logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 06

#TDSAChapter06
My days are the same. Kung hindi nasa bahay ay nasa, school at tindihan naman. Pero kahit ganun ay may time pa rin ako sa sarili ko. Kapag feel ko na kailangan ko ng pahinga ay ginagawa ko talaga.
I need a breather, I need to rest lalo na sa mga panahon na pagod talaga ako.
Alangan naman na palagi lang pagod ang katawan ko hindi naman ito mabuti kaya, may araw na magpapahinga ako.
Silbi rest day, sabi pa nila.
People should know what the essence of rest, dahil maraming napapagod sa wala namang ginagawa, ‘wala lang pagod lang sila’. They didn’t know how to rest, basta pagod wala na.. ang iba gumagawa ng bagay na hindi tama, gumagawa ng mga desisyon na alam kung ngayon pinagsisihan na nila.
Ang sarap mabuhay, kaya walang rason para kitilin ang buhay ng paraan Ikaw ay pagod at nasasaktan lang.
I know na hindi madali sa iba, sa tao o kahit kanino. Pero kung iisipin nating mabuti? ‘Maraming paraan sa mga dahilan na problemang pinagdadaanan.’
I did small talked to Nanay and my siblings. Then I told Nanay, na kailangan ako sa school for project, totoo naman pero nagsinungaling ako sa kanya na mamayang hapon pa ang uwi ko. Pero sa ngayon ay magtututor muna ako. Nanay knows that, na tinututor ko ang anak ng kapitbahay namin.
Saturday, wala naman akong pasok kaya nasa tindahan lang ako, para may katulong si Ate Freda. Hindi parin alam ni Nanay na namasukan ako bilang tindira.
Pero worth it parin ito para may extra income na rin ako. Dahil plano ko na bumili ng laptop kasi kailangan na talaga.
Kahit na may nagpapagawa sa akin ng mga research ay tinatanggap ko, tapos kung may nagpapatulong ay binibigyan rin nila ako. That’s not really matter at all, hanggang kaya ko ay kakayanin, ‘padayun.’
I’m not saying that I’m  gifted. Kasi may kakaunti lang rin akong kaalam tungkol sa mga bagay bagay.
Sa kapit bahay nga namin ay may nagpapa-tutor kaya tinanggap ko, every Saturday and Sunday pati na rin holiday ko lang naman tuturuan at hindi naman ganun ka hirap dahil pababasahin at tuturuan lang magsulat. Every person 100 per hour kaya mas nakakatulong talaga.
Dahil tapos na rin ako sa pagtututor ng dalawang bata ay napagplanuhan ko talaga na pumunta na sa tindahan dahil tiyak ako ng si Ate Freda lang ang nandoon dahil day off sa mga trabahante ngayon.
“Nay, alis muna ako,” paalam ko. Napadako ang tingin niya sa akin.
Tapos na ako sa gawaing bahay at ang mga kapatid ko naman ay kasama ni Tatay, mukhang ginala ata. Ewan ko nung umuwi binigyan kami ng pera, kaya inipon ko lang para dagdag pambili ng laptop.
Nagbago na talaga si Tatay simula nung nalulong ito sa druga, at nakulong ng ilang buwan.
Dalawang linggo lang din naman ang nakaraan ay nagimprove na ang pagbabago ni Tatay. Dati ay imuuwing lasing ngayon naman ay umuuwi nang may ulam saka bigas na dala.
He said na natanggap raw siya sa trabaho, but he didn’t mention kung anong trabaho basta malaki raw ang kita.
“Sige, anak, Uuwi ka mamaya kasi maghahanda tayo.” sabi lang ni Nanay sa akin. Ngayon pa lang alam ko na maluwag na ang dinaramdam ni Nanay.
“Opo, mga bandang alas kwatro po ng hapon.” Sagot ko. “Bakit po kayo maghahanda Nay?” I asked her nang napahinto ako dahil alam ko na may nakalimutan ako.
“Birthday ni Bunso, Anak.” Sagot naman niya. Kaya pala igila sila dahil kaarawan ni Bunso.
Muntik ko nang nakalimutan na kaarawan pala ni Amy ngayon. Yung bunso naming kapatid. Wala pa akong regalo sa kanya, kaya bibili nalang ako mamaya, since mahilig siyang magbasa ng mga romance story ay binilhan ko siya ng libro, nasa tindahan lang naman lahat na pagpipilian.
Katabi lang naman ang bookstore sa tindahan na pinagtratrabahuhan ko.
Naglakad na ako papunta sa parking lot, at naghintay ng sasakyan doon.
I thought of Remus, those days are comes parang mas naging malapit pa kami sa isa’t isa. Hindi ko alam pero komportable na ako na kasama siya.
Pero minsan ay napipikon na ako sa kanya. Hindi ba naman ipinush niya na may crush ako kay Patrick na pinsan niya. Kaya ako ay nahihiya na tuloy kay Patrick. Wala akong maihaharap na mukha kay Patrick dahil sa karantaduhan ng pinsan niya.
Wala pa sa plano ko ang ganyan, my prioritize is my family. Just family first bago ang kalandian.
Speaking of demon, nandito na naman at nangungulit. Two months of acquittance ay parang komportable na kami sa isa’t isa. Parang matatawag ko na talaga siyang best friend dahil sa closeness naming dalawa.
“Anne my loves,” tawag niya sa akin habang ginagaya ang boses ni Pino.
Ilang ulit na niya akong tinatawag na gayun pero sa paulit ulit lang din ako naiinis. Baka kung ano ang isipin ng mga tao sa aming dalawa.
Agad ko siyang kinirot sa tagiliran niya, na siyang nakasanayan ko nang gawin. Hindi ako mapisikal pero kapag si Remus ay nagagawa ko. Sabi pa niya hindi naman masakit ang kusot ko. At tinatawan lang niya ito.
“What are you waiting for? Si Pino, your love of your life or someone I’ve been know?” tanong nito sa akin.
Alam niya kung paano ako iinisan at alam narin niya kung paano ako patatawanin.
He mean so a lot, I mean his cousin Patrick. I know he pushed me around to his cousin kaya nga mas lalo akong naiinis sa kanya. Even small thing I do, lalagyan niya ng meaning. Ewan ko ‘di ko na lang din pinapansin dahil alam ko naman na wala talaga kahit anong ipilit.
Wala nga akong pagtingin nun, tapos curious lang talaga akong tao, kaya pati si Patrick ay napapakialaman ko.
“Tigilan mo nga ako, Remus. Nako kapag ikaw ay may magugustuhan sisiguraduhin ko talagang mapapahiya ka.” banta ko sa kanya.
Hindi man lang nagpatiga, at tinawanan lang ako. Parang magkapatid na talaga ng turing namin ni Remus sa isa’t isa. Kilala na rin siya ng mga magulang ko.
Nagpakilala ba naman na boyfriend ko, kaya nagulat talaga si Nanay, ang loko loko ay tumawa lang. Pero agad rin naman niyang binawi na joke lang. Si Tatay ay kasundo niya pati mga kapatid ko ay malapit na rin sa kanya.

Tahimik lang ang buong byahe, tingin ko naglilikom siya nang sasabihin para kakainisan . Minsan si Remus ay malihim talaga na tao, hindi mo mapapansin na may problema ito dahil palangiting tao, kung hindi mo tatanungin ay hindi rin sasagot.
Isang araw nga ay nakapunta na ako sa bahay nila, schemens, ang ganda tsaka sobrang laki ng bahay at may pool. Tinanong ko nga siya na dito ka nakatira? Hindi pa rin kasi ako nakakapaniwala na nakatira sila sa ganitong karanyang pamilya.
Pero kahit ganun sila kayaman ay hindi sila close ng mga magulang niya. Lalo na ang daddy nito. Kasi may issue sila noon na hindi raw siya anak ng daddy niya. Pero nung nag DNA test naman ay positive naman, pero habang lumalaki siya ay hindi talaga siya gusto ng daddy niya.
Every day of his life, lalo na kung umuuwi ang daddy niya ay nagaaway talaga sila. Wala daw na araw na hindi sila nagsasagutan. Kaya nung nandoon ako sa bahay niya ay sinabihan ko na langit siya na…
‘Tama na, hindi naman sa away masusulbad ang problema niyo, pwede naman ito sa pamamaraang mahinhinang paguusap.’
Sumunod lang din siya sa sinabi ko nun, kaya mas lessen na rin ang away nilang dalawa.

“Pupunta ka sa bahay mamaya?” tanong ko.
I know that Amy mentioned her birthday to him. Mas close silang dalawa.
“Wala akong gift.” Sagot niya.
“No it’s okay, basta nandoon ka sa munting salo salo.” sagot ko sa kanya.
Napaisip siya bigla.
“Ah! Bilhan nalang siya natin ng libro.” utas niya. Papunta na kaming tindahan.
Kasama ko talagang nagtratrabaho si Remus, kaya walang araw na hindi ko siya kasama. Hatid sundo nga ako mula sa school at sa bahay, dahil madadaanan lang naman ito sa kanina. Kahit alam ko na scam talaga dahil nasa kabilang baryo pa ang bahay nila.
Since then, we worked. Mas lalo lang napalapit ang sarili ko sa kanya, kahit maliit na bagay ay alam ko sa kanya. Pero siya wala siyang alam sa akin sa ibang bagay na lihim kung tinatago sa kanya.
Tapos narin ang shift namin kaya pumunta na kami sa isang bookstore. Timing rin pagpasok namin dahil may nakita akong sale na libro, the trilogy one. Naka bundle na kaya kinuha ko na iyon. Nasa halagang 500php. lang naman kaya kinuha ko na.
Marami naman ang naitabi ko, at baka sa susunod na sahod ko ay makakabili na ako ng laptop at kung may badget ay cellphone na rin.
Palagi lang kasi akong pinapahiram ng laptop ni Remus, may spare na laptop kasi siya kaya ako na ang gumagamit sa isa niya.  Nakakahiya man pero kailangan talaga.
“Magustuhan sana ito ni Amy.” Sabi niya habang may dalang paper bag.
“Ang dami naman, niyan?” Tanong ko.
“Eh! Ang mura lang kasi kaya binili ko nalang. Saka para may libro naman siya.” Sabi niya.
“Okay, tiyak na matutuwa talaga yun.” Sabi ko.
Alas tres pa ng hapon kaya mainit sa labas kahit papalapit na ang Christmas ay napakainit pa rin ng panahon.
“May cake na ba si Amy?” Tanong niya.
“Hindi naman kailangan, at saka baka binilhan na ni Tatay.” Sagot ko hindi sigurado, but then he insisted to buy a cake for Amy.
Ilang ulit kong sinabin na ‘wag na pero, hindi siya nakinig at pumunta parin sa gawaan ng cake at nagorder. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas na siya at may dalang isang kahon ng Cake.
Naalala ko na lang yung araw na nabangga ko si Patrick. I didn’t ask him about that time. Kung para saan ang cake na yun.
“Sobra naman yata ito Remus, pero salamat ah? Kasi nandiyan ka.” sabi ko.
Nakatalikod na siya sa akin kaya mas lalo kung nakikita ang kaluwagan ng likod niya. He’s tall, handsome, he’s perfect but nobody’s perfect. Kaya kahit anong gawin natin problema pa rin.
Para na raw niyang kapatid ang mga kapatid ko. Kaya kung anong gusto nito ay ibinigay niya. Magisa lang kasi siya at palaging busy ang mga magulang. So, natutuwa siya sa mga kapatid ko.
Hindi siya sumagot.
At naunang maglakad.
“Para kanino pala iyong cake na natapon ko noon Remus?” I hesitate to asked him.
Ilang ulit ko kasing tinanong si Patrick pero sagot lang sa akin ay si Remus raw ang tanungin ko. Kaya nung naalala ko ay tinanong ko agad.
“Ah? Wala yun,” sagot niya lang.
Alam kong may itinatago si Remus Jorge sa akin. Alam ko dahil kanina pa ito tahimik.
“May problema ba? RJ?” tanong ko. Pansin ko na kapag tahimik ito ay may iniisip. Pero ‘di ko na lang binigyan ng kahulugan baka ako lang din ang aasa sa huli.
“Nothing as I said!” Tapos ay ginulo ang buhok ko.
Isa sa mga hilig talaga ni Remus ay guluhin ang buhok ko. Hindi man mahaba ang buhok ko at least maganda naman dahil inalagaan ko.
I know na may problema siya. It’s hard to verbalize those that there’s no exact answer, pero kailangan naman talaga natin nang mapagsasabihan lalo na kung kailangan talaga.
“Kausapin mo lang ako ah?” Sabi ko. “You know I’m here, hindi ako mawawala sa tabi mo.. If you want to talk to me, just confront, just tell, just asked me anything kahit ano ay susubukan kong intindihin.” I said while he’s half looking at me. 

After a small talked, nakarating na rin kami ng bahay. May nakahanda na at si Nanay naman ay nagluluto na ng pagkain na hahainin mamaya. May kakaunting bisita sa loob at labas. Mga kapitbahay lang naman.
Kaya hindi mapigilan na magbulungan lalo na yung mga plastic na kapitbahay namin. Nanghuhusga ng wala naman sa talasalitaan.
“Nay, nandito na po kami.” sabi ko pagdating namin ni Remus sa bahay.  I told Remus na ilagay na ang cake sa mesa.
“Buti nakasama iyang si RJ,” sagot lang ni Nanay.
“Maganda hapon po Ma,” Bati ni Remus saka pumunta Kay Nanay at nagmano.
Tawag niya kay Nanay, Mama.. kahit ako ay nabigla pero hindi naman daw yung big deal sabi pa ni Nanay. Kaya hinayaan na rin namin.
“Nandiyan na po ba sila Tatay?” tanong ko.
“Inihatid lang itong lulutuin at may babalikan raw sa mall.” sabi ni Nanay.
“Sige po, tulungan na po kita Nay,” nakita ko na umupo si Remus sa isang monoblock.
May kinuha siya sa mga larawan namin. Iyong picture namin na magkakasama, mga 6 years old pa ata ako nun. May maganda pa kaming pamumuhay.
“Dun ka na anak, puntahan mo si RJ, baka mabored.” Sabi ni Nanay.
Tinulungan ko lang siyang maghiwa ng mga sangkap, tapos ay pinuntahan ko na si RJ na nakaupo.
“Gusto mong maglakad lakad muna sa tabing dagat?” Tanong ko.
“Mm..” tumango lang siya.
Awkward pa rin ako sa kanya paminsan minsan dahil may oras na seryuso siya at mapangasar naman. Kaya ang hirap timingin nang mood niya.
“Alam mo bang hindi ganito ang buhay namin, kung hindi lang naloko at nascam ang mga magulang ko?” panimula kong kwento habang naglalakad kami sa tabing dagat.
Tumingin lang siya sa akin tapos ay ibinalik ang tingin sa buhangin na tinatapakan.
“May magandang trabaho si Tatay nun at si Nanay naman ay may pinagkikitaang shop. Simple lang din kami pero hindi kagaya ngayon na medyo may hirap pa rin. Tumagal na magkasama sila at bumuo ng pamilya ay naging marangya ang pamilya namin. Eh! Si Nanay ba naman laki sa yaman. Tapos si Tatay naman ay may kaya rin ang pamilya.” Kwento ko.
“Anim na taon palang ako ay naranasan ko na ang ibigay ang lahat ng gusto ko. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nascam sila sa inaaplayan nilang companya. Inilagay nila lahat ng pera para raw sa Investment tapos pagkalipas ng Ilang buwan ay hindi na nila nakuha muli ang pera. Kaya kami ganito ngayon. Nagsisi naman sila kung bakit sumangayon pa sila nun. Pero huli nalang rin ang lahat.”
“Nahihiya naman si Nanay na pumunta sa mga magulang at kapitid upang manghingi ng pera, para pamuhunan. Kaya ito kami ngayon nagdusa. Sabi pa nila Nanay, karma daw ito dahil hindi niya sinunud ang payo ng magulang niya. Kaya buong sikap na itinataguyod kaming 3 ni Nanay. Si Tatay nun ay palaging lasing, sungal at kung ano-anong bagay ang gagawin.”
“Kaya, kahit anong pilit ko na magalit sa kanila ay hindi ko magawa, dahil alam mo yun gagawin nila ang lahat para lang maibigay ang gusto mo. Kaya nilang hamakin mapasaya ka lang bilang anak nila.” Kwento ko.
Tumingin ako sa taas, parang ibon lang naman ang hiniling ko. Na maging malaya at magkaroon ng karapatang lumipad.
Gusto ko na lang talaga na maging ibon para ang iisipin lang ay ang pagpapahingahan nito lang. Tapos ay maglalakbay na naman, papunta sa ibang direksiyon.
Napahinto kami sa isang puno ng niyog na balikod ang pagkakaturok.
Umupo kami doon, habang nasa isang metro ang distansya naming dalawa. Medyo hinahangin rin ang buhok ko kaya tuloy ay nagulo ito. Wala pa naman akong dalang pangtali kaya hinahayaan ko nalang.
Lumapit sa akin si Remus, tapos ay pumunta sa likod ko. Naramdaman ko nalang na pinusod niya ang buhok ko tapos ay tinalian ng isang lastiko. Pansin niya yata kanina na hindi ako mapakali dahil sa buhok ko na pabalik palik sa mukha.
Bakit bigla lang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako ganito noon. Parang may isang delubyo ang nanarasa sa akin ngayon.
“Do you love someone before Anne?” Tanong niya sa akin. Out of nowhere! Kinabahan kaagad ako. Saan ito papunta?
Hindi ako nakasagot.
Paano ko sasabihin na oo kung sa unang taong minahal ko ay sinaktan lang pala ako. Na niloko lang pala ako at pinagpalit sa magandang tao.
“Yes, pero wala na yun.” Tipid kong sagot. I’m not comfortable to talked about those things na matagal ko nang kinalimutan.
“What do you feel back then?” tanong niya.
Are he saying that, we need to tackle love? Because for me, I don’t know what the best way to express, to verbalize, to explain what love is? Everybody has its own definition of love. Kung saan sila sasaya ay ‘yun na ang love para sa kanila.
There’s a lot of concept, lalo na sa love. Family love, friendship love, god love, lalo na sa especial love.. sa taong pinili mong mahalin. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit tayo nakaramdam ng pagmamahal?
Love isn’t affection?
Love is pure?
So, what love is?
Ano nga ba ang nararamdaman ko noon? Eh? Parang masaya naman yun tapos ay sakit na kaagad dahil hindi pala iyon totoo.
“Masaya sa una pero masakit sa huli. Bakit mo pala naitanong?” balik ko.
Hindi siya sumagot, hindi naman kailangan sagutin pero, naghahanap ako ng sugot mula sa kanya.
“Nagmahal ka na ba Remus?” tanong ko.
Tinapunan niya ako ng tingin tapos ay nalungkot bigla. Kita ko kasi sa mga mata niya. Tapos ay napalitan na naman ng ngiti sa labi niya.
Mga ngiti na hindi umabot sa mga mata, he’s happy in physical but, hurt on emotional inside.
Tapos sinabi ang nakakakabang salita.
“I’m inlove right now.”
***

Comentário do Livro (35)

  • avatar
    Madelyn Claveria

    ang ganda

    23/07

      0
  • avatar
    Marky Stephen Giducos

    this is very important thank you

    22/06

      0
  • avatar
    Jan Cedric L. Jimenez

    good

    17/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes