logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Best Episode

Best Episode

Yurishiya


PROLOGUE

"Aray ko naman!" Agad kong inismiran si Bryle matapos niyang mag-reklamo dahil sa ginagawa ko sa kanyang siko. "Dahan-dahan kasi," muling angal nito.
Muli ko pang idinampi ang cotton na may betadine sa kanyang siko na nasugatan.
"Nako, diinan mo pa," suhestiyon ni Sabina, inaasar si Bryle. Binigyan naman siya nito ng masamang tingin.
"Childish, ah," irap ni Bryle kay Sabina, napipikon. Lalo ko pang diniinan ang pag-gamot sa kanyang siko.
"Aray! Nananadya?" He glared at me. "Be gentle. Para namang hindi ka naging nurse niyan," he teased.
I just rolled my eyes at him, getting pissed. I hate talking about the past. Mas lalo ko lang diniinan ang pagdampi ng cotton sa kanyang sugat.
"Fudge! Masakit nga." Iniwas niya sa akin ang siko.
"Kung hindi mo ako sinundan, hindi ka sana nasaktan," irap ko sa kaniya. "Tignan mo nga 'yang itsura mo," pagalit ko habang ine-eksamin ang kabuuan niya. Mas lalo lang akong naiinis nang makita ang iilang dumi sa kanyang damit.
"Gwapo pa rin naman," puri nito sa kanyang sarili. Mas lalo lang akong nairita.
Ni-hindi ko alam na sinundan pala nila ako dito sa Bicol. Umalis ako ng bahay na tinutuluyan kanina, nagtungo sa bukiran para tingnan ang mga tanim at alagang hayop. Nagulat na lamang ako nang tawagin ako ng katulong para ibalitang may dumating daw akong mga bisita. Wala akong inaasahang bisita dahil biglaan lamang ang pag-alis ko kaya dali-dali akong umuwi para alamin kung sino ang dumating.
Mas lalo lang akong nagulat nang malamang ang bisita ko pala ay nasugat ang siko dahil sa isang simpleng katangahan. Ani Sabina ay lumusot sa bakod si tanga, sinubukang pumasok dahil wala daw sumasagot sa tawag nila sa may gate. May alambre na nakausli sa bakod na iyon kaya nasabit ito.
Isipin ang dahilan ng pagkaka-sugat nito ay mas lalo lamang dumadagdag sa inis ko.
Wala akong ideya kung paano nila nalamang nandito ako. At hindi ko rin inasahan ang biglaang pagsunod nila.
"Umuwi na kayo," utos ko, nawawalan na ng pasensya. "Delikado baguhan dito," dugtong ko sa isang seryosong tono, sinusubukan silang takutin.
"Wow, ganyan na pala ang tamang pag-welcome ngayon? Nakakatouch, ah! Very heart-warming!" Sabina replied in a sarcastic tone.
"Ang layo kaya ng pinunta namin. Ayaw ko ngang umuwi!" Bryle also replied. "Dito lang kami," he declared.
Padabog kong iniligpit ang first-aid kit at tinalikuran ang dalawa. Pabagsak kong inilapag ang kit na iyon sa bakanteng lamesa. Naiinis ako sa presensya nila.
"Just let us stay here, please," pakiusap pa ni Bryle. Sinusundan ako nilang dalawa papunta sa kusina.
"Kung ayaw mong umuwi, hayaan mo kaming samahan ka dito," deklara ni Sabina, her serious tone doesn't have any effect on me at all.
Ayaw ko sila dito dahil gusto ko munang makapag-isip isip. Ayoko sila dito dahil hindi ko gustong kinaaawaan na naman ako. Ayoko sila dito dahil hindi ko na alam kung sino pa ang peke sa totoo. Gusto ko sa malayo. Gusto kong wala sila. Malayo sa problema. Kailangan ko din naman ng pahinga.
Akala ko ay mahahanap ko ang inaasam na kapayapaan dito sa Bicol sa pag-aakalang hindi ako mahahanap ninuman. Kaya nga nagulat na lamang ako ng biglang susulpot ang dalawang ito sa harap ko.
Mag-iisang buwan pa lang ng umalis ako sa bahay at nagpasyang umuwi dito. Wala pa sa isip ko ang bumalik sa lugar na iyon. Pakiramdam ko ay sobra akong nadurog.
"Please. Leave me alone. That's all I want for now," aniko, nakikiusap. "Go back to your home and mind your own business. I can handle all these shits," mariing utos ko.
Kailangan na nilang umuwi dahil may kanya-kanya din silang trabaho. Ako din ay may iniwang trabaho sa syudad pero piniling iwan para sa pansariling katahimikan.
I requested for a leave, anyway. Dahil kung hindi ay baka mabaliw na ako.
I just want a break. Babalik din naman ako.
Sa gabi ding iyon ay wala nang nagawa ang dalawa kundi umuwi. Hindi nila ako napilit. Akala ko doon na matatapos ang araw na iyon. Kaya nagulat na lamang ako nang mag-ring ang aking telepono.
It was a call from an unknown number. I then decided to answer it, thinking that it was from my Lola but I got frozen when I heard the voice of this unknown caller.
"Emerald, please... I want to ta-" Nang mahimigan ko agad kung sino iyon ay agad ko nang pinutol ang linya. I didn't let him finish his words.
Sa pagkakataong iyon ay wala akong naramdaman. Wala ni-isang luha ang nangilid sa aking mga mata. I couldn't feel any kind of pain. I'm really tired dealing with these damn feelings. I think I'm dumb now. Much better. I don't know.
But hey, how the hell did he know my number? I should change my sim again. Or probably not to use a phone or any damn gadgets anymore.
I want a distraction. Ayoko nang maubos ang oras ko kakaisip sa tawag na iyon. Naisip ko na lamang na ipagpatuloy ang pag-isketch kaya kinuha ko ang aking sketch pad at mga lapis upang masimulan muli ang pag-guhit.
Memories suddenly flashed into my mind when I saw the bookmark that fell onto the floor when I opened the sketchpad. It was a small thing that brought back a lot of memories.
"Keep it there. Para kahit nagbabasa ka ay maalala mo pa rin ako."
Imbes na sa libro ay sa sketchpad ko noon iyon inipit. Para habang nagda-drawing ako ay inspired ako kapag makikita ko iyon. But I never thought it would turn out completely opposite.
Dahil sa tuwing nakikita ko iyon ay nasasaktan lang ako.
I smiled bitterly. Muli ko iyong ibinalik sa sketch pad at isinilid sa cabinet.
Mainam nang hindi na manumbalik pa sa akin ang nakaraan. . . matagal na iyon. At ayaw ko nang maalala pa muli. Sapat na ang lahat. Pilit kong kukumbinsihin ang sarili na kung ano man ang nagdaan, hindi na iyon muli pang madudugtungan. Dahil tapos na. . . tinapos ko na.
Muling bumalik ang isip ko sa reyalidad dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng aking kwarto.
"Ma'am! Ma'am!" umalingawngaw ang histerya ng kasambahay. Napatigil ako sa ginagawa at napalapit agad sa pintuan.
Agad akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Dali-dali ko ding binuksan ang pintuan.
Nadatnan ko ang katulong na may hawak- hawak na telepono, animo'y 'di malaman ang gagawin.
"What? What happened?" agad na tanong ko nang makita ito, naguguluhan.
"Ang Lola niyo daw po, ma'am!" natatarantang wika niya.
My heart suddenly throbbed so fast.
Agad kong kinuha sa kamay ng katulong ang telepono saka itinapat sa tainga. "W-what happened? Where's my lola!" Sigaw ko sa kabilang linya.
Lalo lang akong nainis nang hindi agad sumagot ang kung sino mang naroon sa kabilang linya.
"Who's this? What happened to my Lola?" I impatiently repeated the question.
"Emerald, where the hell are you?! Come home now." Nahimigan ko agad na kay Santino ang malalim at matigas na boses na iyon. "I'm damn worried about you. Nasaan ka ba? I'll fetch you,"
Damn, he should be more worried about my grandma, not about me!
Paano na kapag may nangyaring masama sa kanya? I . . . I couldn't think clearly. My damn system is filled with fear!
"M-my Lola, how's her? N-nasaan siya?" kabadong tanong ko, hindi pinansin ang galit na tinig ni Santino.
"She's... in the hospital."

Comentário do Livro (11)

  • avatar
    Noraidah Gandamra

    nice

    24/04/2025

      0
  • avatar
    PagkanatanBaizehan

    nice

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Kristel May Bayona

    fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post

    10/02/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes