sa kaniya na napansin naman niya.
Napakurap sya at napakamot sa kanang pisngi at humingi ng pasensya sa akin.
"Oh... I'm sorry.. don't worry I won't do anything to harm you." Patuloy pa rin siya sa pag-iling saka binasa ang kanyang mapulang labi. "Maybe, I can help you?"
Parang akong nabuhayan sa sinabi niya pero agad ring nawala dahil sabi nga ni Inay bago ako pumunta dito sa Maynila ay 'wag akong masyadong magtitiwala sa mga tao.
Kaya't binigyan ko siya ng matipid na ngiti at umiling. "Hindi na... Salamat na lang.."
Tatayo na sana ako at lalayo pero mukhang bumigay na ang katawan ko sa pagod. Narinig ko naman ang mahabang paghinga niya.
"See? Hindi mo na kayang tumayo." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. "I'll help you."
Nakatingin lamang ako sa kamay niya. Bakit ba ito mabait sa akin? Kumuyom ang kamay ko na may panyo pa pala niya.
Hindi ako nagsalita pero alam kong alam niya ang ipinapahiwatig ko dahil sa mukha ko. Sandali ko siyang tiningnan at ibinalik ang tingin sa lupa sandali.
"Hindi na kailangan... " nakayuko kong sabi.
Napabuntong-hininga siya. "Okay, hindi kita pipilitin... maybe, your mother said some advices to you so, that's good..." Nadinig kong sabi niya. "I'm not a bad person," parang nangongonsensya yata, ah. "You're free to enter my Café if you need help... "
Pagkasabi niya ay inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang papalayong bulto nito papasok sa Café na nasa tapat lang pala.
Narinig ko na lamang ang pagkalansing ng bell sa pintuan. Sandali akong napakurap.
Papasok kaya ako?
Hindi naman siguro masamang humingi ng tulong hindi ba?
Muli akong nagpakawala ng mahabang hininga. Natitigan ko ang pangalan ng Café.
Biter and Sweet?
Kakaiba ang pangalan ng Café na ito. Kakaiba rin ang kanilang logo. Dito kaya ako magkakaroon ng trabaho? Nakapagdesisyon na ako.
Sinikap kong tumayo at maglakad patungo sa Café kahit na mahina na ang katawan ko. Nasa bungad ako ng pintuan ay nilakasan ko ang loob ko. Minsan lamang ang opportunity na ito.
Pagbukas ko pala lamang ng pinto ay tumunog na ang bell hudyat iyon na may costumer na dumating at bumungad sa akin ang pinaghalong simple, moderno at lumang disenyo sa loob ng Café.
May mga bookshelves na may maraming libro sa bawat mesa. Nature design naman ang interior wall. May halong Spanish at modernong disenyo naman ang bawat detail ng mga poste, upuan o pang-isahang sofa at mesa.
Pangmayaman...
"Maganda ba?"
Agad akong napabaling sa nagsalita at ang lalaki pala kanina. Hindi ko man lang napansin na nasa tabi lamang siya.
Nang mapansin kong kanina pa ako nakanganga dahil sa ganda ng Café ay agad ko namang itinikom at sinagot ang katanungan niya.
"O-Oo.. maganda..." Hindi ako makatingin ng deretso.
"Here, seat."
Pumunta naman aking paningin sa nakahain sa lamesa. Biglang nanubig ang bagang ko.
"Ahmm..." walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Nang hindi ako sumunod ay siya na mismo ang nag-alalay sa akin para makaupo. Wala sa sariling makaramdam ako ng nakakapasong pakiramdam dahilan lamang sa kaunting paglapat lamang ng kaniyang kamay sa braso ko. Marahan lamang pero bakit nakakapaso?
Umupo rin siya, magkaharap lamang kami. Napapa-iwas naman ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan gwapo nitong mukha. Pinasalikop naman niya ang dalawang kamay.
"Hey, you need to eat... " untag niya.
Pabalik-balik ang tingin ko sa pagkain at sa kaniya. "Ayos lang ba talaga?"
Kanina pa ako nagugutom pero syempre nakakahiya pa rin mula sa isang estranghero tulad niya.
Tumawa siya ng marahan. "It's already dinner time. Masamang malipasan ng gutom."
Dahil sa sinabi niya at sa pagtango niya ay kinain ko na ang sariling hiya. Mayroon namang kompirmasyong okay lang kaya, go na.
Isa pa ay talagang gabi na, mahina na rin ang katawan ko sa pagod at gutom kaya't sinimulan ko nang kainin ang inihain niya. Patuloy lamang ako sa pagnguya kahit pa na nasa harapan siya. Nagmukha tuloy akong namalimos at hindi pinakain..
Hayy...
Mukha naman siyang nasisiyahan dahil panay ang ngiti niya sa tuwing tumitingin ako panandalian sa kaniya.
Maya-maya ay tumayo siya at pumunta sa counter. Dahil patuloy ang pagkain ko ay hindi ko namalayan ang pagbalik niya sa inuupuan at ang paglagay niya ng isang basong tubig sa lamesa.
"Dahan-dahan..." paalala niya. "Baka mabilaukan ka."
Dahil may laman pa ang bibig ay tumango na lang ako. Gusto kong kaltukin ang sarili dahil sa inaasta ko ngayon. Sigurado ba akong 18 na ako? Kahihiyan ang ginagawa ko...
****
Natapos na rin ang hapunan ko, pero hindi pa rin natatapos ang hiyang nararamdaman ko. Ultimo sa harapan pa nang lalaking 'to.
Kung pwede lang gumuho ang lupa sa kinauupuan ko sana'y ngayon na.
May kinuha lamang ito kanina at ngayon bumalik na may dalang tasa ng kape. Tag-isa kami. Naaamoy ko ang mabangong aroma nito. Hindi matapang, tamang-tama lang.
Pinakatitigan ko ito lalo ang kulay crema na animo'y disenyo o topping sa kape.
"Ayaw mo ba ng kape?" Naulinganan ako sa tanong niya na pumukaw rin sa abala kong pag-iisip.
"Ha? Ah... umiinom ako ng kape..." Nauutal kong sabi.
Para hindi masayang ang pagod niya at pagpapakain sa akin ay tinikman ko ang kape. Nanuot sa lalamunan ko ang saktong tamis at pait.
Masarap...
Napatango-tango ako habang ninanamnam ang lasa.
"I'm glad you like it." Nakangiting sabi niya. Mukhang nabasa niya sa expression ko.
Unti-unti rin akong napangiti. "Parang nawala yung pagod ko." Komplimentong sambit ko.
Nakita ko namang medyo pumula ang leeg at tenga niya. Nahihiya ba siya? Totoo naman kasi 'yung sinabi ko.
"I'm just not used to compliment about my coffee..." nahihiyang sambit niya habang napakamot siya sa batok.
"Ahhh.. ganun ba? Pero, talagang masarap siya... masarap."
Natigilan naman ako sandali. Ako lang ba o ang napili ko lamang na salita ang medyo hindi akma? Nag-angat naman siya ng tingin at parang gumalaw ang panga niya.
Sandaling namayani ang katahimikan sa amin hanggang sa nagtanong siya.
"May I know why you cried?"
Naumid naman ang aking dila. Namayani pa ang sandaling katahimikan, idagdag pa ang tahimik ng gabi at kaming dalawa lamang nandito. Hindi ko na sana sasagutin pero kawalang-galang naman iyon. Isa pa ay mukhang mas matanda pa siya sa akin pero kung magsalita ako'y parang buddy ko lang kaya sinagot ko na.
"Napagod..." Sandali akong tumigil at muling nagpatuloy. Sinubukan kong ngumiti pero naglalaho rin. "Ilang beses na kasi akong nag-apply ng trabaho pero... "
Alam kong kahit hindi ko tapusin ang sasabihin ay alam na niya ang sagot. Pinipigilan kong lumabas ang luha ko. Tama na yung kanina.
"Would you like to work here?"
Dahan-dahang nag-angat ang mga mata ko sa kanya. Ibinuka ko ang bibig ngunit naitikom ko rin ng huli. Hindi ako nanaginip 'di ba?
"Anong sabi mo?" Gusto kong marinig ulit.
Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Gusto mo bang magtrabaho dito?"
Inulit niya pa sa lenggwaheng hindi lang sa naiintindihan ko kundi sa mas nagpagising sa akin katulad nang kapeng barako. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko.
"Oo! Gusto ko... gustong-gusto ko!"
Mas lalong nagwala ang kalooban ko nang masilayan ko ang buong pang-ngiti niya pati ang munting biloy na nasa kanang pisngi niya.
"Hahaha...then you're hired. Nice meeting you..."
"Lysa..." pagpapatuloy ko.
"Lysa..." sa pagkakasabi niya ng pangalan ko ay sa 'di malamang kadahilanan ay naging maganda sa pandinig ko.
"Then, nice meeting you...." alangan kong sabi dahil hindi ko pa alam ang pangalan niya.
"Raff..." inilahad niya ang kamay sa akin upang makipagkamay na tinanggap ko naman.
Gustong-gusto.
Hindi lang ang lugar na ito kundi ang taong nagbigay sa akin ng pagkakataong mas harapin pa ang buhay at maramdaman ang pagmamahal.

Comentário do Livro (178)

  • avatar
    InesRhian

    thank you for your help me

    19h

      0
  • avatar
    Angelica Beo

    180.00

    12d

      0
  • avatar
    Arochajamila Farrahmae

    Maganda ang story

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes