logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Capítulo 4 Three

NAGPALINGA-LINGA si Vienna sa paligid nang tumigil ang owner type jeep na sinasakyan nila sa harap ng isang maliit na boutique. Kanina pa nakakunot ang noo niya dahil sa sinabi ng abuela kaninang umaga. Bakit sinabi nitong hindi niya alam ang pupuntahan gayong suki na sila sa boutique na ito? Hindi pa naman gano'n katagal siyang nawala para makalimutan ito agad.
Hindi na niya hinintay na tulungan siya ng binata at nauna na siyang bumaba ng sasakyan habang nakatuon ang atensyon sa telepono niya. Binabasa niya ang mga message ni Gio at Klein sa ginawa niyang group chat. Hindi niya napansin na nasa harapan niya ang lalaki kaya nabangga niya ito at hindi sinasadyang naapakan niya ang paa nito.
Mahina itong napamura at napatalon-talon habang nakaangat ang paa. "P-pasensya na. Hindi ko sinasadya," hinawakan niya sa braso si Pierre at inalalayan na pumasok sa loob ng boutique. Tinulungan siya ng staff ng boutique na paupuin ang binata. Yumuko siya para tanggalin ang sapatos nito nang pigilan siya nito.
Nang tingalain niya ito ay nahuli niyang sa iba ito nakatingin at butil-butil ang pawis nito sa noo. Nang ibaba niya ang tingin sa tinitingnan nito ay napagtanto niya kung saan ito nakatitig. He's looking down to her plunging neckline red blouse. Nakayuko siya kaya alam niyang kitang-kita nito ang dibdib niya. Idagdag pa na silicone nipple cover lang ang suot niya.
Dali-dali siyang tumayo at inayos ang suot niya. Para namang natauhan ang binata at nag-iwas ng tingin. "Pasensya na ulit," aniya.
Tumayo ito at walang lingon-likod na lumabas ng establisyemento. Saka lang siya nakahinga nang mawala ito sa paningin niya. Manipis ang suot niya at air conditioned naman ang lugar pero sobrang init ng pakiramdam niya.
Habang sinusukatan siya ay wala siya sa sarili. Lumilipad ang isip niya sa kung saan. Hindi mawala sa isip niya ang reaksyon ni Pierre kanina. Manyak! Sigaw ng utak niya. Ano na lang ang sasabihin ng nobya o asawa nito kapag nalaman na pinagpapawisan ito sa katitingin sa dibdib ng babae? Napaismid siya sa naisip. But on second thought parang may kasayahan na umusbong sa loob niya. Kung gano'n ay naaakit na ito sa kanya. Dahil sa naisip ay may pilyang ngiti ang sumilay sa labi niya.
Matapos ang appointment niya ay masaya siyang lumabas ng boutique para hanapin ang binata. Pero agad naglaho ang ngiti niya nang makita kung sino ang nakaupo sa shotgun seat ng owner type jeep. Samantalang nakasandal sa labas no'n ang lalaki at mukhang hinihintay na siya.
"Nandito ka na pala ulit," anito at bumaba ng sasakyan. Dali-dali naman itong inalalayan ni Pierre. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lumalaking tiyan ng babae.
"Y-you're pregnant?" Paniniyak niya.
"Yes. I'm on my fifth month," Masayang turan ni Astrid. "Ikaw kumusta ka na? Dalaga ka na at ang ganda-ganda mo," wala na ang taray sa mukha nito. Ramdam niyang sincere ito sa mga sinabi nito.
"Tara na. Baka mahuli ka sa check up mo," anang binata kay Astrid. Inalalayan ito ng una na makalulan sa passenger seat.
Napalunok siya at parang may bumikig sa lalamunan niya. Hanggang ngayon pala ay ang mga ito pa rin at ang patunay ay ang bata sa sinapupunan ng babae. Hindi na siya umimik at parang naging sunod-sunuran na lang nang pumunta sila sa isang pribadong klinika.
Nang makarating sila sa clinic ay hindi na siya nag-abala pa na samahan ang mga ito sa loob. Bakit pa? Para makita niya kung paano alagaan ni Pierre ang asawa nito? Kung gaano ito kasaya na magkakaanak na ito?
Napakurap ang dalaga nang maramdaman ang pagtulo ng luha galing sa mata niya. Pati dibdib niya ay naninikip. How come na apektado pa rin siya? Pero naka-move on na siya. Or all this time kinukumbinsi niya lang ang sarili niya na naka-move on na siya. Pero ang totoo nakatago lang pala sa isang sulok ng puso niya ang damdamin niya para sa binata. At ngayon lalong tumindi 'yon.
Dali-daling inilabas ni Vienna sa sling bag niya ang sunnies at isinuot 'yon nang makitang palapit na sa sasakyan si Pierre at Astrid. Hindi nila pwedeng makita na umiiyak siya.
"Nakakatuwa ang sinabi ng doktor 'di ba, Pierre? Ang likot-likot daw ng baby ko sa tiyan," masayang pagkukwento ni Astrid. Nang makaayos ito ng pwesto sa passenger seat ay sinigurado pa ng binata na komportable ito at naglagay ng pillows sa magkabilang gilid. So 'yon pala ang purpose ng mga pillow na nakita niya. Napakaswerte ni Astrid dito.
"Pwede bang mauna na 'ko sa inyo? May lakad pa kasi kami nila Klein," pagdadahilan niya.
"Ha? Ihahatid ka na namin Vie, wala na naman kaming ibang pupuntahan,"
"H-Hindi na kailangan. Pasensya na naabala ko pa kayo. Baka kailangan na magpahinga ng baby niyo. Salamat sa pagsama sa'kin Pierre. Sige." Hindi na siya nag-abala pang hintayin ang sagot ng mga ito at nagmamadaling naglakad palayo. Hindi niya nakita ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ng dalawa.
Nalibang sa paglalakad si Vienna at nakarating na pala siya sa plaza ng bayan nila. May mga tindahan na sa gilid ng daan dahil malapit ng magsimula ang taunang pagdiriwang ng AniLag o "Ani ng Laguna", kung saan ipinagdiriwang ang masaganang ani. Muntik na niyang makalimutan na pagkatapos ng kaarawan niya ay ang pagsisimula naman ng nasabing festival.
She used to be here when she was young. Kung hindi ang abuela ang kasama ay ang mommy at daddy niya. Pero mas madalas niyang niyayaya ay si Pierre. Madalas nilang gawin ay ang kumain at bumili ng souvenir sa stall ng mga bayan na nag-participate sa festival.
"Beshy...!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya si Gio kasama si Klein. Kumaway siya sa mga ito at tumawid sa kalsada.
"Buti at hindi kayo naligaw papunta dito?" aniya nang makalapit siya.
"Nope. We took a trike going here. Hindi na kami nagdala ng sasakyan dahil sabi ni Lola malapit lang daw and she's right." Ani Klein habang pinupunasan ang butil ng pawis sa noo niya. Dapit hapon na pero tirik pa rin ang araw.
"Anyway, buti nakapunta kayo dito. Akala ko ba isasama kayo ni Lola sa ancestral house?"
"Naku! Ewan ko ba kay Mamita kung bakit hindi na lang kami ang pinasama sa'yo! E, hindi naman siya umalis ng balur kaya napanis lang ang beauty ko!" Umiirap na palatak ni Gio.
Hindi nagsalita si Vienna sa narinig. Anong gustong iparating ng Lola niya nang pilitin nito na pagsamahin sila ni Pierre? Napagtanto niyang sinadya ng abuela na pagsamahin sila ng binata kahit pa alam nito na alam niya ang pasikot-sikot ng bayan nila. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nito na may gusto siya sa lalaki.
"Anyway, bakit mo ba kami pinapunta dito?" Untag ng Propesor sa kanya.
"If I know gusto lang niyan takasan si Fafa P." Pinanlakihan niya ng mata ang kaibigan para patahimikin ito.
"Tara na nagugutom ako..." May diin na turan niya at isinukbit ang braso niya sa braso ni Gio at hinila ito sa hilera ng mga ihawan.
"HEY, TOLENTINO, can you tell me what's going on with Vienna and that guy," halos pabulong na tanong ni Klein kay Gio. Pinaupo na sila ng dalaga sa isang mesa at ito na ang um-order ng pagkain kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na usisain ang tungkol dito at sa Pierre na 'yon.
"Ay, si Prof. chismoso,"
"Gusto mo bang ipasa kita sa subject ko?" saad niya na naka-poker face at pinagsalikop sa ibabaw ng mesa ang mga palad niya. Para naman nagningning ang mga mata nito sa sinabi niya at walang ano-ano ay nagsimula itong magk'wento.
Dahil matagal ang pag-iihaw ay halos tapos na si Gio sa pagku-kuwento nang umupo sa tabi nila ang dalaga dala ang tray ng pagkain. Habang siya ay nahulog sa malalim na pag-iisip. May mahalagang parte pala ang lalaking 'yon sa buhay ni Vienna. Base din kay Gio ay hindi nagkakalayo ang edad nila. Ibig sabihin ay hindi malayong magustuhan din siya ng dalaga.
Wala sa sariling napalingon si Klein sa isang bahagi ng plaza. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanila. Pero wala siyang nakita kun'di mga tao na nagkakasayahan lang. Hanggang sa matapos silang kumain ay hindi nawala ang kakaibang pakiramdam niya.
"Prof., 'wag niyong sasabihin kay Vie, na chinika ko sa inyo ang buong bahay niya ha? Naku! Itatakwil niya 'ko bilang best friend niya!" Parang bubuyog na bulong ni Gio habang patawid sila ng kalsada. Nauna nang tumawid ang dalaga at hindi nito napansin ang humaharurot na motorsiklo. Sa bills ng pangyayari ay hindi na siya nakatakbo. Pero may isang lalaki ang humablot dito at gumulong ang mga ito sa kabilang kalsada.
"Oh my god Vie!" Tarantang sigaw ni Gio at sabay silang tumakbo para tulungan ito.
"Vienna are you okay?" Tinulungan niya itong makatayo at in-eksamin ang katawan nito.
Pinagpagan ng dalaga ang sarili. Buti na lang at walang nangyaring masama dito. "I'm fine. Pero 'yong nagligtas sa'kin," nilingon nila ang taong nagligtas dito.
"Pierre..," lumuhod ang dalaga para daluhan ang lalaki na ngayon ay walang malay. "P-Pierre?.. Klein humingi ka ng tulong. Gio..." Bakas sa mukha nito ang takot kaya agad silang humingi ng tulong. Good thing dahil malapit lang ang hospital at dumating agad ang ambulansya.
Sumama sila hanggang sa hospital para matingnan na rin si Vienna. Pero hindi ito pumayag na magpatingin bagkus ay hindi ito umalis sa harap ng emergency room. Tinawagan na lang nila ang mga magulang nito para ipaalam ang nangyari.

Comentário do Livro (30)

  • avatar
    felman ۦۦ

    good

    4h

      0
  • avatar
    Elvie Bullido

    ganda saan ang ka sunod

    27/05

      0
  • avatar
    Mai Mai Jumawan Babor

    its amazing

    11/04

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes