Love at first backhug? Farcical. He loosened his arms around me and faced me with passion in his eyes. Hinatak niya ako papalapit sa kaniya na naging dahilan ng biglaan kong paghawak sa magkabilang dibdib niya. "W-what are you doing?" Nauutal kong tanong. "Showing embrace to what the breeze brought me," in a husky and sexy damn voice he uttered, full of passion and emotion I can not specifically distinguish. Is he referring to me? "Adeline..." I can not say a word. He's showing off so much of his charm. "S-stop," kumalas ako sa pagkakahawak niya at bahagyang umatras. I can't fall in love. I don't want to. "Sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko," he looked away with guilt. Awkwardness infringed as silence dominated both of us. Hindi ko naiintindihan ang lalaking 'to pati ang sarili ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Naguguluhan ako. "They need me," iniwan ko siya at nagsimulang humakbang papalayo. Hindi ko na ginusto na tumingin pa. Mukhang wala akong lakas ng loob upang harapin siya pagkatapos ng nangyari. "Nababaliw ka na ba, Adeline?!" Galit kong pagkausap sa sarili ko. I hate how I was acting. He drives me crazy. This can't be. I don't know him. He doesn't know me. This is too fast! Sinipa ko ang bubong ng ospital nang makababa ako sa rooftop. Walang nakakakita sa akin dahil wala namang dumadaan. "You're intelligent. You're not an idiot so act normal!" I mumbled. Napahawak ako sa mukha ko at hinagod ko ang likuran ng leeg ko. I walked back and forth as I do it. Paulit-ulit ang paghawak ko sa mukha ko at paghagod ko sa likod ng leeg ko. Nakakabaliw! "Adeline," isang pabulong na boses ang narinig ko sa likuran. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ang matanda sa kalsada. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Walang sugat sa ulo niya. Ang kulubot niyang balat ay walang niisang gasgas. Paano siya nabuhay? "Paano mo ako natunton? Iniwan kita!" Kinakabahan kong usal na napaatras. Napahakbang ito papalapit sa akin. Unti-unti naman akong umatras na nilalabanan ang paninigas ng katawan ko sa takot. "Nakita mo ang lalaki," ani niya. Hindi na ako tumugon ng anumang salita. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Walang emosyong inilalahad mula sa mga mata niya. Hindi ko mahulaan kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya at bakit siya sumusulpot ngayon. "Lumayo ka sa kaniya. Huwag mo nang hayaan pa na tuluyang mahulog ang loob mo sa kaniya," mariin nitong babala, ang mga mata niya ay hindi kumukurap at nakatutok lang sa akin na hanggang ngayon ay hindi niya inaalis. Pinutol ko na ang titigan namin at mabilis naglakad papalayo. Nilampasan ko lang siya habang malakas ang bawat pagyapak ko. "Panira ka," isang malutong na komento mula sa kaniya. Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya. Aba, panira? Sino kaya sa amin ang pakialamera? "Ikaw 'tong basta nalang sumusulpot! Nangingialam ka ng buhay! Leave me alone, old creature!" Nagagalit kong bulalas at agad nagpatuloy sa paglalakad palayo. She acts like she's in the position to dictate me of the things I should and shouldn't do. I never met such a person. She got through my nerves. Her presence angers me the most, my heart seems to coagulate as I further the duration of having her in my thoughts. She is notching down my patience I tried the hardest to prolong. I saw Embry, Turstin and ate Camari at the hallway. Nakabalik na pala si Embry galing sa mansion. They seem to have waited for my presence. I gave them a countenance out of annoyance. Bitbit na ni Turstin ang mga gamit. Nakita ko naman si ate na kitang-kita sa mga mata ang pananabik na makita ako. Pero nilagpasan ko lang sila at dumeretso sa labas ng ospital. Binuksan naman ng guardiya ang glass door at wala akong salitang iniwan. "Hoy, Adeline! Nakakaloka ka!" Narinig kong sigaw ni Embry na halatang hinahabol ako. "Adeline!" Pagsambit ng boses ni ate. Hindi ako tumigil sa paglalakad at tinunton ang parking lot. Nararamdaman ko ang pagsunod nilang tatlo na hindi ko nilingon. "Saan ka ba galing? Anong nangyari sa'yo?" Naabot ni Embry ang kaliwang balikat ko kaya tumigil ako. She faced me out of curiosity and concern as her eyebrows kissed each other's edges. "Sagutin mo nga ako," she added. "Can we depart from this infrastructure now? My soul is getting berserk here," walang gana kong saad na pinipigilan ang pagkairita ko. "Adeline----" "Stop calling me and let's go!" Pasigaw kong pagputol sa pagsambit ni ate sa akin. Natahimik silang tatlo. Binaba naman ni Turstin ang mga dala upang buksan ang kotse. Pinapasok niya kaming tatlo. Nakasimangot akong sumandal sa backseat habang katabi ko si Embry. Umupo naman si ate sa front seat. Samantalang si Turstin ay inilalagay sa trunk ang mga gamit. Mabilis naman itong nagtungo sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Turstin had his vision glued on the street while maneuvering the car through a steering wheel. Silence dominated inside the car. No one dared to speak a word. I looked at the window of the car. It's way better to distract myself from this awkwardness. "Adeline..." Narinig ko ang boses ng lalaki sa ulo ko. It seems like his voice is whispering my name. I remembered how he belted his arms around me, how I felt his breath on my shoulder and the first sunset we both shared together. I know I was resistant a while ago of letting him kiss me. Yet a smile was drawn in my lips. I like those moments I have with him. Even the cringy dream I had due to my obssessiveness. Turstin and Camari dropped me at my mansion while Embry went home. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro sa higaan ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad naman akong napabalikwas at kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer. ๐๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง ๐๐ฅ๐ฉ๐ก๐จ๐ง๐ฌ๐ ๐๐ซ๐ฆ๐๐ง๐ข ๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐๐ ๐ ๐ฌ๐๐ง๐ญ 1.00 ๐ฉ๐๐ฌ๐จ ๐ญ๐จ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ. Iyan ang bumungad sa akin nang buksan ko ang phone ko. Napabuntong-hininga ako at ibinalik sa pagkakapatong sa ibabaw ng drawer ang phone ko at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Bahagya akong natawa habang nililipat ang bawat pahina ng libro. Ilang araw nalang ay gagawin na namin ang IVF. Hindi naman ako natatakot dahil sanay na ako sa artipisyal na mga proseso. Ngunit ang kaibahan ngayon ay ako na ang kukunan ng egg cell. Pero sige. Wala na akong ibang nagawa pagkatapos kong magbasa. Naisipan kong matulog nalang. I turned my lamp off and covered myself with a comforter. Agad akong napaidlip dahil na rin sa pagod ko. The next day, I spent my time outside. I filed a sick leave today to get myself a chance to refresh from all the happenstances I went through. I wore a loose, long-sleeved, white Satin Blouse which I paired with high-waisted ripped jeans. I took my Prada Sling bag with me along the way.Naisipan kong maglakad-lakad muna. Kaya pumunta ako sa isang mall upang libangin ang sarili ko. Naaliw ang mga mata ko sa lahat ng sales na outfit. Kaya nakumbinsi akong mamili ng mga damit na bibilhin. Maganda ang styles ng mga damit. Trendy lahat. Kung nandito si Embry magagasta niya lahat ng savings niya. "Aray!" Bigla akong nabunggo ng lalaking nakasuot ng itim na t-shirt. Napahawak naman ako sa balikat ko at binalingan siya ng inis na tingin. "Sorry, miss," mabilis niyang saad at itinuon ang atensyon sa pagpili ng mga damit. "An insincere apology is not an apology at all," mataray kong tugon at ipinagpatuloy ang pagpili. He has an aristocratic nose, V-shaped face with a ducktail hairstyle. In approximation, he's around 5'11 feet tall coupled with an amber-colored set of eyes. "Excuse me?" He raised his eyebrows on me. "Hindi ako nakaharang," sabat ko. Magkatabi lang kami na pumipili ng damit. Napatigil ito. Nabigla yata ito dahil sa inasta ko. "I already said sorry," hindi natutuwa niyang saad. "I didn't say you didn't," pagdugtong ko. I heard him sighed out of exasperation. That made me so satisfied. "Lady, I'm not playing around," nakahawak sa isang damit ang kamay niya habang ang isang itim na hanger ay nasa iba niyang kamay. "Yeah, 'cause we're 'shopping' here," inirapan ko siya at tinalikuran. Pumunta ako sa ibang section ng mga damit at iniwan ko siya. Wala rin naman akong pakialam sa taong 'yon. He's only a waste of time. "Hey," isang boses ang narinig ko sa likuran. Nilingon ko naman ito at nagulat ako nang makita ang lalaking nakabunggo ko kanina. Napataas ang kilay ko at nagtataka sa paglapit niya. "Sorry, sugarpie, with my heart in it's tugudogdog," pabakla niyang pagkakasabi. Naistatwa ako at nanatiling nakatitig sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Napakalalaki niya kung tingnan kaya nakakagulat nang bigla siyang nagbakla-baklaan. "Is it sincere now?" Tanong niya. "It's gay," humalakhak ako na naging dahilan ng pagtingin ng mga tao sa aming dalawa. "Bakla ka? Bakla! Bakla!" He suddenly covered my mouth and dragged me away from the place. Nagpumiglas ako pero dinala niya ako sa gilid ng elevator. Tiningnan kami ng maraming tao pero parang wala lang sa kaniya iyon. "Ano ba? Loko ka ba?!" Galit kong bulalas sa kaniya nang bitawan niya ako. "How could you say that in public, lady?" He annoyingly said. "So, totoo? Bakla ka talaga?" Nakapamewang ako at nilapitan siya. "No. I'm not gay. I just approached you to apologize," in a manly voice, he explained. "Bakla ka talaga! Be true to yourself, beks!" Mahina ko siyang hinampas. Napatingala siya sa ibabaw na halatang nanggigigil. "Hindi ako bakla. Lalaki ako," depensa niya. "Weh? Sabihin mo sa pader!" "Nine inches 'to!" Pagmamayabang niya at umabante. Natahimik ako. Hindi ako umimik habang nagkatitigan kami. Awkwardness shackled the space between us. Maya-maya ay bigla siyang napakurap na para bang napagtanto ang sinabi niya. Umiwas naman siya ng tingin at ganoon din ako. "Are you seducing me?" Galit kong tanong at tinulak siya. "N-no. You're not my type," he frankly said. That was so harsh. I felt like even more offended. "Ikaw feeling extra large!" Pambabara ko na naging dahilan ng panlalaki ng mga mata niya. "Because it really is, lady," he further defended. Nagkatitigan kami sa loob ng ilang minuto. Niisa sa amin ay walang kumurap. The tension grew stronger between us. This daft nuisance and irrationality is causing frivolous charade. "Basta extra large 'to!" "Mas mahaba pa ang chopsticks diyan, eh!" Pasigaw kong bulalas pero hindi siya natinag. His eyebrows met like how lovers kissed. His forehead wrinkled, offended. "Nakita mo ba, huh?" Sinubukan niyang bumawi. Napa-cross arm naman ako at tinaasan siya ng kilay. "Uso kasi ang lumpia size," pabulong kong saad. Halatang napikon siya at tinalikuran ako na para bang aalis. Muli niya akong hinarap at tinuro. "This is a paradise!" "Teka, bakit ba natin pinag-aawayan 'yang ano mo,huh? Loko ka ba?" I uttered with my wrinkled forehead. He gave me nothing but a devilish smirk. He turned his back afterwards and began walking away. That guy is insane. My phone rang within my sling bag which caused me to open it in a rush. I grabbed it immediately and answered the call. "Who's this?" "Adeline," saad ni Embry sa kabilang linya. "Adeline," bigla siyang humagolhol na ipinag-alala ko. Anong nangyari sa babaeng 'to? "Napaano ka? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kabilang linya. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak. Muling nagsimulang kumunot ang noo ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa phone. "He cheated!" Paiyak niyang pagbitaw ng salita. "How come?" "He was kissing a girl when I went to his condo. He broke me!" Nailayo ko sa tenga ang phone dahil sa pagsigaw niya. "Alak lang ang katapat niyan. Where are you?" "Mahal na mahal ko siya!" Lasing na umiiyak si Embry na sigaw nang sigaw. Kinuha ko ang isang baso ng tequila at ibinigay sa kaniya. Agad niyang nilagok ang ibinigay ko at nilapag ang baso sa mesa. Kasalukuyan kaming nasa harapan ng pool ng bahay niya. Nasa harapan namin ang mesa kung saan nagkalat ang iba't ibang pulutan at mga bote ng alak. "A person who broke you is not worth theย tears," I quoted. Mas lumakas ang pag-iyak niya. Ginulo niya ang buhok niya pagkatapos niyang inumin ang natitirang alak sa bote. "We have been together for two years....Two damn years, Adeline! Tapos ibabasura lang niya dahil sa nakilala niyang babae!" Galit niyang sigaw na nagpakawala ng malutong na mura pagkatapos. "Not everyone who stayed really wanted to," ipinatong ko ang mukha ko sa aking palad at tiningnan siya. "Why?" Tumahan siya sa pag-iyak at niyakap ang bagong bote ng alak na may laman. Lasing na talaga siya. "Hindi ko alam. But look at the bright side. You still have people in your side. May nang-iwan. Mayroong nanatili," mahina kong saad. Nagkatinginan kaming dalawa. Basang-basa ang mukha niya na parang kakagaling lang sa paghilamos. I can sense the agony just by a single glance on her face. Her tears persisted on streaming from the corners of her eyes, causing me to pity her more. Embry is an innocent woman with a dulcet smile. She never changed. May this pain not cajole her to be a bitter version of herself. Because I know how it feels. "May kasalanan ako sa'yo. Sana hindi ka mawala sa'kin," yumuko ito at halata ang mas mahigpit niyang pagkakahawak sa bote ng alak. "Hindi kita naiintindihan---" "Pasensya na. Natatakot ako na sabihin sa'yo 'to," seryoso niyang saad na pinutol ang sinasabi ko. Pinunasan niya ang mga mata. Nakakunot ang noo ko na naghihintay sa kaniya na magsalita. "Adeline, kailangan kong sabihin sa'yo 'to," "Ano nga?" May kuryosidad kong tanong. "Adeline, kailangan kong sabihin sa'yo 'to," inulit niya ang sinabi niya. Halatang lasing na talaga. Napahawak ako sa mukha ko. Ibinalik ko ang tinginย sa kaniya. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko dahil sa biglaan niyang pagseseryoso.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histรณrias maravilhosas
nice app
04/06/2025
ย ย 0ssrap mag basa
04/02/2025
ย ย 0i love the story
17/11/2024
ย ย 0Ver Todos