logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 IV

Chapter Four:
Nagsarado na ang mall nang makalabas na rin kami. Parang nabuhay muli ako sa kamatayan nang makasinghap ako ng hangin mula sa labas. Sobrang kulob sa loob ng elevator at parang lahat na ata ng hangin sa loob ay nakuha ko na. hindi masaya ang naging karanasan ko kasi una, nagkaroon pa ako ng melt down sa harap ng taong hindi ko naman masyadong kilala pa at pangalawa, para akong tanga kakakwuento ng kahit anong maisip ko.
Hindi pa rin ako nakakatanggap ng mga maaayos na sagot maliban sa 'ah', 'okay' at minsan pa ay tango na lang. Alam ko naman na hindi siya palasalita pero the least he could do was to reply like a normal person should in a conversation. Ikumpara na natin sa mga kaibigan natin sa Facebook na walang ganang ka chat dahil sobrang tipid mag reply at nainis ka na at dinelete mo na lang yung buong conversation ninyo kasi ikaw lang nagbubuhat mismo. Pero kahit ganun, it's not entirely bad, I suppose. Masakit din kaya yung dada ka nang dada and they're showing fake interest in you.
He did manage to calm me down. Nagpapadistract lang ako sa kwento para hindi maisip ang nangyayari nun.
Naghintay ako ng taxi sa labas ng mall. When I say it's late, it's super late. Nalowbat na yung cellphone ko kakagamit ng flashlight kanina kaya hindi ko na rin matawagan sila mama para sunduin ako. And knowing me, nahiya ako makitawag sa mall kahit responsibilidad nila ako. They should take responsibility of what happened pero eto ako! Nahihiya kahit na hindi dapat. Halos wala na akong makitang kotse o motor na dumadaan sa highway.
Kinakabahan din ako kasi never akong nag stay nang ganito ka-late sa buong buhay ko. Ang pinaka late ko na uwi is 8pm at napapagalitan pa ako nun kahit ilang beses pa akong nagpaalam sa mga magulang ko. Kapag wala akong makita na masasakyan sa loob ng kalahating oras, maglalakad ako pauwi, despite knowing na ang layo ng bahay ko mula rito. Buti na lang at Biyernes na ng gabi, kung hindi papasok ako ng school nang suot ko pa ang kahapon kong uniform.
Nagulat ako nang biglang my humarurot na motor sa harapan ko. Napaatras ako nang wala sa oras at nahulog pa sa semento. Isang lalakeng natatakpan ng itim na helmet ng mukha ang bumaba mula sa motor niya at tumingin sakin.
'Mamatay na ba ako?' ang inisip ko habang tuluang gumapang palayo.
Tinanggal niya ang helmet at inayos ang porma ng kanyang buhok. Hindi ko agad ang napansin ang suot suot na leather jacket ni Jeremiah kahit kasama ko siya kanina lamang. I don't think he had it on him nung nasa loob din ng mall or I could be tripping. Kahit na ang tagal namin nakulong sa loob ng isang bulok na elevator, mukha pa ring kakalabas lang niya sa banyo galing paligo. At amoy na amoy ko pa rin ang kanyang pabango na parang bang hindi naubos ang amoy nito.
"Iuuwi na kita." ang tanging sinabi lamang niya at binigay sakin ang helmet niya. Inihagis niya ito sa direksyon ko na agad ko naman nasapo kahit na sobrang clumsy ko pa pagdating sa mga bagay na iyon. Imagine kung hindi ko nasapo, bayad ko pa kapag nasira ko ang helmet niya. At mukhang mamahalin din.
Ang bigat.
Tumayo na ako at hindi na umangal pa. Nagpasalamat na lang ako nang paulit-ulit sa isip ko kay Jeremiah. He helped me so much today at hindi ko na siguro alam kung paano ko maibabalik ang kabutihang ginawa niya para sakin. He mounted his motorcycle and I followed suit. Hindi ko sure kung hahawak ba ako sa kanya o yung hawakan na bakal na lang sa likod. Pero nang pinaandar niya na wala man lang pasintabi sakin ang motor, napakapit ako nang mahigpit sa baywang niya like my life depended on it. Siguro kasi hindi pa ako nakakasakay ng motor dahil masyado akong matakutin. At sa bilis pa niya magmaneho, nagdadasal na lang ako sa may Kapal na makakauwi ako nang hindi madidisgrasya.
'Wag ngayon Diyos ko po, marami pa akong hindi nagagawa sa buhay ko.'
Hindi ko alam kung ano na ba ang sumapi saakin at binuksan ko ang aking mga mata despite the fact that I was deathly afraid to the core.
Namangha ako sa ganda ng syudad kapag gabi kahit na mas maraming tao na pagala-gala sa mga pupuntahan nila, I appreciated everything I was seeing right now. Napunta naman ang atensyon ko kay Jeremiah. Hinahangin ang kanyang buhok palikod pero bakit ganun, siya yung tipong tao na mala modelo talaga ang hitsura? Yung mga nakikita sa mga commercials o billboard kahit na nasaang lugar o siguro kahit nanghihinalo na sila, magiging maayos pa rin ang postura nila kahit nasa mismong kabaong na. Isa siya sa mga taong hindi nakakasawa tingnan kahit ilang beses mo pa siya makita sa isang araw at kahit na ba palagi mo siyang nakakasama.
Before I knew it, my cheeks were red hot when he caught me staring at him- gawking at him. Ang lakas ng instinct niya, o kasi masyado naman akong obvious, pero wala na naman. He has no reaction at all!
"May dumi ba sa mukha ko?" ang tanong niya, nilakasan nang kaunti ang kanyang boses para marinig ko sa ibabaw ng nakakabinging hangin.
Umiling ako. "W-wala! B-bagay lang sa'yo yung lighting-oo, maganda yung view." ang palusot ko pang napa obvious naman!
Magsisingungaling na nga lang, hindi pa maruning mangumbinse. Hindi kapani-paniwala ang aking nasabi pero wala na rin akong narinig mula sa kanya. Para maiwasan ang pagka awkward, sinabi ko na lang sa kanya kung saan ako nakatira kasi hindi ko pa pala nasasabi at baka saan lang kami mapunta nito. Nakakahiya nga eh. Pero bakit hindi siya nagtanong?
Finally, huminto na kami sa harapan ng bahay. Patay na ang mga ilaw at mukhang tulog na sila mama. Hindi ba nila ako tinry na hanapin? Hindi ba nila napansin na dis oras na ng gabi at hindi pa rin ako nakakauwi?
Mahal ba ako ng mga magulang ko?
"Jeremiah, salamat talaga. Nahihiya na ako sa'yo." ang sabi ko sa aking tagapagligtas.
Pero sa totoo nga, kahit ang pagsasalamat ko sa kanya, mukhang hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko. Para akong bata na dapat palaging binabantayan kasi baka kung ano magawa ko. Kung ano-ano kasi kinakalikot- kung saan-saan nagpupunta.
Hindi siya umimik at may kinuhang paper bag sa handle ng motor at binigay ito sakin. Nagtaka ko kung ano ang laman nito at bakit niya ako binibigyan.
"Pinakiusapan ko ang mga personnels kanina." parang sinagot niya yung tanong ko pero nakulangan ako sa sinabi niya.
"Na-ano 'yan?" hindi ko pa rin kinukuha sa pagahawak niya kasi na tatakot ako.
Parang naiinis na siya kasi tanong ako nang tanong at hindi ko na lang kasi tanggapin para makauwi na siya. "Nagrereklamo ka sa damit na susuotin mo, edi ayan may susuotin ka na."
Ininsist niya na sakin ito kaya kinuha ko na. Tiningnan ko sa loob ang damit at nanlaki ang mga mata. I saw the price tag and it felt as if I was overwhelmed. Pumikit ako at huminga nang malalim.
"Hindi ko kayang tanggapin ito," ang sabi ko naman.
"Para sa inconvenience na 'yan. Tatanggapin mo o itatapon ko 'yan?" ang nakakatakot na tanong ni Jeremiah.
Niyakap ko agad ang plastic bag sa dibdib at umiling. "Siempre kukunin ko na. Sungit mo, alam mo yun?"
Iniligay ko muna ito sa taas ng pader na nakapalibot sa buong bahay bago ko nilapitan si Jeremiah para siya naman ng binigyan ko ng yakap.
I felt him freeze under my touch, like his whole body just shut down. Naisip ko na this is the least I could to thank him for all that he's done for me. Wala akong narinig mula sa kanyang angal kaya hinigpitan ko pa ang yakap. Napakatangkad niya. Ang convenient nga sakin dahil nailagay ko ang mukha sa mismong dibdib niya at madali lang para sakin na yakapin siya.
But I worry, maybe it was too much for his personal space and I was crossing the line.
"Thank you," ito lang ang lumabas sa bibig ko.
Ang tagal namin nakatayo na ganun lang ang posisyon namin hanggat sa narinig ko ang pag-ubo niya. Agad naman ako humiwalay at nerbyosong ngumiti.
"Sorry sa abala talaga! Mag-ingat ka pauwi!" ang sabi ko sa kanya na tinapik tapik ang balikat niya kahit naiilang din ako.
Kahit hindi pa siya umaalis, kinakawayan ko na siya.
Mukhang hindi pa rin siya gumagalaw pero tumango siya at pagkatapos pa ng ilang segundo nang makasakay na siya sa motor at nakaalis, nakarinig ako ng ubo sa likod ko.
Nakita ko pa si mama na nakatayo sa may pintuan, hawak-hawak ang telepono na may simangot na halata sa mukha niya.
"Ma, magpapaliwanag ako."
"Pasok."
"Opo."

Comentário do Livro (31)

  • avatar
    Lao Basilio Shirley

    nice story

    9d

      0
  • avatar
    Nurfaisa Maulana

    💘💘💘

    29d

      0
  • avatar
    EdisanRodime t

    salamat po

    05/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes