logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 6 Five

WALANG AWAT sa katatawa si Astrid nang banggitin ni Pierre dito ang tungkol sa dalaga at sa pagkakamali nito sa kanila bilang mag-asawa. Pero hindi niya binanggit dito ang tungkol sa halik. Nasa veranda sila at umiinom ng kape.
"So tama pala ako na inakala niyang ikaw ang ama ng baby ko?" Nang makabawi ay tanong nito na tinanguan lang niya. "Bakit nga naman hindi e, dito ako nakatira sa bahay mo," dagdag pa nito.
May dalawang buwan na rin na nakatira sa bahay niya si Astrid. Nakiusap ang pinsan niya na nobyo nito na doon patigilin ang babae habang wala ito dahil sa maselan ang pagbubuntis nito. May mga bagay lang na inaasikaso ang pinsan niya sa negosyo at plano nitong mag-propose na ng kasal.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo? I'm sure she'll be very happy. Alam kong may gusto pa rin siya sa'yo. I saw it in her eyes." Hindi siya sumagot at humigop na lang ng kape. Alam niyang may gusto pa rin ito sa kanya at 'yon mismo ang problema. Hindi lang 'yon pati na rin ang nasabi niya rito noon. Na hindi niya ito magugustuhan kailanman dahil sa edad nito. Mas mabuti nang iyon ang nasa isip nito.
Pagkatapos magkape ay umalis na siya para pumunta sa farm niya sakay ng owner-type jeep. Magha-harvest sila ngayon ng mangga para ipadala sa kabilang bayan. Isa pa ay nakisuyo ang abuela ni Vienna na samahan niya ito sa lugar kung saan gaganapin ang kaarawan ng huli.
NAGISING si Vienna dahil sa katok sa pintuan ng kwarto niya. Hindi siya sumagot o kumilos man lang at nanatiling nakapikit. Inaantok pa siya dahil umaga na ng makatulog siya. Magdamag siyang binulabog ng ginawa niya.
"Vienna, apo bumangon ka na at may pupuntahan ka," anang boses ng abuela. Alam niyang nasa loob na ito ng silid niya at hindi na siya nag-abala pang magmulat ng mata. Mayamaya ay naramdaman niya ang sikat ng araw sa balat niya at nasilaw siya kahit nakapikit. Itinakip niya ang braso sa mukha saka napipilitang bumangon.
"Where am I going Lola? I'm still sleepy."
"Pupuntahan mo ang lugar na pagdadausan ng birthday mo. Apat na araw na lang bago ang birthday mo kaya puspusan na ang paghahanda namin," umupo ito sa tabi niya sa kama. "The invitations are ready and we sent it to your friends, our relatives and neighbors. Aren't you excited? Four days from now you're already an adult, a beautiful young lady. And pwede ka ng ligawan." Nakangiting saad ng abuela.
Sa dami ng sinabi ng abuela ay wala siya ni isang nasagot. If she were to ask gusto na lang niyang bumalik sa Manila. Gusto na lang niyang takasan ang lahat ng nandito.
"I know something's bothering you, Vienna. You're an adult now you should face your problems instead of running away from it." Turan nito na parang alam kung ano ang iniisip niya. Masuyo nitong hinimas ang buhok niya at tumango bago tuluyang nilisan ang silid niya.
Napabuntong-hininga siya. An adult shouldn't run away from any problems and face it bravely instead. Tumayo siya at pumasok ng banyo para maligo.
Matapos ang higit isang oras ay pababa na siya ng hagdan suot ang spaghetti strap red dress at stilleto niya. Dumiretso siya sa garden ng matanawan ang abuela.
"Good morning everyone!" Nakangiting bati niya nang makitang naroon din ang mga magulang, si Gio at Klein.
"What the hell are you wearing Vienna Rivas?" Palatak ng mommy niya nang nakita siya.
"Bakit? Anong problema sa suot ko mom?" Umikot pa siya sa harapan ng mga ito. Umiiling-iling ang daddy niya pati na rin si Gio. Wala namang reaksyon ang Lola niya. Samantalang si Klein ay nakangiti lang. "Go back to your room and change!"
"Why mom? I don't see any problems with my look?" Pagprotesta niya. Tumayo si Gio at lumapit sa kanya. Hinigit siya nito pabalik sa kwarto niya.
"Napaka-revealing kasi ng suot mo gagi!" Anito.
"Pero ito ang in na fashion alam mo 'yon!" Pagkabukas ng pinto ng kwarto niya ay itinulak siya nito.
"We are in a province remember?" Pagkasabi ay isinara na nito ang pinto. Oo nga pala. Pumili na lang siya ng simpleng jeans at turtleneck blouse. Pero hindi niya pinalitan ang paborito niyang stilleto. Suot ang boho sling ay bumaba na ulit siya.
"Ayos na ba... 'to?" Natigilan siya nang makitang nakaupo si Pierre sa metal chairs sa kaibayo ng daddy niya. Napatigil din ito sa pag-inom ng tubig nang makita siya. Bumaba ang tingin nito sa paanan pabalik sa mukha niya bago tuluyang lumagok ng tubig.
"Kahit anong isuot mo ay bagay sa'yo," ani Klein na sinuklian lang niya ng tipid na ngiti. Lumapit siya sa kinaroroonan ng mga ito at pakiramdam niya anumang oras ay matatapilok siya. Sanay naman siyang magsuot ng stilleto pero dahil sa naiilang siya sa paraan ng pagtitig ni Pierre ay hindi niya magawang maglakad ng maayos.
"Shall we go?" Tanong niya sa Propesor nang makalapit dito.
"Si Pierre ang sasama sa'yo iha," anang abuela.
"Akala ko ay kayo po ang sasamahan ko 'Nay?" nagtatakang baling ng binata sa ginang.
"Naku, sinumpong ako ng rayuma kaya hindi ako pwede." Anito habang hawak ang mga tuhod. "Samahasn mo na lang si Vienna para hindi siya maligaw."
"Kaya kong pumunta mag-isa Lola or pwede akong samahan ni Klein. Baka nakakaistorbo tayo kay... sa kanya. Isa pa ay marami SIYANG inaasikaso." Pati sa pangalan ay nahihirapan na siyang tawagin ito.
"Hindi mo na alam ang pasikot-sikot dito sa atin kaya kailangan mo si Pierre. Isa pa, wala naman siyang ginagawa. 'Di ba iho?" Baling nito sa lalaki.
"Sasamahan na kita," anito sa kanya. Tumango lang siya pero ang tingin niya ay nasa ibang direksyon.
"Isasama ko si Klein para naman makapamasyal siya. Ikaw Gio? Sasama ka ba?" Nagkunwari siyang masaya pero ang totoo she felt awkward at hindi niya alam kung bakit.
"Pass muna ako sa awrahan na 'yan. Gusto ko munang maka-bonding si Auntie at Mamita." sagot ni Gio na ikinangiti ng mommy niya.
"Lumakad na kayo nang makabalik kayo ng maaga," humalik siya sa pisngi ng abuela at ng mga magulang saka naglakad papunta sa naghihintay na sasakyan. Isang itim na Toyota Corolla ang dala nito. Napaisip siya kung nasaan ang owner type jeep nito. Nilingon niya si Klein na nasa likuran niya at nakita niyang abala ito sa telepono nito.
"Klein may problema ba?" Tumigil siya sa paglalakad para tingnan ito.
"I think I can't go with you. I have an urgent meeting with the other Professors. I need to go back to Manila now."
"Ha? Ngayon na? Gusto mo ba sumama ako sa'yo?"
"No. No need. Babalik din ako agad after the meeting. Don't worry I'll call you. I have to go." Hindi siya nakahuma ng halikan siya ni Klein sa noo at tumakbo na ito pabalik sa bahay nila.
Natigilan siya at natulala ng ilang segundo dahil sa kabiglaanan sa ginawa nito. Hindi niya alam kung bakit ginawa 'yon ng binata.
"Sasama ka ba o tutulala na lang riyan?" Natauhan siya ng marinig ang baritonong tinig na 'yon ni Pierre. Naglakad na siya at lumulan sa sasakyan. Ipinagkibit balikat na lang niya ang ginawa ni Klein.

Comentário do Livro (29)

  • avatar
    Elvie Bullido

    ganda saan ang ka sunod

    27/05

      0
  • avatar
    Mai Mai Jumawan Babor

    its amazing

    11/04

      0
  • avatar
    Andrada Inggal

    zjxbxyskeiyfpizkhkyszgkc86$"-(in sha'allah bang wees mag jy geen beheer gehad na haar dood na n kuting y in sy huis Charlene van help me make it easier for hadiya in nag wakker geword in sha'allah dayang in sha'allah bang man tumaod the first hfoiey die urouroruoruoruoduourofuouroduoruoduoduoudoduoeuodyodyoudoeuodyodyoydozgjhflgxjxbkdhkbxkkdyxhkdhkfhkhkc in sha'allah in sha'allah in Suid-Afrika vind plaas deur pa ako makakaton wy kaw dih mg kalium food security village San Francisco Goya in pa n

    07/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes