logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 6

"Words are loaded pistols."
- Jean-Paul Sartre
Tama nga ang nabasa ko, words are loaded pistols, once you pull the trigger, it will hit you big time. And that's what happened to me and I know hindi lang ako ang natamaan ng mga salita ni captain. Alam kong lahat kami, lahat ng mga nakarinig ay may napulot na aral dahil dun.
The morning activities are done and here we are now at the hall having our lunch together with the students. Kasama sa table ko ngayon ay ang aming principal, si Bea, si Sir Carl and Matt who is sitting beside me.
What he said in his speech awhile ago is like a bomb that have been thrown and quickly exploded. I didn't expect that he has that kind of view and perspectives towards the things around him specifically about the society.
"Aleck" napalingon ako nang marinig ko ang mahinang pag tawag sakin ni Matt.
"Yes?"sagot ko dito
"You're a Del Viega" natigilan ako sa sinabi niya, it's not a question, it's a statement kaya napalingon ako sakanya
"Yes, what about it?"
"How are you related to the Del Viega's in the army?" nahigit ko ang aking paghinga sa kaniyang tinanong. Memories flashed in my mind when I heard what he said.
It was saturday evening and my family's having a great time celebrating my brothers' success in military training when suddenly my father asked me about my plan in college. I answered him with all honesty and confidence while looking directly in his eyes.
"I'll take an education program, I want to become a teacher papa" diretsang sagot ko rito.
"Aleck Therese you can't do that!" dumagundong sa buong kabahayan ang sigaw ng aking ama nang sabihin ko ang desisyon ko sa kaniya para sa pag-aaral ko ng college.
Natahimik kaming lahat nang sumigaw si papa. Even my brothers who are busy mocking each other became silent with the sudden outburst of our father.
Nasa hapag kami ngayon nagsasalo-salo sa mga pagkain na inihanda ng mga magulang ko sa pagbabalik ng dalawa 'kong kapatid mula sa training.
"Aldrin," tawag ni mama kay papa sa mahinang boses.
"Hindi ko matatanggap iyan Therese. You only have two choices, it's either you'll take law or you'll enter the military. Wala ng iba pa" malamig na boses na saad ng aking ama.
Hindi ko maramdaman sa sarili ko ang kaba o takot sa kaniya dahil sa sinabi niya. Matagal ko nang pinag-isipan ito and I already made up my mind.
"You can't make me do the things I don't like papa. I want to pursue my dreams. I will become a teacher" sagot ko rito saka na tumayo sa upuan ko at naglakad na palabas ng dining hall. Narinig ko pa na tinawag ako ng papa ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Sabihin man na kawalang respeto ang ginawa ko, wala akong paki-alam. Ngayon, susundin ko na ang sarili ko-ang gusto ko at wala silang magagawa dun.
After that night, I left our house and I went to Tacloban to study at my dream school.
It's been almost seven years now when I last saw them. Agad kong iwinaksi ang mga nasa isip ko at diretsong tumingin sakanya.
"N-none, nothing" sagot ko dito at inilibot na lang ang paningin sa buong lugar.
"Okay" I heard him say saka hindi na nagtanong pa.
Abala ako sa panonood sa mga tao sa buong venue nang marinig kong nagsalita si Matt.
"Principal, thank you for inviting me here. I need to go, I have to go to Camp Lukban to give some report" narinig kong sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Tumayo siya at nakipag-kamay sa aming principal.
"Salamat at pinaunlakan mo ang aming paanyaya captain" saad ng principal namin. Nakita kong nagsitayuan na ang mga kasama ko sa table para makipag-kamay at ganun din ang ginawa ko.
"Thank you captain" I sincerely said to him and he just nodded as response. Agad ko namang binawi ang kamay ko at umayos ng tayo.
"Ma'am Aleck, pwede bang paki-hatid si kapitan sa may gate?"
"Sige po sir" sagot ko dito at tinignan si kapitan. Tinanguan ko ito saka kami nagpaalam sa lamesa at naglakad na palabas ng venue.
Sa kada nadadaanan naming mga estudyante, bumabati ang mga ito at sinusuklian naman ito ng tipid na ngiti ng kasama ko.
"Aleck" tawag pansin ng kasama ko kaya napaangat ang tingin ko sakanya. I immediately meet his gaze. Matt is a tall masculine man, hanggang may baba lang niya ako.
"Yes?"
" I have heard that you are a volunteer at the orphanage, palagi ka bang pumupunta doon o nung araw lang na iyon?"
"Inilaan ko talaga ang sabado para sa institution, yun lang kasi ang araw na bakante ko eh."
"So you love children?"
"Yes, atsaka naaawa rin ako sakanila lalo na kay lenlen" saad ko dito saka napayuko nang pumasok sa isip ko ang kalagayan ni lenlen. I really hate her parents! Kung pwede ko nga lang ampunin siya, ginawa ko na eh. Sa sitwasyon ni lenlen, mas kailangan niya talaga ng pag-aalaga at pagmamahal ng pamilya, pero pinagkait iyon sakanya. Paano kaya nila natitiis ang ganon? Naisip man lang ba nila yung bata? Nakokonsensya ba sila sa ginawa nila? Hay naku!
"I've heard what happened to her, naikuwento ni mother superior"
"Kumukulo dugo sa magulang niya, mga irresponsable!" naiinis na wika ko pero napatigil ako ng hawakan ni Matt ang braso ko at iniharap ako sakanya.
"Hey, look at me. Maybe may reason kung bakit nila iniwan si lenlen sa institution"
"Kahit ano pang rason nila, hindi valid iyon. Lenlen needs her family more than anything in this world. Okay lang naman na ihabilin nila si lenlen sa institution eh pero ang hindi manlang pagdalaw sa bata, nakakagalit yun. Inabandona nila si lenlen kung kailan mas kailangan sila, kung kailan may sakit yung bata." napansin kong tumahimik siya matapos ang sinabi ko pero nakatingin pa din siya sa mga mata ko.
"Maybe we can talk to them-"
"Oh shoot! Lenlen wants me to find her parents and it's already friday, nakalimutan ko, bukas na nga pala ako babalik sa institution."
"May oras ka pa, lunch pa lang naman"
"Di ko alam kung saan sila hahanapin tsaka may event pa dito sa school, mamaya pang hapon matatapos"
"Sasamahan kita, itext mo na lang principal niyo para magpaalam"
"Di ba pupunta ka pa nang Catbalogan para magreport?"
"I can ask someone to send the report to the camp. So ano, payag ka na?"
"Sige pero magbibihis muna ako ang init ng suot ko" sagot ko sakanya, sakto namang nakarating kami sa may gilid ng gate kung saan nakapark ang kotse niya.
"Sasamahan kita-" agad akong umiling sa sinabi niya.
"No need, I can manage, magpapaalam na din ako kay sir Arnold. Sige, hintayin mo ko, magbibihis lang ako" saad ko at mabilis na tumalikod sakanya. Di pa ako nakakalayo sa kanya nang tawagin niya ko.
"Aleck!" agad akong napalingon sakanya na ngayon ay nakasandal na sa may kotse niya.
"Yes?"
"You look gorgeous with that gown!" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Damn this man! Kailangan ba talagang isigaw? May mga estudyante sa paligid, feel ko namumula ako ngayon. Imbes na sagutin, agad akong tumalikod at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang faculty room.
Pagkatapos kong magbihis, agad akong nagpunta kay sir Arnold para magpaalam at hindi naman ako nabigo nang payagan niya ko. Dali-dali akong naglakad pabalik sa faculty room at kinuha ang bag ko. I only brought my bag, iiwan ko na lang muna doon ang gown, hindi naman yun papakialaman ng teachers.
Nakita kong nakasandal si Matt sa may sasakyan niya na wari ko'y may malalim na iniisip dahil nakatingin lang siya sa may paanan niya.
"Hey" tawag pansin ko dito at agad naman siyang nag-angat ng tingin.
"Let's go?" he asked and I just nodded as response. Binuksan niya ang pintuan agad naman akong pumasok. He closed the door beside me atsaka pumunta sa kabilang side. Agad ko namang sinuot ang seatbelt at ganun din naman siya. Binuhay niya ang makina atsaka nagdrive papalabas ng school.
"Matt, I don't really know kung saan natin hahanapin ang parents ni lenlen" saad ko nang maalalang hindi ko natanong kung taga saan ang magulang ni Lenlen.
"Call mother superior and ask her, I'm sure may alam iyon sa lugar kung nasaan ang parents ni lenlen" sagot niya
Ay tanga! Ba't di ko naisip yun?
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si mother superior.
"Hello mother, magandang araw po"
"Oh Aleck, magandang araw din, anong maipaglilingkod ko sayo?"
"Alam niyo po ba kung taga saan ang pamilya ni lenlen?"
"Sa pagkakaalam ko taga Basiao sila, bakit mo naitanong?"
"Request po kasi ng bata na makita man lang ang mga magulang niya, pupuntahan ko po sana ngayon"
"Ganun ba? Nagsabi din pala siya sayo, sige mag iingat ka Aleck ha"
"Opo mother, salamat" sabi ko saka pinutol ang tawag.
"Basiao daw" sabi ko kay matt matapos ang tawag.
"Basiao? Okay sige"
"Alam mo kung nasaan iyon?" tanong ko sakanya at mataman siyang tinignan. Lumingon naman siya sakin habang nagdadrive.
"fourty minutes ride, by two in the afternoon nasa Basiao na tayo" he answered.
"You know the place? Di ka nagtatagal dito di ba?" takang tanong ko sakanya, as far as I remember mahigit isang buwan pa lang siya dito.
"Yes, I need to know the places inside and outside the municipality of Basey"
"Ako kahit matagal na akong nakatira dito, hindi pa ko nakakapunta sa ibang lugar ng Basey, san fernando at Catadman lang"
"You're not fond of travelling and going to places then"
"No, not that, it's just that I prefer making lesson plans than going to other places"
"Oh, it's that so? "
"Yes"
"Would you mind if I invite you to travel with me? Don't worry, boundary lang ng Basey, saka na sa ibang lugar"
"Ha? Captain! Don't you have work?" I exclaimed, grabe itong taong ito, wala ba siyang trabaho? Nakaabala na nga ako ngayon sakanya, imbes na pumuntang Catbalogan at magpasa ng report, heto siya sinasamahan ako.
"I have but I'm not the only one who's in the camp, I have subordinates"
"Kahit na, nagi-guilty nga ako ngayon eh kaso feeling ko sobrang abala ko na sayo"
"I don't mind, as long as it's you"
"And why is that?"
"I like being with you" he suddenly said as he look at me and that made my heartbeat fast.
"W-what? P-pardon?"
"I like being with you teacher Aleck"
"Y-you're joking right?"
"Why would I joked with you? I really like being with you"
"How is that? Tatlong beses pa lang tayong nagkasama"
"And that three times is already the best times for me except the first encounter, it's not that good"
"You're unbelievable captain. Ano namang kagusto-gusto sakin- I mean hindi naman ako maayos na kasama eh"
"Nah, you are wrong 'bout that, I like your nosiness, and you talk with sense, and that makes me like being with you." he said with cockiness in his voice, and because of that I smacked his right arms. Inirapan ko siya nang marinig ko siyang tumawa.
"Aleck" tawag niya sakin matapos niyang tumawa.
"Ano?" pabalang kong sagot sakanya pero nakita kong ngumiti lang siya.
"How 'bout you, do you feel the same way? Are you happy being with me?" napaisip ako sa tanong niya? Ano nga bang nararamdaman ko habang kasama siya. First encounter was not good, the second one, that was so awkward but it's great and the third one, right now.
Am I happy?
"I-i don't know"
"Hmm?"
"I-i really don't k-know"
"Hmm, oka-"
"But I'm comfortable with you"

Comentário do Livro (91)

  • avatar
    Edgar Villanueva

    allowed in Scrabble online lagi Akong inuutusan you want me

    8d

      0
  • avatar
    Jessie

    very good

    11d

      0
  • avatar
    Aiben Alcantara

    Romeo, S. R.

    23d

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes