logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

[Ikatlo] Tiwala Niya

"Sino ka ba?!" at pinandilatan ko ng mata ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Siya rin ang babaeng nakita ko na nakaputi sa ilalim ng puno ng mangga habang naglalakad pauwi mula sa burol ni John.
Kinabahan talaga ako kanina kasi akala ko white lady na talaga. Buti nalang at hindi.
Ilang beses ko siyang pinigilang sumama sa akin pauwi ng bahay pero makulit siya. Paulit-ulit siyang nagmakaawa sa akin na payagan ko siyang sumama dahil wala raw siyang mapupuntahan at kailangan niya raw ng matutuluyan.
“Uulitin ko. Sino ka ba talaga?”
"Ahh… Bakit ba kasi hindi mo ako kilala?" she asked using that accusing tone of her. Tinaasan niya pa ako ng kilay na para bang kasalanan kong hindi ko s'ya kilala. I couldn’t believe this woman.
"Aba't adik ka pala a! Sinabi ko nang hindi nga kita kilala."
“Nakakatampo ka kasi 'di mo ako makilala.” at ngumuso pa siya.
I can’t stand this girl. Masiyado na akong maraming pinoproblema sa ngayon at hindi ko kailangan ng karagdagang sakit ng ulo.
“Kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino ka, puwes hindi kita tutulungan. Makakaalis ka na rito,” mariin kong sabi sa kan'ya.
“Aalis?”
“Oo. Umalis ka na rito. Hindi kita matutulungan.”
“Aalis lang ako rito kung mapapaalis mo ako.” at ngumiti siya sa akin na parang baliw. She got this weird and unusual look on her eyes. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa mga ngiting iyon. She looked exactly as someone who will not do anything good.
Natigil ang pakikipagtalo ko babaeng ito nang biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at pumasok si mama.
F*CK!
"Anak may kausap ka ba?" nagtatakang tanong ni mama pagkapasok niya.
Kumunot ang noo ko sa naging tanong ni mama. Kaagad akong napatingin sa babaeng katabi kong nakaupo sa aking kama na may malaking ngiti sa kaniyang mukha habang kumakaway pa kay mama. Pero hindi man lang siya binalingan ng tingin ng nanay ko.
"Anak?"
"Huh?! Ma? Wala ka bang nakikita ibang tao rito?" paninigurado ko.
"Tao? Ikaw? Tao ka 'di ba?"
Minsan hindi ko rin talaga maisip kung bakit ganito kapilosopo ang nanay ko.
"Ma naman e! Ibig kong sabihin, ibang tao? Halimbawa… may nakikita ka bang babae?"
"Hoy! Ikaw na bata ka! 'Wag mong sabihing nag-uuwi ka ng babae rito! High school ka pa lang! Pa'no kung mabuntis mo ang babaeng iyon?! Nasaan ba iyang----"
"Ma naman e!" pigil ko sa ano pa mang sasabihin niya.
Masama ang tinging ibinigay ko sa babaeng kasama ko rito sa kwarto. Tawa lang naman siya ng tawa dahil sa mga pinagsasabi ng nanay ko. Nakakahiya.
"Ano ba kasing ibig mong sabihin?! Ikaw lang naman ang nandito!" sabi ni mama na ikinatigil ko.
Napalingon na naman ako sa babaeng katabi ko. She shrugged her shoulders with that knowing look on her face. Tinaasan ko siya ng kilay at humahagikgik lang s'ya na tila ba tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari.
Habang ako ay nagtaasan na ang mga balahibo dahil sa unti-unting takot na nararamdaman ko. Paanong hindi siya nakikita ni mama gayong nakikita ko naman siya?
"Bakit 'di ka nakikita ni mama?" hindi ko na napigilan ang pagtatanong sa kan'ya bago unti-unti akong lumayo sa babaeng ito.
"Hoy! Ikaw na bata ka. Sino bang kausap mo riyan? Pinapakaba mo ako!" 'tapos ay tuluyan nang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko at naupo sa pwesto no'ng babae. Nanlaki ang mga mata ko nang tumagos si mama sa babae pagkatapos ay bigla nalang itong naglaho sa pwesto niya.
"P*TA!"
"Aba't minumura mo ba ako?!" At binatukan pa ako ng aking ina.
"Po? Ah…eh… Hindi ikaw iyon, ma. Sige po. Lu-lumabas na kayo tu---"
"At ngayon pinapaalis mo pa ako?!" At binatukan niya akong muli na ikinasimangot ko naman.
"Ma naman e! Tutulog na po kasi ako!" inis kong sabi habang pilit iwinawaglit ang babaeng iyon na bigla nalang naglaho.
"Sinisigawan mo ba ako?!" At nakapamaymang na tumayo na si mama.
"Hindi po." 'tapos ay napayuko ako.
"Oh sige! Itulog mo nalang 'yan. Nababaliw ka na namang bata ka, hindi ka na makausap ng matino. Manang-mana ka talaga sa tatay mo,” matapos sabihin iyon ay kaagad na lumabas na rin si mama ng kwarto ko.
Habang ako ay naiwan na kinakabahan. Aaminin ko na natatakot ako.
Inilibot ko ang tingin ko sa aking silid at talagang napaatras kaagad ako nang biglang lumitaw ulit ang babaeng iyon. Nakasandal siya sa pintuan ng kwarto ko. Napalunok ako dahil sa takot na aking nararamdaman. Dahil sa nakita ko kanina, sigurado na akong hindi siya tao. At ayokong isipin na multo siya o ano pero wala na akong ibang maibibigay na paliwanag para sa nangyayari.
"Grabe iyong mama mo! Ang dami kong tawa sa kaniya!" At humalakhak pa siya. Hindi ko namang matawa sa sinabi niya dahil kinakain na ako ng takot.
"P*ta! Ano ka ba?!" sigaw ko sa kan'ya habang mahigpit ang hawak ko sa baseball bat na nasa gilid ng kama ko,
Napatigil sya sa pagtawa at napatitig sa 'kin. Mula sa nakangiting mukha niya ay naging seryoso ito. Her face darkened as she tilted her head to the side.
"Tss. Hindi pa ba halata? Bakit ba sa tingin mo hindi ako nakikita at naririnig ng nanay mo? Hindi naman s'ya bulag o kaya bingi 'di ba?" nakangisi niyang turan 'tapos ay lumapit siya sa akin na ikinaatras ko naman.
"P*ta! 'Wag kang lalapit sa akin!" 'tapos ay pinagkrus ko ang dalawang hintuturo ko at tinapat ko sa kan'ya. Ikinatigil niya ang ginawa ko at kahit paano ay ikinahinga ko iyon ng maluwag. Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkakatitigan ang krus na nabuo ng mga daliri ko.
"Hay! Akala ko ba 'di ka Niya pinakikinggan? E bakit ang Diyos ngayon ang sinasangga mo sa akin?" tanong niya habang nakahalukipkip na nakatayo sa harapan ko.
Natigilan ako sa sinabi niya. Iyong sinabi ay ang parehong sinabi ko at ng mga kaibigan ko no'ng maglaro kami ng spirit of the glass. Nanlalaki ang mga mata tinitingnan ko siya. Posible bang siya ang...
"P*ta talaga! Hindi ka totoo! Imposible 'to!” at ipinikit ko ang aking mga mata ng paulit-ulit. Panaginip lang ito. Hindi ito totoo.
“Totoo ako,” sabi niya na ikinadilat na muli ng mga mata ko.
“I-ikaw ba iyong multo na… napalabas namin no'ng naglaro kami ng spirit of the glass?”
Hindi ako naniniwala sa larong iyon pero… Iyon lang naman ang simula ng lahat ng kababalaghan na nararanasan ko at ng mga kaibigan ko.
"Lintik! Kanina pa ako naiirita riyan sa bibig mo. Ilang beses mo na ba akong sinabihan ng P*ta? At correction lang, I am a spirit, hindi multo!" mataray niyang sabi bago naupo siya sa kama ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ko! Ikaw ba iyon ha!? Put----"
"HEP HEP! Ayan na naman 'yang p*ta na 'yan!" at sinamaan niya ako ng tingin. Bahagya namang naumid ang dila ko dahil sa tinging iyon.
"Sagutin mo kasi ako," inis kong tugon.
"OO!" iritable niyang sagot sa akin.
Natameme naman ako sa rebelasyong iyon. Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang takot sa loob ko. Kung s'ya ang mul--- I mean spirit na napalabas namin, ibigsabihing totoo ang spirit of the glass.
Hindi kaya, s'ya rin ang dahilan kung bakit namatay si John?
Dahil sa naisip ko, hindi ko naiwasang madagdagan ang takot na nararamdaman ko. Natatakot ako para sa buhay ko at sa buhay ng pamilya ko. Natatakot ako sa masamang bagay na pwede niyang gawin.
“Bakit ako?”
“Ha?” nagtatakang napatingin siya sa akin dahil sa naging tanong ko.
“Bakit sa 'kin ka nagpakita?”
She stared at me before she smiled.
“Kasi… may tiwala ako sa 'yo.”
Tiwala?

Comentário do Livro (132)

  • avatar
    Maylene Ranada

    sobrang nakaka takot at nakkapang nindig balahibo habag binabasa ko Q no

    2h

      0
  • avatar
    Abegail Alpaño

    3,0000

    1d

      0
  • avatar
    Prince Cejhay Latada

    goods

    3d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes