logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 2

SELENE’S POV
NAPANGIWI na lang ako nang bahagya nang maalala ko na naman ang pangyayari na ‘yon. Sorry, ha! Bingi at gutom lang kasi talaga ako noong panahon na ‘yon! Mabuti na lang talaga at may koneksiyon ako sa school kaya hindi nila 'yon nagawa sa'kin. Hindi nila ako na-bully noong mga panahon na ‘yon.
Ang hindi lang nila alam, isa akong ultimate fan ni Kent. Ang guwapo niya kasi, tapos talented pa, tapos ang bait pa. Saan ka pa? Feeling ko nga ay anghel na si Kent sa paningin ko, eh.
Baliw na ba ako?
Anyway, Grade 10 na kami, at siya ang captain sa basketball team nila. Magaling din siya sa academics pero mas magaling siya sa sports. Sana all naman, 'di ba?
Magaling din siya mag-paint. Sayang nga lang talaga at hindi ko pa nakikita 'yong mga paintings niya. Hindi naman kasi niya nilalagay sa museum ang paintings niya. Sa bahay lang yata nila dahil ayaw niyang may makakita na iba sa mga gawa niya. Hays. Sayang naman. Kahit isa man lang sana ang makita ko bago ako madeds, 'di ba, charot.
Pero ideal man ko talaga siya. Nasa kan'ya na ang lahat. Kaya nga maraming nagkakandarapa sa kan’ya, eh... at isa na ako roon.
Kent. May pag-asa pa kaya na mapansin mo ako?
Kahit naman 'di ko sabihin na crush ko siya, halata naman na kasi kung hindi ko siya crush at kung wala akong pakialam sa kan'ya, magtiyatiyaga ba ako na magtago sa malaking puno na 'to para lang mapanood siya?
Oo na, ako na ang baliw. Tanggap ko naman 'yon at hindi ko iyon ide-deny, ‘no.
Kaya lang, ang masakit, hindi niya pinapansin ang lahat ng nagkakagusto sa kan’ya dahil may mahal na siyang iba at sa bibig niya mismo nanggaling 'yon.
“I experienced falling in love once, and I may be young, but I'm sure that I'll only love her for the rest of my life.”
'Yan ang eksaktong pagkakasabi niya sa amin, sa fans club niya, noong may nagtanong sa kan’ya kung mayroon na raw ba siyang napupusuan.
Who's her? She's just so blessed to have him, if ever.
Nang maalala ko ulit 'yon, napayuko na lang ako kasi siyempre, masakit. Masakit na nagpapakatanga ka sa taong may mahal nang iba, pero mas masakit na kahit na alam mo na may mahal na siyang iba, hindi mo maihinto ang nararamdaman mo para sa kan'ya.
Kung sino man 'yong babaeng mahal niya, napakasuwerte niyang talaga.
Kasi nararanasan niya kung paano mahalin ng isang Kent Fujimoto, na gustong-gusto ko maranasan.
Gustong-gusto to the point na handa akong gawin ang lahat para sa kany’a. Ganoon ko siya kamahal at ganoon din ako kabaliw. Minsan sinasabi ko na crush ko lang siya pero normal ba na umaabot ang simpleng pagka-crush lang nang dalawang taon mahigit?
I wonder.
Nandito ako ngayon sa itaas ng puno. May lahi yata akong unggoy kaya naman ay kaya kong umakyat sa mga puno.
Nakaupo ako sa may sanga at pinapanood ko siya mula rito. Ito ang secret place ko dahil dito ako nagtatago kapag pinapanood ko siya. Maaarte rin naman ang mga kaklase kong babae na ayaw umakyat ng puno dahil madudumihan daw ang palda nila at ang mga lalaki naman ay sa court or computer shop tumatambay.
And wait, araw-araw ko 'tong ginagawa dahil araw-araw din naman siyang natambay sa kinauupuan niya ngayon at nagpipinta. Minsan nacu-curious ako kung bakit dito siya nagpipinta at hindi sa bahay nila, pero ayos na rin 'yon dahil nakikita ko naman siya sa araw-araw dahil nandito siya.
Nagtatago ako dahil ayokong matakot siya sa'kin. Baka kasi kapag nakita niya akong sinusundan siya eh mas lalo niya lang akong layuan. Hindi na nga kami magkakilala tapos lalo pa siyang lalayo. Sakit naman no’n. Sa bagay naman kasi, sinong tao ba naman ang gugustuhing magkaroon ng isang stalker?
Ako.
Basta si Kent ang stalker ko, hindi na ako aangal. Hihi, chos! Ang landi!
Selene Perez is my name and stalking Kent is my game, charot! Grade 10 student pa lang ako at mas bata ako kaysa kay Kent pero age doesn't matter naman. Parehas pa rin naman kaming Grade 10 kahit na mas bata ako kaysa sa kan’ya. I am a pure Filipino and wala akong half-half kasi hindi naman ako manananggal, charing!
Hindi naman sa nagmamayabang pero medyo sikat— oo, medyo lang— ako rito sa school na 'to dahil representative ako sa iba't-ibang clubs. Magaling ako sa academics pero sa sports? No, thanks. Wala akong talent diyan. Magaling lang naman akong umiwas sa bola kapag nagvo-volleyball at magkaroon ng maraming sugat kapag nagba-basketball. Lampa kasi ako, eh. Aminado ako roon.
Medyo mataray daw ako kaya naman takot lumapit sa'kin ang ibang schoolmates ko. Isa na rin 'yon sa dahilan kaya walang makakaisip na crush ko si Kent. Sabi kasi nila sa'kin ay bitter daw ako at walang pakialam sa lovelife. At higit sa lahat? Nerd.
Like, what? Sa itsura kong 'to? Nerd? Eh hindi nga ako nakasalamin eh. Well, palaaral ako pero I think the word nerd is not suitable for me.
Maganda naman ako, buhat ng sariling bangko, sige, at marami namang nanliligaw sa akin kaya lang hindi ko sila pinapansin. As in, unang attempt pa lang, basted na agad. Bakit ko pa kasi sila paaasahin kung irereject ko lang din naman sila sa huli?
At saka, siya lang naman ang gusto ko eh.
Siya lang.
"Ay, shete otso nuwebe!"
Napabalikwas ako ng galaw at kamuntikan na akong mahulog nang biglang kumulog at kumidlat. Mabuti na lang at napakapit ako sa sanga dahil kung nagkataon, goodbye beautiful face na, Selene Perez. Huhu.
Masama ang timpla ng mukha ko nang mapatingin ako sa langit. Napangiwi na lang ako nang makita na sobrang dilim na.
At hala, mukhang uulan pa ata!
And believe it or not, sa edad kong 17 years old, takot pa rin ako sa kulog at kidlat.
Gusto ko man na panoorin pa si Kent ko pero kailangan ko nang umuwi. Mayayari na ako kay mama. Tinakasan ko na nga ‘yong driver ko, eh. Baka mamaya ay tumawag na naman ng pulis sila mama dahil akala nila ay nawawala na naman ako or what.
Alas-sais na pala ng gabi at kanina pa kami nag-uwian pero dahil nga ini-stalk ko muna siya kaya hindi muna ako umuwi. At oo, ganito na kalala ang sapak ko sa utak, kanina ko pa sinasabi. Kaya nga minsan, hindi na ako nagtataka kung bakit kahit mismong best friend ko, nagagalit sa’kin.
"Hala," mahinang reklamo ko. Pumapatak na kasi ang ulan at nandito pa rin ako sa sanga. Ano na?!
Tumalon na ako pababa ng puno habang nakasukbit sa likod ko ang backpack ko. Napatingin ako kay Kent na binabalutan ng malaking plastic ‘yong painting niya at sumilong sa isang puno na medyo malapit sa kinaroroonan ko.
Napatitig na naman ako sa kan’ya nang makita ko na medyo nababasa siya ng tubig dulot ng ulan. At aaminin ko, ang hot niya sa gan’yang itsura, hehe, pero kapag nagpatuloy siyang nagpaulan, baka magkasakit na siya. May practice pa naman sila para sa nalalapit na basketball competition nila.
Nasaan ang payong niya? Bakit wala siyang payong?
"Alam ko nandito 'yong extra ko eh," bulong ko sa sarili ko habang kinakalkal ko sa bag 'yong payong ko.
Nang mahanap ko ang payong ko, dahan-dahan akong naglakad kasi baka makita niya ako. Dumaan ako sa likod niya at pasimple kong nilapag 'yong payong ko na color blue sa tabi niya.
Blue ang favorite color niya kaya blue rin ang kulay ng payong ko. Hehe, ganoon talaga ako kalandi, pero kay Kent lang.
"Pst!" sinitsitan ko siya at no’ng lumingon siya ay nagtago ako roon sa likod ng isa pang puno.
Gusto ko mang makita kung ano ang reaksiyon niya ngayon pero hindi puwede. Oras na tumingin ako sa kan’ya, makikita niya ako dahil nakaharap siya sa direksyon ko. Sana lang ay makita niya 'yong payong. Sana gamitin niya. Sana hindi masayang ang effort ko para ibigay ‘yon sa kan’ya.
Sana rin ay dito na magsimula ang love story namin, charot!
Pero teka, speaking of payong, kailangan ko na nga pala magpayong! Baka ako naman ang magkasakit.
Binuksan ko ang bag ko at kinalkal ko kung nasaan 'yong isa ko pang payong pero...
"Bakit wala rito?!" sigaw ko habang patuloy kong kinakalkal ‘yong payong ko. Indenial pa rin ako kahit na alam ko naman nang wala talaga ‘yong payong dito sa bag ko.
Wala na pala akong dalang ibang payong! Naiwan ko nga pala roon sa kuwarto ko 'yong payong kong color pink! Tokwa! Tokwa! Paano na 'to?!
Napatingin ako kay Kent na kasalukuyang inaayos na ngayon 'yong painting niya habang hawak-hawak na ‘yong payong ko. Napangiti na lang ako kahit na nababasa na ako ng ulan. At least ay natulungan ko siya. Okay na 'yon para sa'kin.
"Go, Selene! Kaya mo ‘yan!" pag-cheer ko sa sarili ko bago ako tumakbo palabas ng school.
Binilisan kong tumakbo para makarating ako kaagad sa sakayan ng tricycle, kaya lang ay nabasa pa rin naman ako nang husto. Tsk tsk.
Okay na 'to. Kaysa naman si Kent ang magkasakit, 'di ba?
"Tama, Selene, okay na iyan," wika ko sa sarili ko.
Tulad nga ng pangako ko, iingatan ko si Kent hanggang sa abot ng makakaya ko.

Comentário do Livro (130)

  • avatar
    Shann John Estenote

    wow

    16d

      0
  • avatar
    SanteJ ver

    cute

    16/08

      0
  • avatar
    Jen Fajardo

    wowww

    23/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes