logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

[Ikalawa] Ang Babaeng Umiiyak

Isang malaking kalokohan ang paglalaro ng spirit of the glass dahil hindi naman ito totoo. Trip lang naman ng tropa kaya namin ginawa iyon. Isang kalokohang napagkatuwaang gawin ng limang teenagers na bored at curious.
Pero, simula ng laruin namin ang spirit of the glass, marami nang mga nangyaring hindi namin maipaliwanag sa buhay ng isa’t isa. Ayokong isisi ang mga kababalaghang naranasan ko sa gabing iyon. Pero… hindi ko maiwasan.
Hanggang ngayon isang palaisipan pa rin sa akin kung bakit at paano gumalaw ang baso? Kahit ang physics ay hindi maipapaliwanag iyon. Paano ito nabasag kahit hindi naman ito nalaglag o natabig? At anong magandang paliwanag sa mga kababalaghang nangyayari sa aming lima?
Hindi ko alam. Hindi namin alam.
"Tita nakikiramay po kami…" sabay-sabay naming sabi nila Kevin, Paul, at Chris sa nanay ni John.
Tatlong araw na rin mula ng laruin namin ang spirit of the glass. At mula no'ng gabing iyon, iba’t ibang hindi maipaliwanag na bagay ang nangyari sa amin. Ito na ang pinakamalala.
Ang pagkamatay ni John.
Oo. Patay na si John. At kahit na sino sa amin, hindi naisip na aabot sa ganito ang mga kababalaghang nangyayari sa amin.
Dalawang araw munang nawala si John bago namin siya natagpuan.
Natagpuan siya sa bakanteng lote sa likod ng school kung saan namin nilaro ang spirit of the glass. Nakabigti siya sa may puno ng mangga habang mahigpit na hawak ang isang kandila. Ito ang parehang kandila na ginamit namin no'ng maglaro kami ng spirit of the glass.
Sinasabi ng mga pulis na nagpakamatay daw ang kaibigan namin. But we know better. I know better.
Wala sa katauhan ni John ang posibilidad na magpakamatay. Kaya naman malaking tanong sa aking isipan kung bakit siya hahantong sa ganitong sitwasyon. Imposible talaga. Malaki ring katanungan kung bakit siya nagpakamatay sa mismong lugar kung saan kami naglaro ng spirit of the glass? Maraming mali sa sitwasyon kaya hindi ko mapaniwalaan ang nangyari kay John.
"Hoy erp!"
Nagulat ako sa biglang pagtapik ni Chris sa balikat ko. Lately, naging magugulatin na ako.
"Huh?"
"Pambihira pare! Kinakausap ka ni tita. Hindi ka man lang pala nakikinig," sabi naman ni Kevin na tinawanan pa ako.
Kaagad akong napatingin kay tita, ang nanay ni John.
"Pasensya na po tita." Napayuko naman ako dahil sa hiya.
"Okay lang iho. Salamat sa pagpunta sa burol ni John ha."
Nang mabanggit ang pangalan ni John, sabay-sabay kaming natahimik. Ramdam mo ang lungkot sa aming lahat.
"Sige mga iho, maiwan ko muna kayo ha! Aasikasuhin ko lang ang ibang bisita."
Iniwan na kami ng nanay ni John. Lahat kami ay pumunta sa lamesang inihanda para sa amin ng nanay niya. Masakit ang pangyayaring ito para sa aming lahat.
"Tol? Naniniwala ba kayong nagpakamatay si John?" pabulong na tanong ni Paul.
Sabay-sabay kaming nagkatinginan dahil sa tanong na iyon. Walang nakasagot at nanatiling tahimik ang lahat.
"Tss. Sabi na, pati kayo hindi naniniwala nagbigti si John." muling sabi ni Paul.
"Bakit naman tingin mo rin hindi nagpakamatay si John?" seryosong tanong ni Chris.
"E kasi naman mga tol. Simula nang mawala si John, sunod-sunod na gabi ko siyang napanaginipan."
Natigilan kami sa sinabi ni Paul. Hindi ko mapigilang mangunot ang noo dahil sa sinabi niya.
“Bakit mo naman mapapanaginipan si John? May crush ka sa kan'ya 'no?” at natawa ako sa sinabi ko.
Masama naman ang tinging ibinigay sa akin ni Paul.
“Ayos nga! Hindi gano'n iyon pare!” at inambahan niya pa ako ng suntok na lalong ikinatawa ko.
“Pwes, anong napanaginipan mo tungkol kay John?” tanong ni Chris.
"No'ng unang gabi, nagmamakaawa siya sa akin. Humihingi s'ya ng tulong sa akin." At napansin ko ang pagkiskis ni Paul sa mga kamay niya, tanda na kinakabahan siya. "Sa ikalawang gabi, sabi niya ay mag-ingat daw tayo. Sinabi niya ring magsimula raw tayong muli para mailigtas. Matapos no'n, nagbigti na siya sa panaginip ko. Kaparehong senaryo kung paano natin siya natagpuan sa likod ng school."
Napahalukipkip ako dahil sa sinabi ni Paul. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kaba.
"Kaya ba naituro mo sa mga pulis kung saan matatagpuan si John?" kumpirmasyon ni Kevin sa nangyari kung paano namin nahanap si John.
Sa dalawang araw na pagkawala ni John, si Paul ang nagsabi kung nasan s'ya. At nang puntahan nga namin ang bakanteng lote sa likod ng school ay natagpuan namin si John na patay na.
"Sabi niya sa akin, kailagan nating magsimula upang maligtas tayo," Paul said before he heaved a deep sigh.
"Simula? Ng ano? Anong kailangan nating simulan?" tanong ni kevin.
"Hindi ko rin alam."
Umalis kaming apat sa burol ni John na malaking palaisipan ang binahaging kwento ni Paul.
Hindi ko mapigilang isipin kung anong tinutukoy ni John sa panaginip ni Paul. Magsimula ulit? Para maligtas kami?
Pinilit kong iwaglit ang labis na pag-iisip sa sinabi ni Paul. Baka nagkataon lang ang lahat. Wala naman sigurong malalim na ibig sabihin iyong panaginip niyang iyon.
Itinuloy ko ang paglalakad pauwi mula sa burol ni John habang malalim na iniisip ang mga nangyayari sa akin at sa mga kaibigan ko. Posible kayang related ang pagkamatay ni John sa larong iyon? Pero hindi naman totoo iyon e. Im--
"SINO YAN!?" at inikot ko ang tingin ko sa aking paligid.
Parang may nasunod sa 'kin. Pero wala namang tao. Nagtayuan ang mga balahibo dahil sa kakaibang takot na naramdaman ko. Mas binilisan ko ang aking paglakad. Sobrang bilis...
Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig akong mga yabag. Kaagad akong tumingin sa likod ko na pinagmulan ng mga kakaibang tunog na ito. Ngunit walang tao.
"P*TA! SINO BA 'YAN!" Sa kabila ng takot ay pinilit ko pa ring lakasan ang loob ko.
Nagulat ako nang humangin ng malakas. Hindi ako ang tipo na mabilis matakot pero sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon…
Nagsimula akong tumakbo ng mabilis nang tila papalapit na ang mga yabag. Malapit na rin naman ang bahay namin. Kailangan ko nalang dumaan sa likod ng school.
LIKOD NG SCHOOL?!
Napatigil ako sa paglalakad sa naisip kong kailangan kong daanan para marating ang bahay namin.
"Kumalma ka. Walang multo!" pagkumbinsi ko sa aking sarili.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Nang nasa tapat na ako ng school ay lalo kong binilisan ang aking paglalakad. Pilit kong iwinawaglit ang takot na nararamdaman ko.
"Tu-Tu-tulungan mo a-ako…"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang hikbi ng isang babae. Napalunok ako nang unti-unti itong lumalakas.
Nilingon ko ang pinanggagalingan ng iyak. At nagulat ako nang makita ko sa ilalim ng puno ng mangga ang isang babaeng nakaputi. Unti-unti itong lumalapit sa akin.
"P*TA! Walang white lady sa balete drive p-pero sa puno ng mangga mayro'n," mahinang sabi ko sa aking sarili habang natulos ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ko magawang makagalaw sa puwesto ko. Kabadong-kabado ako habang pinapanood ko ang nakaputing babaeng palapit ng palapit sa akin.

Comentário do Livro (132)

  • avatar
    Maylene Ranada

    sobrang nakaka takot at nakkapang nindig balahibo habag binabasa ko Q no

    5h

      0
  • avatar
    Abegail Alpaño

    3,0000

    1d

      0
  • avatar
    Prince Cejhay Latada

    goods

    3d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes