logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 8

Chapter 8
"Gusto mong mag-swimming?"
Tumalikod siya at naglakad patungo sa may railing ng pool. Pinasadahan niya ang kanyang buhok ng palad bago ako nilingon.
"Marunong ka bang lumangoy?" tanong niya.
Naglapat ang mga labi ko. "Hindi ako marunong..."
Umaliwalas ang kanyang mukha. "That's good, then. Turuan kitang lumangoy?"
"Puwede ba mag-swimming dito?"
Nagpamaywang siya at humalakhak. "Siyempre. Nakita mo nga akong lumangoy rito, 'di ba?"
Naglakad siya palapit ulit sa akin. Umatras ako nang ipatong niya sa lounger na nasa likod ko lang ang tuwalyang ginamit. Naningkit ang mata niya sa akin.
"I mean, baka iyong mga miyembro lang ng swimming club ang puwedeng gumamit nito. And—"
"I'm a member, so it's fine if we use this pool." Lumapit ulit siya sa akin kaya mabilis akong gumilid para maiwasan siya.
"Ikaw, oo. Ako, hindi," nakasimangot kong saad.
Bumuntong hininga siya at sinubukang kunin ang braso ko pero mabilis kong iniwas iyon. Nagsalubong ang kilay niya at tumulis ang nguso.
"Bakit ka ba umiiwas? Nag-uusap pa lang tayo, layo ka nang layo." Humalakhak siya.
Uminit ang pisngi ko at umirap sa kanya bago humalukipkip.
"Bakit kasi kailangang lumapit kapag nag-uusap? Makakapag-usap naman tayo nang ganito kalayo, ah? Saka, ayaw kong mag-swimming. Hindi ako marunong!"
"Kaya nga tuturuan kita. Huwag kang mag-alala at ayos lang naman gamitin ito basta may miyembrong kasama. May extra akong damit. Iyon muna ang gamitin mo sa paglangoy," marahan niyang sambit.
"And what about my undies?! I don't have extra!" alma ko.
Pareho kaming natigilan sa sinabi ko. Nagkatinginan kami nang ilang sandali pero ako rin ang unang umiwas. Ang init mula sa aking leeg ay umakyat na yata hanggang sa tuktok ng ulo ko.
"Puwede namang..." aniya at tumikhim.
Saglit siyang tumigil sa sinasabi kaya nilingon ko ulit. Nilalaro niya ang kanyang labi gamit ang daliri habang sinusuyod ng tingin ang katawan ko.
"May dryer naman sa mga banyo rito. Doon mo na lang patuyuin ang... alam mo na. Ayaw mo ba? Hindi naman kita sisingilin kapag tinuruan kitang lumangoy," natatawa niyang sabi.
Tiningnan ko ang pool na malawak at asul na asul ang tubig. Nagsu-swimming naman ako pero hindi iyong lumalangoy talaga sa malalim. O puwedeng sabihin na nagtatampisaw lang talaga ako. Though, the water in that pool seems... inviting.
"Come on, Kyomi..."
Idagdag pa na panay ang pilit ng isang 'to. Tiningnan ko ang oras sa relo at nakitang may higit isang oras pa bago ang third subject namin. Hmm... okay.
Ngumiti ako sa kanya. "Sige na nga."
Lumiwanag ang ekspresyon niya at ngumiti na. Dumiretso siya sa may pintuan at sinara iyon pero hindi naman ini-lock.
"Kunin ko lang ang damit ko tapos doon ka na magbihis sa may banyo."
Itinuro niya ang direksyon ng CR kaya tumango ako. Patakbo siyang pumasok sa tingin ko'y kanilang locker room kaya naupo muna ako saglit sa lounger. Hindi pa nag-iinit ang pang-upo ko nang lumabas siya ulit at tumakbo papunta sa akin dala ang isang puting shirt.
Nilahad niya iyon sa akin bago sinuklay ang buhok.
"Shirt lang?"
Kinagat niya ang kanyang labi. "Wala ka bang suot na cycling? Maluwang at malaki sa 'yo ang shorts ko."
May suot naman ako cycling kaya lang... matutuyo kaya iyon mamaya? Naku, sana naman. Ayaw kong pumasok ulit sa klase ng walang cycling. Pati iyong undergarments ko, sana matuyo nga mamaya agad.
"May suot akong cycling."
Tumango siya at ngumisi. "Malaki naman 'yang shirt. Hanggang kalahati ng hita mo... yata."
Ganoon nga ang nangyari. Nagpalit ako ng shirt niya at cycling lang ang pang-ibaba. Tinupi ko nang maayos ang uniform at nilapag sa lounger katabi ng aking bag bago hinubad ang sapatos at medyas.
Isang pasada ng tingin ang ginawa ni Jairo sa akin bago naglahad ng kamay. Alanganin kong tinanggap iyon bago niya ako hinila papunta sa gilid ng pool
"Please, don't try pranking me," sabi ko habang nanginginig ang mga binti.
Tumawa siya at humigpit ang hawak sa kamay ko. Nauna siyang bumaba sa pool doon sa may hagdan bago ako sumunod. Binalot agad ng lamig ang binti ko hanggang sa lumubog na ang kalahati ng katawan ko.
Huling baitang nang inapakan ko ay natisod pa ako! Lumubog ako agad sa tubig at napakapit sa batok ni Jairo. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak nang mahigpit sa aking baywang.
Napahilamos ako sa mukha. My hair's already wet!
"Bakit ang lalim?!"
Tumawa siya. "Five feet pa lang ito..."
Pinandilatan ko siya. "Hello, I stand five and two!"
Lumakas ang tawa niya. Hinampas ko siya sa balikat at bahagyang lumayo. Sinubukan kong tumalon-talon at ang nangyari, nakainom ako agad ng tubig. Hinigit ako ni Jairo at halos yakapin na. Nang may maramdamang matigas na tumatama sa tiyan ko ay agad akong lumayo nang kaunti.
"Dito ka nga lang. Sabi mo hindi ka marunong?"
Matalim ko siyang tiningnan. "Hindi nga! Tapos tinatawanan mo pa ako!"
"Hindi, ah! Tinatawanan ba kita?" Pinaglapat niya ang labi para ipakita ang pagiging seryoso pero sa huli, kinagat din ang labi at yumuko para tumawa.
Hinampas ko ulit siya sa balikat at bahagyang itinulak sa dibdib.
"Kainis ka! Turuan mo na nga ako!"
"Sige, Madam Kyomi," nangingiti niyang sambit.
Umirap ako at pinitik ang tainga niya. Ngumiwi siya.
"Hilig mo manakit."
"Masakit na 'yon? Pitik lang naman. Sus!"
Tumawa ako habang tumatalon-talon sa tubig. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga at paghigpit pa lalo ng hawak niya sa aking baywang. Ako naman ngayon ang ngumiwi.
"Aray!" reklamo ko sabay tampal sa kanyang braso.
Lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin. "Sorry."
Ngumuso ako.
Tinuruan niya naman akong magpalutang-lutang muna sa tubig sa simula. Ginalaw ko ang mga binti at braso sa ilalim ng tubig tulad ng inutos niya sa akin. Ang kanyang braso ay nasa ilalim ng underarm ko para alalayan.
That was the basic he'd taught me. Sumunod ay pinadapa niya ako sa ibabaw ng tubig para subukang lumutang at lumangoy. Nasa gilid ko siya habang nasa mga hita at itaas ng dibdib ko ang braso niya bilang suporta.
"Padyak mo nga muna ang paa mo," utos niya.
Ginawa ko iyon. Ginalaw ko rin ang kamay ko sa ilalim ng tubig tulad ng itinuro niya. Lakas ng loob kong ulit-ulitin iyon habang tumatawa nang bigla niyang tanggalin ang mga braso sa ilalim ko.
Mabilis akong lumubog sa tubig at inangat ang kamay para hagilapin siya. Humapdi ang ilong ko dahil sa pumasok na tubig doon. Napahilamos agad sa mukha at hinawi ang buhok na humarang.
"Leche ka!" sigaw ko habang kapait na kapit muli sa kanyang leeg. "Sinabi ko bang bitiwan mo na ako?"
Tumatawa pa rin siya kahit na sinasapak ko na. Pinindot niya ang ilong ko kaya nakatanggap ulit siya ng pitik sa tainga.
"Ayaw ko na nga!"
Tinulak ko siya sa balikat at hinayaan kong lumutang ang sarili. Nagulat pa ako nang magawa kong languyin ang distansiya hanggang sa may hagdanan!
"Woah!" manghang sabi niya sabay palakpak nang makaangat ako sa tubig.
I stuck out my tongue at him and he just chuckled. Dumiretso siya sa edge ng pool bago inangat ang sarili.
Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman na ang lamig ng hangin. Nauna pa niyang nakuha ang nag-iisang tuwalya sa may upuan. Magrereklamo na sana ako nang ibalot niya ang katawan ko gamit iyon.
Dinilaan ko ang aking labi at tiningala siya. "Thanks..."
Ngumiti lang siya. "Magpalit ka na sa banyo. Kita ko ang pulang bra mo rito."
Namilog ang mga mata ko at tiningnan ang damit na dikit na dikit sa balat ko. Kahit ako ay kitang-kita ang matingkad na pulang bra ko. Mabilis kong itinakip pa lalo ang puting tuwalya sa katawan ko.
Nagtaas siya ng kilay at sinuklay ang buhok.
"Saan ba ang dryer dito? Patutuyuin ko 'tong basa kong gamit."
"Ako na ang magpapatuyo—"
"So, ibibigay ko sa 'yo ang panty at bra ko, ganoon?" iritado kong putol.
Saglit siyang natigilan at tila ba nag-isip pa.
"Puwede rin?"
Hinampas ko na siya agad kaya panay na naman ang iwas niya.
"Sinabi ko na kanina na nasa banyo ang dryer. Mag-shower ka na," aniya.
"Walang sabon? Shampoo?"
Bahagyang nanulis ang kanyang nguso. "Meron ako. Gamitin mo?"
Umirap ako at nagpunta na sa banyo dala ang uniform para magbanlaw at patuyuin ang mga damit. Inabot niya rin sa akin ang isang bote ng shower gel at isang sachet ng shampoo. Ilang minuto ko rin pinatuyo ang mga basang damit.
Lumabas na ako ng banyo at natagpuan si Jairo na nasa pool deck at nakasuot na ng uniform namin pang-P.E. Nakapamaywang siya habang nagsusuklay ng buhok. Napansin kong nasa tabi na rin ng bag ko ang sa kanya.
"Salamat sa shirt. Pinatuyo ko lang 'yan," sabi ko sabay abot ng damit.
Tumango siya at hinawakan iyon, hindi pa tuluyang kinukuha. Bibitiwan ko na sana nang biglang bumukas ang dalawang pintuan mula sa labas. Napatalon ako sa gulat at halos lumuwa ang mata nang makita ang ilang estudyante na papasok.
"What the—"
Maingay sila noong una pero nang makita kaming nasa loob, sabay-sabay pa silang napahinto. Nag-ngising aso agad ang mga lalaking nakakita sa amin at may ilan pang sumipol.
"Jairo?" banggit ng isa sa mga babaeng naroon.
"May live show ba kanina?" tanong ng isang lalaki.
"Gago, anong live show?" Binatukan siya ng katabi.
I mentally counted them. Napansin ko rin na may mga dala silang bag at sa pinakaharap ay isang medyo matandang lalaki na nakasuot ng gray shirt at board shorts. Sa kanyang leeg ay may nakasabit na pito.
Oh, God. Don't tell me that they're the members of the swimming club? At naabutan kaming dalawa ni Jairo na narito! Walang ibang kasama!
Mabilis kong kinuha ang gamit ko. Caught and embarrassed by that awkward scene, I immediately ran outside. Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Jairo at ang bato ng tanong sa kanya ng mga naroon.
Oh my God! Ano kayang iniisip nila noong makita kami? Oo at wala naman kaming ginawang masama pero sa mga ngisi noong lalaki kanina, para bang iniisip nila na may kung anong nangyari habang kaming dalawa lang ang naroon.
Darn! Bakit ba kinakabahan ako rito? Wala nga kaming ginawang masama. Kinukumbinsi ko ang sarili hanggang sa makarating ako sa aming room. Some of my classmates are already there.
"Kyomi!" tawag ni Orange nang makita ako.
Tulala pa rin ako at hindi nagsasalita. Umupo ako sa aking puwesto at bumuntong hininga.
"Bakit basang-basa ang buhok mo? Umulan ba at buhok mo lang ang nabasa? Saka... kanino 'yang shirt na dala mo?" tanong ni Orange.
Bumagsak ang tingin ko sa mga kamay kung saan hawak ang shirt ni Jairo. Mariin akong pumikit at padarag na hinagis iyon sa aking mesa. Pati ba naman ito, nadala ko pa talaga? Ganoon ba ako kalutang?
"Hoy, Kyomi, ano ba!" Inalog-alog ako ni Orange.
"Ano ba, Orange? Tigilan mo muna ako, please lang!"
Dahil sa pagtaas ko nang boses ay hindi lang siya ang natigilan kundi pati na rin ang mga kaklase naming naroon sa loob. Naningkit ang mata sa akin ng kaibigan ko.
"Ano bang problema mo at lutang ka?" she still insisted.
"Wala..." mahinahon ko nang sagot at sinubsob ang mukha sa mesa.
Tahimik lang ako sa sumunod na klase at walang nagtangkang kausapin ako. Kita ko ang mga tinginan ng kaibigan ko noong tapos na ang klase namin at nagkumpulan sa likod. Para bang hinihintay nila ako kung sasali ba ako sa usapan nila.
Bumagsak ang balikat ko at dumiretso na sa may pintuan para lumabas. Wala akong ibang inisip habang pauwi kung hindi ang kahihiyang tagpo kanina.
Napasabunot ako sa buhok. Bakit ba hindi mawala iyon sa isip ko? Daig ko pa ang guilty na nakagawa ng isang krimen!
Natigilan ako sa biglang sumagi sa isip ko.
Guilty... Krimen...
Napahawak ako sa aking ulo nang kumirot ito. Tumigil muna ako sa gilid ng kalsada kung saan ilang lakad na lang ay bahay na namin.
Kyomi, please... let me end my misery now...
Dumilat ako at agad umagos ang mainit na likido mula sa mga mata ko. That voice...bakit... bakit hindi pa rin nawawala iyon? Bakit naririnig ko pa rin ang boses niya?
Napaupo ako gilid ng isang bahay. Kumawala ang mga hikbi sa aking bibig habang sapo ang aking mukha.
Two years ago, I thought I had all the things I'd ever wanted. Pamilya, kaibigan at pera na kayang bumili ng kahit anong materyal na bagay. Pero kahit magkano pa ang pera na mayroon ang pamilya ko, hindi pa rin nito mabibili ang buhay ng isang tao.
We can buy things using money that will make us happy. But money can't... ever... pay for the amount of joy that our family and friends could bring us. Kaya pinili kong talikuran ang lahat. Talikuran ang lintik na perang sumira sa buhay ko.
Money isn't the root of evil. The one who uses it is the real evil. Greedy and rapacious.
Huminga ako nang malalim kahit nanginginig pa rin ang mga labi. Tumayo ako at muling naglakad. Binura ko sa isipan ang imaheng nagpakita roon. Isang taong nakangiti ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay puno ng sakit, muhi, lungkot at dismaya.
Ngumiti ako nang sinalubong ako ni Susie pagpasok ng aking apartment. Binuhat ko siya at agad na gulo ang buhok. Doon ko napansing hindi niya tinanggal ang kanyang ipit sa buhok. Madalas, tuwing iniipitan ko siya ay nagiging iritable siya at agad tinatanggal iyon. Pero ngayon, hindi.
"Buti na lang nandito ka," sabi ko habang hinihimas ang kanyang ulo.
Tumahol lang siya at siniksik ang sarili sa aking dibdib. Lumapad ang ngiti ko at nawala na ang mga negatibong iniisip kanina.
Madaling araw na ako nakatulog dahil sa panonood ng anime. Nagpaalam naman ako kay Manager Gus na a-absent muna ako ngayong araw noong nakaraang araw pa dahil sa planong outing ng barkada.
Nagising ako dahil sa ingay ni Susie. Alas otso na noong tiningnan ko ang orasan sa tabi ko.
"Susie!" saway ko dahil umakyat siya sa ibabaw ng side table at tumahol lalo.
"You brat. Ano bang tinatahulan mo riyan?"
Iritado akong bumangon at hinawi ang kurtina para makita nang maayos ang labas. Kinukusot ko pa ang mata ko habang hinahawi si Susie para umalis sa ibabaw ng table.
Dalawang magkasunod na ingay mula sa isang dilaw na sasakyan ang umugong sa labas. Kumurap-kurap ako nang makitang lumabas mula roon na isang babaeng tingin ko'y kaedaran ko lang. Sumayaw ang kanyang itim at maalon na buhok habang naglalakad papunta sa... teka, papunta rito sa apartment ko?
Hinawi ko muli ang kurtina nang may kumatok sa mismong pinto ng bahay. Humarap ako sa salamin at tiningnan kung may muta o panis na laway pa. Nang makitang wala naman ay saka ko sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Wait lang!" sigaw ko nang kumatok muli nang mas malakas ang taong nasa labas.
Pinihit ko ang seradura at hinila iyon para bumukas. Nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan nang makita ang taong naghihintay sa akin.
"Hi! Long time no see, my dear..." Ngumisi siya sa akin.

Comentário do Livro (85)

  • avatar
    a******8@gmail.com

    ang ganda ng story mo te s blurb palang madadala kana good job

    19/07/2022

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice story

    06/06

      0
  • avatar
    Gerlie Mandia

    ganda

    01/08/2023

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes