"Oh, wait. My darling, Heaven, magkakilala kayo?" Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin kay Mikael. So, sya pala ang isa sa mga anak na kanina pa binabanggit ni tita Mikaella. Realization then hit me, kinuha ang pangalan ni Mikael sa pangalan ng mommy nya. Hindi ko agad naisip yon pero naalala ko na sya kaagad kanina nang sabihin ni tita ang pangalan nya. Humarap ako kina mommy na bakas pa rin ang gulat sa mga mata. Nang madako ang tingin ko kay kuya ay pasimple ko syang sinamaan ng tingin. Kaya naman pala kung makapag-salita sya kanina nang sinesermonan nya ako ay parang kilalang-kilala nya na si Mikael. Ngayon ay sigurado akong may ideya na sya sa nangyayari una pa lang. Tsk. Kung pwede lang syang sapakin. "Magkaklase po kami." I said. Dad then nodded, "Ganun ba? Well, hindi naman imposible yon, nasa iisang school lang kayo." Pilit akong ngumiti at tumango. Si Mikael na mukhang nakabawi na ay ngumiti ng malawak at umupo pa sa tabi ko. Agad na kumulo ang dugo ko nang maramdamang may binabalak na naman syang kalokohan. Kapag hindi ito tumino ay baka masapak ko sya hanggang mamaya kahit pa nandito ang mga magulang nya. Sinulyapan ko ang lalaking kasama nyang pumasok kanina. Medyo magkahawig sila nito ngunit mukhang matanda sa amin ng ilang taon pero mas bata ng kaunti kay kuya, malamang na kuya nya ito. "Kung ganon ay hindi na pala tayo mahihirapan na ipakilala sila sa isa't-isa." sabi ni mommy na ikinalingot ko sa kanya. Masyadong malawak ang ngiti nya at mukhang tuwang-tuwa na magkakilala na pala kami ni Mikael. Wala akong ibang magawa kung hindi ang pilitin pang palawakin ang ngiti ko na nauuwi sa pagka-ngiwi. "Si Michael na lang pala ang hindi nya kilala." tito Neilsen then said, pagkatapos ay masuyo nyang hinila ang panganay nyang anak at inakbayan. "Heaven, this is Michael Sen Mendoza, kuya sya ni Mikael. Michael, the pretty young lady that you see there is Heavenly, kapatid ni Primo at kaklase pala ni Mikael." Michael smiled as if kilala na ako nito ng matagal na nagpakunot sa noo ko ngunit hindi ko ipinahalata. Mukhang pareho ata silang feeling close ng kapatid nya, hindi naman nakapagtataka iyon kung ganoon dahil magkapatid naman sila. "Oo nga po, kilala ko na sya." sagot nito sa daddy nya. Dahil doon ay mas lalong kumunot ang noo ko. Kilala nya na ako? Gago nga din yata sya katulad ng kapatid nya. Eh ngayon pa lang naman kami nagkita. "Talaga? When did you meet her?" It was their mother's question na nginitian nya. Pigil akong paikutin ang mga mata ko dahil nagiging magkamukha sila ni Mikael sa tuwing ngumingiti sila. Pareho silang mukhang aso. Tsk. "Ngayon lang, mom. But what I mean is, kilala ko na sya dahil nabanggit na sya sa akin ni Mikael because video." "Video?" "What video?" Kinagat ko ang labi ko nang magkasunod na tanungin ni mommy at daddy ang tungkol sa video. Magsasalita pa lamang sana ako nang unahan ako ni Michael at ikinuwento sa mga magulang namin ang nangyari. Pigil na pigil ko ang sarili ko na sapakin ang lalaking ito dahil sa napaka-pakialamero nya. It's not his place to tell my parents what happened! Pinangungunahan nya ako. Bakas ang gulat sa mukha nina mommy at daddy lalo nang ilabas nya ang cellphone nya at ipinakita ang video sa kanila. Mom couldn't believe what I did. Nang matapos nilang panoorin ang video ay kapwa sila disappointed ni daddy nang tumingin sila sa akin. "Heaven, we'll talk later." sabi ni daddy. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango at manahimik na lang, nawala na talaga ako sa mood. Throughout the dinner ay tahimik lang ako at nagsasalita lang sa tuwing sumasagot sa mga tanong nila. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Mikael na nasa tabi ko na mas lalong nagpainis sa akin. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko saka nagpaalam sa kanila. Tahimik lang na tinanguan ako ni daddy habang si mommy ay binigyan ako ng matipid na ngiti. I walked out of the dining hall and headed to my room. Nang maka-upo ako sa kama ko ay isa-isang tumulo ang mga luha ko, tinakpan ko ang bibig ko gamit ng mga kamay ko sa takot na may makarinig sa hikbi ko gayong nag-iisa lang naman ako dito sa second floor. Naninikip ang dibdib ko at masama ang loob ko, nagpupuyos ako at gusto kong sapakin ang kuya ni Mikael sa sobrang inis. Masyado syang pabida at akal mo kung sinong umasta. Wala syang karapatang pangunahan ako. Kaya nga ako sumadya sa kapatid nya kanina ay dahil ayokong makarating ito kina mommy tapos sasabihin lang nya na akala mo kung sino sya. Ang yabang nya at ang sarap nyang ipalamon sa buwaya! Pareho sila ng kapatid nya. Mas lalo pang dumagdag ang inis ko at tumulo lalo ang mga luha ko nang maalala ang mga pasimpleng pagsulyap sa akin ni Mikael. Siguradong tuwang-tuwa yon ngayon dahil sa nangyari sa akin. Lalong akong nagpuyos dahil sa naiisip ko na plinano nila ito ng kuya nya dahil baka may ideya na sila na anak ako nina mommy at daddy bago pa sila magpunta dito. Damn him! Pinalipas ko ang ilang minuto bago pinunasan ang mga luha ko saka nagpunta sa harapan ng vanity mirror ko para maglagay ng kaunting make-up. Hindi ako pwedeng humarap sa kanila na ganito ang mukha ko dahil tiyak na mas lalo lang akong pagtatawanan ni Mikael and I don't want that to happen. I won't give him the satisfaction to see me like this, over my dead body. Manipis na layer ng foundation lang ang inilagay ko at concealer para itago ang bahagyang pamamaga ng mata ko. Of course, liquid form ang ginamit kong foundation, concelear, at cheek tint dahil allergic ako sa powder. Hindi naman ako makakapayag na mamamatay lang ako dahil sa pulbo, masyadong mababaw yon. Kung mamamatay man ako, gusto ko ay madugo at walang drama. I looked at myself through the mirror. Nang masiguro na maayos at presentable na akong muli ay huminga ako ng malalim saka lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko nang makasalubong si Mikael sa hallway, hindi sya dapat narito dahil off limits na ang second floor ng bahay namin sa mga bisita. "Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko. Binigyan nya ako ng napapantastikuhang tingin, "Whoa. Bakit ang sungit mo na naman sa akin? Akala ko ba magkaibigan na tayo? A friendship in exchange of what I did for my fans to stop pestering you." I scoffed. Ang lakas din naman ng loob nya na isumbat sa akin yon gayong masyadong pabida ang kapatid nya. "Wala ng epekto yon ngayon. Nalaman din naman nina mommy ang tungkol sa video dahil sa kapatid mo." "Ano? Bakit? Hindi ko naman kasalanan na sinabi ni kuya, ah. Maski ako, hindi ine-expect na sasabihin nya yon." "Oh, talaga?" I chuckled sarcastically. "Mikael Mendoza, hindi ako tanga para hindi malamang plinano nyo na yon. Isa pa, kung hindi mo inaasahan, sana man lang ay pinigilan mo sya." "Bakit ko sya pipigilan? Sariling desisyon nya yon at wala naman akong nakikitang masama sa ginawa nya." Again, I scoffed. Sira-ulo nga talaga ang isang ito. Sira-ulo na, gago na, tanga pa. Masyadong kinareer ang pagiging epal. "Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan lang?" I asked him mockingly. "Walang masama sa ginawa ng kuya mo na sira-ulo din kagaya mo? Pinangunahan nya ako. Kaya nga kita nilapitan ay para hindi na makarating pa sa parents ko ang tungkol doon, pero yang kuya mo na katulad mong epal ay masyadong pabida!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magtaas ng boses dahil sa inis ko. Kung alam nya lang ay gustong-gusto ko na syang sapakin pero iniisip ko lang na baka malaman na naman nina mommy at mas lalo akong mapagalitan. "Kulang ba kayo sa pansin ng kuya mo o sadyang pabida lang talaga kayo?" kinalaunan ay tanong ko. Nawala ang pa-cool na dating nito at sumeryoso ang mukha. His brows were creased and he looked a bit older when he's serious. "Alam mo bang nakaka-insulto yang tanong mo?" "Oo. Pero wala akong paki-alam. Mainsulto ka hanggat gusto mo, kung gusto mong yan pa ang maging cause of death mo, then go." Huminga ito ng malalim at bahagyang ipinilig ang ulo nya. Sa dating nya ngayon ay napaka-seryoso nya at mukhang wala sya sa mood na makipagbiruan gaya ng madalas nyang gawin. "You know what, Heaven, masyadong matabil ang dila mo." he started. "Una pa lang, wala naman akong ginagawang masama sayo pero akala mo naman ay napakalaki ng atraso ko sayo kung tratuhin mo ako. Sa totoo nga lang ay hindi ko naman dapat pinagtakpan ka at hinayaan kang i-bash nila para madala ka eh, but I did, diba? I did you a favor at ipinagtanggol ka sa kanila even before you asked me to. And then now, hindi ko lang inaasahan na gagawin pala yon ni kuya ay ganyan ka na. Ang totoo nyan, I was about to call you because kuya wanted to apologize." "Hindi mo kilala si kuya Michael. Masyado syang bubbly at madaldal na tao na minsan ay nakakalimutan nya ng pag-isipan muna ang bagay na gagawin nya bago nya gawin sa sobrang excited nya. Kung may magagawa man syang mali dahil sa ka-pilyohan nya, at the end of the day ay alam nya namang pagsisihan yon at handang humingi ng tawad and that's what he was supposed to do." "But seeing you now and hearing what you just said," umiling ito, "I think you don't deserve his sorry. Masyado kang judgemental at masakit magsalita, ni wala ka ngang paki kung nakakasakit ka sa damdamin ng iba, basta masaya ka ay sasabihin mo ang gusto mo. Feeling mo ba non ay superior ka na? Then suit yourself, kuya won't apologize to you because you don't deserve it. Babawiin ko rin yung sinabi ko kina tita para lang pagtakpan ka ulit at bahala kang mapagalitan." Pagkatapos ng mahaba nyang litanyang yon ay hindi na nya ako hinintay na makapagsalita pa. He stormed out, his frantic footsteps echoed through the second floor and I was left dumbfounded. Sa unang pagkakataon ay wala akong naisagot para mang-trashtalk at ipahiya ang taong kausap ko. Naiwan lang ako na nakanganga at walang masabi. For the first time, someone was able to shut me up and told me those words that wounded my ego, when no one else have done before.
Obrigado
Apoie o autor para lhe trazer histórias maravilhosas
thank you 😊
31/01/2025
0nyak
15/10/2024
0awesome
30/08/2024
0Ver Todos