logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 04

#TDSAChapter04
I’ve been there when they’re abusing someone or bully because I’m one of them, kasali ako noon pero nagbago lang ako because I have my dignity and humanity.
So, alam ko kung may pinagdidiskitahan sila or wala, maybe both dahil alam ko ang takbo ng utak nila. Kaya agad ko silang nilapitan dahil hindi nila titigil hanggang sa hindi nila ito mahuthutan ng pera o makuhanan ng gamit. Buti nalang talaga at kilala ko rin sila, pero laking gulat ko ng makilala ko ang lalaking kanilang biktima.
“Kasama ko siya, kaya layuan niyo siya, ” biglang sabi ko. Even though hindi ko naman talaga siya kasama but then, I know they’re moves and I don’t want Remus is one of the victim.
Kaklase ko pa? Transferee ng school namin si Remus?
Alam ko na ang mga galaw nila at mga nais. Napatingin naman si Pino na siyang may pakana ng lahat ng ito.
“Ikaw pala, Anne my loves.” sabi ni Pino na may malaking ngiti sa labi. “Kinausap lang naman ito, loves dahil nagtatanong siya kung may kilala ba raw kaming Anne Patricia Lopez” paliwanag niya.
“Ako ang hinanap niya, kaya bakit hindi niyo sinabi na ako?” I asked both of them. While Pino smiled smiled shift into clenching.
“Kinausap nga di ba? Bakit kung makaasta ka ay pinagtritripan namin itong lalaki mo?” tanong naman nung kasama ni Pino na si Tae.
I hate that man, Tae pang pangalan.
“You talked to him, then why isn’t him comfortable?” I asked Tae, “kung ano mang ‘naisipan na gawin niyo sa kanya tigilan niyo na’” I added with quotation.
Pino just be himself, tahimik lang siyang nakikinig sa amin ni Tae na nagpalitan ng mga salita.
“Wala ka pa mang nararating ang hambog muna, Anna? Pareho lang tayo mahihirap dito kaya ‘wag kang umasta na may pinagmamalaki ka.” Sabi ni Tae.
“Wow, umasta ako? Bakit ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Huh, makatao?” tanong ko.
But Pino be himself again, once the atmosphere is getting into hotter ay saka lang siya magsasalita.
“Tigilan mo na kasi Tae, sasapakin kita.. isa pa!” banta ni Pino pero hindi nagpaawat si Tae.
Natahimik si Tae at ‘yung kasama niyang walang ginagawa kundi ang makisali at pinaghihiyawan kaming dalawa.
Pino is the goddess among of them kaya isang sabi lang ni Pino tahimik na kaagad sila. I know Pino have a big crush on me, so that’s why I used that as opportunity para hindi ako magawang saktan ng mga tuta niyang walang mudo.
Syempre kilala na nila ako. So, hindi sila magdadalawang isip na saktan ako dahil siga ‘to? Tapos kampi pa ang leader nila.
Siga ako dito! Kahit anong pilit nilang kalabanin ako alam kong may magtatanggol sa akin.
“Wala pa naman kaming ginagawa ah! Gusto mo gawan na namin ngayon?” biglang unas naman ng kasama nitong si Tae.
“’Wag mo ngang pagsalitaan si Anne my loves ko, Tae. Gago ka ba?” tanggol naman ni Pino sa akin. “Pagpasensiyahan mo na itong si Tae, Anne my loves, wala naman kaming gagawin sa kasama mo.” sabi ni Pino sa akin.
Nakita ko na sinuntok ni Pino si Tae sa balikat. Pero hindi ko nalang ito pinansin. Medyo may tupak itong si Pino sa mga kasama nito.
Maunawain naman akong tao, so hindi ko na lang pinansin. Wala na kasi si Anton dahil pinauna ko na nang uwi kasi may gagawin pa nga kaming research niya. Kung hindi lang talaga may pinagtritripan ang mga tambay na ito nakauwi na sana ako.
“Sige na makakaalis na kayo.” sabi ko tapos ay tumingin Kay Remus na nakayuko lang sa motor nito. “Okay ka lang?” tanong ko agad sa kanya.
Bihira lang ang maligaw dito sa lugar namin. Kaya nagtataka pa rin ako na sa laki ng lugar ay dito pa talaga siya mapapadpad, o hinahanap niya ako? Bakit naman? May kailangan siya?
Hindi rin nagtagal ay umalis na rin sila Pino at kasama nito.
Nagpluppy eyes pa si Pino bago umalis. Hindi naman ako nandidiri sa mga pinagsasabi niya. Syempre magkababata kami ni Pino so, alam ko na takbo ng utak nun.
“Thank you, Anne.” sabi niya lang sa akin.
“Bakit ka napadpad dito?” tanong ko sa kanya.
Obvious naman ang sagot dahil pinuntahan niya ako at hinanap.
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Kaya nilapitan ko siya ay sumandal narin sa motor niya. Hapon na, kaya medyo may kakaunting liwanag ng araw ang tumagos sa mukha ko.
“I’m here because I wanted to give this to you.” sagot niya lang sa tanong ko.
Napatingin naman ako sa hawak niya.
Omg.
Napapikit ako.
That’s my writing notebook. Diyan ko isinusulat ang mga naiisip kong tula. At saka may nakalagay ring mga pangalan diyan nung dati kong mga crush.
‘Wag niyang sabihin na binasa niya ito.’
Agad kong hinablot ang lumang notebook ko.
“S-salamat pala, tsaka sinundan mo ba ako?” tanong ko sa kanya. Habang nauutal parin.
I didn’t expect talaga na maiiwan ko itong notebook na ito. Mahalaga pa naman ito.
“Oo, pero nawala yata ako, ang dami kasing pasikot sikot. Kaya naghintay nalang din ako ng ilang oras dito hanggang sa nilapitan ako ng mga lalaking yun.” paliwag niya. “They asked me kung anong ginagawa ko dito, then I told them that I need to give this to you, tinanong ko sila kung kilala ka nila, then lumapit ka kaagad kaya hindi na nila sinagot.”
Napapikit na lang ako dahil sa dami ng realization na nangyari sa utak ko. Hindi naman talaga kasalanan nina pino but then, pinaiiral ko pa rin ang prensipyo ko.
Nakakakonsensya lang, lalo na kung isiping dinayo pa talaga niya ang lugar na ito para lang maibalik ang notebook ko.
“Pwede namang sa school ibalik, malapit ka pa tuloy mapahamak, Pero RJ, Salamat.”  I said while smiling widly at him. 
Nakakahiya ang feeling na dahil sa notebook ko ay malapit pa tuloy siya mapahamak.
“Wala iyon, and I know that notebook is important to you. So, I guess I should give it back to you.” sagot ni Remus sa akin.
Bumalik na ulit sa normal si Remus dahil kanina ay wala talaga ito sa sarili nung may mga tambay na lumapit sa kanya. I mean sila Pino.
“Nabasa mo?” I asked.
Kasi kung nabasa niya may mga bagay o mga kawerduhang isinulat ko noon. Baka kung ano pang maisip niya sa akin. Dahil sa mga weirdong napaloob na nakasulat dito.
“Sorry to tell you this, but I read the front page.” Sagot niya. “And the first page. Wala nabuklat ko lang talaga, as I said sorry again.”
So, obvious na ang unang pahina lang ang nabasa niya. Na may pangalan ko at gusto ko sa buhay.
“You read what I wrote diba?” tanong ko. Hindi lang maproseso sa isip ko.
“Yes, sorry?” He apologize.
“No, it’s okay and I’m aware of that, may tanong ka pa ba?” tanong ko.
Kasi halos lahat ng mga nakakita o nakabasa ng notebook ko ay nagtatanong talaga. So, expected ko na talaga na may nagtatanong.
Because its all about my dream and to become someday. Marami talagang nagtataka kung bakit tourism ang course ko, kung pwede naman creative writing, o ‘di kaya ay yung fine arts.
“Just curious, bakit tourism ang kinuha mo? Even if, you have a potential of arts and writing?” tanong niya.
That’s the question I always bare to answer, I’m right dahil nagtataka nga din ako but this is my passion and my hubby just like that, mas maganda ang may trabaho kaysa hubby mo lang din ang pinagiintiresan mo.
Nakaangkas na ako sa motor niya. Pero na mali ata ako ng kapit kaya napakapit ako kaunti sa kanya dahil nadulas ako. Tapos ay nagkatinginan kaming dalawa.
“S-sorry, uhm..” panimula ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa papalubog na araw.
“Marami kasi akong pangarap noon, you know naman kapag bata pabago bago ang pangarap. Kaya nung naisulat ko yan, mga 9 years old pa ako nun, kakagrade four ko palang. So, ang una kong panagarap ay maging manunulat, at nang matutong bumuo ng tula ay naisip ko na mag creative writing nalang kasi nandon na lahat.” Paliwanag ko sa kanya. “Pero nabago ang lahat ng makita ko ang tita ko, gusto ko sana maging flight attendant kaso, wala kaming pera para sa pangangailangan. Kaya nag tourism nalang ako dahil affordable lang at saka may allowance ako kasi full time scholar rin sa school.” Kwento ko sa kanya. “And I wanted to travel all around the world kaya gusto ko mag flight attendant pero hindi ko nalang pinush kasi wala nga kaming pero, so tourism nalang kasi pwede mo namang malaman at maimagine na nandoon ka sa lugar. And beside kapag nakapagtapos na ako ay magaabrod talaga ako para doon magtrababo. As tour guide. Diba ang dami kong pangarap sa buhay?”
Ganun talaga tayo, minsan paiba iba ang desisyon ng isang tao kaya sa isang pagkakamali ay magbabago talaga ang takbo ng isang bagay.
Hindi siya nagsalita. Ilang minuto lang na ganun ang posisyon namin habang nakasakay parin ako sa motor niya.
“Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko sa kanya.
Medyo dumidilim na kasi. Baka kung hanapin siya nang magulang niya.
“Can I stay for a little bit.” Sabi niya lang sa akin. Wala akong magagawa kung ganito ang gusto niya. But I can’t see myself near to him. Hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama siya. Kasi baka kung ano ang isipin ng mga tao dito. Kilala pa naman nila ako.
Kaya umalis nalang ako mula sa pagka-angkas sa likod niya at sumandal muli.
“You have your problem right?” Tanong ko.
Kasi hindi magiging ganito ang isang tao kung wala itong inisip o iisiping probelma. Everybody has its own problem in life. Kaya ang gagawin lang natin ay pagsabihan sila.
“Gusto mong pagusapan. I’m free?” Tanong ko sa kanya.
“It’s okay, just simple family problem but I appreciated you kindness, Anne.” Sagot ni Remus sa akin.
“Okay, pero hindi maganda kung hindi mo iyan ipapalabas.” Sabi ko.
Hindi madali lalo na kung tatagal ay baka lumala at mahihirapan ka nang sulusyunan. Kaya habang maaga pa ay pagisipan muna bago pa mahuli ang lahat.
Kunting payo lang sa mga kabataan. Don’t be hard to yourself— I mean ourselves kasi nakakasama iyan kung palaging pinaiiral ang makasariling gawain. So, habang may oras, just try to solves what mess is that.
Para hindi na natin pagsisihan ang kamalian na kailanman ay hindi natin malilimutan.
“It’s late, maybe you should go back home now.” Sabi niya sa akin.
“Hatid na kita sa kanto, palabas” offer ko sa kanya. Baka maligaw pa ito dito at makita na naman nila Pino and the Tae company.
Hindi na siya umangal at pinaandar na ang motor niya. Nagoffer siya sa akin na sumakay pero nahihiya ako kaya naglakad nalang ako, habang siya ay nakapantay sa akin na nagmomotor.
“Thank you pala sa notebook ah? I owe you one.” sabi ko.
“No, I’m the one who say thanks to you because you saved me from those damn strangers.” sagot niya naman.
“Wala naman iyon. Pero we should thanks ourselves. Dahil may ginawa ka at ibinalik ko rin sayo.” sabi ko habang nakangiti ng tipid.
Nakita ko naman na ngumiti siya habang umiling iling.
“So, dito lang ako, alam mo naman ang daan papunta sa inyo diba? Remus?” tanong ko.
Alangan na pumunta siya dito tapos hindi niya alam ang daan pabalik at palabas.
“Of course, I’m not a kid anymore, but thank you a lot Anne, at panghahawakan ko ang sinabi mo.” sabi niya tapos ay nagpaharurut na ng takbo.
Ilang ulit ko na prenoseso kung ano ang sinabi ko sa kanya. Pero sa huli ay naalala ko rin na sinabi ko na.
I owe you?
What did I say like that to him?
Hindi niya naman seseryusuhin iyon? diba?
Wala lang kasi akong masabi kaya iyon na lang para may cool naman sa akin.
Kaysa iisipin ay umuwi na lang ako sa bahay. Hindi pa kasi ako nakapagsaing kaya tinakbo ko nalang ang daan papunta sa bahay. Pagkadating ko ay may nakasaing na. Tapos narin si Anton ay may ginagawa niya.
“Napatagal ka ata Ate?” tanong ni Anton. Tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa, as usual Anton my brother.
“May pinagtritripan na naman si Pino, kaya pinagtanggol ko, eh kaklase ko pala. Buti na lang talaga at dumating ako, baka hinuthutan na nila, iyon o di kaya binugbog,” paliwanag ko.
Takang napatingin naman siya sa akin.
“Nako itong si Pino talaga hindi parin nagbabago, mabuti naman anak at walang nangyari sa kaklase mo.” sabi ni Nanay na kakapasok lang din sa kusina.
Expected na kasi ng mga tao dito na kapag may pinagtritripan si Pino and Tae company ay bubugbugin nila ito.
Minsan nga ay, kulang nalang kung patayin. Hindi naman nakukulong kasi, may kaya ang pamilya kaya hinahayaan nalang. Pero hindi dapat kasi nakakasakit na si Pino sa kapwa tao nito. 
“Yung lalaki kanina ate? Kanina pa nga yung pinalilibutan ni Pino at yung kasama niya,” sabi naman ng kapatid ko.
“Kanina?” takang tanong ko.
Ibig sabihin ay kanina pa ito nawawala doon? Kanina niya pa ako hinahanap? Kailangan ko talagang humingi ng pasenya sa kanya bukas dahil muntikan pa siyang mapagtripan.
“Oo, ate mukhang ginisa ata ng mga tanong nila.” sabi ulit ng kapatid ko.
Biglang uminit ang ulo ko, pero pinigilan ko lang kasi kung ano pang magagawa ko kina Pino at mga Tae na kasama nito.
Kawawa naman ni Remus, konsensya ko pa talaga kung napahamak siya, mabuti na lang talaga at nakita ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kapatid ko tapos ay iniba ang usapan.
“Tapos ka na sa research mo?” tanong ko. Kasi nakaorganize na ang bawat pahina at nagdedesign na lang siya. Mukhang may tumulong sa kanya.
“Opo Ate, tinulungan kasi ako ni Kuya Ace. Saka pumunta pala si Kuya dito kanina bago ako nakauwi.” sabi naman niya.
“Ganun, pumunta siya dito?” tanong ko. Wala naman kasing ibang ibig sabihin dahil friends kami tapos magkababata rin. Pero ang kaibigan ko sa kanila ay kapatid niyang si Adelyn.
“Opo Ate, timing rin nung umuwi kana ay nakaalis na rin siya.” sagot ni Anton. “buti nga tinulungan ako ni Kuya, kaya napadali na rin ang paggawa ko.”
Pero imbis na matuwa ay iba ang itinanong ko. “Bakit raw naparito?” tanong ko.
Napatingin ako sa rebulto ni Nanay na nasa hapag at may ginagawa, si Anton naman ay napatigil sa pagdedesign at huminga ng malalim bago ako hinarap.
“Wala naman po siyang sinabi Ate, mukhang napadaan lang tapos nakita niya na may ginagawa ako at huling alam ko ay tinulungan na niya ako.” sagot niya lang tapos ay hindi na nagsalita at tinapos ang ginawang proyekto.

Maaga akong nagasing para makapaghanda na. Ilang araw naring hindi umuuwi si Tatay kaya nagtataka na ako kung at nagaalala na rin. Since halfday lang ang schedule ko ngayon ay may oras ako para doon muna sa tindihan magpalipas o mag overtime para na rin may dagdag kita.
“Nay, aalis napo ako. Matatagalan po ako ng uwi mamaya, Nay.” paaalam ko kay Nanay. “Ang bilin ko po ah? ‘Wag kalimutan.” Paalala ko dahil medyo makakalimutin na itong Nanay ko.
“O, sige anak. Ito nga pala.” bigay sa akin ni Nanay ng sikwenta pesos.
“Nako, wag napo Nay, may pera pa naman ako.” sagot ko tapos binigay ulit. Kasi may pero pa ako galing sa allowance sa school tapos ‘yung sweldo galing sa tindihan. “Ipunin niyo na lang niyan, Nay.”
“Ikaw na bata ka, sige na… ‘wag ka nang maglakad at mamasahe ka nalang.” sabi nito kaya wala akong magawa kundi ang kunin ang pera na ibinigay niya. Kasi kahit anong tanggi ko ay kusa niya pa rin akong pipilitin hanggang sa bumigay na ako.
Hindi na naman kailangan pero okay na rin ito para makasakay na rin ako ng Jeep.
Siguro ay sasakay nalang ako ng Jeep ngayon para maaga akong makarating sa tindahan. Sumasakit kasi ang likod ko kahapon. It’s time to rest naman.
Nag aabang na ako ng Jeep sa kanto. Maraming mga studyante kaya hirapan ang pagsakay, kaya ako na pabagal bagal ay hindi nakasakay kasi ang bigat ng mga dala ko.
Nagdito na kasi ang mga kailangan sa presesntasyon na gagawin at saka mga gamit ko rin. Punuan ang loob kaya wala na akong magagawa. Naghintay nalang ako ng ilang sandali hanggang sa may dumating.
Agad akong naglakad papunta dito pero pagkadating ko ay wala paring bakante. Alangan naman na mags-standing ovation ako? Hindi naman pwede kasi babae ako, at nakakahiya kung isipin. Kaya naghintay ako ulit.
Sabi nga nila…
Patient is a virtue.
Kaya ilang sandali rin ay may Jeep na naman, and guess what. Hindi naman ako nakasakay dahil nung pasakay na ako may nakita akong matanda.
“Kayo na po, Lola.” sabi ko tapos ay inalalay siyang umakyat. Mas kailangan niyang makasakay kaysa ako, marami pa naman akong oras.
“Nako, salamat iha, hulog ka talaga ng langit.” nakangiting sabi sa akin. “Ineng pagpalain ka sana.”
Nakaalis na ulit ang Jeep, may katamtamang liwanag na kaya alam ko na magaala sais na ng umaga. Namanhid ang mga paa ko kaya umupo muna ako sa isang upuan sa waiting sched dito sa amin.
Nagsisidatingan na ang mga tao at parami ng parami. So, wala akong magawa kundi ang maghintay hanggang sa may pumito sa likod ko. Napatingin kaagad ako, at nakita ko si Ace na nakasakay ng motor niya, tapos may kasunod pa.
Si Remus…
Nakasakay sa motor niya habang nakatingin sa akin.
“Anne/Anna, sabay ka na sa akin?” sabay nilang tanong sa akin.
Nagkatinginan silang dalawa, at para bang may namumuong tensyon. I need to break the tension and stay calm the atmosphere here.
Hindi ko maisip kong saan ako sasama, nakakahiya naman kung sa isa at maiiwan ang isa. So, I declined their offer since may Jeep naman ang paparating.
I don’t want to be bias to both of them kaya this is the best way, para hindi sila magaway pa. Hindi naman ako prinsesa pero bakit may dalawa nang prince charming na umaaligid?
“Sasakay nalang ako nang Jeep.”
***

Comentário do Livro (35)

  • avatar
    Madelyn Claveria

    ang ganda

    23/07

      0
  • avatar
    Marky Stephen Giducos

    this is very important thank you

    22/06

      0
  • avatar
    Jan Cedric L. Jimenez

    good

    17/06

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes