logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 5

Iniwan ko sila Ayessa sa grocery store. Sobrang sama ng loob ko at ang gusto ko na lamang ay umuwi para makapagpahinga.
Nakakapagod ipaglaban ang karapatan mo sa mga taong ang tingin sa mga sarili ay laging tama. Na lahat ng tao ay kapantay nila sa buhay.
Naninikip ang dibdib ko dahil sa kanilang pakikipag-away sa akin. Talagang pinagtulungan pa nila akong tatlo!
Lalo na si Ayessa! Akala ko pa naman, kaibigan pero may ugali pa rin pala talaga! Lahat idinadaan sa pagtulong kuno pero gusto lang talaga magpakitang tao!
Bumili muna ako ng samalamig sa tindahan malapit sa school. Pakiramdam ko'y sasabog ang ulo ko kapag hindi ko ito napakalma.
"Cake!"
Sa boses at pagtawag pa lang sa akin, kilala ko na kung sino iyon. Nilingon ko si Lomi na mag-isa na lamang at mukhang kalalabas lang ng gate ng school namin.
Kung hindi siguro ako bad trip ngayon, baka yakapin ko pa siya at kiligin dahil binati ako ng crush ko. Kaso hindi ko magawa dahil kalat pa rin sa aking sistema ang pagkayamot sa kaninang pakikipagtalo.
Nawala agad ang mapang-asar na bungad ni Lomi sa akin nang makita niya ang seryoso kong ekspresyon. Nang makalapit ay tutop ang bibig at napatingin sa aking iniinom.
"B-bad trip ka?" Nahihiya niyang tanong.
Hindi ko sinasadyang mairapan siya at umupo sa isang upuan sa labas ng kainan. Tahimik akong sumisimsim sa aking inumin. Sa gilid ng aking mata, kita ko ang pananatiling pagtayo ni Lomi sa gilid tsaka unti-unting umupo sa aking tapat.
Walang nagsalita sa aming dalawa. Ramdam ko pa ang pagpintig ng aking utak kakaisip sa aming gagawing cooking laboratory.
Hindi kami magkakaayos kaya paano kami makakapagluto niyan?
Mali pala. Ako lang pala ang hindi ayos sa kanila dahil pinagtulungan nila ako! Nagkampihan sila!
Lalong nalukot ang aking mukha sa simangot at nagsalubong na ang kilay na tumitig sa mesa sa pagitan namin ni Lomi. Ramdam na ramdam ko ang kagustuhan niyang magsalita kaya naman sinalubong ko na ang mata niyang kanina pa nakatitig sa akin.
Ang kaniyang matang namimilog ay mabilis na napakurap at nag-iwas ng tingin. Kasunod ang pagpula ng kaniyang pisngi at tainga.
Bumuntong hininga ako at tinawag siya. "Ba't ka nandito?"
Bumaling siya muli sa akin. Gulat at sinisipsip ang labi. "A-ah... uh," luminga siya sa paligid tsaka tumayo. "B-bibili rin ako!" aniya tsaka bumili ng aking iniinom din kanina.
Pinanood ko siya hanggang sa makabili siya tsaka humarap muli sa akin. Tumikhim siya pagkasipsip sa kaniyang ininom. "H-hindi ba't bff na kayo ni Maye? Bakit hindi mo siya kasama?"
At sa tanong niyang 'yon, lalong nag-init ang dugo ko. "Hindi ko siya bff" I hissed at him.
"Ay gano'n..." sumimsim siya sa inumin tsaka nagsalita ulit. "Ang hirap mong damayan... mukhang hindi kayo okay... uh..." nahihirapan niyang sabi.
Napabuntong hininga ako at nakuha ang kaniyang gustong iparating. He wants to know what happened at mukhang nahihiya pa siyang makiusyoso.
Ikinwento ko kay Lomi ang nangyari. Nagugulat pa siya kapag tumataas ang boses ko. Naiinis kasi talaga ako! At buti na lang narito si Lomi, makakapaglabas ako ng sama ng loob!
"Ay grabe talaga mga babae... oh tapos? Magkano ba ang naging bigayan niyo?" tanong niya na akala mo'y interesadong-interesado sa akin kwento. 
"250! Jusko, baon ko na iyon buong linggo!" sagot ko.
Natawa siya sa aking sinabi na ikinakunot ng noo ko. "250 lang pala?" 
Napatayo ako sa aking upuan at hindi makapaniwalang tinignan siya. 250 lang?! Baon ko na iyon buong linggo! Paano iyon? Hindi ako magre-recess nang isang linggo?!
Napapikit ako at dinama ang paninikip ng dibdib sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit... nakakaramdam ako ng awa sa sarili ngayong may ibang taong gumanito sa akin.
Para bang ipinapamukha nila sa akin na hindi valid ang dahilan ng pagkainsulto ko. 
Alam ko sa sarili ko na madalas akong magkaproblema pagdating sa pera dahil doon lang naman talaga ako may pagkukulang. Hindi ako mayaman na kayang sabayan ang mga taong nakapaligid sa akin.
Sa apat na taon kong pag-aaral sa paaralan kung sa akin napapaligiran ako ng mayayaman, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong awa sa sarili dahil hindi ko talaga magawang makisabay sa kanila.
Hindi ko pinansin ang tawag ni Lomi sa akin nang umalis ako sa harap niya. Dire-diretso lang ako sa sakayan ng tricycle at nagpasalamat nang makitang may isang tricycle na paalis na. Sa likod ako sumakay at hindi na nag-abalang alalahanin kung may makakakita ba sa aking luhaang mga mata.
Nasaktan ako sa sinabi nila Ayessa. Akala ko, iba ang magiging pananaw ni Lomi kung sakali mang ikwento ko ang nangyari. Pero hindi. Katulad din siya nila.
Para nilang ininsulto ang aking rason para maging ganito ang reaksyon.
Pagkauwi na pagkauwi ko ay kay mama ako naglabas ng sama ng loob. Hindi ko na ring maiwasang maiyak dahil mabigat talaga sa damdamin ang kanilang mga pang-i-insulto sa akin. 
"Kapag naman may gan'yan kayong kinakailangan sa eskwelahan, anak, bibigyan naman kita ng panggastos sa gan'yan..." pampapalubag ng loob ni Mama sa akin. Tumango na lamang ako ngunit hindi rin nagustuhan ang kaniyang minungkahi. 
Mas may importanteng bagay na dapat pagtuonan sila Mama. Alam ko ring gusto nila ipaayos ang aming bakod kaya sila nagdodoble-kayod ngayon ni Papa. Ayoko naman nang makadagdag alalahanin sa kanila.
Talagang kinamuhian ko na ang mga mayayaman. Their arrogance when it comes to money just trigger my nerves. Para bang hindi nila iniisip ang nararamdaman ng taong pinapakitaan nila na may kakayahan silang sagutin ang pangangailangan ng isang tao.
Pangangailangan nga, 'di ba, kaya dapat, ang tao mismo na iyon ang magpoprovide para sa sarili nila!
Kahit na labag sa aking loob ang paghingi ng tulong kina Mama, nilakasan ko pa rin ang loob ko dahil kakapusin talaga ako kapag hindi ako humingi.
Pero hindi ko na lang din tinuloy nang malamang nanakawan si Mama noong Miyerkules ng gabing iyon. Hindi ako nakasama sa kaniya sa pagtitinda sa plaza dahil may kailangan akong tapusing assignments. 
Hindi ko maipinta ang mukha ng aking ina nang makita siyang umuwing umiiyak at sinabing nanakawan siya ng kinita. Walang itinira sa kaniya ang gagong magnanakaw at si Papa na galit na galit, agad na nagtungo sa polisya para i-report ang nangyari kay Mama.
"Hindi naman ang pera ang inaalala ko, anak. Iyong pagod ko lang sa gabing iyon ng pagtitinda..." mahina nitong sabi at kalmado na.
Kumunot ang noo ko. "Ma, ano ka ba! Iyong kinita mo pa rin iyon!" sabi ko habang nakapamaywang.
Binigyan niya ako ng maliit na ngiti kasama ang kaniyang kalmadong mukha. "Hay nako, anak. Hayaan na natin. Wala na tayong magagawa kung nanakaw na..."
Sumimangot muli ako at magmamaktol na sana nang magsalita ulit si Mama. "Nga pala, iyong kakailanganin mong pera? Magkano ba iyon?"
Lalo akong napasimangot. Ngayong nanakawan si Mama, makakahingi pa ba ako? Hindi na! Titiisin ko na lang siguro ang hindi pagre-recess sa susunod na linggo at magbabaon na lang ng tinapay.
Umiling ako kay Mama. "Ayos na, Ma. Ako na ang bahala" sabi ko na ikinatawa ni Mama.
"Kaya naman kitang bigyan, anak--" Heto na naman tayo!
"Ma, okay na po. Kaya ko na pong tulungan ang sarili ko. Hindi niyo na po kailangang kumayod pa at baka manakawan na naman kayo" ngiti ko rito at piniga ang bawat pisngi.
Pagkauwi ni Papa ay highblood pa ito pero nakapagreport naman na siya sa polisya at ngayo'y tinutukoy na lang kung sino ang nahagip sa CCTV sa daan kung saan nahablutan ng wallet si Mama. 
Nauna na akong tumungo sa aking kwarto pagkakain ng hapunan dahil mukhang kailangan pa ng lambingan ng magulang ko dahil sinermunan na naman ni Papa sa pagtitinda sa plaza kahit hindi naman na kailangan. 
Alam kong gusto lang talaga ni Mama na kumita nang malakas pero mas kampi ako kay Papa na hindi naman na talaga kailangang gawin iyon ni Mama dahil sapat naman ang kanilang kinikita para makaipon.
Matutulog na sana ako nang tumunog ang aking phone. Bumungad sa aking lockscreen ang isang Facebook notification.
Lomeo E. Alfanta accepted your friend request.
Mabilis ko namang kinuha ang aking phone at malaki na ang ngiting tinignan iyon. Unti-unti akong napanguso nang makitang labeled nang "friends" ang aming status ni Lomi. Magrequest kaya ako ng relationship status sa kaniya?
Lalo namang nagdiwang ang aking kasiyahan sa aking katawan nang makita ang chat ni Lomi sa akin.
Lomeo E. Alfanta
Oy hahahha
Ayan inaccept na kita
wag mo na ulit akong singhalan
para kang mangangain hahaha kakatakot
Kahit na nang-asar siya, nakita ko na lamang ang sariling kagat ang labi para pigilan ang kilig na gustong kumawala sa aking labi at nagtipa ng reply sa kaniya.
Me:
beh naoffend kasi ako sa sinabi mo
ni-LANG mo lang naman ung baon ko sa isang linggo! kainis ka
Lomeo E. Alfanta
ay yun ba... sensya na ha hahahaha
Me:
magsorry ka!
Lomeo E. Alfanta
luh, nuka, chix?
Napairap ako sa pang-aasar pa nito lalo. Bakit hindi naman mukhang mapang-asar si Lomi? Siguro kasi hindi kami magkaharap kaya malakas ang loob!
Me:
Kiss mo na lang ako, crushie hihihi
Napasinghap ako nang bigla niya akong i-block. Tamo 'tong maarteng 'to! Kapag nilalandi mo na, tumitiklop agad. 
Wala pang isang minuto ay inunblock na niya ako at chinat ulit.
Lomeo E. Alfanta
kung manglalandi ka lang iunfriend na kita
Natawa naman ako sa pananakot niya. 
Me:
joke lang! to naman d mabiro huehue
(ー_ー゛)
Lomeo E. Alfanta
good girl
Namula naman ako dahil iba ang sumagi sa akin isipan. Para ko tuloy narinig iyong sinabi niya noong foundation day! 
Pero sana na lang hindi aso ang tingin niya sa akin para sabihan ng good girl...
Kinabukasan ay bigayan na namin ng punyetang 250 dahil over the weekend ay mamimili na kami ng ingredients nila Ayessa. Masama pa rin ang loob kila Ayessa. Wala na rin akong nagawa noong ipakita nila sa akin ang finalized ingredients at expenses namin dahil leader lang naman ako. Miyembro ko sila at sila naman ang nasusunod eh.
Labag pa sa loob ko noong binigay ko sa kanila ang 250 pesos imbis na ako ang magkolekta dahil ako ang leader nang matapos ang huli naming klase. Pagkatapos maglinis ng room ay umalis na ako at hindi pinansin ang pagtawag nila sa akin.
Ano? Pagtutulungan na naman nila ako! Sasabihing ako ang leader pero hindi ako ang nagli-lead sa kanila.
Dire-diretso lang ako sa hallway patungo sa gate ng school namin at hindi pinapansin ang mukhang tangang si Ayessa na tawag nang tawag sa akin na mukha pang gusto akong kausapin.
Mag-usap-usap na lang kami sa aming cooking lab next week.
Ngunit ganoon na lang din ang pagkagulat ko nang biglang humarang si Lomi sa aking dinadaanan. Galing sa pagtakbo sa likod at mukhang hinabol ako. Hindi ko maiwasang mamula sa paraan ng pagharang sa akin ni Lomi sa gitna ng hallway. 
Para bang sa mga highschool romantic movie kung saan sinusuyo ng boyfriend niya ang girlfriend niyang nagtatampo.
Feeling ko nga!
Kaso agad na nasira ang aking mood nang makita si Ayessa sa aking likod. Hindi ko maiwasang i-bring-up ang aming pinag-awayan dahil iyon lang ang naiisip kong tanging dahilan para habulin niya ako dito!
"Ano? Mamahalan niyo pa 'yung ingredients? Hindi pa ba sapat 'yon?" Inis kong turan.
Nakita ko ang pagsilip ng inis sa kaniyang mukha ngunti agad ring nawala. Magsasalita sana nang mabangga siya ng isang estudyante. Nagsigilid naman kami sa hallway dahil mali pa ang pwestong pinili ni Ayessa para kausapin ako.
"Mag-usap tayo sa tahimik na lugar. I will explain my side--Our side" tukoy niya sa iba pa naming kagrupo.
Gusto ko siyang asarin dahil ininis niya rin ako. "Dito na. Nag-aapura ako" mataray kong turan at nalipat ang tingin kay Lomi na papalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Ayessa.
Huminga nang malalim si Ayessa. "I'm sorry... uh... no, we're sorry. I know hindi tama 'yung ginawa namin or nasabi namin pero we're just... applying what was taught to us, right?" aniya.
Kumunot ang noo ko. Nanghihingi ba siya ng tawad o ipinapamukha niya sa aking tama lang talaga sila?
Anong klaseng sorry 'yon!
"Alam ko, pero halata naman na mahal talaga 'yung mga pinipili niyo!" pagpapamukha ko rin na ako ang nadehado rito. "Palibhasa kaya niyong bilhin, 'di ba?" 
Umiling siya agad ngunit bakas na rin ang insulto sa mukha. "No, talagang may kamahalan lang 'yung iba pero the quality naman eh! And you are also at fault, alam mo 'yon?" 
Ay wow! Ngayon, nasama pa ako sa may kasalanan! Eh ako lang naman itong gustong makatulong sa pagpapababa ng presyo ng aming gagastusin! Tsaka ito pa nga ang unang itinuro sa amin sa pagpili ng ingredients! Iyong affordable lang dahil mga estudyante pa kami. Pero sila itong mayayaman at go agad sa mamahaling mga sangkap!
"Ako pa ngayon ang may kasalanan?" pakikipagtalo ko.
"You blame it all on me as if I did it on purpose! Do you know how hurt I was when you said that?!" hindi niya pagpapatalo.
Eh ako? Hindi ba nila naisip na nasaktan nila ako noong insultuhin nila ako?
Hindi natapos ang aming pagtatalo ni Ayessa kahit na halos gusto nang pumagitan ni Lomi sa amin. Napapatingin na rin ang ibang estudyanteng napapadaan sa amin. 
Ang pangit niya makipag-usap! Nanghihingi ng tawad pero ipinamukha lang sa akin na ako dapat ang magsorry? Tapos nangmumura pa! Akala niya ba tatanggapin ko pa ang sorry niya kung ganoon siya makipag-usap? Hindi!
At ang makitang sa kaniya sumama si Lomi ay lalo akong nainis. E 'di magsama silang magbestfriend! Sila naman itong magbestfriend!
Gabi noong nakatanggap ako ng mensahe mula kay Lomi. Halatang naintriga sa aming pag-aaway ni Ayessa kanina at ngayon, gustong makichismis na naman. 
Lomeo E. Alfanta
Eh kung nagsorry na lang kayo sa isa't isa edi maayos na kayo
Me:
Bakit ako? Sila ang may kasalanan!
Lomeo E. Alfanta
tsss aarte talaga ng mga babae... mga pabebe
Me:
d ah... d ako pabebe, lambingin mo na lang ako, lomibabes
At gaya ng inaasahan, binlock na naman niya ako! Takot na takot sa harot! Takot sigurong mahulog sa akin? Napahagikgik ako sa sarili.
Tuesday ang aming cooking lab at mukhang nakiayon naman ang Diyos sa akin. Nairaos namin ang aming cooking laboratory nang hindi nagpapansinang magkakagrupo. Silang tatlo ang nag-u-usap at ako lang itong sinusunod ang nilagay namin sa instructions.
Tsaka ayoko na silang makausap! Naiirita lang ako sa boses nila. Awayin na naman ako!
Tapos na kaming magligpit ng pinaggamitan at ngayo'y nag-aayos na lamang ng sarili. Nagtanggal ako ng hair net, mask, at apron. Tumungo naman ako sa vanity table sa gawing likod ng aming classroom para ayusin ang sarili.
Nagpolbo at naglagay ako ng kaunting liptint. Ngumiti-ngiti pa ako at natigil nang mapansin ang mapanghusgang tingin ni Ayessa na tahimik nang nakaupo sa kaniyang upuan.
Inirapan niya ako kaya ganoon din ako. Akala niya siya lang ang pwedeng magtaray? Kaya ko rin!
Per group ang pagtawag ni Ma'am Pablo para sabihin ang kaniyang grado sa aming niluto. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti sa kaniyang puri sa aming niluto. Binulungan pa kaming kami na raw ang magluto ng umagahan niya.
Good mood naman ako pagkalabas ng classroom hindi tulad nitong mga nakaraan na tahimik lang o 'di kaya'y nakasimangot dahil sa silent wars kay Ayessa.
Ang hilig din kasi nitong mang-irap! Hindi naman ako talaga nang-i-irap dahil mabait ako at friendly pero itong si Ayessa ay sinasagad ang aking pagtitimping manatiling mabait.
Balak ko sanang magmeryenda dahil maganda ang naging kinalabasan ng aming cooking lab nang maalalang wala nga pala akong baon!
Napasimangot naman akong nag-iba ng daan at tinahak na lamang ang patungo sa sakayan ng tricycle. Sa bahay naman ako lagi nagbabayad ng pamasahe eh.
Sakto namang nahagip ko ang pamilyar na lalaki sa harap ng lagi kong binibilhan ng samalamig at tuhog-tuhog. Si Lomi na nakatayong mag-isa roon at may samalamig na sa isang kamay. Nasa cellphone din ang tingin at mukhang may kachat pa.
Napanguso naman ako at hindi na lang siya pinansin. Tuluyan na sana akong lalagpas sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Cake!"
Napapikit ako dahil napalingon pa ang ibang estudyante sa kaniya. Patuloy naman ako sa paglalakad ngunit natigil nang maramdaman ko ang tapik sa aking balikat.
Ngumiti si Lomi. "Meryenda muna tayo!" Anyaya niya na ikinailing ko.
Ayokong sabihing wala na akong baon. Magmumukha akong kawawa! Tapos ang dami nang estudyanteng nakatingin sa amin.
Wala naman akong nagawa nang kaladkarin niya ako patungo sa kaninang pwesto. "Libre ko" ngiti niya tsaka bumili ng isang samalamig tsaka ilang kwekwek, tokwa, at fishball.
Hindi naman na ako tumanggi sa grasya. Pagkain din 'to at libre pa ni Lomi! Libre ng crush ko!
"Kamusta cooking lab niyo? Ngayon 'yun, 'di ba?" Si Lomi nang makasubo ng isang kwek-kwek.
Napahagalpak naman ako ng tawa nang makita siyang mapaso noon. Napa-hablalkbluhablab siya sa init ng kaniyang kinain.
Dahil may kinakain din ako, nagtakip ako ng bibig habang tumatawa dahil baka mabugahan ko siya.
Tumatango-tango ako at uminom sa samalamig. "Ayos naman. Mataas naman siguro ang makukuha kong grades"
He sucks his teeth. "Ba't kami walang gan'yan. ICT lang meron kami..."
"Baka ICT na 'yung TLE niyo?" Ako.
Umiling siya ngunit tumango rin. "Oo pero may isa pa kaming computer din ang subject. Nakakagago kaya mag-encode nang mag-encode! Ang arte-arte..." Reklamo niya tsaka tumusok ulit ng isang kwek-kwek pero ngayon ay hinipan na muna niya at tinantya ang temperatura.
I smirked. "Special section pa, mga special child"
He scruched his nose cutely making my insides churn. "Gusto ko na ngang magpalipat eh kaso ayaw akong pakawalan ng mga teacher..." Bulong niya sa akin na ikinatawa naming dalawa.
Naramdaman ko na lamang ang pag-i-init ng pisngi at pag-alon ng tiyan sa aming interaksyon. Ngayon lang ako naging ganito kalapit sa crush ko at ang sarap pala sa feeling na makausap siya nang ganito.

Comentário do Livro (96)

  • avatar
    Chelse Monterde Jayme

    keep it going 😇

    8d

      0
  • avatar
    Rechelle Santa Maria

    Good

    23/08

      0
  • avatar
    Jems Arayas

    salamat

    20/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes