logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 4

Sa bawat segundong lumilipas ay lalong nanlalamig ang kamay ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa may pinto ng coffee shop na sinabi ni Fatima kanina. Paano kung dumating nga si Kiel na may kasamang ibang babae? How would I react to that?
"Kalma lang." Untag ni Fatima nang sumulyap sa akin matapos niyang pagsilbihan ang isang customer.
I sighed. "Alis na lang kaya ako."
Mas magandang umalis na lang ako. Kung darating man si Kiel na may kasamang iba lalo lang akong masasaktan. Wala narin naman akong magagawa kasi wala na akong karapatan.
"Ngayon kapa uurong e nandito kana. Hintayin mo na, darating na 'yon." Sagot ni Fatima bago bahagyang sinipat ang oras sa suot niyang relos.
Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng coffee shop. Nanikip ang dibdib ko nang pumasok ang isang pamilyar na lalaki na may kasamang babae. Pareho silang may ngiti sa labi at bahagyang tumatawa habang sabay na naglakad papunta sa isang bakanteng table.
"I told you," Fatima mumbled.
I remained silent. Nanatiling nakasunod ang mga mata ko sa dalawang taong kararating lang.
"Are you okay?" Tanong ni Fatima kapagkaraan, puno ng awa ang boses niya. "Napaka-kapal ng mukha ng lalaking 'yan, Amariah. How can he be so happy when he's cheating on you?"
Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. I thought we were happy together. I thought he was happy with me. But seeing him with someone else, bakit nakikita ko 'yung ngiti at tawa niya na hindi ko nakita habang ako 'yung kasama niya? Kasi para siyang ibang tao ngayon, e. Hindi naman siya ganiyan kaganda ngumiti sa akin noon.
"Bakit nakatayo ka lang d'yan? Lapitan na natin—"
"There's no need to do that." I cut her off.
"H-Huh?"
"Wala na akong karapatan. W-Wala na kami." My heart sting from the fact na wala na nga talaga kami. Na kahit maglantad siya sa harap ko ng ibang babae e wala na akong magagawa.
"W-What?" Naguguluhang tanong ni Fatima. Nakaawang ang kaniyang mga labi habang nakatingin sa akin.
"W-We broke up..." I stuttered. I bit my bottom lip as I tried to stop my tears from falling.
"S-Seryoso ka ba? Kelan pa? B-Bakit hindi ko alam? Ba't hindi mo sinabi sa 'kin?" Halos sabunutan ni Fatima ang kaniyang sarili habang binibitawan ang sunod-sunod na tanong na 'yon.
"Tatlong araw na ang nakakalipas." Nag-iwas ako ng tingin at mariing ipinikit ang aking mga mata. "I planned to tell you but you're busy, I never had the chance to tell you."
"Oh shit—are you okay?No. Of coarse, you're not." Frustrated na bigkas ni Fatima. Lalo pa itong nataranta nang may dumating na customer at kailangan niyang asikasuhin.
Nanlamig ang buo kong katawan nang makitang papalapit narin dito sa counter si Kiel.
"I should go. Let's just talk tomorrow." Mabilis kong paalam kay Fatima saka dinampot ang bag ko.
Nilingon niya lang ako saglit, puno parin ng awa at pag-aalala ang kaniyang mga mata. I just let out a feeble smile before I turned my back.
Kiel halted when he saw me. Agad nagtagpo ang aming mga mata pero mabilis ko iyong binawi. Parang bibigay ang tuhod ko nang magsimula akong humakbang papaalis.
Tears fell from my eye.
I still felt his stares at me, making me uneasy.
Parang sasabog ang dibdib ko dahil sa bigat ng nararamdaman. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas pero may iba na siya. O baka naman habang kami pa e may iba na siya.
Hanggang sa lampasan ko siya, nanatili parin siyang nakatayo at parang naestatwa habang pinapanood akong lumayo.
Kahit nanghihina at nangangatog ang mga tuhod ko ay mabilis akong tumakbo nang makalabas ako sa coffee shop na iyon. Naaawa ako sa sarili ko. Bakit kailangan kong maranasan iyon? Nang maghiwalay si Fatima at ang kaniyang boyfriend ay nasaksihan ko kung pa'no siya nasaktan. I comforted her. But I never knew about her feelings not until this day came. Naiintindihan ko na si Fatima kung bakit kinailangan niyang magpakalunod sa alak noon.
Tumigil lang ako sa pagtakbo nang halos kapusin na ako sa paghinga. Yumuko ako at kumapit sa tuhod ko dahil sa pagod. I wiped my tears but it kept on flowing.
Umayos ako ng tayo pagkaraan ng ilang segundo para habulin ang paghinga ko. Nagmasid ako sa paligid at napagtantong medyo malayo na ang natakbo ko mula sa coffee shop.
Hindi pa ako nakaka-recover sa pagtakbo ko nang biglang muntik na akong matumba dahil sa tumatakbong bata na bumangga sa akin.
"S-Sorry po, h-hindi ko po sinasadya." Gumuhit ang takot sa mukha ng bata.
I just smiled at him then slightly nodded my head.
"Nasaktan ka po ba? Bakit ka po umiiyak? Sorry, hindi ko po talaga sinasadya."
Bahagya akong lumapit sa kaniya at ginulo ang buhok niya bago sabihing ayos lang ako.
"Ikaw si Amariah!" Nanlalaki ang mga matang sabi ng bata.
Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Sinubukan kong pahirin ang luha ko para luminaw ang paningin ko.
"Nag-away kayo ni kuya?" Tanong pa nito. "Kaya ka umiiyak?"
Napakurap ako ng ilang beses habang pinagmamasdang mabuti ang bata. Pilit kong inaalala kung sino siya at kung saan ko siya nakilala.
"M-Miguel?" May pag-aalinlangan kong tanong nang makilala kung sino ang bata sa harap ko.
"Girlfriend ka ni kuya 'diba?"
Mabilis akong umiling.
"Hindi?"
Tumango naman ako. "Hindi."
"Hindi ka rin naman niya pinaiyak 'diba?"
"Hindi." Sagot ko.
Para naman siyang nakahinga ng maluwag. "Buti nalang talaga hindi ka girlfriend ni kuya."
Umarko ang gilid ng labi ko dahil nagsimula na naman itong magtaray sa akin na akala mo ay babae.
"Bibigyan sana kita ng pamunas sa luha mo kaso basa na ng pawis 'yung towel ko sa likod. Gamitin mo nalang 'yang damit mo, wala namang makakakita sayo." Saad nito habang nakataas ang kilay sa akin. Nawala narin ang bahid ng takot sa mukha nito.
Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. Gamit ang likod ng kamay ko ay muli kong tinuyo ang mga mata ko.
"Nandito ka ba para makita si kuya?" Tanong pa nito.
"Andito ba ang kuya mo?"
He nodded.
"Saan?"
"Sa may bench sa kanan." Sagot niya bago tinuro ang direksyon kung nasaan ang kapatid. "Wala siyang kausap kaya pwede mo siyang kausapin. H'wag mo lang siyang ika-crush."
Napatawa akong muli dahil sa huli niyang sinabi.
"Pwede kanang umalis. Maglalaro pa ako." Pagsusungit pa nito.
Namamanghang nakatingin lang ako sa kaniya. Sumimangot siya nang hindi parin ako kumikilos. Mahina niya akong itinulak patabi bago siya nagtatakbo papaalis. Napailing na lang ako habang nangingiti.
Sinundan ko ng tingin ang itinurong direksyon kanina ni Miguel. Huminga ako ng malalim bago ihinakbang ang mga paa papunta roon.
Malayo pa lang ay natanaw ko na agad si Wilhem. Lihim akong napangiti nang pagmasdan ko siya. Mag-isa lamang siyang nakaupo sa bench sa ilalim ng mayabong na puno ng mangga. Sa 'di kalayuan ay may mga batang naglalaro, kasama roon si Miguel. Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong playground pala ito.
Ilang beses akong napakurap nang hindi sinasadyang matanaw ang parte kung saan nakipaghiwalay sa akin si Kiel. Mapait akong napangiti. Akalain mong dito pa talaga ako mapupunta.
Naramdaman ko ang paghapdi ng balat ko dahil sa matinding sikat ng araw. Nagmadali akong maglakad papalapit kay Wilhem. Pero nang makalapit ako sa binata ay bigla akong natigilan. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Paano ko siya kakausapin? Hindi naman kami gano'n kalapit sa isa't isa. Isang beses pa lang din kaming nagkita.
I almost jumped on air when he suddenly faked a cough. Parang way niya 'yon para ipaalam na alam at nararamdaman niyang may tao sa paligid niya.
"Uhm... h-hi." May pag-aalinlangan kong bati sa kaniya.
"Uupo ka rin ba? You can sit, it's not as if I own this bench." He uttered that made me feel embarrassed. So, kanina niya pa ngang alam na nandito ako?
"Ah, aalis na rin ako." Nahihiya kong sambit.
"You're Amariah."
Napatigil ako sa sana'y pagtalikod nang banggitin niya ang pangalan ko. "P-Paano mo nalaman?"
"I can smell you." He answered.
Woah. Ang creepy naman nito.
"I mean, your perfume. Natandaan ko lang." He retorted immediately.
Napatango-tango ako as if nakikita niya ako. Pero weird pa rin, isang beses pa lang kaming nagkita tapos natandaan na niya agad ang amoy ng pabango ko.
"Why are you here?" He asked after a moment of silence.
I walked near him and sat on the bench a few inch away from him. I tried to smell him, trying to learn his perfume also but I doubt it, kahit ata makita ko siya ulit e hindi ko masasabi agad kung sino siya gamit lamang ang pang-amoy. Hindi naman siya mabaho, actually mabango siya pero hindi lang ata gano'n kagaling magtanda ang pang-amoy ko unlike nung sa kaniya.
"Nakita ko kasi si Miguel, at tinuro niya sa'kin kung nasaan ka." I replied. Muntik ko pang makalimutan na nagtanong nga pala siya.
"Ginawa niya 'yon? Hindi ka ba inaway?" Tanong niya habang bahagyang nakakunot ang noo.
I laughed. "Tinaasan lang ng kilay."
Napatitig ako sa kaniya nang tumawa rin siya. 'Yung side features niya lang ang nakikita ko dahil hindi siya nakaharap sa 'kin. Ngayon ko lang din napansin na kulot pala ang buhok niya. Medyo tinatangay ng hangin ang ilang hibla noon lalo na sa 'yung nasa may noo niya. Matangos din ang ilong niya. Pinkish ang manipis na labi. Maputi at makinis ang mukha, daig pa ang babae.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin matapos niyang tumigil sa pagtawa. Baka mamaya maramdaman na naman niya na tinititigan ko siya.
"Kamusta ang pagmo-move on?" Tanong niya na nakapagbalik ng tingin ko sa kaniya.
I smiled bitterly. Ibinaling ko ang tingin ko sa mga batang naglalaro hindi kalayuan mula sa pwesto namin.
"Nalaman ko na 'yung dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay." I replied in a perpetually tired voice.
"Oh, about the kiss."
I glared at him sharply. "I told you, it's not about the kiss. We never kiss." I defended, sounding pissed. He pressed his lips together to supress a chuckle. "It's because he found a new girl." I added bitterly.
The hidden smile on his lips faded.
"A-Are you okay?" He asked in a soothing tone.
"I'll be fine. Soon." I replied and forced myself to smile. Hindi naman habang buhay na mararamdaman ko 'yung sakit. Darating parin naman siguro 'yung panahon na wala na 'yung bigat na nararamdaman ko.
"I know." He uttered. I blinked twice when he turned his face to me. There's a wide smile plastered on his lips. This is the first time that I saw his face closely and I can't deny it, mas gwapo pa siya kaysa kay Kiel.
I swallowed hard while averting my gaze.
"Do you want my help?"
"Huh?" Kunot-noo kong tanong nang marinig ang sinabi niya.
"I'm thinking that maybe I can help you." He replied. Muli na niyang ibinalik sa harap ang mukha dahilan para makahinga ako ng maluwag sa hindi malamang dahilan.
"Saan?" I asked him again, confused.
"Sa pagmo-move on?" Patanong niya ring sagot.
Hindi ko mapigilan ang sarili na matawa. "Ano namang maibibigay mong tulong?"
"Don't underestimate me," he said jokingly. Bahagya pa siyang umayos ng upo. "Maybe we can do some stupid things together to avoid yourself thingking about him." He continued, suggesting something he's not sure about.
My brow arched with amusement written all over my face. "Like what?"
"We can dance in the middle of the road or maybe we will sing in the middle of the crowd in the supermarket." He answered, meaning the words more seriously than they sounded.
I laughed hard. He's really too impossible. "We will just embarrass ourselves." Naiiling kong sabi.
"At least naiwasan mong isipin siya. 'Yun na ang simula no'n hanggang sa masasanay ka na. Tapos magigising kana lang isang araw na okay na, wala na, ayos na ang lahat, wala na 'yung sakit." Giit pa niya. Seryoso talaga 'yung boses at mukha niya tapos 'pag nagsasalita siya ay iginagalaw niya pa 'yung mga kamay niya.
"You're willing to embarrass yourself for me?" I pursed my lips with amusement.
"I'm just trying to help." He then shrugged his shoulders. "Kung gusto mo lang naman."
I pressed my lips together, suppressing my smile. Muli akong napatitig sa kaniya. Parang gusto ko tuloy guluhin 'yung kulot niyang buhok.
"Fine." Then I nodded agreeably.
"Fine what?"
Napanguso ako para pigilang matawa sa paraan ng pagkunot ng noo niya.
"Let's embarrass ourself together." I answered smoothly.

Comentário do Livro (50)

  • avatar
    Jhannel Pagapong

    So good

    29d

      0
  • avatar
    Carl Andrei Angeles

    krkrjrrkrkrkktktktkktktkkrkekekekkskwkdkmfmkgkktkkrkkkfkkgkmgmmgmmgmmgmgmfmmfmmfmmmfmmfmmfmmfmmfmmfmcmmcmmccmmmcmmcmmmcmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmgb7yb7ub8hv8hv8hv8hv8jv8j j9 9k 9kb9kb9jbi9bd9br9bribr9hrhon9in9kb9ibin9ib9ininrirb9irb9irb9ieb9ibe9ibr9brihi9br8br9b9ib9iirb9i9irni9nr9ii9irn0iirno0nonojeidjifnifnidn jjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjndjfodkrggg.f9rc39frb3rc3r9g 2rf8 4f82 8nfi9rn39ng93r9m2rcm2ef0m2f0i2mimfirg344oom4gmrgm3rr.39gnr2gn39rgn39ign39rg 39i3rr9ni9n3r9gn39gin3j9g 3rj39 3r8j 39v 3r9j3rr9 2rg9

    22/08

      0
  • avatar
    ValorozoRey Alden

    500

    28/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes