logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6: Back Again

Hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa sobrang silaw. Hinarang ko ang kanang kamay ko sa taas ng mata ko para hindi ako gaanong masilaw at dahan-dahang minulat ang mata. Maingay ang paligid at wala naman akong bisita bukod kay Damon at hindi naman iyon isang boses lamang kundi marami.
Nakalimutan ko bang isarado ang bintana? May kamag-anak ba kaming bumisita?
Pero nang tuluyan ng makapag-adjust ang mata ko doon ko lang napansin kung nasaan ako.
Walang bisita sa bahay. I wasn't in my room.
Mas naging maingay ang buong paligid na akala ko may gulo lang sa labas pero mali ang akala ko at kapansin-pansin na medyo magulo ang mga kaklase ko. Mukhang normal ang lahat, parang walang nangyari.
Parang totoong nandito na ako ulit. Hindi...
Napaayos ako ng pagkakaupo at kahit papaano tanda ko ang eksena rito.
So, nakabalik na ba ako sa nakaraan? Ito na ba 'yong sinasabi ni Damon? It feels so surreal. Kung ganun nandito si…
Mabilis akong lumingon sa kanang likod. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko ng makita siya sa dati niyang pwesto. Nakayuko siya at mukhang natutulog na naman. Malakas akong napabuntong-hininga bago mahinang natawa. Gosh! Pakiramdam ko mababaliw na ako. Malinaw pa rin sa akin ang nakita ko na namatay siya tapos ngayon, buhay siya ulit. At kung hindi ko magagawa ng tama ang misyon ko ay mamamatay siya.
Buhay siya at humihinga! Hindi naman siguro 'to isang panaginip lang 'di ba?! Totoo iyong sinabi ni Damon.
Nakabalik nga talaga ako!
"Uyy!"
Naputol ang tingin ko sa kanya ng may humarang. Si Kate pala. Parang kailan lang nung huli kaming magkita... sa future. Pero tulad nga ng sabi ni Damon ito na ang present at nasa kamay ko kung anong magiging future... lalo na ni Akiro. Lahat nakasalalay sa akin.
"Teka, umiiyak ka ba?" nag-aalala niyang tanong.
Mabilis kong pinunasan ang gilid ng mata at umiling. Takte! Basa nga ang mata ko. "Hindi no!"
Tumayo ako at niyakap siya. She flinched.
"U-uyy! Bakit may payakap ka? Parang magkasama lang tayo kanina ah!"
Masyado akong naging emosyonal sa muling pagbabalik. I’m telling myself that I should be the one who would be the reason why Akiro will choose to be alive. Malabo pa ngayon kung papaano ko gagawin pero ito na ang simula.
Hinarap niya ako at mahina akong tumawa.
Umayos siyang tumayo at nakapameywang pa. "Hoy! Sinong nambully kay Emi?!" sigaw niya sa klase namin. Gulat ako pero natawa sa kanyang ginawa at ginapangan din ng hiya dahil halos natigil ang mga kaklase naman sa kani-kanilang ginagawa.
Hinila ko ang coat niya at napailing na lang dahil sa ginagawa ng kaibigan ko. May pagka-siga itong si Kate pero sobrang lambot ng puso. Mas iyakin pa nga kaysa sa akin pero magaling siyang magpakita na malakas siya. Inawat ko ang kanyang kamay dahil nagtuturo pa nung kung sino-sino pero mabilis namang tumanggi ang mga kaklase ko. Syempre wala naman talaga e!
"Baka umiyak kasi nabotong president ulit." asar nung isa kong kaklase.
"Hindi mo ba gusto?" nanlalaking mata ni Kate habang nakatingin sa akin. Siya kasi ang pasimuno kaya naging president ulit ako.
Mabilis akong umiling. "Wala naman sa aking problema."
Siya ang nag-nominate sa akin at ang lakas pa ng trip na manlilibre daw siya kapag nanalo ako. Last year kasi ako rin ang president kaya pumayag silang ako muli ang maging presidente ng klase.
“Kung ganun bakit namamasa ang mata mo?”
"Tumigil ka nga! Wala lang talaga ‘to," nahihiya kong sabi.
"Hoy, bakit niyo pinaiyak si president?" sabi nung isang kong kaklaseng lalaki na tila late reaction sa pangyayari. Wala na naman akong luha.
Nagtawanan tuloy ilang kong kaklase. Napayuko ako at ramdam ang init ng pisngi ko.
Kahit nakaharang si Kate sa harap ko, pasimple akong sumilip kay Akiro. Hindi na siya nakayuko pero nakatingin naman siya sa may bintana at mukhang malalim ang iniisip. Tulad ng dati wala siyang pakialam sa paligid niya. Tila panaginip ko ang paggising niya ngayon.
Wala akong ideya kung paano magsisimula?
Habang abala si Kate sa pagtatanggol sa 'kin, sinamantala ko 'yon para pagmasdan siya. Dahil naka-side view siya halatang-halata ang tangos ng ilong niya at kung gaano kaganda ang panga niya. Madami naman ang nakakapansin sa kagwapuhan niya kaya lang pakiramdam nila weird si Akiro pero hindi talaga maitatanging gwapo siya. Ayon nga lang ang problema, weird siya kaya walang nagtatanggang lumapit. Susubukan mo palang papalayuin ka na niya.
Mas lalong nag-init ang mukha ko. Nang gumalaw si Akiro, mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Muntik na ako doon. Lumakas ang tahip ng puso ko.
"Emi!" kalabit sa akin ni Kate.
Napalingon din siya sa likod niya, kay Akiro. Mabilis akong pumunta sa gilid at humarang sa kanya.
"Tara, punta tayo sa canteen."
Napakunot-noo siya. "Huh? Kakatapos lang nating kumain ah." may kinuha siya sa bulsa niya, iyong phone at pinakita sa akin. "Tignan mo kung anong oras na. Hindi pa tayo nakakapagbihis ng p.e. uniform at baka mapagalitan tayo."
Napakamot ako ng ulo at mahinang natawa. Napatingin ako sa suot namin at sa mga kaklase ko. Lahat sila naka-p.e. uniform na. Kami na lang ni Kate ang hindi.
"Tara bihis na tayo."
Muli akong sumulyap saglit kay Akiro at nakangalumbaba na siya habang tamad na pinaglalaruan ang ballpen. Nakasuot na siya ng p.e. uniform niya. Mukhang naalala ko na ang nangyari dito.
Dumeresto kami ni Kate sa may locker at kinuha ang pangpalit namin.
Pagkasarado ko ng locker, nagulat ako dahil nakasandal si Kate habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa 'kin.
"A-ano 'yun?" nauutal kong sabi.
"Umamin ka nga, may gusto ka kay Akiro no?"
Hindi ako makapaniwalang natawa sa kanya para itago ang pagkakaba ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya. Siguradong pagtatawanan niya ako at hindi siya maniniwala sa 'kin. Pero pwede ko bang sabihin sa iba? Hindi ba magiging labag din ‘yon?
"Ewan sa'yo." tinalikuran ko siya at naglakad papuntang c.r. "Kung ano-anong naiisip mo."
Humabol siya sa'kin. "Nakita kaya kitang nakatitig tapos ang lagkit-lagkit." may action pa siya na kinatawa ko.
"Paano ba 'yong malagkit?"
"Parang may glue 'yang mga mata mo at kay Akiro lang nakatuon." she giggled. "Galing ko tugma."
"Sira..."
"True kaya!"
Umiling lang ako at hindi na nagsalita pa.
“Bakit hindi mo itanggi?” may panghahamon sa kanyang tono.
“Wala talaga akong gusto,” pagtatapos ko sa kanyang pagdududa.
Pero sa loob-loob ko ang bigat sa pakiramdam lalo pa't alam ko ang mangyayari. Wala pa din akong plano kung paano ko siya matutulungan. Kailangan kong makausap si Damon.
I should ask Damon for some advice. Sana may makuha akong matino sa kanya.
Kailangan kong mag-ingat sa mga sasabihin at ikinikilos ko. Lalo pa't nandito si Kate na mabilis makapansin ng nangyayari sa paligid niya. Marahil iyon ang pagkakapareho naming dalawa - pareho kaming observant sa paligid.
Pumasok kami sa girls room, sa isang cubicle ako at si Kate naman doon sa kabila. Hinubad ko ang coat ko at nagbihis na.
"Alam kong gwapo si Akiro pero girl! He's weird," napailing na lang ako sa sinabi niya. "Wala siyang kinakausap na kahit sino. He's far from being creepy pero nakakatakot rin kapag sobrang tahimik na," dagdag pa niya.
"I know," bulong ko. Hindi naman ganoon ang tingin ko sa kanya. Yes, he's weird but he's so mysterious that sometimes I want to know him more even before. Wala lang akong chance. But you have to be careful because you can’t read him like a book. Naka-seal siya at ayaw magpabukas sa iba.
"Baka may gusto ko na kay Akiro ah, tinatago mo lang,” pagpipilit pa ni Kate.
Napairap ako. "I don't like him," sagot ko. "I'm just..." Lumabas na ako ng makapagbihis at tinignan ang sarili sa salamin. Lumabas na din si Kate at tiningnan ako sa salamin ng nakataas ang isang kilay.
Buti kami lang dalawa ngayon ang nandito.
"You're what?"
I shrugged. "... just curious."
Bago kami muling makabalik sa room, hinarap ko si Kate.
"Anong araw na ngayon?"
"Friday," mabilis niyang sagot.
"Hindi anong date?"
Nilingon niya ako saglit bago sumagot. "August 07."
Tumango ako at pumasok kami sa loob. Kita ko na magtatanong sana siya kaya lang nakita niya ang kaklase naman na naglalaro ng sudoku at doon natuon ang kanyang atensyon.
So, ngayon na pala ang simula ng thirty-one days ko. Ngayong araw din magsisimula ang pag-iisip ni Akiro na kunin ang sarili niyang buhay. Pero hindi ko pa alam ang gagawin. Kailangan kong magmadali pero dapat maingat din. Ang hirap naman.
"Akiro Miguel Sato."
Nilingon ko si Akiro, hindi lang ako kundi pati na rin ang ilan ko pang kaklase. Tinatawag siya ng teacher namin sa P.E. pero hindi siya humaharap. Nakayuko lang siya at sa tingin ko tulog siya. Hindi ko napansin na wala na pala ulit ang atensyon niya ngayon sa klase dahil sa pag-iisip ko kung anong plano ko para mailigtas siya.
"Akiro Miguel Sato. Absent ba 'yon?"
Nagsimula ng magbulong-bulungan ang mga kaklase ko at ang iba nagpipigil ng tawa. Nanlaki ang mata ko ng biglang pasimpleng batuhin ni Kiefer ng nilukot na papel si Akiro. Hindi 'yon nakita ni Miss kasi nakatingin siya sa attendance sheet.
"Hoy!" mahina kong saway.
Pero nagkibit-balikat lang siya at tumawa. Kumindat pa ang mokong kahit na pinandilatan ko siya ng mata para matakot. Nilingon kong muli si Akiro. Sinenyasan ko ang nasa unahan ni Akiro na kalabitin ito pero umiling lang siya. Napairap ako sa hangin at hinarap muli ang mahimbing na natutulog na si Akiro.
“Akiro…” pabulong pagtawag sa kanya. Ginawa ko iyon ng ilang beses pero wala pa rin.
Kahit ginawa 'yon wala pa rin siyang reaksyon. Nakayuko pa rin siya.
"Akiro Miguel Sato?" nilibot ni Miss ang paningin niya sa buong klase. Napapikit ako ng dumapo ang mata niya sa likod.
Lumapit siya doon, sa pwesto ni Akiro at malakas na hinampas ang lamesa.
Nagulat ako at natahimik ang lahat. Kahit alam ko na ang nangyari sa araw na 'to nagugulat pa din ako. Bigo ako napabuntong-hininga at gusto kong takpan ang tenga ko.
Tamad na nag-angat ng tingin si Akiro, hindi siya mukhang nagulat sa ginawa ng teacher namin.
"Sorry to bother you but who are you to sleep in my class? Who gave you permission to sleep?" mataray na sabi ni Miss.
Walang reaksyon si Akiro! Ramdam ko ang tensyon sa buong klase.
"Sorry, Miss."
I swallowed hard when I heard his voice. His voice was deep and kind of big. He is now talking and not dead? So, this is really real.
"What's your name?"
"I'm Akiro, Miss," walang kabuhay-buhay niyang sabi.
"Ikaw pala si Akiro pero hindi ka nagsasalita."
"Hindi ko narinig, Miss."
I heard my teacher chuckle sarcastically. "Akiro Miguel Sato, will you please stand in front to introduce yourself."
Tumango si Akiro at tumayo.
Lahat ng mata kay Akiro nakatingin. Nakamasid sa kinikilos niya.
Tumikhim siya. Hindi naman siya mukhang kinakabahan, mukha siyang tinatamad at walang ganang nakatayo sa unahan. Wala ding makikita sa mga mata. But you know, he’s lonely and like a lost boy running away from reality. Marahil ngayon ko lang ito napapansin dahil alam ko na kung anong mangyayari sa kanya. Ngayong mulat ang mata ko ay hindi na ako muling pipikit pa sa katotohanan at sa kung anong mangyayari sa kanya.
"I'm Akiro Miguel Sato, eighteen years old." pagkatapos nun bumalik na siya sa upuan niya.
"Weirdo," Kiefer said again.
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Umawang ang labi niya at nagtatanong ang mga mata nang makita akong nagtaray sa kanya.
Nagtawanan ang ilan kong kaklase. Pasimple akong napailing at yumuko.
Nung hindi ko pa alam ang lahat ng ito, naaalala ko isa ako sa kanila. I was one of them who laughed every time Kiefer teased him. Hindi naman lagi pero may mga oras talaga na natatawa ako. But it was nothing to me. Hindi ko naman kasi masyadong sineseryoso ang mga biro ni Kiefer kay Akiro noon. Kasi gusto naman naming makausap din si Akiro na tila normal lang ang lahat pero lagi siyang sarado. Pero ngayon, hindi na ako natutuwa. I am guilty now.
I feel like I'm not the one who can save him.
I just changed because I knew what's going to happen next. Aaminin ko, takot ako ngayon. Mas takot akong nandito na ako kaysa nung nalaman kong pwede pa siyang mabuhay. Mariin kong hinawakan ang ballpen ko at kinalma ang sarili. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.
I heard my teacher sighed heavily. She's standing beside me now. A quiet look of disappointment is visible in her face.
"Mr. Sato, I will appreciate it if you're not going to sleep in my class. Respeto naman sana habang nasa klase tayo." mahinahon na sabi ni Miss pero matalim na nakatingin kay Akiro mistulang pinapahiwatig na kapag ginawa niya pa 'yon ulit may kalalagyan siya.
Akiro just nods as he puts his hands on his pocket.
Then he looked at my way with his eyes narrowing, frowning. Natuwid ako sa pagkakaupo ko at tumingin sa may pisara. Shemmm!!! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Pero wala namang masama doon. Sabi ni Damon ako lang ang nakakaalala ng lahat.
I should be careful about my actions. I really should.
"Next. Miss Cantinar," Miss looked at me and smiled.
Tumayo ako at pumunta sa unahan.
"Hi! I'm Emilia Vernice Cantinar, seventeen years old but I'm turning eighteen next month, in August 26 to be exact." lumibot ang mata ko sa kanilang lahat bago dumapo sa kanya.
He's staring at me! Should I say he's watching me? Sinubukan kong ngumiti pero kunot-noo siya kaya sa iba na lang ako ngumiti at unang natagpuan ng mata ko si Kiefer at ngumiti naman ito pabalik.
Hindi ito nangyari noon, nung nagpakilala ako, hindi siya tumingin sa 'kin noon. I'm sure baka hindi ko lang talaga siya pinagtutuunan ng pansin. Pero masasabi kong mababago ang lahat. This is what Damon was talking about.
Napalunok ako at muling nagsalita. Binalik ko ang tingin ko kay Akiro na hindi pa rin naalis ang tingin sa akin. Did he realize he’s staring at me?
"H-hoping this year will be great and everything will be fine for all of us," sinabi ko 'yon ng hindi pinuputol ang tingin sa kanya.
Swallowing, I clenched my fist. "I'll do everything to save you,” halos ibulong ko pero alam kong narinig ng lahat. Damn!
Then I looked away when I heard Kiefer again. "Ako din," bungisngis niyang sabi. Paepal talaga.
Naghiwayan tuloy ang mga kaklase at may ilan pang nang-asar na lalong nagpainis sa'kin.
He's so annoying like gusto kong manakit. But of course, I won't do that kaya pasimple kong siyang inirapan iyong makikita niya.
"Shut up, Kiefer." saway ni Kate sa kanya. Nagtatawanan lang ang mga kaklase ko.
"I-I m-mean, I'll do my best as class president. Fighting!" masigla kong tinig at pilit na bumawi sa kahihiyan.
Hindi na akong muling tumingin sa kanya.
Naglakad na ako pabalik sa upuan ko pero ramdam ko pa rin ang pagsunod ng tingin sa'kin hanggang sa makaupo na ako.
Nakabalik nga talaga ako sa past!

Comentário do Livro (36)

  • avatar
    MJ Abad

    so cutee 🥺

    4d

      0
  • avatar
    Lanie Peratir

    sobrang Ganda nice

    18/08

      0
  • avatar
    Jonna Molinos Verzosa

    oo hhh

    15/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes