logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 5

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Fatima nang damputin ko ang bag ko matapos i-announce na wala ang prof namin sa art appreciation. 'Yun na rin ang huling klase ko para sa araw na 'to.
Napatigil ako saglit bago siya nilingon. Should I tell her about Wilhem?
"Uuwi na?" Sagot ko sa kaniya ng may bahid din ng pagtatanong.
Kumunot ang noo niya. "'Di ka pa sure kung uuwi ka?"
I bit my lower lip. "May dadaanan pa kasi ako." Pagdadahilan ko.
"Uh, okay." She uttered. Bahagyang nakakunot ang noo niya at parang nagdududa.
Mabilis na akong tumalikod sa kaniya para makaalis. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagmamadali. Gusto ko lang namang pumunta do'n sa playground. Baka kasi maabutan ko pa roon si Wilhem.
Napapangiti parin ako tuwing naaalala ko 'yung offer niya kahapon. Na ipapahiya namin ang sarili para makapagmove on ako kay Kiel.
Malapit lang ang playground sa university na pinapasukan ko kaya kayang kaya kong lakarin ang papunta roon kung gugustuhin ko.
"Kuya mo?" Tanong ko kay Miguel nang makasalubong ko siya. Tumatakbo na naman ito at pawis na pawis.
Agad na tumaas ang kilay nito nang mapagsino ako. Sanay na ako na sa tuwing makikita ako ng batang 'to, ang una niyang gagawin ay ang pagtaasan ako ng kilay. Ewan ko ba, mabait naman si Wilhem pero hindi man lang namana ng batang 'to ang kabaitan ng kaniyang kuya.
"Kanan." He replied shortly. Pagkatapos no'n ay nagmamadali na ulit itong tumakbo papalayo.
Nangunot ang noo ko. Kanan?
Nagmasid ako sa paligid hanggang sa matagpuan ng mata ko ang lalaking nakaupo sa dati nitong pwesto kahapon, sa may bench sa ilalim ng puno ng mangga. Mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya.
Tumikhim ako kapagkaraan para kunin ang atensyon niya at hindi ako nabigo.
"Amariah?" Napangiti ako ng banggitin niya ang pangalan ko.
"Pa'no mo nalaman?" Tanong ko. Iniba ko kasi ang pabangong ginamit ko kanina. Gusto ko lang subukan kung makikilala niya parin ako kahit iba na ang amoy ko. At nakakamangha pa rin na nahulaan niya kung sino ako.
"Guts." Maikling tugon nito.
Umupo narin ako sa bench katabi niya pero nag-iwan parin ako ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
"Try mo kayang hulaan 'yung tatama sa lotto. Malay mo, du'n tayo yumaman." Pabiro kong sabi pero napanguso ako kasi hindi man lang nagbago ang seryoso niyang mukha. "May problema ka?" Tanong ko sa kaniya dahil wala parin siyang kibo.
My brow furrowed when he forced a smile and shook his head. "Wala."
"Uh, okay." Tanging nasabi ko na may bahid ng pagdududa.
"Bakit ka nandito?" He asked after a few moments of silence.
"Bawal ba?" Mapagbiro kong tanong para pagaanin ang paligid. Feeling ko kasi may kakaiba sa kaniya ngayon. Para siyang may problema.
Hindi siya sumagot. Ni hindi sinabayan ang pagbibiro ko. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya na hanggang ngayon ay hindi parin nakaharap sa akin at aakalain mong malayo ang kaniyang tingin.
"I came here to see you." Saad ko. Bahagyang tumaas ang kilay niya dahil do'n. "You made an offer yesterday, remember? Ipapahiya natin ang sarili natin. Ayaw mo na?"
"Gusto." Maikling sambit niya.
Lihim akong napangiti dahil sa isinagot niya. Bahagya pang nangunot ang noo nito.
Muli kong napansin ang kulot niyang buhok. Isinasayaw na naman iyon ng ihip ng hangin. Mukha pang malambot iyon at masarap guluhin.
"Would you mind if I ask you kung may ibang lahi ka?" Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na magtanong.
Kumunot ulit ang noo niya. Pero ang gwapo parin niya tuwing kumukunot 'yung noo niya. Tapos bahagya pang namumula ang pisngi niya at halatang naiinitan dahil kahit hapon na e matingkad pa rin ang sikat ng araw. Parang siya ang dahilan kung bakit may salitang pretty boy.
"Spanish ang lolo ko." He replied. "Sa side ni papa."
There's a bitterness when he mentioned his father. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero mukhang may issues siya sa tatay niya.
Napatango-tango naman ako. "Edi half ang papa mo. Nakaka-curious. Parang gusto kong makita. Kamukha mo siguro siya, 'no?"
I totally regret na nagtanong pa ako dahil mas lalong nag-iba ang timpla ng mukha niya. Hindi siya sumagot. Bahagya lang siya tumikhim. Hindi ko narin sinubukang magtanong ulit sa takot na baka nakukulitan na siya sa akin. Hindi pa naman kami gano'n ka-close tapos kung ano-ano na ang tinatanong ko sa kaniya.
Namagitan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
I glanced at him when he suddenly cleared his throat. Akala ko wala na talagang babasag ng katahimikan sa pagitan namin.
"Kelan ka free?" He asked.
"Ha?" I blinked twice as I stare at him.
"Kelan mo balak sumayaw sa gitna ng kalsada o kumanta sa gitna ng maraming tao?"
Finally, may nabuo na ring ngiti sa labi niya. Nawala na 'yung pagkaseryoso sa mukha niya.
I laughed. "Kelan ka ba free?" Balik ko sa kaniya ng tanong niya. "Weekends lang ako pwede, e."
"Pwede mo akong higitin kahit kelan mo gusto." He replied while shrugging his shoulder slightly. Mas lalo akong natawa. "Besides nandito naman ako palagi."
"Hobby mo ba talagang magmuni-muni dito?" Tanong ko habang inililibot ang paningin sa paligid.
Mahina siyang natawa. "I don't know. I just want to be here." Sagot niya. "Nakaka-relax lang 'yung boses ng mga bata habang naglalaro. Kahit papa'no nagdadala sila ng ideya na pwede pa ring mabuhay na walang iniisip na problema kahit sandali lang." He continued. Ang lalim niya talagang tao.
Napatango-tango ako as if nakikita niya ako. Totoo naman talagang nakaka-relax 'yung boses ng mga bata. Bata rin ako noon, at parang gusto kong bumalik sa panahong bata pa ako kasi walang problemang iniisip unlike ngayon na bawat takbo ng oras ay may paparating na problema.
"Saka sinasamahan ko na rin si Miguel. Iniiwas ko kasi sa gadgets, hindi healthy 'yon." Paliwanag pa niya.
"Can I tousle your hair?" I asked him without thinking. My eyes were glued at his kinky hair. Nakakaakit talaga 'yun.
I laughed, eyeing his reaction. Kunot na kunot na naman kasi 'yung noo niya at parang hindi makapaniwala sa tanong na lumabas sa bibig ko.
"Bakit? Hindi pwede?" I asked again.
He remained silent and didn't answer my question. His jaw slightly moved then his expression became serious again.
"You should go home." He said in a casual tone.
"Let me tousle your hair first." Giit ko habang may ngisi sa labi. I just want to see him frowning, bagay sa kaniya.
"May kuto ako."
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Seriously? Gano'n niya kaayaw sa ideya ko na hawakan ang buhok niya? Alam ko namang malinis siya at walang kuto. Halata naman dahil ang ganda talaga nung buhok niya.
"I don't mind." Pagpupumilit ko parin habang nai-enjoy 'yung reaksyon niya.
"Ang kulit." He whispered that I almost couldn't heard. I bit my bottom lip to stiffle my smiles. "About sa kung kelan gagawin 'yung plano natin, I think saturday would do. Kung wala kang gagawin." Pag-iiba niya ng topic.
Pinigilan ko narin ang sarili ko na kulitin siya, baka kasi hindi na talaga niya ako kausapin. Halata namang nagtitimpi narin siya sa kakulitan ko.
"Wala naman akong gagawin sa sabado," saad ko. Friday na bukas at hapon na matatapos ang klase ko at siguradong kung pupunta ako dito e hindi ko na sila maaabutan ni Miguel. "Are you sure about this? I mean hindi ba ako nakakaabala?" Tanong ko. Mahirap na, kasi baka mamaya dumagdag pa ako sa mga pinag-aalayan niya ng oras niya.
"Ako ang nag-offer. Hindi ko gagawin 'yon kung iniisip kong magiging abala ka." He replied. He let out an assuring smile. "Saka wala naman akong masyadong ginagawa. I'm not a productive person since I'm blind."
I felt uneasy the way he define himself.
"Hoy, hindi porke't ganiyan ka e—"
"Let's drop the drama." He cut me off. He then faked a laugh and even tried to divert the topic again.
Bahagyang napaawang ang labi ko. I sighed while staring at him. Hindi pa kami gano'n kalapit sa isa't isa. Hindi pa sapat ang konting panahon ng pagkakakilala namin para makialam ako sa personal niyang buhay.
"Basta ngayon pa lang sasabihin ko na sa'yo na hindi ako sasayaw." Singit ko agad nang simulan niyang pag-usapan ang mga gagawin namin.
"Why?"
"I'd rather sing all day 'wag lang sumayaw. Hindi talaga ako pinagpala sa pagsasayaw, I swear." Sagot ko. Wala talaga sa lahi namin ang sumasayaw kaya wala akong namana sa mga ninuno ko.
Sumasayaw lang ako kapag nasa school at required dahil may grades at puro pang-aasar lang ng mga kaklase ko ang nakukuha ko. Para raw akong tuod.
"Ikaw na lang ang sumayaw." Sabi ko sa kaniya dahilan para matigil siya sa pagtawa.
"Let's sing all day, then." He replied, laughing a little.
I laughed hard at his statement. Dahil sa labis na emosyon ay nahampas ko siya sa braso na lagi kong nagagawa 'pag nagtatawanan kami ni Fatima.
"Ay, sorry." Nakagat ko ang labi ko dahil sa hiya nang makitang nasaktan siya dahil sa paghampas ko. Mukhang hindi niya rin inaasahan na gagawin ko 'yon. "Nakasanayan lang." Dagdag ko pa at bahagyang nagkamot ng batok.
He just smiled and slightly nodded.
"Akala ko 'yung ex mo lang ang mapanakit." He muttered that I clearly heard.
The side of my lips arched. Hampasin ko kaya ulit 'to? Daming alam, e.
"Hey,"
Napabaling ako sa kaniya nang kunin niya ang atensyon ko. "What?" I asked him.
"Ang sakit." He groaned.
"W-What?" My forehead creased.
Bumaba ang tingin ko sa leeg niya dahil panay ang kamot niya do'n.
"M-May kumakagat sa leeg ko." Sagot niya at hindi na magkaintindihan.
"Lalapit ba ako sayo?" Tanong ko ng may pag-aalinlangan.
Mas lalong bumakas ang sakit sa mukha niya. "Wala naman akong nakakahawang sakit, don't worry."
Umangat ulit ang sulok ng labi ko dahil hindi na naman niya nakuha ang ibig kong iparating. Gusto ko lang namang malaman kung ayos lang ba sa kaniyang lumapit ako. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako sa itsura niya ngayon o maiinis dahil sa isinagot niya.
Bahagya akong umurong papalapit sa kaniya. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at inialis ang kamay niya sa kaniyang leeg para makita ko kung anong kumakagat sa kaniya.
"May langgam," saad ko nang makita ang langgam na nakakagat sa kaniyang balat.
Hindi ko naramdaman ang kaniyang paggalaw. Wala rin akong kahit anong narinig mula sa kaniya. Mas lalo akong lumapit sa kaniya para maabot ng kamay ko ang langgam na kumakagat sa leeg niya. I placed my left hand on the other side of his neck so I can tilt his head lightly to the side.
"Nakuha ko na." I uttered happily. Balak ko sanang ipakita sa kaniya ang langgam, huli na nang maalala ko na imposible ang gusto kong mangyari.
He remained quiet.
Napatitig ako sa leeg niya na ngayon ay bahagya ng namumula. Maputi kasi siya kaya kahit konting kagat ng insekto e namumula na agad ang balat niya.
"Tapos na—" I suddenly felt stiffened when I realized how close we are as of this moment. Our face is probably an inch apart from each other.
I gulped. Kung kanina ay ang kulot na buhok, labi at namumulang pisngi lamang ang napapansin ko sa kaniya, ngayon ay dumagdag na kung gaano kahaba ang pilik-mata niya at kung gaano kakakapal ang kaniyang kilay na sumisigaw kung gaano iyon kaperpekto sa mukha niya. Napansin ko rin na may nunal pala siya sa gilid ng mata.
I just came back to my senses when he cleared his throat. My face flushed out of embarrassment. Bagong hobby ko na ba ang tumitig sa mukha niya?
"A-Ah, t-tapos na." I stammered. I bit my bottom lip and tried to remind myself to calm.
"K-Kamay mo." He vaguely uttered.
Ngayon ko lang napagtantong ang kaliwang kamay ko pala ay nakahawak parin sa leeg niya. Bigla tuloy akong nataranta at agad na inalis ang pagkakalapat ng palad ko sa leeg niya.
"Amariah—what are you doing to kuya?!"
My eyes grew wider when I heard Miguel's voice, sounding hysterically from behind. I swiftly moved back to my previous position to distance myself from Wilhem. My chest felt like in a complete chaos.
"Ate Kimmy is here. Siya ang girlfriend ni kuya kaya 'wag mo na siyang ika-crush!" Miguel shouted that echoed through my ear.
I slowly turned around, only to found Miguel with a jaw dropping woman beside him. My lips partially parted and started to quiver. May girlfriend siya? Tapos nahuli kami sa ganoong posisyon?
I shouldn't feel nervous. We didn't do anything wrong. Inalis ko lang ang langgam sa leeg niya. Pero halos manlamig na ako sa kinauupuan ko nang makitang nakatitig na sa akin ang magandang babaeng kasama ni Miguel.
"Oh shit!" I cursed when suddenly, I felt pain in my finger.
Nakalimutan kong tangan ko pa nga pala ang langgam na kumagat kay Wilhem. Ang langgam na siyang dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon at nanlalamig sa kaba. Shit. Titirisin ko ng buhay ang langgam na 'to!

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    Jhannel Pagapong

    So good

    29d

      0
  • avatar
    Carl Andrei Angeles

    krkrjrrkrkrkktktktkktktkkrkekekekkskwkdkmfmkgkktkkrkkkfkkgkmgmmgmmgmmgmgmfmmfmmfmmmfmmfmmfmmfmmfmmfmcmmcmmccmmmcmmcmmmcmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmgb7yb7ub8hv8hv8hv8hv8jv8j j9 9k 9kb9kb9jbi9bd9br9bribr9hrhon9in9kb9ibin9ib9ininrirb9irb9irb9ieb9ibe9ibr9brihi9br8br9b9ib9iirb9i9irni9nr9ii9irn0iirno0nonojeidjifnifnidn jjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjndjfodkrggg.f9rc39frb3rc3r9g 2rf8 4f82 8nfi9rn39ng93r9m2rcm2ef0m2f0i2mimfirg344oom4gmrgm3rr.39gnr2gn39rgn39ign39rg 39i3rr9ni9n3r9gn39gin3j9g 3rj39 3r8j 39v 3r9j3rr9 2rg9

    22/08

      0
  • avatar
    ValorozoRey Alden

    500

    28/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes