logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

"What are you saying? "
Hindi ko siya maintindihan. Anong nalalaman niya tungkol sa akin? Pero akala ko ba ngayon lang kami nagkita, ano iyong sinasabi niya? He will tell me everything? Anong alam niya sa buhay ko?
"You need to trust me—" hindi natuloy ang dapat niyang sasabihin dahil sa may biglaang humigit sa akin. Sobrang rahas ng pagkahigit niya.
"What the hell are you doing? " Mommy's voice boomed. Wala siyang pakialam sa mga taong nadadaanan at napapatingin sa amin. Kinaladkad niya ako hanggang sa makarating kami sa malayong parte ng sentro. Walang tao dito kaya walang makakakita sa amin.
"M-My, nasasaktan ako. " I cried.
Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya. Kung dahil ba sa hindi ko siya hinanap at sinundan, inaamin kong may kasalanan ako. Tanging sinag lang mula sa bilog na buwan ang nagbibigay liwanag sa amin. Her face hardened as she eyed me sharply.
"I told you not to leave my side! Aling parte doon ang hindi mo maintindihan, ha? " she yelled.
Binitiwan niya ang kamay ko na namumula dahil sa higpit ng hawak niya kanina. She was so furious. Hindi sapat na rason ang pagkawala ko sa kanyang tabi kanina upang magalit siya ng husto sa akin ngayon. Alam kong may malalim pa na dahilan iyon. Sobrang lalim na hindi ko kayang malaman kung ano ba talaga.
"Sino iyong kasama mo kanina? Sinabi ko bang makipagkaibigan ka, lalo na at taga labas ang lalaking 'yun! " suminghal siya.
Hindi ko siya maintindihan. Bakit palagi na lang ganito? Bakit lahat sila pinaglalaruan lang ako? Bakit lahat sila may tinatago sa akin?
"Wala kang alam sa pinasok mo, Rein! I am trying my best to protect you here! At ilayo ka sa kanila! "
Natigilan ako sa sinabi niya. Protektahan? Kaya ba ginagawa niya to dahil gusto niya akong protektahan? Kaya ba itinatago niya sa akin ang lahat dahil gusto niya akong protektahan? Hindi man lang ba niya naisip na hindi ko kailangan niyan? Ang tanging gusto ko lang ay ang malaman ang totoo.
"Umuwi na tayo! "
Kukunin na sana niya ang kamay ko ngunit umatras ako. Bakit hindi mo kayang sabihin sa akin ang totoo? May karapatan ako dahil buhay ko 'to. Makakasama ba sa akin kapag nalaman ko ang totoo? At sino ang sinasabi mong 'sila'? Bakit pilit mo akong nilalayo sa kanila?
"Rein, listen to me—"
"No! Pakinggan mo naman ako, My! Ano ba talaga ang totoo? Why can't you tell me? "
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon. Nakitaan ko ng gulat ang mga mata niya ngunit kaagad 'din siyang nakabawi. Wala na akong makitang emosyon mula sa kanya. Blanko lang siyang nakatitig sa akin.
"H-Hindi ka ba naaawa sa akin, My? Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko. Hindi ko na alam kung totoo pa ba ang lahat ng ito! " I shouted.
"Bakit ako maaawa sa'yo? " she answered coldly.
Una pa lang alam ko ng may mali na sa kanya. She's told me I am her daughter but I can't feel it. Oo, maayos ang trato niya sa akin ngunit parang napipilitan lang o kaya ay dahil kailangan.
"Dahil anak mo ako! Hindi mo ba nararamdaman na nasasaktan na ako? Wala akong maalala! May tinatago kayong lahat sa akin at hindi ko alam ano 'yun! "
"Anong ginawa ng lalaking 'yun sayo? You're not like this, Rein. Anong sinabi niya sayo? "
Pumikit ako dahil sa sama ng loob. Talagang iniiwasan niyang masagot ang tanong ko. At bakit niya dinadamay ang lalaking 'yun? Labas siya dito at wala siyang kinalaman kung bakit nagkaroon ako ng lakas na loob sagutin si Mommy ngayon. Hindi ba pwedeng napuno na talaga ako at nagsasawa na ako sa mga kasinungalingan niya? Bawal ba akong magalit at sumagot pabalik sa kanya? Dumilat ako at pinunasan ang mga luhang patuloy sa pagtulo.
"Wala siyang sinabi sa akin—"
"I don't believe you! Ngayon, nagkaroon na ako ng isang rason upang tuluyan ng itigil ang annual thanksgiving at ang pagpapasok sa mga taga labas dito. Hindi ko inaasahang makakapasok ang—"
Bakit ikaw pa ang may ganag pagdudahan ako? At dahil sa akin ipapatigil ang annuak thanksgiving? Isang walang kwentang rason!
"Ano ba, My! Wala siyang kinalaman, pwede ba! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganito ako ngayon! Hinayaan mo akong mabaliw kakaisip kung ano ba talaga ang totoo. Hinayaan mo akong maniwala sa mga bagay na walang katotohanan. Hinayaan mo akong mag-isa! Palagi ka na lang—"
I froze when she slapped me so hard. Parang namaga ang pisngi ko sa sampal niya. Hindi ako nakagalaw at natigil sa pagtulo ang luha ko. Ngayon, pinapakita mo na talaga kung anong klaseng tao ka. Napahawak ako sa pisnging sinampal niya. Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Talaga bang ginagamot mo ako? Talaga bang makakatulong ang gamot na 'yun para makaalala muli ako o kaya ay pinipigilan nitong bumalik ang alaala ko? " mahina kong tanong sa kanya.
"Anong karapatan mong itanong sa akin 'yan—"
"Anong karapatan mong itago sa akin ang katotohanan! " I screamed.
Hindi ko na nakayanan at tuluyan na siyang sinigawan. Nirerespeto ko siya ngunit talagang napuno na ako. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na sagutin siya. Hindi ko alam kung paano ko nakayang harapin siya. Siguro, ito ang totoong ako. Maybe, I wasn't as good as I think. Maybe, it was her who created the idea that I was good. Kaya hindi ko makita ang sarili ko dahil pilit niyang iniiba kung ano ako noon. Gusto niyang mabago ako.
"I'm sorry but I need to do this, "
Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang galaw. She was a holding a syringe. Huli ko ng mapansin na tuluyan na niya itong nakaturok sa balikat ko. Nanlabo ang paningin ko at nakaramdam ng matinding panghihilo.
"Kung nakinig ka lang, hindi na sana tayo umabot sa ganito. Now, sleep. "

Comentário do Livro (77)

  • avatar
    PermejoJoshua

    hsjdjjdjfj

    03/08

      0
  • avatar
    Rayyan A Manalocon

    ganda

    03/08

      0
  • avatar
    SandiaRizLea

    super ganda

    25/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes