logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

CHAPTER FIVE
NICKZA’S POV
NAGISING ang diwa ko nang makaramdam ng haplos sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata pero nang makita ko na ang buong silid ay tanging tunog nalang nang pagsara ng pinto ang aking narinig.
        May pagtataka ko iyong pinagmasdan at wala sa sariling napangiti. Teka? Why am I even smiling? Who was that anyway?
        Agad akong bumangon nang hindi ko na maramdaman ang sakit ng aking katawan. Pumaroon ako sa pinto saka ay dahan-dahan ko itong pinihit at laking pasasalamat ko nang malamang nakabukas ito.
        Binuksan ko na nang tuluyan ang pinto at hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakita. Sobrang ganda ng interior ng bahay. Kahit medyo may pagkaluma ang mga kagamitan ay hindi mo aakalaing galing ito sa mga antik na bagay. Wala akong ibang masabi, hindi ko batid kung nasaan ang bahay na ito nakadistino.
        Pumunta ako sa living room at hindi ko inakalang may tao roon. Nanonood siya ng telebisyon. Hindi niya ako nakikita dahil nakatago ako sa malaking vase na kung saan ay may malaki ring halaman, nakasilip ako mula roon.
        “You know it’s rude staring at me.” Agad akong kinabahan. Ako ba ang tinutukoy niya?
        “Yes you are.”
        Ano? Sinabi ko ba ‘yon ng malakas? Bakit yata alam niya ang iniisip ko?
        Agad akong nagpakita sa kanya. Ngayon ko lamang nakita ang mukha niya. Hindi ko nga siya nakitang dumalaw sa ‘kin sa silid na inuukupa ko.
        Napapalunok akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa mga titig niya.
        “You can sit.” Tinapik niya ang tabi upang paupuin ako.
        “Ano. . .” hindi ko alam ang sasabihin ko.
        “Ano. . .” ginaya niya ako.
        Tinaasan ko siya ng kilay. Kumunot naman ang noo niya.
       “Ano bang kailangan mo sa ‘kin?” imbis na umupo ako ay 'yun ang nasabi ko.
        “Huh?” taka niyang tanong. Nakakunot pa rin ang noo niya nang balingan ako.
        “Aalis na ako rito. Kailangan ako ng mga kaibigan ko. Kaya ituro mo sa ‘kin kung saan ko sila matatagpuan!” inis kong bulyaw sa kaniya.
        “The door is open. Maaari kang umalis kung gusto mo,” saad niya saka ay pinatay ang TV na hindi ko naman naintindihan kung ano ‘yong pinanood niya. He face me with his cold brown eyes.
        Napapalunok kong iniwas ang tingin sa kanya saka tumakbo papunta sa pintuan. Agad ko itong binuksan pero hindi ko inaasahan ang nakita.
        Kung maganda ang nasa loob ay doble naman ang ganda sa labas. Makikita mo ang mga halaman at mga bulaklak sa paligid.
        Sobra akong namangha.
        Sino kaya ang gardener dito?
        Nakangiti kong pinagmasdan ang mga bulaklak ngunit nawala ang ngiti ko nang maalala ang mga kaibigan ko. Oo nga pala, kailangan ko silang hanapin. Tumakbo na ako at tinahak ang daan.
        Isang oras na ang nakalipas, pinahid ko ang pawis ko sa suot kong damit at ngayon ko lang din napansin na iba na pala ang suot ko, siguro’y pinalitan ako ng damit ng babaeng laging bumibisita sa kwartong inuukupa ko. Kanina pa ako lakad nang lakad pero napansin kong pabalik-balik lang ang dinadaanan ko. Walang nagbago at hindi ko alam kung talagang ganito lang ang daanan dito o pinaglalaruan lang ako ng kalikasan.
        Malapit nang magdilim kaya binilisan ko pa ang paglalakad ngunit kalaunan ay napagpasiyahan ko na huminto nalang.
        Mukhang hindi na tama ‘to!
        “AWOOOOO!!!”
        Agad nanlaki ang mga mata ko nang may marinig ako. Para iyong alulong ng aso, ang kaibahan lang ay mas malakas ito. Para bang nag-e-echo sa pandinig ko. Tumaas na ang mga balahibo ko at walang anu-ano’y tumakbo ako pabalik sa pinanggalingan. Kahit na tumutulo na ang pawis ay hindi ko na ito pinansin at sa halip ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
        Nakita ko na ang bahay na pinanggalingan ko at nang marating ko ang pinto ay dali-dali ko itong kinatok. Bumukas ito at nakita ko ang nakangiting babae na kung hindi ako nagkakamali ay siya ‘yong laging bumibisita sa kwarto na inuukupa ko.
        “Ma’am, mabuti’t nagbalik kayo,” usal niya saka ay pinatuloy ako.
        “Water,” wala sa sariling nasambit ko. Sobrang uhaw na uhaw na ako sa kakatakbo. Hindi ko na mapigilan pa at napaupo na ako sa sofa.
        “Opo Ma’am, sandali at kukuha ako,” saad niya saka umalis. Tinanguan ko lang siya saka ay napasandal sa sofa.
        “Ito na po, Ma'am.” Maya-maya pa ay dumating ang katulong na may dala nang isang baso ng tubig.
        Agad ko itong kinuha. “Salamat,” saad ko saka ininom ito.
        “Walang anuman po, maiwan ko na po kayo at magluluto pa ako ng hapunan.” Agad itong tumalikod at naglakad paalis. Tanging ako nalang ang naiwan sa living room.
        Anong meron sa lugar na ‘to? Bakit parang may kakaiba na hindi ko maintindihan?
        Dahil wala akong magawa ay naisipan kong maglakad-lakad muna. Nakita ko ang hagdan pataas kaya umakyat ako patungo roon. May nakita akong isang kwarto na kung saan nakabuang-ang ang pinto. Dahan-dahan akong lumapit doon.
        “Nababahala ako dahil hindi pa rin nila nakikitang kumikilos ang kalabang Awol. Sa tingin ko, may binabalak sila laban sa mga Kumwai,” rinig kong saad ng isang may boses lalaki. Nagmula ang kanyang boses sa kwartong iyon.
        Awol? Kumwai? Ano ‘yon?
        Napansin ko ang pagtahimik ng nasa silid kaya dali-dali akong umalis doon. Saan nga ba ako? Bakit wala akong matandaan kung bakit ako napunta sa pamamahay na ‘to?
        “Anong ginagawa mo rito?” nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko at hindi ko namalayan na nasa dulo pala ako ng hagdanan at dahil sa gulat ko ay natapilok ako.
        Parang nag-slow motion ang paligid nang maramdaman kong papahulog na ako sa hagdan. Agad akong napapikit at hinintay ang pag-landing ko sa ibaba pero imbis na maramdam ko ang sakit at maranasan ang mabalian ng buto ay wala akong kahit na anong naramdaman. Para bang nanatili lang ang katawan ko sa ere.
        Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at mukha ng isang napakagwapong lalaki ang tumambad sa aking harapan. Kung hindi ako nagkamali ay siya ‘yong lalaking nandoon kanina sa living room.
        Hindi ko alam pero sobra ang kabog ng dibdib ko. Napapalunok akong tumingin sa mga mata niya pababa sa matangos niyang ilong hanggang umabot ito sa kanyang mga labi.
        “Mag-iingat ka,” mahina niyang usal at binitawan ako mula sa pagkakahapit niya ng aking bewang at pinatayo ng maayos.
        “S-Salamat,” nauutal kong sagot sa kanya.
        Ano ba Maureen! Act normal! Pagpagising ko sa sarili.
        Tiningnan niya ako na para bang sinusuyod niya ang buo kong katawan kung may galos ba akong natamo o baka naman imagination ko lang ‘yon, tinalikuran niya ako pagkatapos niya akong pagmasdan.
        “Wait!” Napakalot ako sa aking noo nang may maalala. Hinarap niya ako pero wala siyang sinabi.Tiningnan niya ako nang may nagtatanong na tingin, “Ikaw ba ang nagligtas sa 'kin sa kagubatan?” tanong ko sa kaniya.
        Bumuntonghininga siya at tiningnan niya ako nang walang emosyon.
        “Kung gusto mong maligo, may bathroom sa kwarto mo. May mga damit nang nandoon kaya wala kanang po-problema-hin. Ipapadala ko na lamang kay Ysabel ang hapunan mo,” sagot niya saka ay tuluyan na akong iniwang nakatanga. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
        Wala sa sarili at laylay ang mga balikat na pumaroon ako sa kwartong inuukupa ko.
        Paano ko mahahanap ang mga kaibigan ko kung nandito ako? Paano ko malalamang buhay pa sila kung pinanghihinaan ako ng loob? Paano ko sila makikita kung takot ako?
        Naligo ako at nagbihis. Medyo makaluma ang bistida na naroon sa kabinet pero sa tingin ko ay babagay naman sa ‘kin.
        Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya pinapasok ko ito. Nakita ko ang babaeng laging naghahatid sa ‘kin ng pagkain dito.
        “Ito na ang hapunan ninyo, Ma'am.” Inilapag niya ang tray sa sidetable ng kama matapos ay nginitian niya ako.
       “Nakita mo ba ang mga kaibigan ko?Nakarating din ba sila rito?” desperadang tanong ko. Tinignan niya ako nang may pag-aalinlangang tingin.
        “Pasensiya na po kayo pero wala po akong nakitang ibang dala ni— ang ibig kong sabihin wala po akong nakitang ibang kasama niyo po kun'di kayo lang.” Umiwas ito ng tingin sa akin pagkatapos magsalita.
        “Ganun ba,” nanlulumo kong saad.
        Tiningnan ko siya at nagtanong, “Ano nga palang pangalan mo?”
        “Ysabel po, Ma’am,” sagot niya. Ngumiti ako.
        “Call me Nickza or Maureen instead.” Taka niya akong tiningnan.
        “I mean my name is Nickza Maureen but you can call me either Nickza or Maureen,” nakangiti kong sabi. Tumango-tango naman siya. Pagkatapos niyang magpaalam ay umalis na siya.
        Nilibot ko ang paningin sa silid hanggang sa huminto ito sa sidetable na kung saan may tray ng pagkain. Nakangiti ko itong kinuha at saka sinimulan ko nang kumain.

Comentário do Livro (193)

  • avatar
    Nosal Niljay

    500

    2d

      0
  • avatar
    Michael Magallon

    yes gusto kong mag laro para manalo at mag kapera para matolong ang aking pamilya

    11d

      0
  • avatar
    Aaron Mondigo Lopez

    Kasama ko Ngayon dito SI kuya sa labas ng ataing Bahay gayagya Siya na lumabs. kaya sinabi nag aking naji. ksjshsbbaa nsjhdbsbsbshhsbsbsbsbsbhs.bshshshshwuhsbsbbsbsbdbdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhshshhshshshshshhshshshshhshshshhshhdufxyfxyffutfyxfxfyyfxyfuxfydy😁🥱☹️🥱😁☹️fujfifftfuffhgcugufgucuffucyfyxfyfxxtddyyfxyfxfyxfyfyxfxyyxrrxyryxryxryxrcyfcytyffyxrycrycfycyrccryfycfyccfyfcycftfycycfdctfcycyrfcyytctcyyfcfcfyctfcfyctcffcyfycfctfftdxftxdttcdtcdfxfctftctcfctfyctcyrtccfyyfcyfyfftcrxxrdtcrxx

    22d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes