logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 3: Mysterious Guy

Mysterious Guy
Today is Sunday so I am free and I am planning to go somewhere. Hindi ko nga lang alam kung saan 'yong 'somewhere'. I don't even know kung nag-e-exist ba ang gano'ng lugar. Pero gusto kong gumala ngayong araw kaysa mabulok sa bahay. Gusto kong alisin kung anong man ang gumugulo sa isipan ko. Baka nga binibigyan ko lang ng iisipin ang aking sarili kahit hindi naman dapat.
May exam kami bukas pero wala akong ganang mag-review. Hindi ko man lang magawang buksan ang ilang notes ko. Hindi naman ako nagpapabaya sa pag-aaral ko pero bahala na bukas. Wala talaga ako sa mood ngayon. Kaya naman, kung may espirito ng kasipagan. Please lang ako'y iyong sapian. I badly needed you right now. Kahit anong titig ko sa mga notes ko walang napasok sa utak ko, nakakalimutan kong intindihin 'yong binabasa ko. Ni isang salita wala akong matandaan.
Sa pagmumuni-muni ko nakaisip ako kung saan pupunta. Kinuha ko kaagad ang mommy bike ko at pumunta na sa gusto kong pumuntahan. Wala man lang akong pag-aalinlangan na pumadyak hanggang sa makarating ako sa unang pumasok sa utak ko na dapat kong puntahan.
I went again to their house, Akiro's house. Wala naman talaga ito sa plano ko na ang bumalik ulit sa kanila pero pakiramdam ko kailangan kong pumunta. Pakiramdam ko dapat bumalik ako kahit hindi ko naman maipaliwanag kung bakit. Something was off last night and it bothers me in some way. It moved my sense. I know I got curious to her Mom at gusto kong samahan si Haru. I think he needs someone to be there for him. This is the least I can do.
Pero gusto ko ring malaman kung ano iyong narinig ko kagabi. It was voice coming from nowhere. From someone I couldn't see. Marahil gusto kong kumpirmahin o gusto kong patunayan kung totoo nga iyon. I'm not scared but it just really bother me. Kaya ko naman atang harapin kung totoo. At baka kapag nandoon ako matulungan ko si Haru sa maalis kahit papaano ang kalungkutan niya.
I guess...
Okay lang naman 'yon 'di ba?
At isa pa, hindi din mapanatag ang loob ko. Iyon nga ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog kakaisip kung anong meron sa pamilya ni Akiro. I know it wasn't my business to interfere pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.
Tsaka huling araw na pala ng burol ngayon. Bukas na ililibing si Akiro. At ni isa sa amin ay hindi pa handang tanggapin ang totoo. Lalo na ang pamilyang maiiwan ni Akiro.
I found Haru in the balcony area. He's alone while reading a storybook. From a distance, I glimpse inside their house. Nakita ko ang mama ni Akiro na may kausap sa phone pero hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod.
Dumapo ang mata ko sa kabaong ni Akiro bago ulit sa Mama niya. Nakapameywang na ito ngayon at nagpabalik-balik ng kanyang lakad.
I took a deep breath. I just decided to go straight to Haru.
"Hi, Haru," I greeted him, waving my hand while pushing my bike to the side.
Binaba niya lang ang hawak niyang libro nang makita niya ako. May pagtataka sa mukha niya na hindi ko na naman din kinagulat pa. Isa lang ang sinasabi ng mukha niya, hindi niya ako inaasahan na bumalik. Kahit ako rin naman pero heto ako, nandito ulit. Lumapit ako at tumabi sa bakanteng upuan sa tabi niya. Maingat ang galaw ko para hindi siya matakot sa akin. Hopefully, not.
Muli kong nagunita ang pagwawala niya kagabi. Sana lang hindi siya umiyak ng todo. Hanggang ngayon hindi pa rin ako handang magpatahan ng isang bata.
"Anong binabasa mo?" takang tanong ko kahit nakita ko na naman 'yong story book na hawak niya.
The Little Prince.
Paboritong story ko din 'to nung bata ko, hanggang ngayon ata. Sino ba namang may ayaw sa story na 'to? Sobrang daming lesson na makukuha at talaga namang nakaka-inspire.
Pinakita niya sa akin ang libro bago isinarado at nilapag sa hita niya. Hindi man lang siya nag-abala pa na banggitin sa akin 'yong title ng binabasa niya kahit tinanong ko pa.
"Ikaw po? Anong ginagawa niyo dito?" pabalik niyang tanong. Binalewala na ang tanong ko.
Bakit ba ganto ang batang 'to? Pakiramdam ko pinaghihinalaan niya ang bawat galaw ko... o ayaw niya lang sa'kin?
"Dinadalaw ka," simple kong sabi at ngumiti sa kanya. Ngunit hindi niya ako sinuklian ng kahit ano maliban sa naninimbang na tingin. Bumalik ang tingin niya sa loob ng kanilang bahay bago muli sa akin.
"Alam po ba ni Mama?"
Napakamot ako sa aking ulo. "Hindi eh. Pero sa tingin mo ba magagalit siya?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi. Mas gusto niyang may kasama ako."
"Ikaw ba?"
"Hindi rin. I like you, Emi. Ngayon lang may dumalaw sa amin." gusto ko lalong kurutin ang kanyang pisngi pero baka umiyak kaya hindi na lang.
"Okay ka lang ba?" kinagat ko ang loob ng labi ko pagkatapos kong tanungin iyon. Alam kong hindi siya okay pero gusto ko lang malaman. Hindi ko alam kung paano siya dadamayan dahil alam kong walang paraan para gumaan ang loob niya.
He lost his brother.
He left them.
Tumango-tango lang siya at hindi na muling nagsalita pa. Mas naging tahimik si Haru ngayon kasya kahapon. Dahil siguro sa kahapon, nakita na niya ang walang buhay na katawan ng kapatid niya. Hindi pa rin siguro nag-si-sink in sa utak niya ang lahat. Kahit nga ako e.
Pero may kailangan akong gawin. I'll be his company.
"Paborito mo ba 'yang 'The Little Prince'?"
Tumango siya ulit.
"Nabasa mo na ba? Hanggang saan ka na natapos?" sinubukan kong maging magiliw ang timbre ng aking boses para itago ang pagkaawa.
"Hindi po ako marunong pang magbasa. Si Kuya Akiro po ang nagababasa sa'kin nito bago matulog." napalunok ako. "Pumapayag siya laging basahan ako," dagdag niyang pa.
Ramdam ko ang kirot sa boses ni Haru lalo na't bakas ito sa mga mata niya. Iyong sakit na mahirap mawala. Iyong mga mata niya na halatang naguguluhan at maraming tanong tungkol sa mga hindi niya naiintindihan na nangyayari.
Iyong story book na meron siya ngayon ay 'yong may mga drawing at narration.
I sighed but smiling. "Gusto mo bang ako ang magbasa sa'yo nito mamaya bago ka matulog," I tried to make my voice energetic... again. I did it to hide my true emotions. Hindi ko kayang kaawaan lang si Haru. He needs more than that.
Napagdesisyunan kong magtagal na lang dito kila Akiro tutal ako lang din naman mag-isa sa bahay kung maaga akong uuwi. Tapos hindi din naman ako mag-aaral kapag umuwi ako. Wala pa rin akong gana ngayon at marahil tulala lang ako. So, 'wag na lang di'ba!
Pinakatitigan niya ako bago ngumiti. Gumaan naman ang loob ko dahil doon. "Okay lang po ba?"
"Oo naman," mabilis kong sabi.
He smiled widely and hugged me from the side. I touched his hair and slightly tapped it. Parang nagkaroon ako ng instant na kapatid. Gusto kong iparamdam kay Haru na may maaasahan siya kahit na wala na ang kanyang kapatid. Na nandito ako para matulong siya kung kailangan niya ako. Hindi ko ipagdadamot ang oras ko kung sakaling kailangan niya ng kapatid.
That is why I made a decision to protect Haru at all costs. Wala rin naman akong ibang poprotektahan.
"Nandito ka pala ulit, hija."
Nagulat ako pero nakabawi rin naman kaagad. Dapat atang masanay na akong lagi sumusulpot itong mama ni Akiro.
"Mama," pareho kaming napatingin kay Haru. "Sabi ni Emi babasahan niya daw nitong book bago matulog." pinakita niya pa 'yong libro.
Ngumiti ang ginang at tumango. "Oo naman."
Kahit medyo nag-aalangan ako pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa harap niya. Napaisip ako kung binabasahan ba niya si Haru bago ito matulog. Siya ba o si Akiro ang nagbabasa. Mukhang mabait namang nanay si ang Mama ni Haru.
Ano ba, Emilia! Masyado ka ng nag-iisip ng kung ano-ano. Kakapanood mo 'yan ng mga documentary sa Netflix e! Inalis ko kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko. Wala naman akong dapat bigyan ng kakaibang hinala lalo pa't wala naman akong ebidensya at wala namang kahina-hinala. That was unfair for her to be judge without even knowing. It feels like I was backstabbing her.
As I promised, binasahan ko si Haru ng paborito niyang book. Medyo late bago siyang nagyaya na matulog pero naka-ilang pahina pa lang ako nakatulog na siya ng mahimbing.
I just smiled as I looked at his innocent face. Ganito pala ang feeling kapag may kapatid. Pero bakit 'yong iba ayaw ng may kapatid? Kanya-kanya lang sigurong preference 'yan. Pero muli kong naalala na sinabi ko nga pala na ayaw ko ng kapatid pero ngayon nabawasan iyon dahil din siguro sa hindi umiyak si Haru.
I looked around the room. And notice na hindi ganoong kalakihan ang kwarto gano'n na din kama na tinutulungan ni Haru. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa hindi ako sanay at may kalakihan ang kwarto ko kaya naliliitan ako pero may kaliitan talaga. Kulay asul ang pintura ng pader at may maliit na bookshelf sa may taas ng putting cabinet. May ilang trophy din at medals. Dumapo ang mata ko sa tatlong certificate awards na naka-display sa pader. Kay Akiro lahat ng iyon. Iisa lang ang kwarto malapit na sa queen size bed, siguro dito sila natutulog at naghahati sila.
May bola at damit na nakakalat sa sahig. May kung anong amoy din ang kwarto pero kaaya-aya naman ang amoy. Parang amoy gatas na may halong vanilla.
I picked up my phone from my pants pocket and I texted my parents na late na akong makakauwi at nandito ako kila Akiro. Hindi ko alam kung mababasa ba nila 'yon dahil alam kung busy sila at walang oras para magbasa ng text ko. Malamang bukas na nila malalaman na nagpa-late ako ng uwi at nagtagal kila Akiro. Hindi naman sila magagalit pero ayaw nilang ginagabi ako ng uwi.
Ang hirap kapag laging busy ang parents mo, wala na silang time para sa'yo. Naiintindihan ko naman, matagal ko ng iniintindi. Since I was a child as much as I remember, they were always busy. Lagi akong naiiwan sa kasambahay o kaya naman kapag nasa bakasyon ako, sa grandparents ko ako nakatira. Depende kung saang lugar kaya depende rin kung saang side ng family ko. Ayoko na ng pinagpapasa-pasahan kaya naman mas pinili kong matuto na nag-isa.
Pero at least nagpaalam pa rin ako kahit malaki ang posibilidad na bukas pa talaga nila makikita 'yong text.
Lumabas na ako dahil mukhang mahimbing na ang tulog ni Haru. Oras na din para umuwi. Naabutan kong walang tao sa sala, hinanap ko ang ginang pero wala ito doon. Lumapit ako sa kabaong ni Akiro at sumilip. Hindi na pala nila sinarado ang kabaong.
You're lucky to have Haru. Pero bakit mo siya iniwan? I know I don't have the rights to question you but I want to know. Alam kong naging mahirap ang desisyon na ginawa mo para lang matapos ang lahat.
I was fine until I saw you...
Pero bago pa tuluyang lumalim ang iniisip ko. May narinig akong parang may kaaway sa labas. Marahan akong lumapit at nagtago sa gilid. Sumilip lang ako.
"Kasalanan mo 'to!" pagalit na sabi ng Mama ni Akiro pero may pagpipigil sa pagtaas ng boses niya. "Kasalanan mo. Hayop! Bakit ka pa bumalik?!" I heard her curse.
Wala akong ideya kung sino ang kausap nito pero palagay ko nag-aaway nga sila. Sapo-sapo ng ginang ang noo niya at halatang problemado sa kung anong dahilan.
Mali 'tong ginagawa ko. I know gusto kong malaman ang totoo pero mukhang masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya. Akiro is gone and no can change it.
I cleared my throat as I showed myself.
Napalingon naman kaagad sa'kin ang mama ni Akiro habang sapo pa rin nito ang noo. Binaba niya ang phone at ngumiti sa akin pero nangingilid ang luha niya. Pinilit ko ang sarili ko na hindi 'yon pansinin.
"Tulog na po si Haru. Uuwi na po ako." I tried to act like I didn't hear what she said through the phone earlier.
Huminga siya ng malalim at lumapit sa'kin. "Salamat hija. Mag-iingat ka pauwi."
Tulala ako habang nagbibisikleta pauwi, isang kanto lang naman ang pagitan ng bahay namin sa bahay nila Akiro. Hindi pa rin ako mapalagay sa lahat ng nangyayari. Kahit wala namang dapat isipin, masyado lang akong nag-iisip ng kung anong ikakabagabag ng loob ko.
"Emilia,"
Napahinto ako sa pagbibisikleta nang marinig ang boses na iyon, katulad sa boses na narinig ko kahapon. Nagsimula na akong matakot dahil wala namang tao dito sa labas. Maririnig mo pa ang sipol ng hangin tapos magpapatay sinding street light na lalong nagpakilabot sa'kin. Kung kailan ako lang mag-isa ngayon dito sa labas kung ano-ano naman ang naririnig ko.
Binilisan ko ang pagpedal nang may narinig akong yabag hindi kalayuan sa'kin. I tried not to look back pero palapit ng palapit ang mga yabag nito. Napalingon ako habang mas binilisan pa ang pagpepedal at nakitang may taong nakasunod sa'kin. Mabilis na ang pagbibisikleta ko pero parang maaabutan pa niya ako.
Umapaw ang kaba sa puso ko pero hindi ako nagpahalata at mas binilisan pa ang bawat pagpedal ko pero napansin kong bumilis din ang paglalakad niya.
Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakasumbrero ito na may suot na itim na mahabang coat at bahagya pa siyang nakayuko.
Hindi naman siguro si Akiro 'yon 'di ba? Hindi naman siguro niya ako minumulto! Jusko, 'wag naman sana!!! Tsaka sobrang labo na maging si Akiro kasi mas matangkad ito at may kalaparan ang katawan.
"Mama... Papa..." mahina kong saklolo.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos hindi ko na mabalanse ang sarili ko habang nagbibisikleta. Ramdam ko na din ang malamig na pawis na lumalabas sa noo ko pati sa ilalim ng ilong. Natatakot ako na may nakasunod sa akin. Papatayin ba ako?! Ganito 'yong mga eksena sa mga horror movies na napanood ko. Susugod ang killer kapag madilim at alam nilang mag-isa lang ang bibiktimahin nila. Dapat ko talagang pigilan ang sarili ko sa panonood ng mga horror at serial killer documentary.
Halos dumoble ang pagbilis ng pedal ko, parang nakikipag-race ako at napansing nawala na siya. Pero hindi pa rin ako huminto sa ginagawa ko. Hindi ko kayang gayahin 'yong mga nasa movie na aalamin pa talaga nila kung sino ang sumusunod sa kanila.
Matindi ang paghahabol ko ng hininga at malalamig na pawis sa noo.
Hindi ako sigurado kong sinusundan ba talaga ako o masyado lang akong paranoid.
Mabilis kong binuksan ang gate at sinarado iyon. Isinandal ang bike ko sa gilid. Huminto muna ako saglit at tinignan ang labas kung may tao ba pero wala naman kaya nakahinga ako ng maluwag. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin at sa paligid ko?
I loudly sighed with exhaustion. My heart is beating so fast due to nervousness. Pinunasan ko din ang pawis ko sa noo.
Pagkaharap ko laking gulat ko na ang taong sumusunod sa akin kanina ay nasa harap ko na ngayon at nakangiti sa akin.
I gasped, as the mysterious guy was standing real in front of me.
"Hi, Emilia."

Comentário do Livro (36)

  • avatar
    MJ Abad

    so cutee 🥺

    4d

      0
  • avatar
    Lanie Peratir

    sobrang Ganda nice

    18/08

      0
  • avatar
    Jonna Molinos Verzosa

    oo hhh

    15/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes