logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata II

KABANATA II: Rediline Lopez's POV
Pagsapit ng gabi ay hindi pa rin dumarating si Sam. Iniwan niya ako rito sa isang silid at biniling huwag akong lalabas hanggat hindi siya dumarating, kaya't nanatili nalang ako sa balkonahe nito upang makasinghap ng sariwang hangin.
"Lady Rediline... Nandiyan po ba kayo?" Dinig kong tawag sa akin ng kawal mula sa labas ng pinto ng kuwarto.
"Yes," simpleng sagot ko. Halos oras-oras nila akong chine-check kala mo naman tatakas ako.
Bumalik ako sa loob ng silid at nahiga sa kama. May inasikaso pa si Sam at matagal pa siguro ang kaniyang balik, pwede pa akong umidlip.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng mga kaluskos. Laking gulat ko nang makita ko si Sam sa nakaupo sa paanan ng kama at may hawak na supot ng dugo.
Mabilis akong napaupo at lumayo rito. Pinanood ko lang itong magsalin ng dugo sa isang wine glass at mabilis na ininom, marumi at may bahid ng mga dugo ang puti niyang damit pang-itaas kaya't hinubad niya ito.
Bumali ang kaniyang leeg at daretyong tumingin sa akin. Kitang kita ko ang pulang-pula niyang mga mata kahit nakatabing rito ang may kahabaan niyang itim at magulong buhok.
"Get up and follow me." Sambit niya kasabay nang pagkuha nito ng t-shirt sa aparador at nanglakad palabas ng kuwarto.
Sumunod naman ako at naglakad kami sa madilim na pasilyo ng mansion hanggang sa marating namin ang labasan nito. May naka paradang mamahaling itim na kotse na siyang nilapitan namin.
Madaling araw na pero marami paring mga bampira sa labas at nakatingin ito sa amin.
"Get in," sambit nito.
Pagkapasok naming dalawa sa kotse at pinaandar na niya ito. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa kaniya.
Ang gwapo niya, lalo na kapag nagiging pula ang kaniyang mga mata pero hindi ko ring maiwasang matakot rito dahil iba siya sa akin, hindi siya tao at hindi ko rin alam kung anong kaya niyang gawin at baka isang araw ay mabalitaan nalang akong walang buhay.
"Is that a compliment or what?" tanong niya. Nakakamangha at nababasa niya talaga ang isipan ko.
"Maybe a compliment."
"Do you believe in vampires?" walang emosyong tanong nito habang nakatuon parin ang kaniyang pansin sa minamaneho.
Napaisip ako nang dahil sa kaniyang tanong. Naniniwala ba talaga ako o sadyang napaniwala lang nila ako?
"Oo, naniniwala ako," sagot ko. Bumaling ito sa akin ng mabilis at muli rin ibinalik ang tuon sa madilim na daang aming tinatahak.
"Hindi iyan ang nababasa ko sa iyong isipan."
"Masisisi niyo ba ako kung isang araw ay bigla kanalang magising na may bampirang nakapalibot sayo?" tanong ko.
"Tandaan mo ito, Red. Hindi lahat ng ipinapakita sayo ay totoo, huwag kang basta-basta magpaniwala sa sinasabi ng mga bampirang nasa paligid mo. You're a human and they will probably come to you, that's why you need to learn how to protect yourself," wika nito.
"What do you mean by that? Who's coming to me?" takang-tanong ko rito.
"Never mind. I'll be back by tomorrow night."
Hindi ko na alam kung kailan kami nakarating ng bahay, basta pagkagising ko nalang ng umaga ay nandito na ako sa aking kuwarto.
"Apo, bumangon kana para makapag almusal kana habang mainit-init pa ang pagkain," wika ni lola mula sa labas ng pintuan ng aking kuwarto.
"Opo, babangon na." Sambit ko sabay bangon sa aking kama at naglakad papasok sa cr ng aking kuwarto upang mag hilamos.
Pagkalabas ko sa aking kuwarto ay halos magkasabay lang kaming nag tungo ni Jayne sa hapag-kainan.
"Hoy! Saan ka pumunta kahapon? Nakipag date ka no?!" tanong niya habang pinaniningkitan ako nito ng mata.
"Hindi ah!"
"Eh sino iyong lalaking nag hatid sa iyo kagabi? In-fairness may taste ka sa mga guy," wika niya. So, nakita nila si Sam kagabi?
Bwisit na 'yon, bakit hindi nalang kasi niya ako ginising pagkarating namin rito sa bahay.
"Kaibigan ko lang 'yon, huwag mo ng pansinin," sambit ko at nagsimulang kumain.
"Mukhang nawalan ka nga ng malay kagabi eh. Napagod kaba kaka-kadyot sa kaibigan mo?" Muntik na akong masamid sa kaniyang sinabi. Ano bang pumasok sa maruming utak nito? aba'y sumosobra na ang pagka green-minded niya.
"Natahimik ka diyan, tama ako 'no? Nabinyagan na ang tahong ni pula!" aniya pa.
"Erika jayne lopez, ang bibig mo ineng. Mamaya na iyan pagkatapos mong kumain," suway sa kaniya ni lola. Bagay nga sayo, gaga.
"Lola, mag o-over night po ako sa bahay nung ka group ko sa thesis, p'wede?" tanong muli ni jayne kay lola.
"Oo naman, basta mag-ingat ka," wika ni lola.
Kinagabihan, pagkauwi ko galing eskwelahan ay dumeretyo na ako sa aking kuwarto upang magpahinga, ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata sa tuwing naiisip ko ang sinabi ni Samuel na babalikan niya ako ngayong gabi.
Lumabas ako ng aking kuwarto at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Pagkabalik ko sa aking kuwarto ay laking gulat ko nang makita ang lalaking si Samuel na nakahiga sa aking kama at wala itong pang itaas na damit.
Bukas ang bintana kaya't sigurado akong doon siya dumaan. Lumapit ako rito at naupo sa gilid ng kama.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I told you, I'll be back."
"Umalis kana, baka may makakita pa sayo."
Umupo ito at lumapit sa akin dahilan upang mapako ako sa aking kinauupuan. "They already saw me, you have nothing to be afraid of."
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg at ang kaniyang kamay na mahigpit ang pagkakahawak sa aking magkabilang balikat, ngunit kaagad din siyang lumayo at bumalik mula sa pagkakahiga.
"Your blood smells good, I wonder what it taste like," wika niya.
Tila nanlamig ang aking katawan ng mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin. Hindi naman niya siguro uubusin ang dugo ko 'di ba?
"I wanna taste it together with your body, Red."
"What did you say?" tanong ko dahil hindi ko gaanong narinig ang kaniyang sinabi gawa ng paghina ng kaniyang boses.
"I said, do you want to take a walk?" Wika niya.
Tutal hindi rin naman ako makatulog kaya sumama nalang ako sa kaniyang mag lakad-lakad. Ang liwanag ng bilog na buwan ay siyang nagsisilbing ilaw sa madilim na daan.
Sa kalagitnaan ng tahimik na paglalakad ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa kaniya. Kahapon lang ay kulang nalang kung hindi niya ako patayin tapos ngayon ang tahimik niya na para bang wala ako sa kaniyang tabi.
"Are you done checking on me?" wika niya na dahilan upang mapaiwas ako ng tingin rito.
Sa pagsuri ko sa kaniya ay napagtanto kong familyar ang kaniyang mukha, mukhang nakita ko na ito dati ngunit hindi ko na maalala kung kailan ba iyon o saan.
"Can I asked you something?" wala sa sarili kong tanong gawa ng kuryosidad.
Nanatili lang itong tahimik. Silence means yes.
"Did we meet before?"
Bumaling ito sa akin at lumapit.
"No, but I know who you are. Tell me Red, why did he kill them?" tanong nito pabalik sa akin.
Sumilay ang galit sa kaniyang mga mata. "Sino ba'ng tinutukoy mo?" naguguluhan kong tanong.
Hinawakan ako nito sa braso ng mahigpit na tila ba'y pinipilit akong sagutin ang tanong niyang hindi ko naman alam kung ano o sino ba iyong tinutukoy nito. "Hindi mo ba talaga alam o sadyang pinagtatakpan mo lang siya?"
"Ano bang sinasabi mo? Nasasaktan ako Sam!" Pagpupumiglas ko rito.
"Answer me! if you don't want me do something you won't like, red."
"Hindi ko nga alam ang sinasabi mo, kaya pwede ba bitawan mo ako!" Lakas loob kong sigaw rito. Binitawan niya naman ako at muling naglakad na para bang walang nangyari.
"You're fucking cruel!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo pabalik sa aming bahay.
Isinara ko ng mabuti ang mga pinto at bintana upang masigurong hindi na siya makakapasok pang muli. Humiga na ako sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata nang makaramdam ako ng antok.
KINABUKASAN mula sa aking kwarto ay dinig ko na ang malakas na pagkanta ng aking pinsan. Maganda naman ang boses niya kaso nakakasawa nga lang pakinggan, eh kasi naman paulit-ulit nalang ang mga kinakanta niya.
"Manahimik ka nga Jayne ang aga-aga ang ingay mo," suway ko.
"Ang sungit naman ng maganda kong pinsan. Kumusta na pala ang wasak na perlas ng sinilangan?" tanong niya at tumawa pa ito ng malakas.
"Gaga hindi pa wasak. Baka 'yang sa iyo ang wasak na wasak," pang-aasar ko rito kahit hindi ko naman alam kung birhen pa ba ito hindi.
"Manahimik ka ngang bruha ka, birhen pa ako 'no," wika niya at inirapan ako nito.
Namalengke ngayon si lola kaya't wala pa ito. Habang nag a-agahan kaming dalawa ni Jayne ay nararamdam ko ang matatalim na titig nito sa akin, kaya hindi ko maiwasang bumaling sa kaniya.
"Oh?" taas kilay kong tanong.
Nag salungbaba ito sa lamesa habang daretyo ang tingin sa akin. "Kaibigan mo ba talaga yung lalaking naghatid sayo rito nung isang araw? 'tsaka bakit hindi ka umuwi nung gabing sinabi mong magpapahangin ka lang sa labas?"
"Mahabang k'wento, Jayne, huwag mo nalang itanong," sambit ko.
"Kahit na maghapon kapang mag kwento, makikinig ako," wika niya, napabuntong-hininga ako bago mag kwento.
[Flashback]
"Gabi na, saan ka pupunta?" tanong sa akin ng pinsan kong si Jayne.
"Magpapahangin lang sa labas, sama ka?"
"Ikaw nalang manunuod pa ako ng kdrama, i-lock mo ng maayos ang pinto mamaya." Wika nito at naglakad na siya papasok sa kaniyang kuwarto.
Habang nagpapahangin ako sa labas ay nakarinig ako ng sigaw ng isang babae mula sa loob ng kakahuyan, kaya lakas loob akong nagtungo roon upang tignan ito.
Malapit lang ang aming bahay sa kakahuyan kaya madalas akong naglalaro rito noong bata ako, ngunit pinagbawalan ako ni lola dahil madalas ay naliligaw ako rito. Hindi ko na nga maalala kung paano ako nakakabalik ng bahay sa tuwing maliligaw ako sa kakahuyan.
Tahimik akong naglalakad dala ang maliit na lampara nang mabilis at tila hangin na dumaan sa aking harapan ang isang lalaking naka itim, naramdaman ko ang pag hinto nito sa aking likuran kaya't mabilis akong tumakbo papalayo.
Ngunit sa kasamaang palad ay natalisod ako at tumama ang aking ulo sa medyo may kalakihang bato. Sinubukan kong tumayo ngunit nahihilo na ako, at nang makalapit sa akin ang humahabol na lalaki ay mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at itinayo. Halos mapasuka ako ng dugo nang sikmuraan ako nito.
"T-tulungan niyo a-ako..."
Nakita ko ang paglabas niya ng kusilyo mula sa kaniyang bulsa at mabilis na isinaksak sa aking tagiliran. Napasigaw ako sa sobrang sakit nang hinugot niya ang kutsilyo at dinilaan ang dugo na dumadaloy rito.
Bago tuluyang magpikit ang aking mga mata ay nasilayan ko pa ang pagdating ng isa pang lalaking naka itim at mabilis na sinuntok ang lalaking sumaksak sa akin ,dahilan upang mabitawan ako nito at muling tumama ang aking ulo sa bato.
At pagkagising ko at tumambad na sa akin ang magandang mukha ni Calleigh at ang tatlo pa niyang kapatid na nakatayo at hinihintay akong magising.
[End of Flashback]
"Omg! Yung parang sa teleserye, makakatuluyan mo niyan yung lalaking nag ligtas sayo, pustahan," wika niya.
"Huwag mong iku-kuwento kay lola ah," sambit ko at tumango naman ito.
"Siya ng pala asan na yung saksak mo?" tanong niya.
Bigla kong naalala ang saksak ko kaya bahagya kong itinaas ang aking damit upang tignan ito. Laking gulat ko nalang ng wala na ito at ni maliit na peklat ay wala rin.
"Wala na, ewan ko kung anong nilalang ang gumamot sa akin at mabilis itong naghilom," takang sabi ko rito.
"Baka may powers din yung gumamot sa iyo. Makapunta nga sa kakahuyan, baka sakaling maka-encounter rin ako ng poging bampira. Ano bang pangalan no'n Sam~"
"Don't you dare. Gusto mong mamatay 'no? Ako nalang papatay sayong gaga ka!" Suway ko sa kaniya kahit na mas matanda ito sa akin.
Tumawa ito at nag peace sign. "Joke lang."
"Huwag mong babanggitin ang tungkol sa kinwento ko kay lola, maliwanag?"
"Promise, I won't. Gusto mo samahan pa kita kapag sinundo ka nung Samuel, para naman makakita ako ng guwapo'ng nilalang, hindi yung araw-araw nalang pagmumukha nung dugyot na anak nung kapit bahay ang bumubungad sa akin sa umaga," reklamo nito.
Napatawa naman ako sa naging reaksiyon niya, gusto kasing manligaw nung anak ni aling Marites sa kaniya ngunit ayaw ni Jayne rito dahil dugyot daw kuno. Kaya ayun puro chansing naman ang loko, pagbukas ng umaga kapag lumalabas ng bahay itong si Jayne ay tumatambad sa kaniya ang pagmumukha ng lalaki sa kabilang bakod, kaya hindi na ako magtataka kung minsan ay ayaw nang lumabas ni Jayne ng bahay.

Comentário do Livro (6)

  • avatar
    Ian Bolus

    sonrang gan da Ng novels pag ikaw ay nag Baba SA neto talagang sasayaka kaso minsan malungkot minsan masayatesting nyong I download any novels apps na to napakagan da talaga mag basa

    19/04/2025

      0
  • avatar
    Charice Oponda Otakan

    excellent

    18/04/2024

      0
  • avatar
    Yin Karina Zilong

    jjooju

    14/04/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes