logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 7

SELENE’S POV
“SELENE, bruha!” impit na sigaw sa akin ni Jane bago niya sinundot ng lapis ang beywang ko kaya naman ay napapitlag ako nang bahagya. Mabuti na lang at nakatalikod sa amin si ma’am Math kaya naman ay hindi niya napansin ang ginawa ko.
Seatmates kasi kami. Nakaupo ako sa tabi ng bintana at katabi ko naman siya, at 'yong mga katabi niya eh hindi ko alam kung ano ang pangalan. Si Jane lang naman ang madalas kong makausap dito sa room. Tulad nga ng sabi ko, hindi ako masyadong ina-approach ng iba dahil mukha raw akong masungit.
Aba, masungit naman talaga ako, except kay Kent my loves. Hihi.
"Ano ‘yon? Bakit?" tanong ko habang nakatingin pa rin kay ma'am mathematics.
Nakaharap na kasi siya ulit sa amin habang nagdi-discuss. Baka sabihin pa nito na hindi ako nakikinig sa kan'ya. Medyo terror pa naman 'yan si ma'am. Ayoko pa naman sa lahat eh tinatawag ako para mag-recite. Kahit kasi alam ko ‘yong sagot, kinakabahan pa rin talaga ako kapag haharap ako sa maraming tao, pero ang weird lang dahil kapag nasa competition ako ay nawawala ang kaba kong ‘yon.
Feel me, guys?
"'Yong buhok mo. Feel na feel mo talaga ang pag-gaya sa shampoo commercial sa tv, ano? Buti sana kung masarap 'yung lasa ng buhok mo, ano?" masungit niyang reklamo sa akin bago niya ako inabutan ng puting scrunchie na kaagad ko namang kinuha.
Malakas kasi ang hangin at nakabukas ang bintana kaya naman humahampas 'yong hangin sa buhok ko at saan tumatama ang buhok ko? Sa mukha ni Jane. Natawa tuloy ako bigla sa mukha niya ngayon. Halatang naiinis na siya sa akin, eh. Pinipigilan niya lang dahil best friend niya ako.
"Ay sarreh, okay? Sarreh," asar ko sa kanya at tinali ko na ‘yong buhok ko.
Sayang. Feel ko pa namang mag-senti ngayon at feel na feel kong gayahin si Sarah Geronimo doon sa Maybe This Time. Tagos kasi ang lines niya, eh. Saka isa pa, feeling ko ay bagay na bagay talaga sa akin ‘yong sinabi niyang ‘yon.
There's no us, and there will never be an us!
Tapos sabay sampal kay John Lloyd. Pak na pak! Char, may sampalan bang naganap doon? Hindi ko rin sigurado, eh.
"Selene," tawag ni Jane na naka-pokerface na naman kaya napatigil ako sa pagda-daydream ko.
"Bakit?" tanong ko naman pabalik.
"Naka-drugs ka ba?" seryosong tanong naman nito sa akin kaya naman ay napakunot ang noo ko. Gaga ba siya? Ano naman ang dahilan at naisip niya ‘yon, ha?
"Hindi, at bakit mo naman naisip ‘yan?" Nagbubulungan lang kami ni Jane rito na parang mga bubuyog dahil mahirap na kapag nahuli kami ni ma’am Math. Baka palabasin pa kami nito bigla, eh.
Imbes na sumagot si Jane ay itinuro niya lang ang notebook ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang mga nakasulat doon.
Puro doodle ng pangalan ni Kent, 'yong mga lines ni Sarah Geronimo sa Maybe This Time, at lahat ng sinasabi ko sa utak ko eh naisulat ko rito! Nakakahiya naman ‘to, buti na lang at si Jane lang ang nakakita sa mga kagagahan ko!
Pasimple kong pinunit 'yong last page ng notebook ko at dali-dali ko itong inilagay sa bag ko. Susunugin ko na lang 'yan mamaya para walang makabasa. Kung ano-ano na naman kasi ang pinaggagagawa ko. Paano na lang kung may ibang nakabasa? Sira ang reputasiyon ko kapag nagkataon!
"May nangyari ba? What's with the smile? You know that you look like a retard when you smile, right?" pang-aasar na naman ni Jane. Nagpapanggap siya na nakikinig siya sa teacher, pero nakangisi naman siya at halata naman sa kan’ya na pinagt-trip-an niya lang talaga ako.
Hay, naku. Napailing na lang tuloy ako nang bahagya, at nang ma-realize ko sa sarili ko na wala naman na rin akong naiintindihan sa lesson ni ma’am Math ay tuluyan na lang din akong hindi nakinig. Ipinokus ko na lang ang atensiyon ko kay Jane na pasulyap-sulyap sa akin ngayon.
"Grabe Jane, ha. Ang sama. Ang hard," pag-eemote ko pero inirapan niya lang ako.
Sa bagay, gan'yan na talaga siya noong una kaming nagkakilala pero kapag may topak naman siya at nasa mood siya, nagiging normal na teenager din siya na ngumingiti at tumatawa.
Napansin ko nga, eh. Medyo pareho sila ng ugali ni Kent. Siguro ay magkapatid sila? Pero kaagad din akong napailing dahil sa naisip ko. Nah. Ba't ‘di sila magkamukha?
"Selene, nababaliw ka na naman ba?" Jane asked, having a confused look written all over her face.
Umiling ako. "Bakit na naman?" tanong ko sa kan’ya pero nagkibit-balikat lang siya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin.
“Class, may sasagutin lang akong tawag. Please, behave,” paalam sa amin ni ma’am Math bago siya lumabas ng room para sumagot ng tawag daw, at pagkalabas na pagkalabas niya ay kaagad ko namang ginulo ang buhay ni Jane, charing!
“Jane, hoy.” Marahas ko siyang kinalabit kaya naman ay napatingin siya kaagad sa akin, nakakunot pa ang noo.
“Ano ‘yon?”
"Tingnan mo 'to, dali." Pasimple kong inabot kay Jane 'yong papel na nakadikit doon sa payong. Siyempre, dapat ay alam din ng best friend ko ang mga nagaganap sa buhay ko, ‘no!
Inirapan na naman niya ako bago niya kinuha 'yong ibinibigay ko sa kan’ya. Sarap dukutin minsan ng mata nang babaeng 'to, eh. Ang ganda niya lang kasi ‘pag umiirap siya. Sa akin kasi hindi bagay, eh. 'Di ba sabi nga niya kanina? I look like a retard. Grabe,
Jane, best friend ba talaga kita? Gusto ko sanang itanong sa kan’ya ‘yan kaya lang ay baka sabihin niya na hindi. Ang sarap lang din talaga niyang sabunutan paminsan-minsan.
Ay, mali! Masarap siyang sabunutan palagi! Tama, palagi!
Mga ilang minutong tumahimik si Jane matapos niyang basahin 'yong ibinigay ko, at maya-maya, hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko.
"Nakakakilig naman," wika nito sa akin. Kaysa matuwa tuloy ako ay napakunot pa ang noo ko dahil hindi ko naintindihan kaagad ang reaksiyon niya. Nakakakilig daw, so bakit ‘yong boses niya ay parang nakikilamay?
Kaloka ‘tong si Jane, ah!

Comentário do Livro (130)

  • avatar
    Shann John Estenote

    wow

    16d

      0
  • avatar
    SanteJ ver

    cute

    16/08

      0
  • avatar
    Jen Fajardo

    wowww

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes