logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

EPISODE 1: SPOILER

"Err, that's cliché! Not that one!" mariing tutol ni Sabina, matalik kong kaibigan, nang ipinakita ko sa kanya ang movie na gusto ko.
Balak namin manood ng movie sa bahay nila or sa amin. I don't know yet.
Sabay ang break time namin ni Sab pero magkaiba kami ng schedules kaya nagdecide kaming dito na lang sa cafeteria kumain para less hassle.
Malaki ang cafeteria ng university. Madami ding seats kaya hindi nagiging crowded kahit pa sabay sabay magbreak time ang mga students. There are varieties of food and drinks so you have many options but some opted to eat outside the campus. Minsan, ganoon din kami ni Sab. Nakakasawa daw kasi ang mga bagay na paulit-ulit, aniya.
"Ayoko niyan." She rolled her eyes.
"Hindi mo pa naman napapanood. Baka maganda," protesta ko, umaasa na mapipilit sya na piliin ang movie na gusto ko.
"I bet not. Look, cover pa lang ang boring na! Alam ko na agad ang ending," maarteng tugon niya.
I've known her for too long and I bet, that's just an excuse. I've read some feedback of the movie I suggested to watch. Majority said that it was great. I agreed though I haven't watched it yet. She's just not into actions. She loved fantasy. I wasn't.
Tiningnan lang niya saglit ang movie cover sa kanyang cellphone at agad ding ini-scroll, finding the movie she wanted. I heaved a sigh. So tingin ko sya na ang panalo? "This one na lang kasi! Bago and uh, I think it's cool!" Ipinakita pa nya sa akin iyon. Kumunot lang ang noo ko.
What's so cool with the vampire and werewolves? Well, I certainly was not a fan of that genre.
"Vampire ulit?" tanong ko sa isang mahinang tono, siping my juice. Last time ganon din ang pinanood namin. At masasabi ko na sya lang ang nag-enjoy noon.
"Yup!" she exclaimed as if there's something exciting about her weird movie. "So, what do you think?" she asked.
Napatahimik na lang ako. Siguro ay mag-isa ko na lang papanoorin ang movie na gusto ko.
"Oh, come on Emerald! Ito na lang kasi!" she insisted. Wala naman akong magagawa.
"Okay. We'll gonna watch the movie you want," walang ganang sabi ko, sumusuko.
Sabina was my best friend. She meant a lot to me. I love her despite her attitude which is somehow difficult to bear with.
Lumaki ako kasama si Sabina. Growing up, laging nasusunod ang mga gusto niya. Kung ano ang piliin niya ay iyon din ang sa akin. She's a spoiled child eversince. Kung nasaan din siya ay palagi akong kasama. Medyo nagbago lang ngayon dahil sa pagiging busy sa pag-aaral pero kapag maluwag ang sched ay kami pa rin ang magkasama.
"Ey, don't you have classes this aftie?" she asked. "Ako wala na," dugtong niya, nangingiti. Shopping nanaman siguro ang iniisip.
"Mamaya pa." I answered her question. Napaisip ako kung ano nga ba ang subjects ko this afternoon. Well, minor na lang and...uhm?
Meeting!
Napatayo agad ako nang may naalala. May meeting nga pala ako sa org! I can't be late this time kung hindi ay lagot na ako. Tiyak na matatanggal na ako kung muling male-late.
"By the way, your place or mine?" tanong ni Sabina nang hindi ako tinitingnan, tutok na tutok sa kung anumang binabasa sa kanyang telepono. "Okay, mine!" Ni-hindi pa nga ako nakakasagot ay siya na ang nag-deklara.
Agad kong niligpit ang mga gamit ko. I quickly chucked my things inside my bag. Binigyan ako ni Sabina ng nagtatanong na tingin, nagtataka kung bakit ako biglang nagmamadali.
"Meeting. Org. See you later," mabilis na aniko sabay bitbit sa aking backpack. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Okay. Let's meet after your class. I'll wait! Baboosh!" Kumaway pa sa akin. Nginitian ko na lang.
I didn't have time to finished my foods dahil kailangan kong magmadali. Sayang naman.
Iniwan ko na doon si Sabina. Dahil wala siyang klase ay nasisiguro kong sa mall na naman ang punta niya.
Dali-dali na akong nagtungo sa room 401, ika-apat na palapag ng building na iyon. May kalayuan ang cafeteria sa AC Building kaya ganoon na lamang ang pagod ko nang makarating.
Hinawi ko ang aking bangs na humaharang sa aking paningin. Binuksan ko ang pintuan ng room na pinaggaganapan ng mga meeting ng organizations saka inilibot ang mga mata. Nadatnan ko doon ang nakaupong si Chelsea kasama ang iba pa niyang mga kaibigan. Siya lang ang higit na namumukhaan ko. Ang iba ay kilala sa itsura ngunit hindi sa pangalan.
Kakaunti pa lamang ang tao kaya lihim ang ginhawang nadama ko sa ideyang hindi ako na-late ngayon.
Sumama ako sa organization dahil may grade ito sa isa sa course namin. Ang prof kasi namin ay ang org adviser kaya sumali na ako. Walang interes ang mga blockmates ko sa ganito kahit pa daw may dagdag sa grades, iilan lang kaming sumali.
Ayokong ma-late sa meeting ngayon. Mababawasan lalo ang incentives sa grade na makukuha ko. Ilang meeting na rin ang hindi ko naattend-an dahil naging abala ako sa pagre-review.
At si Sabina naman, kahit prof din nila iyon, hindi talaga siya sumali. Wala iyong interes sa kahit anong mga activities.
Umupo ako sa may dulong bahagi ng silid para maka-iwas na sa matatalim na tingin ni Chelsea. I really don't know why she was looking at me like that. Para bang may mabigat akong kasalanan sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong masamang ginawa. Magkaalitan lang sila ni Sabina, that's all I knew.
"Oh, look who's here," ani ng isang babae.
Sa pagkakaalam ko ay kaibigan ito ni Chelsea. Lumapit ito sa akin saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa, animo'y ine-eksamin. "Emerald! Sa wakas ay umattend ka, partida hindi late. Isang himala!" exaggerated na puna nito sa pagdating ko.
Naramdaman ko ang atensyon sa akin ng iba pang naroroon. Nakaramdam agad ako ng pagka-ilang dahil sa binibigay nilang atensyon sa amin.
"Ah...oo. Importante daw kase—" mabagal at mahina kong tugon na agad naman nitong pinutol.
"E buti pumayag ang amo mo?" tanong nito, nahihimigan ko ang pagiging sarkastiko.
"Amo?" inosente kong tanong, hindi maintindihan kung sinong amo ang tinutukoy niya.
"Duh? Si Sabina, dear, alipin ka n'on hindi ba?" sagot nito at saka eksaheradang humalakhak.
Nangunot naman ang noo ko.
"Audrey, tigilan mo na nga 'yan," pananaway ni Chelsea sa kaibigan na ang pangalan pala ay Audrey. Hindi ko namalayang lumapit na rin pala ito. "Baka umiyak," dugtong niya.
Nahinto ang pag-uusap nang dumating na ang adviser para sa org. At ipinagpasalamat ko iyon.
Nagsimula nang magtalakay ito, nakikipag-participate ang ilang member samantalang ako ay tahimik lamang na nakikinig. Medyo distracted na din dulot ng nangyari kanina.
"Wow, Zero no Tsukaima," ani Andre, kinuha ang aking manga anime at namamanghang kinilatis iyon. He's also a member, who happened to be my seatmate. "May ganito ka pala?" Tanong nito sa akin habang nakatingin sa manga ko.
"Uh, oo. Kakabili ko lang," sagot ko sa isang mahinang tono, natatakot na baka masita ng adviser.
"Talaga? Pahiram next time, ah?" ani Andre saka ko tinanguan.
Binalik ko na muli ang atensyon sa pakikinig. Kaunti lang ang naintindihan ko dahil sa aking mga absences. Basta we will be having an event something, to gain some funds.Next week na ata iyon. Ang na-assign na humawak ng events na iyon ay 'yung isa pang kasamahan ni Chelsea. Iyong isang may mahabang buhok.
Pagkatapos ng meeting ay nagtungo pa muna ako sa locker ko para iwanan doon ang aking ilang libro at kuhain na din ang aking earphone.
Excited na kong umuwi dahil pagkatapos ng isang minor subject ko ay mababasa ko na rin ang aking manga.
Dahil sa weekends naman bukas ay hindi ko kailangang pumunta sa library para mag-advance reading. Panahon naman ngayon para maglibang.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may naalala.
Napasapo ako sa sariling noo nang maalala na naiwan ko pa ata kay Andre ang aking manga kanina.
I looked at my wrist watch to check the time. I still got 30 minutes before my class. I then decided to go back to that room to check if Andre was still there or maybe my manga was left inside the room.
Kailangan kong bumalik.
I was walking, heading to the AC Building when I came across Bryle. Sabina's block mate, her friend since high school.
"Emerald! Si Sabina, nakita mo?" he hurriedly asked.
Tumigil ako sa paglalakad nang tawagin ako upang magtanong.
"Uh, nasa cafeteria kanina pero baka naka-alis na din iyon," nagmamadaling sagot ko, tulad niya ay may hinahabol din na oras.
"Sabay ba kayo mamaya? Pakisabi tawagan si Macy. Groupings. Dead batt na ko, eh." Napatango na lang ako sa kanya saka nagmadali nang naglakad patungo sa building na iyon.
It was indeed tiring yet I was really determined to get back my manga!
Hindi bale nang ma-late basta mabawi ko lang 'yon. Kakabili ko lang no'n! Iyan ang nasa isip ko habang tinatahak pabalik ang daan tungo sa room na iyon.
I finally got inside the building, may nag-kaklase na sa ibang rooms. Sana ay walang nag-kaklase sa room na iyon. Pagtapak ko pa lang sa harap ng room 401 ay agad ko nang pinihit ang doorknob, only to find out that it was empty. Wala din doon ni-isang bakas ng bagay na hinahanap ko.
Wala akong ideya kung saan at paano ko mahahanap si Andre gayong hindi ko naman alam kung anong college siya naroroon. O kung nandito pa ba siya sa campus? Hindi ko alam.
Disappointed akong naglakad pabalik, nakaramdam ng gutom kaya napagdesisyunang bumili muna ng snacks sa cafeteria.
Tulala akong kumakain ng snacks na sandwich at juice nang may naramdaman akong presenya sa gilid ko. Tumikhim ang lalaki saka nagsalita. Napatigil ako sa pag-kain.
"Hey," ani ng isang lalaki na may katangkaran. Napakunot ang noo ko. "I guess you are Emerald," dugtong niya. Tumango lang ako bilang sagot, iniisip kung ano ang kailangan niya sa akin.
Nagulat na lamang ako ng iniabot niya sa akin ang hinahanap kong manga! Agad ko itong kinuha.
"Nakalimutan daw ni Andre ibalik. Nagmamadali kasi kaya pinaabot sa'kin." paliwanag ng lalaki.
"Uh.. Okay," sambit ko sa mahinang boses.
Sa isip ko ay nagpapasalamat ako na naibalik din sa akin ito. Masyadong big deal sa akin ang pagkawala nito dahil isa itong espesyal na bagay na dapat iniingatan. Kaya ganoon na lamang ang pagka-disappoint ko ng nalamang naiwan ko ito. Sadyang nakalimutan ko lang kanina at nawala sa isipan.
Sa kalagitnaan ay naalala kong i-text si Sabina tungkol sa sinabi ni Bryle kaya inilabas ko agad ang telepono ko mula sa bulsa. Mukhang importante ang ibinilin ni Bryle kaya agad na akong nagtipa ng message saka isinend iyon kay Sab. Baka kasi gabi pa kami magkita at makalimutan kong ipaalala sa kanya.
Buong akala ko ay umalis na ang lalaki pagkatapos niyang ibalik sa akin ang manga ngunit nanatili pa rin pala itong nasa harap ko. Nakatingin ito sa akin na tila ba sinusuri ang itsura ko o ano.
"Welcome." He smirked. Muli ay napakunot ang noo ko.
He's weird.
"You're reading manga, huh?" tanong nito. Masyadong obvious ang kanyang tanong. Hindi ko alam kung kailangan ko pa ba iyon sagutin.
Iniisip ko pa nga lang kung sasagot ba ako o hindi ay nagsalita muli ang lalaki. "The male lead will die after saving the girl," aniya at nanlaki ang mata ko.
Did he just read my manga? He have no rights to read it!
"Did you re—" I was about to accuse him for reading my precious manga when he cutted me off.
"Spoil you the story?" He asked, smirking. Why is he acting like that? "Spoil you then. Don't worry. I didn't read it. Not my taste, actually."
Ang yabang niya! Why does he have to tell that to me? Hindi ko maitatanggi ang pagkainis ko.
Napatingin ako sa aking relo. I should go, I guess. Papalagpasin ko na lang ang lalaking ito.
Kaya nagmamadali ko ding kinuha ang aking backpack, patapos na rin naman akong kumain bago dumating ang lalaking iyon. Baka ay ma-late ako sa next class ko.
Wala nang dahilan para ma-late, nasa akin naman na ang hinahanap ko.
Tinalikuran ko na siya at akto nang aalis nang bigla na muli itong nagsalita. "Hey, I almost forgot to tell," aniya kaya napalingon ako, hinihintay kung ano pa ang sasabihin nito.
"You should read some slice of life kind of manga first. Hindi bagay sayo ang ecchi, really," anito na agad nagpataas ng dugo ko.
What did he just say?
Pagkatapos niyang pakawalan ang litanyang iyon ay agad na itong naglaho sa paningin ko. Habang ako dito ay naiwan, literal na napatigil dahil sa sinabi niya.
Sinabi niya iyon na para bang hinusgahan na niya ang pagkatao ko. Hindi ko naman siya kilala! Hindi ako makapaniwala.
That was the first time that someone told me something like that, especially a guy.
He is really weird...
And annoying.

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Noraidah Gandamra

    nice

    24/04/2025

      0
  • avatar
    PagkanatanBaizehan

    nice

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Kristel May Bayona

    fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post

    10/02/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes