logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

SELENE’S POV
"HOY, SELENE!" malakas na sigaw ni Jane sa akin na ikinagulat ko naman. As in, talagang napatalon ako mula sa kinauupuan ko!
"Ano’ng mayroon?! Bakit?!" tanong ko habang palingon-lingon pa sa kaliwa at kanan ko. Baka kasi may sunog pero hindi ko lang alam!
Napatigil ako nang ma-realize ko ‘yong ginawa ko. Ganito talaga ako kapag nagugulat. Minsan kasi— I mean, madalas, kapag nagugulat ako, naiisip ko na baka may holdaper o baka may sunog.
Sabi kasi ni mama, maraming gustong pumatay sa’kin at dahil iyon sa estado ko sa buhay kaya dapat daw mag-ingat ako palagi. Gusto nga nila mama na hatid-sundo na ako palagi pero ang sabi ko, kaya ko ang sarili ko at gusto kong makaranas ng simpleng pamumuhay.
Minsan ay sinusundo ako ng driver namin, pero minsan naman ay hindi.
Isa pa, hindi ko naman ipinagkakalat dito sa school na mayaman kami, eh. I mean, oo, alam nilang mayaman kami, pero hindi nila alam na higit pa ‘yon sa ine-expect nila sa akin.
"Bruha, tumingin ka sa bench! Dali! Tingin!" mahinang sigaw ni Jane habang nakatingin doon sa may bench. Kinukurot niya pa ako habang sinasabi niya ‘yon kaya naman ay napangiwi na lang ako.
May sakit na nga ako tapos nangungurot pa! Buwisit talaga na babaeng ‘to, oh!
“Ito na nga, aray ko!” reklamo ko sa kan’ya dahil sino ba naman ang hindi magrereklamo kung ang haba-haba ng kuko niya na may itim pang cutics tapos iyon ang ipinangkukurot niya sa akin? Ang sakit kaya!
Paglingon ko sa bench, nakita ko si Kent na nag-iwan ng payong doon sa bench kung saan siya nagpa-paint kahapon. Seryosong-seryoso 'yong mukha niya ngayon na kahit subukan kong basahin kung ano ang ekspresiyon ng mukha niya, hindi ko talaga iyon mabasa. Naka-jersey pa siya at pinagtitinginan siya ng mga babae dahil ang hot niya at gusto kong pumatay ngayon.
Peste! Grrrrrrr! Die die die! Naaalala ko tuloy ‘yong nilalaro kong Flappy Bird! Gusto ko silang i-untog lahat!
Grabe, ang hot niya kahit pawis na pawis na siya. Shet naman. Naglalaway na ba ako? Pahingi naman ng tissue!
"Aray! Bakit ba?" reklamo ko habang hawak-hawak ko ‘yong ulo ko na binatukan ni Jane ngayon lang.
Ang sakit! Bakit ba ang brutal ng best friend ko? Kanina ay sinusungitan niya ako at kinurot niya pa ako, ngayon naman ay binatukan naman niya ako! What did I do ba? Ano ba'ng problema niya sa kan’yang kabuhay-buhayan?
"Akala ko ba ay naiwan mo 'yong payong mo ha?! Naiwan mo ba talaga ‘yong payong mo o binigay mo kay Ke—"
Hindi na niya natapos ‘yong pagsasalita niya kasi tinakpan ko 'yong madaldal niyang bibig gamit ang kamay ko.
“Aray!” pagrereklamo niya sa akin at sinubukan niyang kagatin ang kamay ko pero kaagad ko siyang sinabunutan gamit ang isa pang kamay ko.
Mabubuking ako nang dahil sa kadaldalan niya, eh! Tahiin ko na kaya ang bibig nito?
"Oo na, oo na ! ‘Wag kang mainga—"
Nabitawan ko 'yong bibig at buhok ni Jane dahil tinakpan ko ng panyo 'yong bibig ko. Ang hirap pala magkasipon. Biglang nagluluha ang mata ko at bigla-bigla na lang din akong nabahing. Mahirap na, baka mahawaan ko pa nito si Jane. Dapat pala ay lumalayo na muna ako sa kan’ya.
Pero wait, ibinalik niya ‘yong payong ko sa bench? Ang sweet naman. Kinikilig ako. Pero sana, sa personal mo na lang ibalik, Kent. Hehe— ay tanga, hindi nga pala niya ako kilala, kaya paano niya iyon ibabalik sa personal?
Gusto ko mang kunin na ‘yong payong ko agad-agad pero pinigilan ko nang matindi ang sarili ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at nang matapos na ako kumain ay itinabi ko na ang lunch box ko sa bag ko.
Naubos ko rin sa wakas ‘yong pagkain ko. Ang sarap-sarap. Kahit may sakit ako, magana akong kumain. Eh sa masarap kumain, eh. Saka, dapat talaga kapag mayroon kang sakit ay matuto tayong labanan ito!
"Ba't 'di mo man lang ako pinatikim ng lunch mo?" malungkot na tanong ni Jane habang nakatingin sa lunch box ko na wala nang laman ngayon.
Ang weird talaga ng babaeng 'to minsan. Minsan parang bata pero madalas parang gangster. Kung 'di ko lang talaga siya best friend, eh. Binato ko na siya roon sa lake malapit dito sa school.
"Ay, sarreh," sabi ko saka nag-peace sign sa kan’ya na nakabusangot lang sa akin ngayon.
"Si tita at tito ang nagluto niyan, 'di ba?" tanong niya pa sa akin habang nakatitig sa pagkain ko. “Masarap ka rin naman magluto, pero iba talaga ang appearance kapag parents mo ang nagluluto, eh.”
"Yup yup," nakangiting sagot ko sabay taas pa ng tinidor na hawak ko. Ang saya lang talagang inggitin ng babaitang ‘to!
"Siguradong masarap ‘yan," pagmamaktol niya pa sa akin bago niya ako sinamaan ng tingin. “Ang damot! Hindi man lang ako pinatikim!” wika niya pa bago siya nag-cross arms sa harapan ko.
Natawa na lang ako sa inaasal ni Jane. Well, si mama at papa kasi ay parehong chef kaya masarap silang magluto. At ako? Well, marunong din akong magluto, siyempre. Pero tulad nga ng sinabi ni Jane, mas magaling kasi si mama at papa magluto kaysa sa akin. Malamang, chef sila, eh. At ako ay isang hamak na estudiyante lang.
Isa pa, hindi man ganoon kaganda ang appearance ng mga niluluto ko, pero sikat na sikat naman ako sa business industry lalo na sa cooking business dahil kilala ako bilang food taster sa iba't-ibang restaurants.
Part-time job ko 'yon kahit na 17 pa lang ako. Ipinapatawag ako ng iba't-ibang restaurant owners at ipapatikim nila sa'kin 'yong pagkain nila at ic-critique ko 'yon. Una ay sa appearance ng pagkain, tapos sa lasa no’n, at kapag naging mabait ako ay kasali na rin sa ic-critique ko ang mismong lugar ng restaurant nila.
Naging sikat ako dahil sa trabaho kong 'yon. Lahat kasi ng mga dish na kini-critique ko ay pumapatok sa panlasa ng mga customers nila. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa preference ko at patok sa kanilang lahat, eh.
May kakaibang powers siguro ang mga mata ko at ang panlasa ko. Charing!

Comentário do Livro (130)

  • avatar
    Shann John Estenote

    wow

    16d

      0
  • avatar
    SanteJ ver

    cute

    16/08

      0
  • avatar
    Jen Fajardo

    wowww

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes