logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

It's Saturday. Nandito ako ngayon sa salas at nakahiga sa sofa; nagbabasa ng aking history book habang kinakain ang sandwiches na ginawa ko kanina. Wala kasi akong magawa.

Pagkaalis ni Laarni ay tumahimik na ulit ang buong bahay. Si Mom ay naroon pa rin sa study room niya, siguro ay tinatapos ang kanyang script habang si Dad naman ay hindi pa rin umuuwi.

I sighed.

Nakakabagot ang araw na ito.

Sanay naman na ako sa tahimik na paligid. Lagi namang ganito sa bahay namin pero, sa tuwing bored kasi ako at walang magawa ay pumupunta ako kina Frat. Magkatabi lang kasi ang bahay nila at ng sa amin; nakikipagkuwentuhan, naglalaro ng kung ano-ano o kaya nanonood kami ng movies.

Muli akong napabuntong-hininga.

Siguro kung katulad pa rin kami ng dati, kung walang Wina sa buhay niya ay hindi ako magdadalawang isip na pumunta sa bahay nila.

Simula kasi nang ligawan ni Frat si Wina, lagi nang ito ang kasama niya. Sabay silang pumasok, mag-lunch, pati sa pag-uwi.

Pakiramdam ko nga ay parang nawala na ako sa buhay ni Frat.

Parang unti-unti siyang lumalayo sa akin.

I smiled bitterly and shook my head. "Can you stop thinking about him for once, Faith? Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo," sabi ko sa sarili at muli nang ibinalik ang buong atensyon ko sa pagbabasa.

Wala talagang mabuting naidudulot sa akin ang ungas na iyon. Tama, mabuting kalimutan ko muna siya.

Kahit paunti-unti.

"Sinong him iyan? Sinong iniisip mo?"

"Ay pusang gala—aray!"

"Shit, Faith! Ang sakit! Bakit kasi bigla-bigla kang tumayo?" reklamo ni Frat habang himihimas-himas ang noo niya.

"Sino ba kasing nagsabi sa 'yong ilapit ang mukha mo sa akin?" aniko habang himimas-himas din ang aking noo.

"Eh kasi naman, nagsasalita kang mag-isa. Na-curious lang ako kung anong binabasa mo."

Inirapan ko siya at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko at umayos ng upo, bumalik ako sa pagbabasa ng libro. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko at sa aking peripheral vision, nakita ko siyang kumuha ng sandwich na nasa mesa.

Nice, feel at home talaga ang ungas na ito.

"Wala, masama bang puntahan ang best friend ko? At siya nga pala, iniiwasan mo ba ko?"

"Hindi, ba't naman kita iiwasan? Baka ikaw," I replied flatly without looking at him.

"Ah, okay, sabi mo e. Ano pala 'yang binabasa mo? May exam ba tayo sa history?"

Napalunok ako nang bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin para tingnan ang binabasa ko.

"Wala, gusto ko lang mag-advance reading." Mahinang hinawi ko ang ulo niya at tumigil sa pagbabasa, inilapag ang aking history book sa gilid ng sofa. At kinuha ang baso ng tubig sa mesa at ininom iyon.

"Ah."

The heck! Ba't ba grabe maka-react ang katawan ko pagdating sa kanya?

Matapos kong uminom ng tubig ay tiningnan ko si Frat na seryosong binabasa na ngayon ang hawak kong libro kani-kanina lang. "Wala kayong date ni Wina?"

"Ah, wala. May usapan kasi kaming hindi magkikita tuwing weekends," he said. I observed his expression while he was saying those words but, aside from his serious face while looking at the book, I found nothing.

Nag-away kaya sila?

Dahil hindi ko naman ugaling mag-usisa, tumango na lang ako sa sinabi ni Frat at iniba ang usapan. "Kumusta ang tennis? Masaya ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng sandwich.

Huminto naman siya sa pagbabasa ng history book at inilapag iyon sa mesa saka kinuha ang sandwich na hawak ko at kinain iyon. "Ano bang problema mong ungas ka? P'wede ka namang kumuha sa mesa ba't iyong kinakain ko pa?" inis na sabi ko.

Instead answering my question, he just smiled at me and continued to eat the sandwich he stole.

Napairap na lang ako sa ginawa niya.

Isip-bata pa rin talaga.

"Faith, samahan mo akong mag-practice ng tennis."

Litong tiningnan ko siya. "Ba't ako niyayaya mo? Ba't hindi si Wina? Wala akong alam sa tennis kaya mas mabuting siya ang pasamahin mo sa practice na iyan."

Dahil sa sinabi ko, ngumiti siya. Ngiting kakaiba.

The heck, ano na naman kayang pumasok sa isip ng ungas na ito?

"Sabihin mo nga, nagseselos ka ba kay Wina?" nakangiting aniya habang nakatingin sa akin.

Agad naman akong umiwas ng tingin at ibinato sa mukha niya ang history book. "Tss. Ang lawak ng imagination mo, Frat. Ba't naman ako magseselos? May dapat ba akong ikaselos?"

May karapatan ba ako?

Wala naman.

"Oo na, oo na pero, huwag mo namang atakihin ang mukha ko, Faith. Alam mo bang tinitilian ito ng mga babae?" sabi niya habang hinimas-himas ang kanyang pisngi, na akala mo naman talaga ay malakas ang pagkakabato ko ng libro roon.

"Ewan ko sa 'yo. Papasok na ako sa kuwarto ko. Pakitawag na lang ako kapag lalabas ka na para maisara ko ang gate." Tumayo ako at akmang maglalakad na paalis nang hawakan niya ang wrist ko at hinila ito nang bahagya dahilan para mapaupo ako sa sofa.

"Faith, may problema ka ba? May problema ba tayo?" Nakatingin siya sa akin nang seryoso. At sa puntong ito, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-reply sa tanong niya.

Oo nga, Faith? Ano bang problema mo? Hindi ba mas okay namang maging best friend na lang kayo kaysa umamin ka at i-pursue mo siya?

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang sinabi ni Laarni kahapon. "Kung ayaw mo, sanayin mo ang sariling makita silang magkasama, Faith, because sooner or later, magiging sila rin ni Wina. Sanayin mo ang sarili mo sa sakit hanggang sa parang wala na lang iyon. Siguro naman, darating ang panahon na mapapagod ka rin 'di ba?"

Siguro, tama nga si Laarni. Masasanay rin ako sa sakit. Kaya dapat ngayon palang ay sanayin ko na ang sarili ko na hindi na lang ako ang babae at Mom ni Frat ang nasa buhay niya, mayroon na ring Wina.

Pinilit kong ngumiti at bumuntong-hininga. "Wala tayong problema, Frat. Pagod lang ako ngayon dahil nag-shopping kami kahapon ni Laarni pero fine, ano bang gusto mong gawin ngayong araw? Basta, sasamahan lang kita a."

Unti-unti namang umukit sa mga labi ni Frat ang isang ngisi at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

I gulped.

"Thank you, Faith. Akala ko may problema tayo kasi hindi ka pumunta sa bahay ngayong araw. Pinakaba mo ako."

So, Faith, paano mo ba sasanayin ang sarili mo sa sakit?

Napailing ako sa naisip at ikinalas ang pagkakayakap sa akin ni Frat. "Hoy, Frat. Magkakaroon ka ng girlfriend kaya iwasan mo na ang pagiging touchy sa akin dahil baka magselos si Wina niyan at awayin ako," aniko nang makakalas sa yakap niya.

Bumungisngis naman ng ngiti ang ungas at umiling. "Nah, hindi iyon magseselos."

"Paano mo nasabi? Hindi mo alam kung paano ang takbo ng isip ng mga babae."

"Oo na, oo na. Dali, mag-ayos ka na, samahan mo akong mag-practice ng tennis. Hihintayin kita rito. Dalian mo a," aniya at tinulak na ako paakyat ng hagdan.

Lumingon naman ako sa kanya at masama siyang tiningnan dahilan para tumigil siya sa pagtulak sa akin at nag-peace sign.

"Uh, sorry. Sige, mag-aayos na rin ako! Punta ka sa bahay pagkatapos mo, may ibibigay ako sa 'yo." Pagkatapos sabihin iyon ay nagmamadaling lumabas siya ng bahay namin.

Naiwan naman akong nakatulala at iniisip ang sinabi niya.

Ano kayang ibibigay niya sa akin?

Napangiti ako pero, agad akong umiling at lihim na napamura sa sarili.

The heck! Did I just expect something from him?

Mukhang mahirap ang sinasabi ni Laarni na sanayin ang sarili sa sakit kung may part sa akin na laging umaasang mayroon pero, wala naman.

Comentário do Livro (71)

  • avatar
    GamboaRonaldo

    J o hindi w

    19/04

      0
  • avatar
    Boss Mike Corpuz Valdez

    bossmike

    07/11

      0
  • avatar
    Jake Oliva

    thank you po

    15/10

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes