"I thought you're a normie. . . I didn't know you're a weeb." Was that an insult? "I'm not a normie. Or even a weeb." Salubong ang mga kilay na sagot ko, iniisip kung bakit naman niya nasabi iyon. Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi ko. Marahil ay hindi niya inaasahan na narinig ko iyon. Nagsimula na akong maglakad muli. Malapit na ang mga benches, gustong-gusto ko na maupo. "Then what are you? A koreaboo?" he asked. That made me pissed. "I don't know," Iyon na lang ang sinabi ko. Umaasa na mananahimik ang lalaking kausap. "Koreaboo then." He smirked. "Do you think I am?" Wala sa wisyong tanong ko nang hindi siya binabalingan ng tingin. "Yup... Maybe you're an Army? Or a Blink?" "I don't know what you're talking about. I'm definitely not a Kpop fan." Alam kong sikat ang mga fandom na iyon pero labas na ako. Tanging Anime lang ang pinapanood at sinusubaybayan ko. Hindi ko rin mawarian kung bakit kailangan niya pa iyon usisain. "Congrats, then," bakas sa boses niya ang pagngisi. What a weird guy we had here. "But are you a weaboo?" Imbes na ipaintindi sa kanya na isa lang akong mabuting bata na nanonood ng anime, nagbabasa ng manga at nangangarap na makatuntong sa Japan ay pinili ko na lamang na manahimik. That's a nonsense conversation and I don't have a time for that. "Okay. Let's talk about the org," Sa wakas ay naisip niya din iyon. Na iyon ang pinunta namin dito. At hindi ang pangingialam kung isa ba akong normie o kung ano pa man. Dahil sa haba ng paglalakad, nang makarating na ako sa may benches ay agad na akong umupo at inilapag ang aking bag. Sa wakas ay nakapagpahinga na ang tamad kong mga paa. Tama nga ang sinabi ni 'Derino' na tahimik sa lugar na 'to. Kumpara sa library na kahit bawal mag-ingay ay maingay pa rin. "Have any idea in mind?" Napatingin ako sa kanya. Umupo na din ito sa kapareho kong inupuan, may pagitan. "Yup..." iyon lang ang isinagot ko habang kumukuha ng notebook at ballpen sa bag. "Wanna hear your idea first," saad nito. "I'll just listen." Sa pagkakasabi niya no'n ay para siyang isang propesor. Tapos ako ang estudyanteng napagtripan sa recitation. "I am thinking of changing the whole plan," saad ko, seryoso. Nakapako ang mga mata sa kwaderno at panulat. "Why?" agad na reaksyon niya. Salubong ang makakapal na kilay, tila naging interesado sa sinabi ko. "Naisip ko lang," aniko. Kahit sa totoo ay may konkreto akong mga dahilan upang i-suggest iyon. "Okay, let's change it then," aniya, nagulat ako sa reaksyon niyang gano'n. Ni-hindi na nagtaka pa o nagtanong man lang kung bakit gano'n ang naisip ko. "Kaso baka sumalungat si Miss Denn." Si Miss Denn ay ang namamahala sa org, ang adviser to be specific. Siya 'yung nakaisip na gawin itong "Arts Exhibit" or what. "Idea niya 'yon, baka hindi pumayag." "Payag 'yon," sinabi niya iyon na para bang isang-daang porsyento siyang sigurado na papayag nga si Miss. "Paano kung hindi?" A plan B? Back up plan? Magsasayang lang kami ng oras kakaisip ng paraan kung hindi naman iyon pakikinggan ng adviser. "Basta payag 'yon," aniya. "Now let's proceed to the new plan." Naguguluhan man ay ipinagkibit-balikat ko na lang. Ayoko nang magtanong pa kung bakit o paano niya mapapapayag si Miss. "What is it?" "I am thinking of instead having an 'Arts Exhibit', why not let's change it to something more interesting? Something that will hook their attention?" I sounded like an advertiser here. "Then what is it?" "A music fest or something close to that... A concert?" "Performing band?" he asked, getting my point. "Yeah... well, that's just my idea. What do you think?" And now I sounds like a leader asking her member to cooperate. Of course students want to have fun. I'm sure attending a concert or a music something will catch their attention. Those party goers will surely join! "Okay na 'yon." iyon lang ang sinabi niya. Nagpipindot ng kung ano sa kanyang telepono. Napatingin ako sa aking wristwatch. It reads 8:36. Halos isang oras pa bago ang unang klase ko. "Sa campus gaganapin?" tanong niya habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa telepono. "Nope. Somewhere... hindi ko pa mapagdedisyunan kung saan." Isa-isa kong sinusulat ang mga lugar na posibleng pag-ganapan ng event. "Okay, ako na bahala," aniya kaya napatigil ako sa pag-iisip. "About sa performers, may kakilala ako na p'wedeng tumulong," Iniisip kong willing mag-perform ang banda ni Sanya. Knowing her, she's really helpful. Kaso nga lang ay dahil sa offer ng Star Studio ay paniguradong busy na ang mga 'yon. Kaya naisip kong magpatulong kay Sanya, marami 'yong kakilalang nagbabanda kaya nasisiguro kong may makukuha kami. Kahit na, well, biglaan lang ang event na gaganapin. "Okay." Nag-e-expect ako ng medyo mahabang tugon mula kay Derino subalit laging napaka-ikli lang ang sinasabi nito. "And about the guests or audiences, let's announce it on Social Media Platforms. People are more interested in advertisements they see on the internet, than on what Shantal did." "Okay." Bukod sa 'Okay', ano pa kayang isasagot nito? Hindi ko sigurado kong maganda ba ang kahulugan ng 'okay' niyang iyon o hindi. Mas gugustuhin ko pa atang kausap si Shantal kaysa sa lalaking ito. Mukhang hindi naman interesado. "May naiisip ka pa ba?" Hindi pa rin maalis sa kanyang pinagkaka-abalahan ang paningin. Dapat ako ang nagtatanong niyan. Ewan. Ang weirdo ng isang ito. Inaya akong dito na lang pag-usapan ang tungkol sa org pero nang nandito na kami ay siya namang walang kwenta kausap. Sana iniwan na lang din akong mag-isa. "Hey," aniya. "Still there?" Siya naman ngayon ang napatingin sa akin. Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ng mga ideas na nasa isip ko tungkol sa gaganaping event ng org. Gamit ang kwaderno't ballpen ay patuloy lang ako sa pagsusulat. Binabalewala ang presensya ng lalaking wirdo. "Hey, weeb. I'm talking to you," Ibinaling ko ang tingin sa kanya. Ibinaba na nito ang hawak niyang telepono. "Okay," I mocked him. "What?" salubong ang mga kilay na anito. "Okay," I repeated. Eyes on my notes, my hand was busy writing. "Huh? Are you okay?" "Yeah. I'm okay." I answered back. "Sige lang, mag-Facebook ka lang. Nag-iisip lang ako, okay?" "Ah... okay then." Was it sounded like that was fine for me or was he just too numb he didn't notice it. I'm being sarcastic here. "May gagawin ka pa ba? Baka nakakaabala ako." Hindi ko na natiis pa ang reverse psychology na 'to. "Hindi naman, I'm just chatting..." He's really a numb. Indeed. Hindi na ako sumagot. Imbes ay kinuha na lang ang libro, magbabasa na lang ako. Nakakatamad pang bumalik sa library. Gusto ko pang sulitin ang pagkakataon na nandito ako sa may field. Masarap ang samyo ng sariwang hangin. Nakakaginhawa. Lalo na kung sasabayan iyon ng pagbabasa. I was so busy reading my novel I forgot that I was still here in real world. I was imagining that I'm in Osaka, Japan taking a vacation with the male character. Yea. Emerald, dream on. "Primo," dinig kong tawag ng kung sino man. Sa sobrang busy ko sa pagbabasa ay hindi ko iyon pinagtuunan na pansin. "Uy, bat ikaw ang dumating?" narinig kong sagot ni 'Derino'. "Akala ko si Debi pupunta e," So his first name is Primo? "She can't come..." I heard Chelsea's voice... " So you're with Fenequito," "Yeah." Balak ko sanang hindi na pansinin ang dalawa dahil gusto ko umiwas kay Chelsea pero nang tumugon si Derino ay gulat na napatingin ako. He knew my surname? Tumingin din sila sa akin pabalik. Napakagat ako sa ibabang labi. "Sorry, kinda late... how's the org, by the way?" Nag-iwas ng tingin sa akin si Chelsea. Nakakapanibago lang na hindi na niya ako pinukulan ng masamang tingin na lagi niyang ginagawa noon. "Emerald has something in mind... a change of plan. Napagusapan na namin kanina." Derino answered. "How is it?" She asked as if she's the coordinator. "Okay naman," ani Derino na hanggang ngayon 'okay' lang ang kayang sabihin. "Anong nabago?" "Lahat," siya na ang sumagot saka nilipat sa akin ng tingin. Tila sinasabi na ito na ang spotlight, inaantay akong magsalita. Naglipat din ng tingin sa akin si Sabina, nag-aantay ng sagot. That gave me an awkward feeling. Inulit ko lang sabihin ang napag-usapan namin ni Derino. Mukhang sang-ayon din naman siya sa naisip ko. Tulad ni Derino ay hindi rin siya umalma sa kung anong maaring sabihin ni Miss Denn. "May kilala akong band na p'wede mag-perform. Leave it to me," Chelsea stated, hindi na ako umimik pa. Hindi ko na pala kailangang manghingi ng tulong kay Sanya. Mabuti naman kung gano'n. So it was planned. Hindi naman masyadong masakit sa ulo. Pagkatapos ay pumasok na ako sa unang klase. Ipinagpapasalamat ko na hindi na tinamad pa ang mga paa ko. The classes went smooth. Mabuti na lang ay nakapag-review ako kahit papaano. Lunch time nang magkita kami ni Sabina. She texted me na pumunta daw ako sa cafeteria at para sabay na kaming mag-lunch. Iyon nga ang ginawa ko. "Uwi ka agad mamaya?" tanong ni Sabina sa kalagitnaan ng pag-kain. Um-order lang ako ng spag at juice. Kay Sabina ay carbonara at iced tea. Nag-alinlangan pa muna ako bago sumagot. "Hindi ko pa sure..." "K. Papasama sana ako sa Mall, e." "Wala ka pa ring nabibili?" tanong ko na ang pinatutungkulan ay ang regalo niya para kay Bryle. "Wala pa. . . but may naisip na ako." Kung ano man iyon ay hindi ko na tinanong. Balak ko sanang sabihin sa kanya ang tungkol sa org nang magsalita itong muli. Naghihintay lang ako ng magandang tyempo. "You know, nagkita kami ni Chelsea-bitch kanina sa restroom, err, ang plastik!" Maarteng reklamo nito, tila nandidiri sa pagbanggit pa lang sa pangalan ni Chelsea. Ang dami niyang sinabi tungkol kay Chelsea at sa kung gaano siya naiirita dito na hindi ko na nasundan pa. Hindi na lang ako naka-imik. Hindi nga magandang sabihin sa kanya ang tungkol sa pakikipag-usap ko kila Shantal kanina. Siguro ay sa susunod na lang. Pagkatapos ng lunch ay pumasok na ako sa ilan ko pang natitirang klase. Pagkatapos ng huling class para sa araw na iyon ay hindi ko inaasahan na makikita ko sila Shantal at Derino sa may path walk. Kasama din pala nila sa Debi na nahuhuli lang na maglakad. Napansin kong hindi nila kasama ang dalawa pang kaibigan. Mabuti iyon kung gano'n. Naiisip kong mag-iba ng daan para maka-iwas sa kanila pero huli na dahil ako nakita agad ako ni Debi. "Uy, Emerald!" Natigilan ako sa malakas na tawag ni Debi. That would be rude kung hindi ko na papansinin kaya alinlangan akong lumingon sa gawi nila. "Musta? Usap lang muna, org pa rin," ani Debi. Kakaiba pa rin ang tinig niya sa pandinig ko. "Hi Emerald! Salamat talaga sa pagpayag mo!" buong siglang bati sa akin ni Shantal. "Nabanggit na sa amin ni Derins 'yung pagbabago sa plano, sasabihin na lang natin'yon kay Miss Denn tapos ay okay na!' "Madami pang gagawin," kontra sa kanya ni Derino, tila pinapaalalang h'wag muna magdiwang. "Kaya na 'yon," positibong sambit ko habang inaayos ang sukbit sa aking bag. "Sana successful sa Friday," "Oo naman, kayo nag-isip e," proud na ani Debi. "Pero salamat talaga at nand'yan ka, ang galing ng change of plan n'yo nito ni Primo," turo pa niya sa katabi. Gusto kong mapangiti ng pagka galak-galak. Wow, panay 'okay' nga lang niyan sa lahat ng sinabi ko. Nakatulong talaga siya ng sobra. Sobra. Sobra. Gusto ko na ngang sabitan siya ng medalya dahil sa tuwa. Napangiti na lamang ako. Sinasarili ang lahat ng hinanaing tungkol sa lalaking ipinagmamalaki ni Shantal. Inisip kong tapos na ang gampanin ko sa org. Kahit maliit na tulong lang ay tulong pa din iyon. Kaya na nila 'yon hawakan at madami din naman akong iba pang aasikasuhin. "Take it," abot ko kay Shantal sa notes na isinulat ko kanina. Nando'n na ang mahahalaga pang ideas, kung sakali lang naman ay kailanganin niya. Agad naman niya iyon kinuha saka ngumiti sa akin. Nagpaalam na ako kina Shantal at Debi. Nauna nang maglakad ang dalawa, pupunta pa daw kay Miss Denn. Kaaalis lang ng dalawa ay nahagip agad ng paningin ko si Sabina na naglalakad patungo sa gawi namin. She's with some of her block mates. Sa takot na makita ni Sabina ay napatago ako sa likod ng matangkad na si Derino. "Anong ginagawa mo sa likod niya?" Napakagat ako sa labi dahil sa tanong nang biglang sumulpot si Chelsea. Salubong ang mga kilay nito. "W-wala. . ." Hindi ako makahanap ng isasagot. Uh-ow, this is bad. Makikita ako ni Sabina kapag umalis ako. Iisipin niya agad na kasama ko ang kaaalis lang na sina Debi at Shantal at itong kararating lang na si Chelsea. Kahit na iyon ang totoo... She will surely get mad at me. "Shh... just hide behind my back, weeb." ····If you liked this episode, kindly click the little star over there! Arigathanks! ―Yurishiya
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
nice
24/04/2025
0nice
27/07/2024
0fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post
10/02/2024
0Ver Todos