logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

THE RED MASK

THE RED MASK

Gina A.


THE RED MASK Gina A. Chapter 1

MONTICELLO. Isang bayan na sakop ng Marindugue, malayo ito sa kabihasnan at tahimik, ang tingin nang mga taong naninirahan dito ay isang paraiso ang kanilang lugar.
Ang bayan ng Monticello ay pag-aari ng pamilya ni Leiden Monticello, ipinamana sa kanya ng magulang ito.
Ang Monticello mansion, nakatayo sa malawak na lupain para itong paraiso dahil napapalibutan ito ng mga ibat-ibang uri ng bulaklak, puno mga berdeng tanin, tubo, kapehan at niyugang. At marami pang iba. Bago ka makarating dito madadaanan mo pa ang isang bundok na sinasabi ng mga taga Monticello may kababalaghan daw na nangyayari rito, pero hindi nila alam kung ano nga ba ito ang tanging nakakaalam ay ang mga lumang tao noon. Wala naman naniniwala sa sabi-sabi o lumang kuwento dahil nasa technology na ang mundo.
Masayang naghahapunan ang  pamilya Monticello. Lima ang anak nila Clara at Leiden, ang bunso ay si Shola isang buwan sanggol. Mabait ang pamilyang ito kaya naman maraming na iingit sa kanila isa na rito ang angkang ng mga Morale. Ang gusto nila sila ang mag hari sa kanilang bayan. At angkinin ang buong Monticello.
"Mga anak, kumain pa kayo, lalo ka na, Camille. Ang payat mo ah, nagda-diet ka ba ha, Anak?"
"Mommy, no talagang ganito na ang katawan ko mula noon di ba? O, nasa lahi lang natin ang may sexy figure," sabay ngiti nito.
"You are right Anak, ang Mommy ninyo ang sexy niya di lang sexy, maganda na at mabait pa at higit sa lahat mahal na mahal niya ako. At sobra naman ang pagmamahal ko sa kanya!"
"Dad, halata naman eh, look kahit na fifteen na si Danver, hayan oh si Shola, the evidence both of you love each other."
"Sana, Mommy, Daddy, last na si bunso, matanda na kayo, eh."
"Hey, who told you that we are old ha, Danver?" saway ni Leiden sa anak.
"My classmates Dad, kasi nasa forties na kayo ni Mommy, but still we have a baby sister."
"Don't mind them Anak, kasi kami ng Mommy mo nagmamahalan ng wagas, lagi mong tatandaan ito."
"Okay, Dad, I know that naman eh, kaya lang nakakailang, ba."
Wala naman imik ang ibang anak nila they just listen what they are talking at napapangiti na lang ang mga ito. Biglang umiyak si baby Shola.
"Mommy, I think baby, Shola. Is hungry?"
"Yup, she's hungry, Amina. Halika ka muna rito," tawag ni Clara sa kasambahay nila.
"Bakit po, Ate?"
"Kunin mo muna si Shola, timplahan mo ng gatas pagkatapos kung kumain kukunin ko siya sa iyo, ha."
"Opo, Ate." Kinuha agad nito ang baby inakyat sa taas.
Nasa kalangitnaan sila ng kanilang hapunan nagulat na lang sila nang may pumasok na mga armado sa bahay nila.
"Magandang gabi sa inyo, puwede ba kaming makikain?" nakangising sabi ng isang lalaki.
Napatingin ang mag-anak sa mga ito napatayo agad si Leiden."Sino kayo? At papaano kayo nakapasok dito?"
"Ako ang kasama nila," sabat ng isang lalakinh kapapasok sa kusina.
"Fernan Morale?" Naikuyom ni Leiden ang kamao ng makilala ang lalaki.
"Yes, ako nga hindi ba ako welcome rito sa bahay mo ha, Leiden?"
Naglalabasan ang ugat sa leeg ni Leiden sa sinabi nito."Ang isang katulad mo ay hindi welcome sa pamamahay ko, umalis na kayo," galit man siya pero malumanay pa rin ang pananalita ni Leiden.
Ngumisi ito."Hindi mo ba ako aalukin na kumain man lang ha, Leiden?" pang aasar nito.
"Please lang, umalis na kayo!" sabat ni Clara.
Napatingin si Fernan kay Clara."You are still beautiful, Clara. Nothing change you look young." Hinagod nito ng tingin ang nakaupong si Clara."And sexy."
"Mommy, "Daddy!" may takot na saad ng mga anak nila.
"What do you want, Fernan?"
"Your life, all of you!" walang gatol niyang sabi.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Fernan. Still have a demon mind!"
"Oh yes, I have brilliant mind, kaya nga ginagamit ko ito, Leiden, in good way."
"You want ours life for what? Wala naman ginagawang masama si Daddy sa inyo ha!"  Denver said in angriest voice.
"Oh young boy, you are so smart, pero sayang you would not use it anymore!"
"Clark, run with your sisters and brother!" utos ni Leiden sa anak.
Tumalima naman agad ito sa utos ng ama pero may mga tauhan si Fernan sa mga pinto kaya nahawak ng mga ito ang apat na bata. Lahat ng mga kasambahay nila wala ng buhay pa.
Napahalakhak si Fernan."Sabi ko naman sa iyo. I have brilliant mind di ba, nakaplano ang lahat wala ni sino man sa inyo ang makakatakbo o makakatakas sa akin. sige na, let's the show begin!" sigaw nito.
"Boss, balato mo naman sa amin ang mga babae!"
"Gago, wala sa plano iyan, mabait pa rin ako sa kanila, subukan mong gawin para mauna ka sa hukay sa kanila," banta nito sa tauhan.
"Pero, boss sayang ang ganda pa naman nila."
"Gago!"
"Hayop ka, Fernan!" ng kakalaiti sa galit si Leiden pero wala siyang magawa dahil marami itong tauhan na nakapalibot sa kanila.
Ngumisi lang ito."Ano pang hinihintay ninyo game na unahin ninyo ang mga bata at si Clara, para makita mo Leiden, kung paano mawalan nang mahal sa buhay, at huwag kang mag-aalala magsama-sama pa rin kayong lahat."
"Ahhh! Napakahayop mo, Fernan. Huwag mong idamay ang mga bata. Wala siyang kasalanan sa iyo!"
Umupo ito sa lamesa saka kinuha ang hita ng fried chicken."Hmmm, nice movie to watch." Kinagat nito ang hawak na hita ng manok.
"Fernan, maawa ka sa mga bata huwag sila. Kami na lang ni Leiden. Huwag sila please!" pagmamakaawa ni Clara sa lalaki.
Umiling-iling si Fernan."No, mas maganda kung magsama-sama kayo, family stay together, happy together di ba! At pa rin narin wala na kayong iisipin pa, maging maligalig lang ang inyong kaluluwa dahil iniisip ninyo ang mga bata eh, magmumulto pa kayo. Matatakot ang lahat ng tao dito sa Monticello."
"Daddy, "Mommy, help!" nag-iiyakan sabi ng mga bata.
Kahit na gusto ni Leiden na puntahan ang mga anak. Yakapin sila sa sabihin daddy it's here huwag kayong matakot.
Leiden and Clara, feel the pain sa nakikita nilang naghinirap ang mga anak. Napapikit si Clara ng makitang itinarak nang isang lalaki ang patalim na hawak nito sa mga bata.
Nagpupumiglas si Leiden kaso tatlong tao ang humahawak sa kanya."Ahhh! Demonyo ka, Fernan! Hayop ka! Hayop ha!" Habang nagsisisigaw siya umaagos ang kanyang luha.
Kung puwede lang para kay Clara sina na ang unang pinatay ng mga ito. Unti-unting naninikip ang kanyang ang kanyang dibdib. Bago dumilim ang kanyang paningin sa sulok ng mata nakita niya si Amina na karga-karga ang bunsong anak."God, please let her alive kahit na ang Anak ko lang," piping dasal niya bago pumikit ang kanyang mata.
Lumapit si Fernan kay Leiden."Para naman makumtento ako. It is my pleasure to take your life, Leiden Monticello. Ito iyon hinahangad kong pagkakataon nawala ka sa mundong ito, sa mismong mga kamay ko!" Itinarak niya ang patalim sa mismong tapat ng puso ni Leiden."Hmmm! Hmmm! Hmmm!" Ibinaon niya nang mabuti ang hawak na patalim."Ahhh! Good!" Sabi nito nanghuguting nito ang patalim.
Kitang-kita ito ni Amina ang lahat pagbaba niya dala ang baby mabuti na lang nakatago siya sa ilalim ng hagdanan.
"Walang ititirang Monticello!" ani Fernan.
Sa narinig ni Amina dahil abala ang mga ito hindi nila napansin ang dalagang takot na takot pero nagawa pa rin tumakbo papalabas ng bahay. Nang nasa gate na siya saka palang may nakakita sa kanya.
"Boss, may tumatakas dala ang bata!"
"Ano? Habulin siya, walang dapat na nakakaalam nito, patayin sila!"
Paglabas ng gate ni Amina mabilis na tumakbo at pumasok sa kakahuyan. Umiiyak ang sanggol dahil nahahampas ito nang mga sanga.
"Naroon siya!" sigaw ng mga lalaki.
"Baby, Shola. Tahan na para hindi nila tayo makita!" Patuloy ang pag-iyak nito kung saan-saan nagsususuot si Amina para lang mailigaw ang mga humahabol sa kanila. Malayo na rin sila sa Monticello mansion.
Dahil madilim ang tangin ilaw ay ang liwanag ng buwan maaninag lang ni Amina kung saan siya naglululusot.
"Habulin ninyo huwag hayaan makatakas!" sigaw ni Fernan.
"Diyos ko po iligtas mo kami o kahit si baby Shola, na lang po hayaan mo siyang mabuhay." Lumuluhang dasal ni Amina.
Pagod na rin si Amina at hindi alam kung saan siya dadalhin ng kanyang pagtakbo. Dahil narin sa kapaguran napahinto na siya sa pagtakbo tamang nasa gilid ng bangin na pala siya nahinto. Dito na siya naabutan ng mga lalaking humahabol sa kanila.
"Gaga, kang babae ka pinagod mo pa kami, magpapahuli ka rin lang naman pala!" Hinihigal ang mga ito.
Hinihingal na sumulpot si Fernan."Akin na ang bata!"
"Hindi. Hindi ko siya ibibigay sa inyo!"
"Puwes, magsama kayong mamamatay!" Kinalabit agad ni Fernan ang baril umaligawgaw ang sunod-sunod na putok.
Mabilis naman ang naging kilos ni Amina, alam niyang hindi sila bubuhayin ni Fernan, kasabay ng pagputok ng baril tumalon na siya sa bangin kaso tinamaan pa rin siya.
Tangin palahaw ng sanggol at sigaw ni Amina ang narinig sa katahimikan ng gabi sa bayan ng Monticello.

Comentário do Livro (66)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    willa

    15h

      0
  • avatar
    Bj Prado

    magangda

    6d

      0
  • avatar
    Cecil Alburo

    nice

    19d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes