"Ano ang iniisip mo, Adeline?" Nakatitig na pagtatanong ni Embry na hawak-hawak sa dalawang kamay ang mainit na tasa ng kape. Napakurap naman ako at mabilis na gumalaw. Agad ko namang ininom ang kape na nasa tasa ko. Nakaharap kami sa isa't isa habang inilapag ang mga tasa namin sa round table na pumapagitna sa aming dalawa. The depth of my thoughts must have deprived me of the current happenstance. "W-wala. Pagod lang siguro ako. Maraming pasyente sa ospital ngayon," hilaw akong ngumiti. Hindi pa rin nababago ang ekspresiyon niya na nagtataka at naguguluhan. Bumuntong-hininga ako at gumanti ng titig na parang susuko sa titig niya. "Alright. Pumayag ako," pag-amin ko. "O, akala ko ba ayaw mo? Bakit nagbago ang isip mo? Hmm?" Pilyo nitong tugon at hinipan ang umuusok niyang kape tsaka ito ininom. Nilibot ko ang aking tanaw sa paligid ng mansion ko at bumungad sa akin ang mga kasambahay na abalang naglilinis kahit gabi na. Napakasipag naman nila. Masyado rin namang malaki ang bahay ko kaya kailangan nilang maglinis dalawang beses sa isang araw. Bahagya kong inilapit ang ulo ko na ginaya rin ni Embry. Nag-aabang ito sa sasabihin ko. Muli kong pinasyal ang mga mata ko sa paligid habang nanatili sa ganitong posisyon. "Binayaran nila ako ng dalawang milyon," I whispered in her ears with the desire to be discreet from the people around us. "Mamamiya! Adeline naman, piso lang 'yan sa'yo,e. Doktor kang babae ka!" Mahina nitong saad na parang sinesermonan ako. She has the privilege to be such a woman like that. She has been my best friend eversince the point of my life that I have no path to take, no home to come to and no world to call a paradise. "Just come with me," bigla akong tumayo na naging dahilan din ng pagtayo niya. Iniwan namin ang mga tasa namin sa mesa. We headed to my room upstairs. The stairs were covered with a blue carpet to beautify each of its parts, blue as the sky whenever there are no clouds to show. I can hear the sound generating from the heels of ours as we take a step and exert force against the surface. Nang matunton ko ang kwarto ko ay mabilis kong pinihit ang pinto. Una ko siyang pinapasok. Sumunod naman ako at siniguradong na-lock ko ito. Nagtungo ako sa kama at yumuko. Madilim ang ilalim nito. I can see nothing but the darkness that indwells under. It probes me the loss of the capability to perceive the tangible assets I had kept surreptitious beneath. I stretched my right arm under it and widened the reach of my palms. A familiar asset had been sensed by my hand. Which with no marks of incertitude, I grabbed instantly. Nang makuha ko ito ay mabilis akong tumayo at ibinagsak ang brief case sa kama na nagdulot ng tahimik na pagbagsak----walang tunog. Hindi siya nag-abalang magtanong. Pero nakikita ko ang pagtataka niya. Umupo kaming dalawa sa kama sa magkaharap na posisyon. Agad ko namang binuksan ang brief case na naglalaman ng kumpol-kumpol na pera. Nanlaki ang mga mata niya at tinakpan niya ang bibig gamit ang mga kamay niya. Unti-unti rin niyang binaba ang mga ito at hinawakan ang pera. "Environmentalist ka, sigurado akong piso lang 'yan sa'yo," pilyo akong ngumisi bilang ganti. "Ikaw talaga. Masarap lang hawakan," ani niya na ikinatawa ko. Napailing-iling ako habang hinahawak niya pa rin ang isang bundle ng pera. Tumawa ito nang malakas na pumuno sa bawat sulok ng kwarto. Kahit kailan talaga walang patawad ang lakas ng pagtawa niya. Nakakabingi ang tawa niya na parang lalamon sa bawat tenga mo. Kumuha ako ng pera at sinubo sa bibig niya. "Pwe! Pwe!" Iniluwa niya ang perang pinasok ko sa bibig niya. Nandiri ito at pinunasan ang dila niya gamit ang mga kamay niya. Tumawa ako nang malakas habang pinapanood siya. Our laughter imbued the corners of the room. My eyes began to give up few tears which I wiped with my fingers. Bumuntong-hininga ako at nakita kong ganoon din ang ginawa niya. Mahina niyang binagsak ang perang hinawakan niya sa loob ng brief case at muling inilagay ang ilan sa mga perang pinakain ko sa kaniya. "So what now?" Pagtatanong niya habang inaayos ang pera sa brief case na hindi dumadapo ang tingin sa akin. "Let's count it." Gulat itong napatingin sa akin. Halatang hindi siya makapaniwala. Tiningnan nito ang pera sa brief case habang nakakunot ang noo. Her forehead had drawn wrinkles when she creased it. It brought her so much of the distress. She knew we'll count it manually. "Wala ka na ba sa katinuan mo? Halatang dalawang milyon. Bakit pa natin bibilangin?" Pagkontra nito. "To make sure na 2 million talaga. Baka may kulang," paninigurado ko. Napatampal siya sa noo niya at seryosong tumingin sa akin. I see nothing unusual if we will count this money one by one, cash by cash. All I want is to assure that it is exactly 2 million. Nothing less and hopefully more. "Fine. Basta libre mo ako sa bakasyon natin sa France," kondisyon niya habang naka-cross arm. "That won't be a problem. Just help me count this sparkly money!" Tumitili kong hinaplos ang pera na naging dahilan nang mahina niyang pagtawa. "One thousand, two, three, four, five, six seven, eight, nine and ten thousand," pagbilang ko at inilapag ang pera sa espasyo ng kama. We diligently murmured every number with prolonged patience; recounting each sets for multifarious times I have lost count of. Minutes became hours and hours became a whole night until the clock ticked its hands on 12:00am. I saw Embry pause for a second and stretch her back to assuage the ache brought by the poor posture that counting this set of treasure caused her. "One million and four hundred thousand and nine hundred twenty three." Pagbilang niya sa unang kumpol ng pera at itinabi ito sa pinakadulo ng kama. It will take us the sun and moon to finish and rains to dry on the land to ponder the total amount of it. Yet I lost no hope, only hours of sleep. My determination to persist on this attempt I have provoked myself to do remained and grew stronger than any of the wishes of my heart. "Two Million talaga 'to. Adeline, matulog na tayo," pag-iingay niya at sumimangot. "We'll finish this. Come on, free France ang gusto mo 'di ba?" I persuaded her with a bashful stare. She succeeded to remember her request in exchange of her time to spend with this that I wanted to do the moment my sister and her husband handed me the money. "Oo na. Basta, ah," napipilitan nitong tugon at nagsimula sa pagbibilang. Napangiti naman ako. Hindi talaga ako matitiis nito kahit kailan. "One thousand, two thousand...... Six, seven, eight..." "Four hundred sixty two, sixty three...." I supine above the wall clock, it's 12:57am already. We became serious the moment we realized the depth of the night as of the meantime. "1,999,999," with great dismay, I counted. "Letsug*s! Kulang ng isang piso!" Napahampas ako sa brief case at agad na tumayo. Kinuha ko ang brown suede ko mula sa kabinet at mabilis na isinuot sa katawan ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. "Saan ka pupunta? Ala una na," nag-aalalang pagtatanong ni Embry at napatayo. Nakatayo ito sa harapan ko habang mabilis ang mga galawan ko. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa drawer at ibinulsa sa suede ko. "Kina ate," "Adeline, piso lang naman 'yon," saway ni Embry na halatang pipigilan ako. Hindi na ako tumugon ng anumang salita. Binuksan ko ang pinto at binalot ang sarili ko sa suede na suot-suot ko. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdanan. Rinig na rinig ko ang sumusunod na yapak ni Embry na nasa likuran ko. "Mamamiya! Adeline, sandali!" Nakita ko ang isa sa mga matandang maid dito sa bahay ko. Agad naman itong huminto sa paglalakad at sinalubong ako. May sasabihin sana siya pero naunahan ko siya sa pagsasalita. "Gisingin mo si Benjamin," utos ko na tinutukoy ang driver namin. Agad naman itong umalis at nagtungo sa tinutulugan ni Benjamin. Nang makababa ako sa hagdanan ay mabilis akong tumungo papalabas ng bahay. Sumunod sa akin si Embry sa labas na sinusubukan akong pigilan. "Hoy, Adeline! Tumigil ka muna! Ano ba 'yan, hinihingal ako sa'yo," sigaw nito sa likuran ko sa kalagitnaan ng kadiliman. Tahimik ang paligid at madilim na madilim. Tumingala ako sa langit at wala akong nakita na mga bituin. Mukhang uulan ngayon. Hinarap ko naman si Embry na halatang humihingal sa kakasunod sa akin. "What?" "Susugod ka na piso lang ang kulang? Shunga, uso sa'yo ang katagang 'Keep the Change'. Pagkatapos magrereklamo ka sa piso na kulang nila?" Mahabang litanya niya. 1,999,999 feels like the irresponsibility of them to keep their promise. I felt a sense of betrayal as I have squandered hours counting for their one-peso-short payment. Nakakagigil. "Hayaan mo na ako. Pera na nga lang ang kinababaliwan ko," saad ko at tinalikuran siya. "Wala ka kasing jowa! May kaibigan ang jowa ko. Bachelor ang kaibigan ng boyfriend ko. Ireto ko sa'yo. Hoy!" Sigaw nito na palakas nang palakas ang boses niya habang unti-unti akong humahakbang papalayo. Nakita ko si Benjamin na halatang kakagising lang. Gusot pa ang uniform nito at magulo pa ang maitim niyang buhok. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at umupo ako sa back seat. Mabilis naman siyang pumasok sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. "Pumunta tayo kina ate," Hindi na siya nagsalita at sumunod nalang. Nang dumating kami ay agad akong bumaba at humarap sa harapan ng gate nila. "Ma'am!" Pagtawag ng driver ko nang agad akong lumabas at nagsisigaw sa labas ng bahay nila. "Ate! Turstin! Lumabas kayo dito!" Biglang umilaw ang kwarto nila at may anino akong nakita sa kurtina nila. Anino ng malaking tao, si Turstin, ang asawa ni ate. Agad namang humiwalay ang kurtina sa bawat isa. Bumukas ang bintana at bumungad sa akin si Turstin. "Adeline? Ba't ka nandyan?" Nagtataka nitong tanong at nanliit ang mga mata, nagising ko yata siya. "Kulang ng piso ang bayad niyo! Letsug*as, kukunin niyo egg cell ko niyan?" Sarkastiko kong bara sa kaniya. Nag-abot muli ang mga kurtina ngunit nanatiling bukas ang bintana. Umalis siya sa kinaroroonan niya. This caused me to be shackled by the strength of ire. I know nothing right now but the anger they have bestowed me. "Hoy! Harapin niyo ako!" Muli kong sigaw. Biglang bumukas ang pinto nila at iniluwal si ate na nakasuot ng pulang bestida. Papunta siya sa kinaroroonan ko. Sumunod naman si Turstin at binuksan ang gate para sa akin. Nakita nila ang nakaparada kong sasakyan at kumaway naman ang driver ko sa kanila. Napairap ako sa ginawa ng driver ko. Gumanti naman si ate at ang asawa nito ng ngiti sa kaniya. "What brings you here, sister-in-law?" Turstin smirked that caused me to get annoyed. Mahina siyang hinampas ni ate habang natatawa sa kaniya. "Pagpasensiyahan mo na itong ex-boyfriend mo, Adeline. Mahilig lang 'yan mang-asar," nasisiyahang saad ni ate. Nanatiling walang bakas ng emosyon ang ekspresiyon ng mukha ko. "You're one-peso short," "I know. I did it on purpose," saad ni ate. "What?! How could you?! Halos isangla mo ang kaluluwa mo sa pagmamakaawa mo, ate. Tapos sinasadya mong hindi kumpletuhin ang bayad?! This is injustice!" Dinuro-duro ko siya. "Gusto mo bang pumasok muna? Madilim dito," kalmado niyang tugon na hindi ko masyadong maintindihan. Nagkatinginan naman ang dalawa at ngumiti. Binalik nila ang tingin sa akin. Pinagtaka ko ito. Ano na naman ang pumapasok sa isip nila? Gusto na rin ba nila na mag-donate ako ng kidney? Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila dahil sa wagas kong pagkalito. "Huwag niyong guluhin ang utak ko," Hindi nila pinansin ang sinabi ko at lumakad papunta sa loob ng bahay nila. Sumunod naman ako sa kanila. Pinagtataka ko ang ikinikilos nila. Gusto ko silang tanungin kung ano ba ang nangyayari. At bakit sinadya ni ate na gawing kulang ang bayad? "Tell me, bakit ba hindi umabot ng dalawang milyon ang bayad?" Naiinis kong tanong. Hinarap ako ni ate mula sa pagkakatalikod nito. "So you'll come here," malungkot nitong saad. "W-what?" "Alam kong perfectionist ka. Kaya hindi ka makakampante kung hindi sakto. Alam ko ring bibilangin mo ang pera," iniwan kami ni Turstin, mukhang si ate ang may pakana nito at walang kinalaman ang asawa niya. "Thanks for wasting my time! May trabaho pa ako mamaya sa ospital. Are you really that dumb, ate? Pinamana sa'yo lahat ni papa. Pati ang kompanya. Pagkatapos pati oras ko at tulog ko aaksayahin mo pa?" Nakakunot ang mga noo ko habang sinusumbatan siya. Sinubukan niyang hawakan ako sa balikat pero itinaboy ko nang malakas ang kamay niya. Humakbang ako paatras upang dumistansya sa kaniya. "Adeline, wala akong alam sa nangyari sa inyo ni papa at mama. Hindi ko alam kung bakit kayo nagkagulo noong nasa states ako sa loob ng isang dekada. Hindi ka sumunod noong pumunta sina mama at papa sa states. Sa libing nila wala ka rin. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari bakit nagkagulo ang pamilya natin," nakakunot ang noo niya, bakas sa mukha niya ang pagkalungkot. "You mean, PAMILYA MO!" Diin ko habang tinuro siya. "Pamilya natin, Adeline. Hindi tayo pamilya kung wala ka," sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit mabilis kong hinampas ang kamay niya. Namuo ang luha sa mga mata niya at umiwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdaman. Wala na talagang gamot sa pagiging manhid ko. Wala na akong awa at pagmamahal na nararamdaman sa kadugo kong kaharap ko ngayon. "S-sabihin mo sa akin. B-bakit? B-bakit ka nagkaganyan?" Mahina ang tono nito habang pinipigilan ang pagpatak ng luha niya. I glared at her angrily. Napalunok ako upang mapigilan ang panggigil ko. "You will never understand. You are the 'perfect' daughter. The one with no mistake. No flaws. Just perfection. A perfected woman in their eyes. I was always your shadow. Pasalamat ka nga, e. Kinikilala pa kitang kapatid." The depth of my eyes threw out the bitterness inside me. Paano ko ba sasabihin ang dahilan ng hindi namin pagkakasundo nila mama at papa? Paano ko sasabihin ang sama ng loob na mayroon sila mama at papa sa akin na binitbit nila hanggang kamatayan? Kung alam lang niya ang dahilan sa likod ng alitan namin. Pero kahit kailan alam kong hindi niya maiintindihan. Oras na ba para sabihin ko? I heaved a massive amount of air, as her eyes were filled with petrification brought by the abhorrence I had sowed within my heart for a decade. I took a step towards her. Her set of eyes filled with despondency laid its sight on me with her feet, in constant, stood where she is and remained there. "G-gusto mong malaman?" I raised my eye brow which caused her to remain speechless, expecting the answer she was hankering for such a long time that I was so greedy and secretive to disclose. "When I was 17..." Paninimula ko habang mas namumula ang mata niya. Wala pa rin akong nararamdamang pagmamahal at pagmamalasakit kahit pagbibigyan ko na siya ngayon. Matagal nang namatay ang puso ko. Pero oras na rin para malaman niya.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice app
04/06/2025
0ssrap mag basa
04/02/2025
0i love the story
17/11/2024
0Ver Todos