logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter One - Hyacinth

"Kung may kahilingan man akong gustong matupad, hindi sa tala sa mga langit ako hihiling, kundi sa Diyos. Hihiling ako sa Kanya ng isang himala."
***
KELLY
Kelly's Bloom was a vintage flower shop located at the downtown of Sunny Ville, owned by the Romualdez Family for almost forty years. Magkatuwang na ipinundar pa ito ng Lolo at Lola ko hanggang sa maipamana nila ito kay Mommy. Ni-renovate lang ito nang kaunti at ipinangalan sa akin dahil ako naman daw ang susunod na magmamana nito.
Our flower shop was not huge, nasa eighty square meters lamang ang sukat nito. Tama lang ang laki para sa design room, lobby at checkout counter.
There was an LED floral display cooler right across from the front door, kung saan naka-display ang iba't ibang klase ng flower arrangement. Cacti at succulents naman ang nakalagay sa malalaking gray cabinets na may glass door tapos ‘yong mga non-floral items such as chocolates, balloons at stuffed toys ay naka-display sa wooden shelves sa dingding.
Aesthetic yellow ang theme ng kabuuan nitong shop kaya masarap sa mga mata ang kulay ng mga wallpaper namin. Favorite color namin ito ni mommy dahil happiness ang meaning ng kulay na ‘yon. Number one priority din kasi namin ang happiness ng aming customer kaya sinisiguro talaga namin na bawat customer na papasok at aalis sa aming flower shop ay magbabaon ng maaliwalas na ngiti sa serbisyo namin.
Nang maka-graduate ako sa kolehiyo, tumulong na ako kina Mommy at Kuya sa pagpapatakbo nitong flower shop kahit napakalayo naman nito sa kurso kong Hotel and Restaurant Management.
Magkaganunman, masaya pa rin ako sa trabaho kong ito. Sa tuwing narito kasi ako sa shop ay panandaliang nakakalimutan ko ang mga masasakit na napagdaanan ko noon lalo’t napapalibutan ako ng mga mababango at makukulay na bulaklak. Siguro maihahambing ko sa paraiso ang lugar na ito.
Mag-isa pa lang akong nagbabantay ngayon dahil nag-deliver si Kuya ng mga bulalak sa isang five-star hotel sa kabilang lungsod at kaninang umaga pa ito umalis. Wala kasi si Kuya Danny, iyong delivery driver namin. Nagpaalam itong hindi makakapasok dahil may sakit ang anak kaya ang nakatatandang kapatid ko muna ang umako sa trabaho niya. Si Mommy naman ay nasa probinsya pa. Inaasikaso niya muna ang pagbebenta ng bahay at lupa namin doon na hindi naman namin nauuwian pa.
Habang nililibang ko ang sarili sa paglilinis ng shop habang wala pang customer ay awtomatikong sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko nang mapadako ang mga mata ko sa bulaklak na ang pangalan ay purple hyacinth. Sa lahat ng mga bulaklak na narito sa shop, isa ito sa may pinakamalungkot na kahulugan.
Bakit? Because this flower symbolized regret and it perfectly represented my sadness and longing for forgiveness. Forgiveness na mukhang imposibleng makuha ko pa mula sa taong labis kong sinaktan—si Gabriel Van Perez, my one and only greatest love.
Apat na taon ang mabilis na lumipas mula nang maghiwalay kami at walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Kumusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya sa akin? Ako kasi, hanggang ngayon ay nilalamon pa rin ng guilt dahil sa mga maling nagawa ko sa kanya noon.
Ang totoo, I didn't regret my decision in the past because deep down, I knew that we were better off that way. The thing that I regret the most was the pain that I inflicted on him. Malabo mang mangyari ang dinadalangin ko sa araw-araw ay patuloy na umaasa pa rin ako na mapapatawad niya ako at tuluyang maghihilom rin ang mga sugatang puso namin.
“Good afternoon po.”
Napabalik ako sa kasalukuyan nang kumalansing ang chime sa front door naming bagong pintura lang ng light blue. Nasilayan ko ang isang lalaking kakapasok lang na nakasuot ng navy blue hoodie, denim pants at white baseball cap. May katangkaran ito dahil hanggang dibdib lamang niya ang naaabot ng mga mata ko. Kinakailangan ko pang tumingala para masiyasat ang mukha nito.
Medyo chinito ‘yong lalaki tapos maputi at may magandang ngiti. I could feel a childish air around him kaya sa tantya ko ay nasa seventeen or eighteen na ang edad nito.
"Yes, Sir. What can I do for you?" I greeted with enthusiasm, flashing a bright smile at my young customer.
"Hello po," tugon nito sa mahinang boses na biglang pinamulahan ng pisngi. Tila ba nahihiya. Napapakamot pa nga siya sa gilid ng kilay niya. "Uhm...ano po kayang flowers ang pwede kong ibigay sa nililigawan ko? Birthday po kasi niya.”
Aww. Young love.
Naalala ko tuloy noong nililigawan palang ako ni—mabilis akong napailing bago pa man maglakbay muli ang diwa ko sa nakaraan. Tama na nga ‘yan, Kelly. Magtrabaho ka.
Agad na ibinalik ko sa customer ang buong atensyon ko at inabot sa kanya ang flower catalogue upang makapamili siya ng gusto niyang bouquet. But the young man just stared at me with a furrowed eyebrows after browsing through some pages.
“Ate, alin ba rito ang magandang ibigay? First time ko po kasing magbibigay ng bulaklak. Ang hirap naman pumili,” anito.
Kinuha ko ‘yong catalogue mula sa kanya at itinuro ang isa sa mga best-seller hand bouquet namin.
“How about this one?” I suggested.
"Blooming Wishes?" basa niya sa pangalan nung hand bouquet na itinuro ko. It features a three stalk of small sunflowers, eustoma, and carnation accentuated with misty white and leaves.
"Tamang-tama 'yan para sa mga special na ocassion, since it's her birthday. Sigurado ako, magugustuhan 'to ng nililigawan mo.”
“Sige po, Ate. Iyan na lang po!” galak na wika nito.
Dali-dali itong may inilabas sa bag niya na isang box na kasing laki ng palad niya. Namangha ako dahil puro pera pala ang laman no'n, mga bundle ng one hundred pesos. Lumawak ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang binata na nagbibilang ng kanyang pera.
Nakakatuwa naman ang batang 'to. Halatang pinag-ipunan niya ang pambili ng flowers.
"Maupo ka muna, gagawin ko lang ‘yong bouquet mo," paalam ko sa kanya.
Tumango naman ito bago umupo sa dark wood chair sa lobby. Kumuha pa ito ng isang magazine na nakapatong sa walnut coffee table at tahimik na nagbasa. Nang masigurong komportable na ito sa lobby ay pumasok na ako sa design room at inalabas ang mga materyales na kailangan ko upang magawa ang hand bouquet ng customer ko.
I was humming a song the whole time while cutting the long stem and foliage of the flowers using a pruning shears, fixing it into a beautiful hand bouquet wrapped in pink floral paper. Makalipas pa ang ilang sandali ay natapos ko rin ang ginagawa ko.
"Perfect," I whispered, smiling proudly at my masterpiece before heading back to the counter.
"Wow! Ang ganda po!" my young customer exclaimed when I handed him his hand bouquet.
“Okay ba?” magiliw kong tanong.
Sunod-sunod naman ang naging pagtango nito sa akin habang nangingislap ang kanyang mga mata. Nang magbabayad na siya, nagulat pa ito dahil binigyan ko siya ng isang bar ng dark chocolates.
"Libre na 'yang chocolates. Goodluck!" I said, rooting for him.
"Thank you po, Ate! Sa uulitin,” energetic na saad nito habang panay pa ang pag-bow. And I couldn't help but let out a soft giggle when he left our shop, grinning. Such a cutie.
Saktong dumating naman si Kuya Mike at nakasalubong niya pa ‘yong bata doon sa labas.
"O, mukhang ang saya-saya ata nung customer mo na ‘yon.”
"Syempre, Kuya. Ang ganda kasi ng bantay ng shop.”
“Oo na lang,” saad niya at ginulo-gulo ang medium bob hair ko nang makalapit sa akin.
Napasimangot naman ako. “Hindi ka ba agree na maganda ako?”
“Sang-ayon naman ako. Sa akin ka nagmana, eh.”
“Hindi kaya. Si Mommy kaya ang kamukha ko.”
“Saan banda?” pang-aasar nito.
“Heh!” ismid ko na ikinatawa naman niya. Bahagya akong tumingkayad para pabirong sabunutan ang buhok nitong kulot kaso nagbago ang isip ko kaya sinuklay ko na lang ito gamit ang aking mga daliri.
“Ang haba na ng buhok mo, Kuya. Wala ka bang balak magpagupit?”
“Walang time pumunta ng barber shop, eh. Ikaw na lang kaya ang maggupit? Basta huwag mo lang akong kakalbuhin.”
“Sige! Para mas lalo kang pumogi,” I said, beaming.
Mikael Romualdez, or simply Mike was my beloved older brother. Four years ang tanda niya sa akin kaya naman siya na rin ang tumayong tatay ko nang mamatay si Daddy noong first year high school ako. He was really a responsible and reliable guy kahit madalas ay malakas itong mangpikon. And I thank heavens for giving me a brother like him.
"Mag-lunch ka na pala muna, Muning. Bumili ako nung favorite mong value meal,” imporma niya saka inabot sa akin ang bitbit niyang kraft paper bag.
“Waaaah! Thank you, Kuya!” bungisngis ko.
“Welcome, Muning!”
Muning ang tawag sa akin ni Kuya mula noong mga bata pa kami dahil sa mata kong almond-shaped, parang mata raw ng pusa. Minsan sinasaway ko siya dahil bente-kwatro na ako pero iyon pa rin ang palayaw niya sa akin pero ayaw niyang tumigil. Hanggang ngayon talaga, bata pa rin ang turing niya sa akin.
“Ikaw ba, kumain ka na?”
Tumango lang ito saka ipinamalas sa akin ang kanyang one in a million smile. Inilabas niya pa ‘yong dimple niya na parang iniyayabang niya iyon sa akin. Natawa na lang tuloy ako.
Bihira lang ngumiti itong si Kuya Mike kaya napakaswerte kong kapatid dahil kahit paano ay nasisilayan ko ang mga ngiti niyang ‘yon. Sa ibang tao kasi, suplado ito at may pagka-istrikto ang aura. Minsan nga ay bugnutin pa. Pero kahit gano'n, ang daming nagkakagusto diyan sa kapatid ko. Siguro dahil sa mata ng iba, misteryoso ito plus gwapo pa. Siya ang definition ng tall, dark and handsome.
Iyon nga lang ni minsan ay hindi ko ito nakitaan ng interes sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya. Deadma kung deadma kaya no girlfriend since birth.
Minsan nag-aalala na ako para sa kanya. Malapit na kasi siyang mawala sa kalendaryo. Sana naman ay may makabihag na sa puso niya bago pa man siya tumandang binata.
"Uwi ka na, Muning. Doon ka na lang sa bahay."
"Ayos lang ako dito, Kuya. Ang boring naman kapag nasa bahay lang ako. Mas gusto ko dito para may ginagawa naman ako," sagot ko habang prenteng nakaupo sa wood chair sa lobby. Nagsimula na rin akong kumain.
"Para naman makapagpahinga ka, alam mo naman—"
"Kuya, napag-usapan na natin 'to nila mommy, 'di ba?" putol ko. "Gusto kong tumulong rito sa shop. Ito na nga lang magagawa ko para malibang kahit paano, kaya hayaan niyo na ako. Please?"
“Sabi ko nga, eh. Sige na, ikaw na ang masusunod,” naiiling na wika niya saka nilihis na ang usapan. “Kamusta pala si Brix? Kailan ang balik no'n?"
"Baka next month pa," sagot ko habang pumapapak ng hita ng manok.
Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari noon, Brix and I remained friends. Even after he graduated, we never lost contact with each other. Minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko, kung hindi ako huminto ng isang taon sa pag-aaral, kasabay sana nila akong naka-graduate. Tumigil kasi ako on my third year, kalagitnaan ng school year.
Malaki rin ang kasalanan ko kay Brix noon dahil naidamay ko pa siya sa mga problema kong ako dapat ang gumagawa ng solusyon. Gabriel, my ex-boyfriend was Brix’s best friend. At dahil sa kagagahan ko, nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Sana pala, hindi ko na lang ginawa ang bagay na 'yon. Magkaibigan pa sana sila magpahanggang ngayon.
"There's no point crying over a spilled milk, huwag mo na lang uulitin 'yong ginawa mo noon," Kuya Mike stated in a serious tone.
Napatingin ako sa kanya. Kapatid ko nga talaga ito. Basang-basa niya ang nilalaman ng isip ko kahit wala akong sabihin.
"Ang tanga ko ba, Kuya?"
"Sobrang tanga. Kaya kung ako sa'yo, kapag nabigyan ka ng isa pang pagkakataon, ayusin mo na ang mga nasira mo noon," pangaral pa nito.
Malalim na nagbuntong-hininga na lang ako. Sana nga gano'n lang kadali 'yon.

Comentário do Livro (10)

  • avatar
    Reynaldo Bacas

    Nice story

    21/07

      0
  • avatar
    Christian Tumarlas Ambat

    thank you

    15/05

      0
  • avatar
    YriarteLocilyn

    it was good

    05/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes