logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4:

Tatiana's POV.
Nang makauwi kami ay ginamot namin ang mga sugat at pasa ni Ate Sanya. Si Ate Jessa naman ay inayos ang kwartong tutulugan ni Ate Sanya.
"Sana ay kinontak mo kami kaagad, nak. Jusko, anak ko. Anong ginawa nila sa 'yo?" naiiyak na sabi ni Tatay kaya naman pinatahan siya ni Ate Sanya. Si Nanay naman ay sobrang tahimik, nakakatakot na.
"Nay, are you alright?" nag-aalalang tanong ko atsaka n'ya ako tinignan at ngumiwi.
"Huwag mo 'kong ma-ingles ingles" sagot n'ya kaya naman natawa ako.
Nag-usap usap lang kami tungkol doon sa nangyari.
"Solid ka nga e, hahaha tinapakan amp" sabi ni Kuya Simeon sa 'kin.
"E sa nabwisit ako e? Si Jessa nga nanuntok e hahaha t*nginang ngipin tumalsik. Kadiri amp*ta" sabi ko kaya naman nagtawanan kami.
Saglit pang kwentuhan ang naganap hanggang sa nagpasya na kaming nagsitulog. Lahat kami ay nagsama sa iisang kwarto, kwarto ni Ate Sanya. Tinabihan namin siyang lahat.
Birthday ni Tatay bukas... ano kaya ireregalo ko? Napatingin naman ako kay Tatay at Nanay na magkayakap atsaka napangiwi. Bahala kayo r'yan.
"Matulog kana, bitter" narinig kong sabi ni Nanay kaya lalo akong napangiwi sakanya. Ediwow.
Hindi makatulog sa gabi sa kaiisip--- huwag mong kantahin, beh. Totoo 'yan. Iniisip ko kung bakit kailangan maging ganito ang mangyari kay Ate at bakit naging ganito. Nabibwisit ako. Hanggang sa naalala ko yung kay Ralph, hanggang ngayon ay palaisipan parin sa 'kin. Tss.
"Matulog kana. Hindi ka mahal non" napangiwi akong muli dahil sa sinabi ni Tatay. Wala nga ako sa hulog magmahal ng dahil sa mga karanasan ng malalapit sa 'kin e.
Hindi ko na sila pinansin at pumikit nalang ako hanggang sa makatulog ako.
KINABUKASAN...
"Hoy gising! May naghahanap sa 'yo sa labas!" napabalikwas ako dahil sa sigaw na 'yon ni Ate Jessa!
"S-sakin? Sino?" nagtataka kong tanong sakanya.
"Yung boyfriend mo!" sigaw n'ya sa 'kin kaya naman dali dali akong bumangon at lumabas. Nagtingin-tingin ako pero wala naman akong makitang tao ro'n. Muli akong pumasok sa loob.
"Wala naman e" reklamo ko sakanya nang makapasok ako sabay nagkamot ng ulo.
"Hahaha e sa wala ka namang boyfriend? Kasalanan ko?" natatawang sabi pa n'ya kaya naman napaisip ako.
Oo nga 'no?
Napatingin ako sa lahat na natatawang nakatingin sa 'kin. Ediwow.
Dumiretso ako kay Tatay dahil naalala kong birthday n'ya ngayon!
"Happy Birthday, Tayyyy!" bati ko sakanya atsaka humalik sa pisngi n'ya.
"Thank you, Nak" nakangiting sabi nito at yumakap sa 'kin.
"Huling bumati yung favorite ko" tatawa-tawang sabi nito kaya naman napasimangot ako.
"Kadiri naman 'yang favorite mo, makakiss e hindi pa nga nag-toothbrush" rinig kong pang-aasar ni Ate Sanya kaya napairap naman ako.
"True, kadiri"
"Walang mumog mumog amp"
Inirapan ko lang silang lahat habang tuwang-tuwa silang asarin ako. Dumiretso ako sa cr at doon ginawa ang mga dapat gawin tuwing umaga.
May klase pa nyeta.
Matapos kong gawin ang mga iyon ay nagpatuyo ako ng buhok atsaka isinuot ang uniform.
"Alis na 'ko" bungad ko pagkababa.
"Kain ka muna" aya sa 'kin ni Tatay kaya naman kumain muna 'ko. Masaya kaming nagsabay sabay sa pag-aalmusal.
"Sibat na 'ko" paalam ko atsaka umalis. Naglalakad lang ako papunta sa school kahit hindi malapit ang school namin. Trip ko lang.
~BEEP!! BEEP!!~
Napatingin ako sa likuran ko ng may bumusina doon.
Drystan?
Ibinaba n'ya ang window ng kotse n'ya atsaka kumaway sa 'kin. Nangunot ang noo ko pero kumaway rin pabalik. Nagstop naman ako at gano'n din ang kotse n'ya. Bumaba s'ya at lumapit sa 'kin.
"Oh, bakit?" nagtataka kong tanong pero tumitig lang s'ya sa 'kin at hindi nagsalita.
Aning ampota.
"H-hoy... Ano ba?" kunwaring irita kong tanong pero ang totoo ay naiilang ako sa titig n'ya. Utal pa more, Tatiana.
"Come with me" iyon lang ang sinabi n'ya atsaka tumalikod at sumakay sa kotse.
Ano raw? Come with me? At bakit ko naman gagawin 'yon!? Ano ako aning!?
Tama tama! Kahit pa kaklase ko siya, hindi dapat ako sumama!
"Huwag magpaloko!!!" napatakip ako ng bibig! Uh-oh... Did I just voice it out!?
Napatingin ako kay Drystan na nagunot ang noo. Lengya! Kahiya, men!
Lumapit ako sa kotse n'ya at pilit na binuksan ang pinto.
Tang*na, pa'no ba 'to?!
Nahihiya na 'ko dahil hindi ko mabuksan. Pupwersahin ba dapat? Baka masira ko e.
"Tss" napatigil ako sa pag-aattempt na buksan ang pinto ng marinig ko si Drystan, nasa tabi ko na pala s'ya, hindi ko napansin dahil busy ako sa pag-iisip.
"Tabe"
"H-ha?"
"Tabe" pag-uulit n'ya pero parang wala akong maintindihan! Nakatingala lang ako sakanya! Move, Tatiana!!!
H-ha?
Nagulat ako ng hawakan n'ya ako sa dalawang braso at bahagyang itinabi para mabuksan n'ya yung pinto ng kotse n'ya.
Nakakahiya ka, Tatianaaa!!!!
Napalunok ako dahil sa naisip. Lengya! Sana okay lang ako!
"Get in" blangko ang mukha n'ya. Parang tanga naman ako na sumunod. Under ako kaagad? Ano ba 'yan. Charet!
Nang makasakay sa kotse n'ya ay sinarado n'ya ang pinto, medyo napailag pa ako sa lakas non. Ganon ba dapat kapwersa!? Sumakay na s'ya atsaka tumingin sa 'kin.
"Seatbelt" aniya pero parang wala nanaman akong narinig.
Anong gagawin ko ba sa seatbelt?
Malalaklak mo ba 'yan, Tatiana?
No way! Baliw na 'ko!
"Ehem" natauhan ako dahil sa kunwaring pag-ubo ni Drystan. Please lang, Tatiana, umayos ka naman oh?
Napaayos ako ng upo. Aayos na talaga ako. Hahawakan ko na sana ang seatbelt pero naunahan ako ni Drystan. Sa taranta kong hindi mahawakan ang kamay n'ya ay napatingin ako sakanya, pero pagtingin ko ay sobrang lapit sa 'kin ng mukha n'ya!
Ang bango ng hininga... Ang gwapo... Ang bango rin ng perfume--- myghad, Tatiana!!! Stop it!!!
"A-ako na...." omg! nag-ooverthink ako, mabango kaya hininga ko? Baka mabauhan s'ya, lengya! Napatingin naman s'ya sa 'kin! Sa sobrang lapit n'ya ay konting-konti nalang, maghahalikan na kami!
Lengya! Ano ka ba, Tatiana! Feeling nasa movie!?
Hindi ko alam bakit hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Parang gusto ko siyang titigan magdamag.
Harot mo, Tatiana. Letse ka.
Totoong gusto ko s'yang titigan magdamag, hindi ko alam ang dahilan.
"Are you alright? Your eyes seems so...sad" pahina nang pahina ang boses n'ya sa pagsasabi n'ya ng 'sad'.
"A-ahhh hahaha a-ano... okay naman hahaha k-kasi..." sobrang lapit mo sa 'kin, baka magkahalikan tayo.
Pero syempre hindi ko sinabi 'yon. Nakakahiya dahil baka mangyari nga. haha! At anong sabi n'ya? Sad daw ang eyes ko? Bakit naman?
Ano ka ba, Tatiana? Ilabas mo ang taray mo!!!
"L-lumayo ka!" sigaw ko at agad agad na natakpan ang bibig.
"W-what?" natatawa n'ya pang sagot at nong tignan ko siya ay ang layo na n'ya sa 'kin! Napatingin ako sa sa seatbelt kong nakalagay na rin.
Damn, Tatiana... anong kalutangan 'to!?
Pakiramdam ko ay namumula na 'ko sa hiya. Ngumiti naman ako kay Drystan.
"Hehehe w-wala" naiilang na sagot ko at hindi inaalis ang ngiti. Agad na nawala ang ngiti ko nang magseryoso ang mukha n'ya! Eh? N-nagalit ba s'ya? Ano namang pake ko!? Mamatay s'ya sa galit!
Nagbyahe na s'ya at nanahimik naman akong tumingin sa bintana. Bakit nga ba ako sumabay sa lengyang 'to?
Nang makarating kami sa school ay ipinark n'ya ang kotse sa parking lot syempre.
"Wait me there" sabi n'ya atsaka bumaba sa kotse. Pumunta siya sa may pinto ng passenger seat atsaka binuksan ito. Tinulungan n'ya muna akong mag-alis ng seatbelt ko.
"S-salamat.." nahihiyang pasasalamat ko habang nakatingin sa sahig. Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako sakanya na nagtataka ang tingin sa 'kin.
"Ano?" taas isang kilay na tanong ko.
"A-are you waiting for the floor to r-respond with your salamat?" nagtatakang tanong niya! Totoong nagtataka ang itsura n'ya, inosenteng inosente. Natawa naman ako sakanya.
Porke nakaharap ako sa sahig ay inisip n'yang sahig ang kinakausap ko? weird...yet cute hehehe.
"Siraulo, sa 'yo ako nagpapasalamat" natatawang sabi ko kaya naman napatango-tango s'ya. Ang cute n'ya, para siyang bata.
"No worries" sagot n'ya, wala man lang emosyon, tsh.
Sabay kaming naglakad papunta sa room at hindi nakaligtas sa 'kin ang nga bulungan.
"Omg, bakit magkasama sila?"
"Oo nga 'no, sila na ba?"
Magkasama lang, kami na? Aning.
"Baka naman nilalandi ni Tatiana?"
"Uy, ano ka ba naman, hindi naman ganon si Tatiana, ang bait kaya n'yan na medyo masungit"
"Oo nga naman, wala nga akong nababalitaang naging boyfriend n'yan ni Tatiana"
"Wala kasi siyang hilig sa ganon, hayaan na natin"
Buti naman.
Hindi ko pinahalata sakanila na narinig ko sila, nagdere-deretso lang ako. Nang makarating ako sa room ay napatingin ako sa pwesto ni Angelica.
Hindi ko siya naantay, patawad kaibigan at nauna ang aking kalandian. Charet!
Inilabas ko ang cellphone ko at itinext s'ya.
To: ~Stitchy Lica❤~
Hoy, beh.
Nasa room na 'ko ah? Deretso kana sa room kapag nakarating ka.
Ingat!! =)
Message Sent!
Pagkasend ko non ay muli kong itinago ang phone ko.
Parating na ako sa upuan ko ng mapatigil ako. Ramdam ko ang tingin sa 'kin ni Drystan dahil sa pagtigil ko.
"Are you alright?" tanong ni Drystan mula sa likuran ko at sinilip pa ang mukha ko. Napatingin naman ako sakanya atsaka ngumiti.
"Oo naman" sagot ko atsaka tumingin kay Ralph. Walang emosyon ang mukha n'ya at nakatingin s'ya sa 'kin.
Naglalakad ako pero ang paningin ay nakay Ralph parin.
Andami mong kailangang ipaliwanag sa 'kin.
Nang makaupo ay doon ko lang inalis sakanya ang paningin ko. Naramdaman ko rin ang pag-upo ni Drystan sa tabi ko.
"Beh!" napatingin ako sa pinto at ayun si Lica na kakarating lang at kumaway sa 'kin. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.
"Ikaw ah, nang-iiwan kana" sabi pa n'ya atsaka pabagsak na umupo sa tabi ko at bumuntong-hininga.
"Ganap?" tanong ko at napangiwi naman siya.
"Same old" nakangiwing sagot n'ya. Lengya. Napairap naman ako dahil sa sagot n'ya.
I'm pretty sure it's about John. Tsh.
Napapatingin ako sakanya at para siyang tangang patingin-tingin sa phone n'ya.
"Si John?" tanong ko at sinagot naman niya 'ko ng tango.
"Oh, e, anong kailangan n'ya?" sarkastiko kong sagot kaya naman nakanguso siyang tumingin sa 'kin.
"N-nakikipagbalikan..." mahina ang pagkakasabi n'ya pero sakto lang para marinig ko.
"Babalikan mo naman? Huwag kang tatanga-tanga" sagot ko sakanya kaya lalo siyang napasimangot. Kung ako siya, hindi ko na tatanggapin 'yon. Hindi na nga mabilang sa daliri kung ilang beses na siyang nagloko.
Wala akong kibo habang nag-aantay sa first subject. Napatingin ako kay Ralph atsaka ito ngumiti sa 'kin pero hindi ko ito sinuklian kaya naman nagtaka siya. Napatingin naman ako kay Drystan na naka-earphone at nakatulala sa harapan.
Ang lungkot ng aura n'ya...
Maya-maya ay nagdatingan na ang iba naming kaklase at kasama na si John at Ria na hindi nagpapansinan. Ngayon mo 'ko pagmalakihan sa lovelife mo, Ria.
Nakita ko si John na sumulyap pa kay Lica at ngumiti. Kaderti!!!! Napangiwi ako ng makitang bahagyang ngumiti si Lica. Bwiset, ang rupok! Maya-maya pa ay dumating na ang teacher at nagsimula na ang klase.
DISCUSS
DISCUSS
30 MINUTES BREAK
Nagsi-tayuan ang mga kaklase ko para pumunta sa canteen pero hindi ako tumatayo.
"Oh? Hindi ka kakain?" nagtatakang tanong sa 'kin ni Lica na nakatayo na.
"Wala akong gana" sagot ko atsaka naman siya naupong muli.
"Walang problema" pangunguna ko na dahil alam ko na ang itatanong n'yan. 'May problema ba? Magsabi ka nga sa 'kin, tungkol saan 'yan ha?'
"Grabe ka naman, hindi mo man lang ako inantay magkaroon ng linya" pagbibiro n'ya kaya natawa naman ako.
"Sige na, kain kana ro'n. Wala talaga akong gana" sinserong sab] ko atsaka ngumiti. Bumaba naman siya para kumain.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Drystan. Sinundan ko pa s'ya ng tingin at doon ko nakita na may kinausap s'yang lalaki sa labas. Ano bang pake ko? Naramdaman ko naman na may umupo sa pwesto ni Drystan, sa tabi ko.
"Tatiana" narinig kong tawag sa 'kin ni Ralph. Walang emosyon ko naman s'yang tinignan.
"Anong nangyari sa 'yo? Ang sungit mo sa 'kin" pagmamaktol n'ya at nasa mata n'ya ang pag-alala.
"Pa'no mo nalaman?" seryosong tanong ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata n'ya.
"Eh? Halata naman kasi oh, ansungit sungit mo tapos---" hindi ko na siya pinatapos nang magsalita akong muli.
"Hindi 'yan ang tinutukoy ko, Ralph. Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" seryosong tanong ko kaya natigilan s'ya. Nag-iwas pa ito ng tingin atsaka bumuntong-hininga bago muling tumingin sa 'kin.
"I know your Mom. Her name is Bethany, right? Nakilala ko s'ya dati, noong bata pa 'ko. Sobrang bait n'ya" sagot n'ya kaya nagtaka naman ako.
"Oh tapos? Pa'no mo nalamang anak n'ya ako? E hindi ko naman kinwento sa 'yo sinong nanay ko ah" nagtatakang tanong ko na may halong pagdududa sa mga sinasabi n'ya.
"You didn't tell me but she did. Palagi ka n'yang ikinukwento sa 'kin noon" natatawang kwento n'ya pa pero tinignan ko s'ya nang may pagdududa.
"Oh, e, bakit kayo magkakilala? Magka-ano ano ba kayo?" nakakapagtaka lang dahil ang mukha n'ya ay biglang sumeryoso.
"Magkapitbahay" sagot n'ya kaya naman napatango tango ako. Baka nga kapitbahay s'ya ni Nanay noon.
"How old are you?" tanong ko sakanya.
"24" tipid na sagot n'ya kaya naman nagulat ako. Omg, 24 na siya!? Pero bakit nag-aaral parin s'ya? Duh, baka late siyang nag-aral or nag-stop, Tatiana! Stupid!
Tumango-tango nalang ako sakanya.
"Look at me" taka naman akong napalingon sakanya nong sabihin n'ya 'yon.
"Can't you remember me?" malungkot pa na sabi n'ya kaya natigilan ako.
Remember? Remember na ano?
"This is not the first time you saw me, Tatiana... or maybe you already forgot my face because you were so young back then" sabi n'ya. Napatitig naman ako sa mukha n'ya at pilit na inaalala kung saan ko siya nakita at kung kilala ko ba talaga s'ya, pero sadyang wala akong maalala na nagkita na kami noon.
Bumuntong-hininga s'ya at tumingin sa ibang direksyon.
"Don't force yourself if you can't remember" sagot n'ya kaya naman parang nalungkot ako sa tono n'ya at mga mata n'ya.
"But I wish that one day, you'll remember me. You will hug me and say you miss me" mapait na ngiti ang iniwan n'ya bago tumayo at bumalik sa pwesto n'ya.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumitig sa kanya.
Sino ka ba talaga?
Hindi ko alam pero ang sakit ng tibok ng puso ko. I looked into his eyes, ang lungkot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil naninikip ito.
Why do you need to make me feel this way? What's our connection? Ralph Nacpil.
I do really want to know kung anong meron sa 'min kahit pa nakaraan na 'yon. Naniniwala ako sakanya dahil sa emosyon na pinapakita n'ya.
TO BE CONTINUED...
_________________________________________
You being here is highly appreciated! Thank you for the support!
Votes and comments are highly appreciated!
Thank you!
-LadyEscritora

Comentário do Livro (13)

  • avatar
    FerougeFelix Dylan

    Next pls!!!

    30/01

      0
  • avatar
    Thamia Lucinario Iroy

    GANDAA😭

    22/06/2024

      0
  • avatar
    Ronelie Balmori

    nakakarelate🥹

    24/04/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes