logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

Sa mga nag-daang araw naging abala siya sa travel agency nila. Wala ang mga magulang niya ngayon sa Pilipinas, kaya siya ang gumagawa ng mga naiwan na trabaho. Wala naman kasi ibang gagawa kundi siya lang dahil nag-iisang anak siya.
“Ma’am LE, may mga nag-hahanap po sa iyo sa labas,” wika ng secretary nila.
“Sino?”
“Mga reporter Ma’am,” alanganin na saad nito. Nakakapagtaka, bakit siya hahanapin ng mga reporter? Maayos naman ang service ng agency nila kaya malabong may mag-reklamo.
“Ano kailangan nila dito?”
“B-aka po dahil sa boyfriend niyo po kaya nandito sila,” tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “Ma’am, huwag po kayo magagalit sa akin, a--no po kasi noong isang araw ka pa po pinag-uusapan sa social media,” napakamot sa ulo ito, halatang natatakot na.
“Kailan pa ko nagkaroon ng boyfriend?"
“Iyon po kasi ang balita. Tingnan mo na lang po sa newspaper,” inabot nito ang newspaper.
“Magta-trabaho na po ako ulit,” paalam nito.
Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo, pagkatapos niyang mabasa ang laman ng newspaper. Isang tao lang naman ang gagawa nito, walang iba kundi si Draven. Gusto talaga siya ipahiya nito, madami pa naman tsismosa dito sa Pilipinas, kahit hindi totoo ang kwento ikalalat pa. Pero batid niyang sa mga oras na iyon walang ibang tao sa lugar na iyon. Alangan naman dumayo pa doon ang reporter upang kunan lang sila ng larawan habang hinahagkan siya ni Draven. Baka naman nagsama talaga ng reporter si Draven, hindi niya matatanggap kung totoo ang hinala niya. Inalam niya kaagad kung anong address ng office nito, susugurin niya ang unggoy na iyon.
“Miss Valle, paalisin mo na ang mga reporter. Kapag hindi umalis tumawag ka ng pulis.”
“O-po, Ma’am.”
Malamang kung hindi siya anak ng may-ari ng agency baka pinag-uusapan na siya ng mga empleyado nila at takot din ang mga ito dahil batid ng mga ito na masungit siya. Subalit, hindi maaaring manahimik lang siya, lumabas na siya sa office nila dahil alam niya na kung saan niya pupuntahan si Draven. Pasakay na sana siya ng kotse nang makita siya ng isang reporter, bago pa ito makalapit pinasibad niya na ang sasakyan. Pag-dating niya sa Garth Properties Corporation, diretso siyang pumasok subalit napansin siya ng guard kaya hinabol niya.
“Ma’am, sandali lang po,” hindi niya ito pinansin.
“Excuse me, anong floor ang office ni Draven?” tanong niya sa receptionist.
“May appointment ka po ba sa kanya?” tanong ng receptionist. Hindi niya gusto ang tono nang boses nito pero pagpapasensiyahan niya na lang.
“Wala, may pag-uusapan kaming mahalagang bagay. Kaya sabihin mo na kung anong floor.”
“Sorry Miss, pero hindi ka maaaring pumunta sa office ni Sir, guard palabasin niyo na siya.”
“Ma’am, pasensya na po pero umalis kana po. Bawal po kasi mag-papasok ng walang appointment,” saad ng guard.
Nanggigigil siya sa inis, nandito na siya. Bakit pa siya aalis? Akmang hahawakan ang braso niya ng guard tinabig niya ang kamay nito.
“Subukan niyo lang kaladkarin ako palabas, magkakagulo tayo dito!”
“Miss, ipapapulis ka namin kapag nag-eskandalo ka dito,” pananakot ng receptionist.
“Eh! Tumawag ka ng pulis! Tinatakot mo ba ako?”
“Hindi ka namin tinatakot talagang gagawin namin. Bakit kasi hindi niyo nakita na may pumasok na babae? Hindi niyo ginagawa ng maayos ang trabaho niyo,” tumaas ang kilay niya. Makapag salita ang receptionist na ito akala mo boss. Kung empleyado niya lang ito baka nasesanti niya na, nabuwisit siya sa ginagawa nitong panenermon sa mga guard. Anong karapatan nito manermon, hindi naman ito ang nagpapasahod sa guard. Pansin niya rin na madami ng guard ang nakapalibot sa kanila.
“Empleyado ka lang dito Miss, huwag kang magsalita ng ganyan sa mga guard. Eh! Kung sinabi mo na sa akin kung anong floor ang office ni Draven, hindi na tayo aabot sa ganito.”
“Bakit ko sa iyo sasabihin? Lalo’t alam ko isa ka sa mga babae na naghahabol kay Sir, bawal ang pawalk dito! Alis!” saad nito. Nandilim ang paningin niya sa narinig, kahit kailan hindi siya naging pawalk. Kaunti na lang didikit na ang palad niya sa pisngi nito ngunit hindi niya ito nasampal dahil may sumangga.
“Hindi matutuwa si Draven, sa gagawin mo.”
“Umalis ka diyan! Kung ayaw mong ikaw ang sapakin ko!” sagot niya sa lalaki. Pakialamerong lalaki na ito, binitawan nito ang pulsuan niya.
“Si Draven, lang naman ang kailangan mo, diba? Hindi mo na kailangan mang-away ng empleyado dito.”
“Para sabihin ko sa iyo hindi ako nang-aaway iyang babae na iyan ang nagsimula. Pag-umpugin ko sila Draven, eh!” naiiritang wika niya. Ngumiti ang lalaki, walang nakakatawa sa sinabi niya.
“Okay, sumunod ka sakin.”
“P-ero Sir Gavyn-----”
“Magpaliwanag ka mamaya kay Draven, girlfriend siya ng pinsan ko,” inirapan niya ang babae. Sumunod siya kay Gavyn, pero bakit pati ito naniniwala sa tsismiss? Wala siyang imik hanggang sa makarating sila sa 15th floor. Pumasok na sila office ni Draven, nadatnan niyang may mga kasama itong lalaki. Ang kilala niya lang si Nike at Cole pero iyong dalawa hindi.
“Tabi!” utos niya. Nasa likod siya ni Gavyn, tumabi naman ito. Binato niya ng red stilleto si Draven, muntik na ito matamaan. Supladong bumaling sa kanila ni Gavyn, si Draven. Kung badtrip ito mas badtrip siya, hinubad niya ang isa pang suot niyang stilleto binato niya ulit ito ngunit nasalo nito. Sa inis niya nilapitan niya ito at sinampal ng malakas, wala siyang pakialam kung nakita ng mga kaibigan ni Draven, ang ginawa niya.
“Gav, bakit mo hinawakan ang kamay niya?” supladong tanong ni Draven.
“Sinangga ko lang naman ang sampal niya sa receptionist. Huwag kang mag-alala hindi ko siya aagawin sa iyo. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng girlfriend na tiger,” natatawang sagot ni Gavyn.
“Hoy! Hindi ako tiger!” sabi niya.
“Paamuhin mo nga iyang girlfriend mo,” wika ni Gavyn.
“Aba! Linawin ko lang hindi niya ako girlfriend,” hinila niya ang necktie ni Draven. Sasakalin niya talaga ito kapag hindi nito sinabi ang totoo.
“Sasabihin mo ba ang totoo sa kanila o hindi.”
“T-o-too na—man kasi na girlfriend k-ita,” hinigpitan niya pa ang necktie nito.
“Maawa ka naman sa pinsan ko,” wika ni Gavyn.
“Bakit ako sa kanya maaawa?”
“Tingnan mo nga hindi na makahinga. Gulpihin mo na lang siya araw araw.”
“Kalokohan!” hinigpitan niyang lalo. Sinagad niya talaga bago niya bitawan ang necktie, napaubo si Draven.
“Buti buhay kapa bro.”
“Shut up! Nike.”
“Under ka pala bro, pero bakit hindi namin alam na may girlfriend kana? Hi Chester pala.”
“Hoy! Padugoin ko iyang bibig mo, sabi ng hindi ko boyfriend si Draven.”
“Sweetheart, relax lang,” narindi siya sa boses ni Draven.
“Tumahimik ka!”
“Umalis na nga kayo. Lalo nahi-highblood ang Sweetheart ko,” pagtataboy ni Draven, sa mga kaibigan.
“Gusto mo lang masolo si LE,” saad ni Nike.
“Pagbigyan na natin si Draven,” wika naman ni Gavyn. May binigay si Gavyn kay Draven, hindi niya nakita kung ano iyon. Nagulat na lang siya ng biglang iposas ni Draven, ang kanang kamay niya at ang kaliwang kamay nito.
“Hoy! Alisin mo ito!” galit na utos niya.
“Bye bro! Enjoy,” nakangiting wika ni Chester, naglabasan na ang mga ito.
“Draven!!!” gigil na sigaw niya.
“Wala sa akin ang susi na kay Gav.”
“Hindi ako naniniwala, nasa iyo ayaw mo lang ibigay sa akin.”
“Sweetheart, kahit hubaran mo pa ako wala kang makikitang susi,” nakangising wika ni Draven. Hinablot niya ang bote ng alak binasag niya, tinutok niya sa leeg ni Draven, ang basag na bote.
“Ibibigay mo ang susi o sasaksakin ko ang leeg mo!”
“Gawin mo,” sa inis niya binalibag niya ang bote. Alam kasi nito na hindi niya kayang gawin. Nangbasag siya ng gamit sa loob ng office nito iyong maaabot niya lang.
“Tapos kana ba mambasag ng gamit?” nababagot na tanong nito. Nahagip ng mata niya ang laptop nito, nakita niyang may ni-replay si Draven, iyong nangyari kanina pinapanood ulit nito. Ibig sabihin kanina pa nito alam na nandito siya, bakit hindi siya nito pinuntahan kanina? Sana hindi pa siya napagod makipag-away sa receptionist.
“Akin na iyang laptop mo babasagin ko!”
“Sure, kung maabot mo,” sa kanan kasi nakalagay ang laptop hindi niya talaga maaabot dahil nilalayo ni Draven.
“Kaya nga hinihingi ko kasi hindi ko maabot tapos ipapaabot mo sa akin! Ayos ka rin, noh?”
“Sweetheart, bakit kaba gigil na basagin ang laptop ko?”
“Eh! Sa gusto ko basagin. May magagawa ka ba?”
“Wala, hmm dito ka muna.”
“Hindi! Uuwi na ko,” hinila niya ito. Pero ayaw nito magpahila naghanap siya ng maaaring makaputol sa posas. Makita niya lang talaga ang damuhong pinsan ni Draven, itatali niya talaga sa poste.
“Ano? Wala ka bang balak diyan tumayo! Habulin natin ang pinsan mo upang makuha na natin ang susi!”
“Nakaalis na si Gav, hindi na natin mahahabol iyon.”
“Problema ba iyon! Sundan natin.”
“May pupuntahan iyon.”
“Ang dami mong dahilan tawagan mo na lang kaya. Pabalikin mo siya dito, kung ayaw mo ako na ang tatawag iabot mo sa akin ang cellphone mo,” inabot naman nito ngunit hindi niya macontact si Gavyn.
“Nanadya ba iyang pinsan mo? Mali itong ginagawa niya.”
“Bakit naging mali?”
“Basta mali!” sagot niya. Sa ilalim ng table ni Draven, may drawer binuksan niya baka may makita siyang pwedeng ipangputol. Nanlaki ang mata niya nang may makita siyang baril, sinara niya ulit.

Comentário do Livro (73)

  • avatar
    Mitz Chesca

    so awesome and I love you

    4d

      0
  • avatar
    SisterJericho

    great

    14d

      0
  • avatar
    Edith Escobel

    because the story is so beautiful I'm going to happy to story is so very I'm happy to reading the story

    29d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes