logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5: The Truth Untold

06th September
Nothing's new.
It was a normal day in my life. The same face of people passing by and the same place where I live. But sometimes I didn't see those people because I isolated myself in my room. Ano ba kasing gagawin ko sa labas ‘di ba? Nakikisalamuha naman ako sa mga tao pero most of the time, I got drained just socializing with them. I’m not sad yet I’m not happy. But that would be okay, I guess for this moment.
Ang complicated ng buhay lalo pa kung hindi mo alam kung anong gagawin mo sa buhay mo. I asked Kate yesterday what makes her life a life and she said, “Kapag nahanap ko na ‘yong magpapasa sa akin. Whether it’s a thing or a person doesn’t matter as long as I am happy. Ganun naman ang buhay ng tao ‘di ba? Walang sigurado, lahat unexpected.”
Napatango na lang ako kay Kate. Isa ata iyon sa may sense niyang sagot kapag tinatanong ko siya ng seryoso.
But what does it mean for me? What does life mean if you're just breathing and feel nothing inside? Magbabago pa iyon kapag hinayaan ko lang ang buhay ko na ganito? It's just me, myself, and I. Hindi naman ako naghahanap ng thrill sa buhay ko pero hindi ko lang alam kung anong kulang sa akin.
Kapag napapatingin ako sa paligid, wala naman akong makitang sagot kung anong gusto ko.
Nothing has changed in this place except for the fact that people grow old and some of them leave this place - some people come here to start a new life. No matter what the reason would be, this place was still the same for me.
And here in school, where I described as my second home and the people here, I cherished them as my family. This is the place I feel alive, where I didn't feel that I was alone, somehow.
Tulad ng lagi kong ginagawa, malamang papanoorin ko lang kung anong nangyayari sa paligid ko. Observing my surroundings is my favorite pastime, especially when I was wondering what life means to others.
Is the world trying to slow you? Or does it make you want to run away from it? Tatalikuran mo o haharapin mo ang binibigay sa ‘yo ng mundo? Hindi lang naman kasi laging masaya ‘di ba?
I realized that life is the most difficult course, no one can master it. Some people just learn how to deal with it but there are people out there that are tired dealing with life.
Am I tired or confused?
Wala pa akong sagot at matagal na akong nakatulala pero wala pa rin akong mahanap na maaaring magpalinaw sa naiisip ko. Mamaya mag-u-update ako sa'yo pagkauwi ko galing school.
Iyon ang huling beses na nagsulat ako sa diary ko bago ako pumunta sa school. I usually write on my diary kapag nakauwi na ako galing school pero feel ko kasing magsulat kaya kahit hindi pa tapos ang araw ko, nagsulat na ako. Pagkatapos nang araw na 'yon, kahit isang salita sa diary ko hindi ko na nalagyan pa. Hindi ko na gustong maalala pa ang mga nangyari sa buong mag-araw ko at hinayaan ko na lang na hindi masagot ang tanong ko. Malinaw pa sa akin kung anong nangyari nung araw na 'yon. Hindi ko kailanman ito makakalimutan. Tunay na tumatak sa isip ko at kahit sa panaginip ko, alam ko ang bawat detalye.
"Sa'n ka naman pupunta?"
Mabilis akong sumakay sa bike ko bago hinarap si Kate. Labis na kalituhan ang makikita sa mata niya pero wala na akong oras pa para magpaliwanag. Lunch break namin ngayon kaya makakalabas ako ng school pero kapag naabutan ako ng bell, hindi na ako pwede pang makalabas kahit ano pa ang paliwanag ko.
Inayos ko ang palda ko, may cycling short naman akong suot kaya hindi ako gaanong nailang na baka mabosohan ako.
"D'yan lang," mabilis kong sabi at penedal na ang bisikleta ko.
"Emi!" sigaw ni Kate.
I just waved my left hand to her while biking. Sumigaw pa siya at tinawag ako pero nagpatuloy lang ako sa pag-alis.
I need to hurry. P.E. class na ang sunod naming klase at hula ko hindi na naman siya papasok. Isang buwan na simula nung magsimula ang pasukan at lagi kong napapansin na madalas siyang lumiban sa klase. Nakikita ko siyang lumabas ng school dala ang bisikleta niya at kasunod nun ay hindi na siya babalik pa para sa next class. Madalas siyang hindi napasok kaya naman gusto kong malaman kung anong ginagawa niya kapag wala sa school.
Alam ko namang labas na ako doon pero hindi mawala sa isip ko ang kagustuhan na sundan siya dahil class president ako ng klase namin. Tatanungin na naman ako ng teacher namin at pakiramdam ko responsibilidad ko siya kaya naman kailangan kong malaman kung anong pinagkakaabalahan niya. Mas importante pa ba ang pinupuntahan niya kaysa sa pumasok sa klase? Alam ba ng parents niya ang ginagawa niya?
Nabanggit ko kay Mama ang tungkol dito at advice sa akin ni Mama na ‘wag na lang daw ako masyadong manghimasok sa buhay ng tao at hayaan na ang teacher ko ang kumausap sa kanyang magulang.
Pero nandito na ako at nakasunod sa kanya. Hihinto pa ba ako?
And then, I saw him! Bingo!
A tall and slim guy flashed in a few blocks. Nilipad pa ang buhok niya at minsan isang kamay pa ang hawak sa manibela para hawiin ang kanyang buhok. Kahit na nakatalikod alam kong siya iyon dahil sa kanyang bag na may Doraemon key chain. Sakto lang ang bilis ng pagba-bike niya at alam kong kaya ko siyang abutan pero hindi ko siya hinabol.
I can't help but smile as I slowed down my bike. Pinanatili ko ang distansya na meron kami pero kapag bumibilis siya ay nakakahabol ako. Hinihingal na nga lang.
Even me, I wasn't sure why I have to stalk him when I can just go straight to him and ask him where he's going. Since, I meet him in our class na-curious na ako sa pagkatao niya. He's so quiet and serious. Sa sobrang tahimik niya muntikan na naming mapagkamalang hindi siya nakakapagsalita.
Buti na lang may introduce yourself sa Science class namin kung wala hindi talaga namin maririnig ang boses niya. Kaya lang nakakapagtaka kung bakit wala man lang siyang kaibigan. Magkaklase kami pero wala siyang ka-close sa room at base sa naririnig ko wala siyang kaibigan kahit saan. Hindi ko alam na pwede pala 'yon at hindi ko na gustong alamin kung anong pakiramdam dahil paniguradong malungkot. Marahil sanay siya pero hindi ko pa rin gustong nag-iisa lang at walang kumakausap sa akin.
Kahit naman hindi ako palalabas na tao meron akong kaibigan, hindi madali at bilang lang sa daliri pero alam kong totoo sila. I didn't collect friends, okay na kahit bilang lang sa daliri ang kaibigan ko basta totoo. And I treasure them so much.
Maayos din naman ang pakikitungo ko sa iba kahit hindi ko sila kaibigan. At least hindi ako out of place. Muli kong tinuon ang atensyon ko kay Akiro.
Malapit na siyang ma-drop sa P.E. namin. Kapag nagtatanong ang teacher namin tungkol sa kanya wala kaming maisagot. As a class president, responsible ako na alamin kung bakit siya lumiliban at alamin kung may iniinda siya para ma-skip niya na lang ang P.E. Para kung mada-drop out man siya at least malalaman ko ngayon kung bakit o kaya maiwasan na mangyari ‘yon.
I was shocked when he went inside the old warehouse.
This warehouse was abandoned three years ago. Sa pagkakaalam ko masunog ito at hindi na muling sinubukan na bukas pa. Kaya lang kung titingnang maigi ang building, hindi naman ito mukhang nasunog kahit na may ilang parte na may itim, pero mas mukhang inabandona lang ang lugar.
And my heart suddenly skipped when I saw he smiled on the guard. It was the first time I saw him smile! Tila tumitig ang mundo sa pagkatitig ko sa kanya. Gusto ko ulit iyong makita.
Pero ang tanong anong ginagawa niya dito? Hindi naman ito kalayuan sa school pero sa dami ng lugar na pwede niyang puntahan bakit dito? I expected na sa mga computer shop o kahit saang lugar na malayo sa school.
Kung may makakakita at makaalam na dito siya pumupunta baka tuluyan siya pagbawalan sa lugar na 'to. Well, hindi naman talaga siya dapat pumupunta sa lugar na 'to una pa lang. Bukod sa luma na ako pasilidad, tambakan pa 'to ng mga lumang gamit. Kaya mawala akong maisip na dahilan para pumunta siya dito.
Dahil may guard na nakabantay alam kong mahihirapan akong pumasok. Kaya muli akong sumakay sa bike ko at umikot sa paligid para maghanap ng pwedeng malusutan. Luckily, sa paglilibot ko may butas 'yong wire na nakaharang sa paligid. Binato ko muna ito ng kahoy na nakita ko para masiguro na safe, baka kasi mamaya ay may kuryente ang wire. Nang masigurado na wala naman ay lumapit na ako doon.
Isinandal ko ang bike ko sa gilid bago pumasok sa loob. Hindi naman gaanong makalat ang paligid pero may kataasan na ang ilang halaman doon kaya medyo nangati ang binti ko.
Maingat ako habang naglalakad dahil baka may makikita sa 'kin. Napansin ko namang busy sa phone niya ang guard kaya umikot akong muli.
Nawala na sa paningin ko si Akiro at wala akong ideya kung nasaan siya ngayon.
Tumingin ako sa wrist watch ko at hindi na rin ako nagulat na late na ako para sa susunod na klase.
"Hindi na ako papasok!" deklara ko sa aking sarili. Sana na lang itago ni Kate ang bag ko at bukas ko na iyon kukunin sa kanya.
Pasado ala-una na at malamang hinahanap na ako ni Kate at ng teacher namin. Pero imbes na matakot, hindi ko mapigilang hindi mapangiti at ma-excite dahil first time kong mag-cut ng klase. Malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi maintindihan kung bakit pero iyong ngiti hindi mawala sa 'kin. At napapaisip ako kung anong ginagawa nila sa klase ngayon. Ganito pala ang pakiramdam na mag-cut sa klase at para akong maiihi sa kakaisip na baka may makakita sa akin at isumbong ako. Paano ito nagagawa ng iba?
Ayan Emilia, cutting pa!
Hindi ako pumasok sa building. Naghintay lang ako sa labas dahil nakasarado na ang pintuan sa harap at natatakot akong makagawa ng ingay na makakakuha ng atensyon nung gwardya. Lumipas ang ilang oras at magdidilim na pero hindi ko pa rin nakikita si Akiro. Tumingin ako sa kung saan ang post ng guard pero wala na ito sa pwesto niya. Maghahapon na rin kasi kaya siguro bumili ng makakain.
Nakakagulat nga na nakapag-antay ako ng ganitong kahabang oras.
Tumayo at naglakad-lakad. Tumingala ako sa langit at napansin kong gaano kaganda ang panahon ngayon. Nagmistulang pinaghalong orange at blue ang kalangitan. Dumapo ang paningin ko sa kabuuan ng building. Mataas iyon, mga nasa sampu hanggang labing-limang palapag ata ang gusaling ito at napaisip ako kung ano kayang itsura ng kapaligiran mula sa itaas.
Sigurado ako na parang abot kamay mo na ang langit. Akala ko kanina uulan pero hindi naman pala.
Imbes na sa langit lang ang tingin ko dumapo ang mata ko sa isang maliit na kung ano sa taas. Naniningkit ang mga mata ko para lang makitang maigi kung ano 'yon. Akala ko ibon lang o kung ano na hindi ko napansin kanina. Napaatras pa ako papalayo sa building para masuri ng maigi kung sino ito.
Pero hindi 'yon ano, kundi sino?
Napatakip ako sa bibig ko at nagkurap-kurap. Nagsimulan ding kumabog ang puso ko dahil sa sobrang kaba.
"A-akiro?" bulong ko.
Siya kaagad ang unang pumasok sa isip ko habang pinagmamasdan ito.
Naninigkit pa rin ang mata ko habang nakatingala sa taas. Hindi ako sigurado kung siya nga ba ang nakikita ko na nandoon. I felt my nervousness aroused me as I gazed at someone at the top of the building.
Anong ginagawa niya d'yan?
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang dumikit ang mga paa ko sa lupa at hindi ko man lang maihakbang. Napalingon ako sa paligid pero wala pa din 'yong guard! Handa na dapat akong tumakbo papalapit sa building para sana umakyat sa loob pero natigilan ako.
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ng makita kong may nalalaglag na kung ano. Huli na ng ma-realize ko na tao talaga ang nahulog. Pero malakas ang kutob ko na kilala ko ang taong iyon. Kahit ayaw kong isipin na siya huli na para doon.
Kahit nanginginig pilit kong ibinuka ang bibig ko.
"Akiro!"
Kahit hindi sigurado malakas akong napasigaw na para may maililigtas ko siya gamit non.
Huli na ang lahat, napaupo ako sa sahig habang nanginginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa isang tao na wala nang buhay. Mabilis na kumalat ang dugo mula sa ulo pababa sa katawan niya at sa sahig.
Kahit hindi nakaharap sa 'kin kilala ko kung sino 'yon. It was Akiro's body. I’m sure. I know it was him.
Kahit nanginginig ang buong katawan ko tumayo ako at sa sobrang takot ko ay hindi ako makalapit sa katawan niya. Tumakbo ako papalayo habang patuloy na umaagos ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin at natatakot akong lumapit sa bangkay. Sobrang bilis ng pangyayari at sobrang tuliro ang utak ko. Tumatak sa isipan ko ang imahe niya, maputlang katawan at pulang-pula sa palibot ng kanyang katawan.
Napahawak ako sa pader sa likod ng building at sumuka nang sumuka. Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay hindi mawala sa isip ko ang nasaksihan ko. Sobrang kinain din ako ng guilt ko pagkatapos dahil iniwan ko lang ang katawan ni Akiro dahil sa sobrang takot. Nawalan ako ng ganang kumain at nanginginig ang buo kong katawan kahit anong gawing pagpapakalma.
Malabong may mabubuhay sa ganoong kataas na pagkakalaglag. At sa sobrang daming dugo na lumabas kanina mula sa ulo niya alam kong hindi siya makakaligtas.
He’s dead.
Kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ang pagkawala ni Akiro. Naging maingay sa buong barangay namin ang nangyari at nakatanggap pa ako ng text galing kay Kate. Hindi ko magawang sumagot o lumabas man lang ng bahay dahil sa labis kong pag-iyak. Pagsalit ng gabi ay tuluyan na umulan at sobrang lakas ng pagbuhos nito na tila nakikisabay sa pagdadalamhati ng taong malapit sa kanya. We’re not close but I mourn for him.
I wished I could save him. Sana naging enough ‘yong boses ko para pigilan siya.
My normal day ended there. After that, it became the scariest and traumatic day in my life. And the rest is history...
Present
Nagpabalik-balik ako ng paglalakad sa veranda habang nasa kagat-kagat ko ang hintuturo kong daliri. Ganito ako kapag malalim ang iniisip at hindi makapagdesisyon. Hindi ko namamalayan na nagagawa ko na naman pala ang dati kong nakasanayan kapag kabado ako sa pag-iisip.
"Uggh!" inis kong sabi habang ginulo ang buhok ko.
Naloloka na ako kakaisip kung paniniwalaan ko ba si Damon. Hindi ko alam kung masyado lang akong apektado sa nangyari kay Akiro. Baka ilusyon ko lang si Damon at kinakain ako ng konsensya ko?!
I do felt remorse after that day. Halos araw-araw akong kinakain ng konsensya ko. Gusto kong sabihin sa kanila pero ayoko namang isipan nila ng kung ano si Akiro. Alam kong huhupa rin naman ang bali-balita sa kanya pero nakakarindi sila. Kahit hindi naman ako ang may gawa nun kay Akiro pakiramdam ko… kasalanan ko kung bakit siya namatay.
"Baka mauubos 'yang daliri mo?" nagulat ako ng may marinig na malalim na boses.
Napahawak ako sa dibdib ko at inirapan siya. So, nandito siya harap ko at mukhang totoo naman siya. Si Damon!
Kinuha ko ang arnis ko at kita ko ang pagkaalarma niya. Better safe than sorry.
"Hoy! Anong gagawin mo?!"
Inangat ko ang arnis. "Aalamin ko lang kung totoo ka nga."
Tinuro niya ako at nagpapanic siya. "Ibaba mo 'yan! Totoo nga ako hindi na kailangan pang manghampas ka! Masakit ‘yan, Emi."
Napakunot-noo ako. "Sino bang nagsabi sa'yo na hahampasin kita?" napaawang ang labi niya. "Tutusukin lang kita nito para malaman ko kung totoo ka ba," paliwanag ko.
He sighs, defeated. Tinaas niya pa ang kanyang kamay. "Okay. Huwag masakit ah."
Tumango ako. Ang dali naman pala nitong kausap. Ginawa ko ang sinabi ko at tinutok ko ang arnis sa dibdib niya bago dinikit iyon ng tuluyan. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi iyon tumagos sa katawan niya.
"Naniniwala ka na?"
Ibinalik ko muli sa sulok ang arnis bago siya muling hinarap. Nakakapanibago na hindi man lang ako kinakabahan sa kanya kahit nasa isip ko ay dapat akong matakot.
"Nakapagdesisyon ka na ba?"
Napalunok ako bago huminga ng malalim. "Oo, pero may tanong ako."
He shrugged and sat on the railings as he crossed his arms. "Sure. Ano 'yon?"
"Ako lang ba ang nakakakita sa'yo? Tapos kapag bumalik ako sa nakaraan maaalala ko ba ang lahat ng ito? Tapos kapag naligtas ko si Akiro, anong mangyayari?" sunod-sunod kong tanong. Kagabi ko pa iyon naisip.
Lumabi siya at tumango. "Para sa una mong tanong, ikaw lang ang nakakakita sa'kin." itinaas niya ang dalawa niyang daliri. "Pangalawa, hindi mawawala ang alaala mo kapag nakabalik ka sa nakaraan." sunod itinaas niya ang pangatlo niyang daliri. "At huli, mababago ang hinaharap kapag nagawa mong mailigtas si Akiro." huminto siya saglit. "Pero walang nakakaalam kung anong susunod na mangyayari." he paused again. "Kapag binago ang nakaraan malamang magbabago rin ang hinaharap."
Wala ako sa sariling napatango. Tanging nasa isip ko ay kung paano maililigtas si Akiro. Pero nakikita ko pa rin na hindi ito magiging madali.
"Ano? May tanong ka pa?"
Pinipisil ko ang kamay ko dahil sa nerbyos. "Ilang araw ang ibibigay mo sa 'kin para iligtas siya?"
"Good question!" tinitigan niya akong maigi na nagpakaba sa akin lalo. "Thirty-one days."
Nanlumo ako sa ibinigay niyang araw. Halos isang buwan lang 'yon!
"Bakit?" litong kong tanong.
"Sa loob ng thirty-one day pag-iisipan ni Akiro na magpakamatay."
Wala akong nasabi at napatulala. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa loob ng araw na sinabi ni Damon hindi ako sigurado kung magagawa ko ba ang misyon ko. Hindi madaling makalapit sa kanya lalo pa kung wala namang rason para lumapit.
At kapag hindi ko 'yon magawa. Mangyayari ang hindi ko gustong mangyari at ang nasaksihan ng dalawa kong mata.
"Kung sakali ba kapag nakabalik na ako sa nakaraan hindi na ako pwedeng bumalik sa future?"
"Hindi na," he clicks tongue. "Actually, parang present muna ang past kapag nakabalik ka. Sabihin nating nag-reset tayo pero naaalala mo lahat ng nangyari. Pagkatapos ng thirty-one days na binigay ko sa 'yo magtutuloy-tuloy pa rin ang takbo ng panahon. At wala nang second chance para bumalik ulit. Kapag nakabalik ka, the next chapter will be about him. This is like a once in a lifetime opportunity, Emi."
Tumango-tango ako at nag-isip ng mabuti.
"Hindi ka naniniwala na gagawin 'yon ni Akiro, tama ba?"
Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Alam kong may dahilan ang lahat..."
"Meron naman talaga." tumayo siya sa railing. Hindi na ako nag-alala para sa kanya kasi alam kung hindi naman siya mahuhulog. "Kaya dapat alamin mo kung bakit pero isa lang ang maibibigay kong clue." buong atensyon ko ang itinuon ko sa kanya. "Iyon lang ang choice niya."
Choice...
Mas lalong gumulo ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung nakatulong ba ang sinabi niya. "Wala na bang iba? Iyong mas specific para sure na mailigtas ko siya? Kasi tutulong ka na lang din naman bakit hindi mo pa sagarin?"
Mahinang natawa si Damon pero pamatay ang kanyang tingin. “Abusado ka,” nakangiti niyang turan.
Napalunok ako at ngumuso. “Gusto ko lang siyang mailigtas.”
"Ikaw mismo dapat ang nakahanap ng katotohanan. Hanggang doon lang ang pwede kong ibigay kahit na gusto ko pang sabihin sa 'yo ang lahat para matulungan mo siya," seryoso niyang sabi.
Huminga ako ng malalim at tumango.
"Bakit hindi mo pwedeng sabihin ang lahat?"
"Mamamatay ako," mabilis niyang tugon na nagpagulat sa akin.
Gusto niya akong tulungan para mailigtas si Akiro kaya bakit naman siya mamamatay?
“Hindi ka pa ba patay?”
“Technically dead but in our world, I’m alive. Iba nga lang ang mangyayari sa amin kaysa sa inyong mga mortal.”
“Kung ganun mamamatay ka talaga?”
He smiled and slowly nods. "Tama ka sa narinig mo... kapag sinabi ko lahat at tinulungan kitang iligtas siya ay mamamatay ako. It's against the law of nature." nagkibit-balikat siya na parang wala lang sa kanya ang sinabi niya.
"Tutulungan mo akong makapabalik sa past, hindi ba against na rin 'yon sa law of nature? Don't get me wrong, gusto kong matulungan si Akiro na mabuhay pa pero hindi ba bawal 'to?"
"Hindi naman. Kapag nakabalik ka na sa past, wala na akong iba pang gagawin kaya isa lang ang chance na meron ka. Kapag nabigo ka, iyon na 'yon at hindi mo na magbabago pa kahit anong hiling mo. Pinabalik lang kita sa nakaraan pero lahat ng paraan at pagtuklas para matulungan mo si Akiro ay sa ‘yo nakasalalay."
Naninikip ang dibdib ko at ang sinusubukan kong paganahin ang brain cells ko para maintindihan lahat ng sinasabi niya. "Bakit?"
He shrugged. "That's the rule. Kailangan kong sumunod. Hindi ko alam kung mamamatay pero basta maglalaho kami at wala na akong ideya kung anong mangyayari sa amin pagkatapos."
"May nangyari na bang ganoon?" napalunok ako at kuryosong naghintay ng sagot niya.
Tumango siya. "Isang beses pa lang." Naging banayad ang pagiging seryoso ng mukha niya.
Isa pa lang. So, bihira lang talaga ito ibigay sa mga tao. Hindi lahat nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. I’m lucky enough to be able to give a chance like this.
"Tatanggapin mo ba?"
I swallowed hard but I keep my posture relax. I am determined now to save Akiro as much as possible I can. Gagawin ko ang lahat nang hindi isinasaalang-alang ang buhay ni Damon. Malaking tulong na ang ibibigay niya sa akin na makabalik. Tama siya, this time ako naman talaga ang dapat kumilos para magawa ang gusto ko - ang mailigtas si Akiro.
"Tatanggapin ko."

Comentário do Livro (36)

  • avatar
    MJ Abad

    so cutee 🥺

    4d

      0
  • avatar
    Lanie Peratir

    sobrang Ganda nice

    18/08

      0
  • avatar
    Jonna Molinos Verzosa

    oo hhh

    15/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes