logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER 4

  Mukha akong zombie nang sumunod na araw pagpasok sa school. Takang-taka sina mommy at daddy pati na rin si Sofie kung bakit daw ang laki ng eye bags ko. Nag dahilan na lang ako na nawili ako sa panonood ng movie sa netflix hanggang sa madaling araw.
  Nang makapasok ako sa classroom namin para sa unang klase ay nadatnan ko si Mikael na naka-upo sa katabing upuan ng upuan ko kahapon. Bumuga ako ng hangin at diretsong naupo at hindi sya pinansin. Minabuti ko na rin kasing magsuot ng salamin na walang grado para hindi gaanong halata ang eyebags ko, pero ang gago, mukhang malinaw ang mata.
  "Good morning, Heaven. Mukhang puyat ka, halata ang eyebags mo kahit naka-salamin ka." bati nito.
  I scoffed, "Huwag mo nga akong kausapin at huwag mo akong tawagin sa pangalan ko. Hindi tayo close,"
  "Napaka-sungit mo naman talaga," bulong nito.
  "Wala naman akong sinabing hindi, ah."
  Sumimangot sya sa sinabi ko, bagay na mas ikinainis ko dahil mukha syang pato sa ginawa nya. I told him so at ang gago ay tumawa pa at sinabing dahilan ko lang yon dahil sa totoo ay nagwa-gwapuhan ako sa kanya. Gwapo his ass.
  Akmang kukuhanin ko na sana ang earpods sa bag ko para sana makinig ng music at hindi na marinig pa ang nakakairitang boses nya nang bigla nyang ungkatin ang tungkol sa video na sinend nya. Ang video na syang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi! Dahil doon ay biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at binigyan sya ng nakakamatay na tingin.
  Napaatras ang gago nang bigla kong ibagsak ang kamay ko sa desk at minura sya dahil sa ginawa nya.
  "Isa kang gagong sira-ulo!" malakas ang boses na sabi ko. "Alam mo bang nainis ako sa video imbes na matuwa? Nakakasuka!"
  Binigyan nya ako ng hindi makapaniwala at napapantastikuhang tingin, "Wow, nakakasuka? Miss, my Milkies would be willing to play death with you para lang masend ko sila ng videong yon."
  "Well, sorry ka dahil hindi ako isa sa chakang Milkies mo. Milkies, milkies pang nalalaman, ang corny."
  Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase namin sa sagutan naming dalawa pero hindi ko binigyang pansin ang mga ito. Bakit ba, eh hindi naman namin sila inaano. Kung gusto nila ay makisali sila, baka sakaling makatanggap sila ng milyon-milyong mura sa akin.
  "Hoy, wag mong idamay ang Milkies ko dito, ah."
  Natawa ako ng marinig ang biglang pagseryoso ng boses nya. Bakit, na-butt hurt ba sya nang sabihin kong corny ang fandom nya? Kung ganon ay hindi ko kasalanan na nasaktan sya dahil totoo ang sinabi ko.
  "Whatever, Mikael. I have my damn free will to express my opinions and beliefs at corny ang tingin ko sa fandom nyo."
  Sumingkit ang mga mata nito at halatang nainis na dahil sa sinabi ko. Ang gago, akala mo kung sinong cool kahapon at kanina kung makipag-usap sa akin, ngayon ay sabihan mo lang pala na corny ang fandom nya ay mapipikon agad.
  Tsk.
  Bumulong ito ngunit narinig ko rin naman. Parang tang lang, bubulong pero ipaparinig pa rin naman sakin. Sira-ulo talaga.
  "Corny, huh? Magiging isa ka rin sa kanila."
  I snorted. "In your dreams, mister."
  Umiling ito at tumayo na para bumalik na sa upuan nya na syang ipinagpasalamat ko. Ngunit ang pasasalamat kong yon ay naputol nang biglang dumating ang teacher namin na mukhang wala sa mood at nang matapos kaming bumati ay strikto nya kaming pinatahimik lahat at nagsimula na sa klase.
  Ang ending ay katabi ko ang gunggong na ito throughout the class. Dahil nga sa badtrip ang teacher namin pagpasok nya ay halata sa lahat ang kaba dahil ilang beses na nasigawan ang ilan sa kanila nang hindi makasagot para sa recitation. Mabuti na lang at hindi ako bobo kaya naman kampante akong sumagot nang mapili nya akong tanungin.
  Inungusan ko ang lalaking nasa tabi ko nang mahuling nakatitig ito sa akin. Hindi yata ang alam na kasabihang 'Staring is rude' lalo na kapag hindi naman kayo close ng tao. Sya yata ang magiging number one enemy ko ngayong taon dahil sa kahanginan nya. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa akong kausapin kahapon.
  Natapos ang klase at agad kong inayos ang mga gamit ko para agad makalabas dahil ayokong makausap pa ang sira-ulong lalaki na yon. Mabilis ngunit prente ang mga hakbang ko palabas ng classroom at nang nasa hallway na ako ay narinig ko ay muntik na akong matumba dahil sa biglaang paghila ng kung sino sa akin. Mabuti na lang at nahawakan ako nito kung hindi ay lalagapak talaga ako sa sahig.
  Masama ang tingin na suminghal ako dito at kumulo ang dugo ko nang makitang wala itong iba kundi si Mikael. Ano na naman ba ang gusto nya at ginugulo na naman ako?
  "Putangina, ano bang problema mo?" singhal ko dito.
  Wala akong paki-alam kung may teacher man na makirinig sa pagmumura ko, basta kailangan kong mamura ang lalaking ito na walang alam na gawin kundi ang guluhin ako.
  "Ikaw," singhal nito pabalik sa akin na bahagya ko ding ikinagulat ngunit hindi ko ipinahalata. "Ikaw ang problema ko. You know what, you are so rude. Wala naman akong ginagawang masama sayo pero yung galit mo sa akin, parang may kasalanan ako sayo na hindi mo kailanman mapapatawad."
  "Ginugulo mo ako."
  "Hindi kita ginugulo, nakikipag-kaibigan ako. Ikaw itong ubod ng sungit. Wala naman sigurong masama sa pakikipag-kaibigan, meron ba?"
  Pinigilan ko ang sarili ko na sigawan syang muli. Nakikipag-kaibigan pala ang gago, hindi ba nya naramdaman na ayaw kong makipag-kaibigan noong unang beses pa lang na sinungitan ko sya? Kung ganon ay ipapaalam ko sa kanya.
  Marami na rin ang mga estudyanteng pumalibot para panoorin kami. Hindi ko alam kung sadyang tsismosa lang ba ang mga gagang ito o dahil sa sikat kuno ang lalaking kasagutan ko ngayon. Ganunpaman ay wala akong paki-alam, awayin nila ako kung gusto nila.
  "Gusto mong makipag-kaibigan? Gusto mo?" tanong ko dito. Kunot noong tumango sya at ganun din ang ginawa ko. "Well, Mr. Mikael Mendoza, hindi ako tumatanggap ng mga bagong kaibigan. Kaya pasensya ko na at hindi ko matatanggap ang pagkakaibigan na gusto mo."
  Pagkatapos non ay umalis na ako habang ang mga estudyante pati sya ay sinundan ako ng tingin. I rolled my eyes and headed to our next subject, not knowing that later on that day, magiging trending kaming dalawa sa social media dahil may gagang walang magawa sa buhay ang kumuha ng video sa amin.
  "Heaven, anong gagawin mo nyan? Sikat ka na at andaming galit sayo lalo na ang supporters ni Mikael dahil sa pagmumura mo sa kanya."
  Kunot ang noo ko habang pinapanood ang isang video na ilang oras pa lang mula ng mai-post. Reposted na ang video na ito at dahil walang credits sa main source ay hindi namin alam kung kanino at saan nanggaling ito. Mayroon na itong 18,443 views kahit na reposted lang, marami na rin ang naani nitong reacts pati na rin ang mga comment na nagpapakulo ng dugo ko.
  "Can't we find out kung kanino nanggaling ang video na yan?" tanong ko kay Sofie.
  Nandito kami ngayon sa bahay nila at kanina pa nya sinasabi sa akin sa kotse ang tungkol sa video ngunit ngayon ko lang pinansin. Maski ako ay nagulat nang makita ito. Base sa pagkakakuha ng video ay nasa malapit lang ang kumukuha pero wala akong napansin kanina. Kaya din naman pala pinagtitinginan ako ng mga estudyante kanina pang lunch ay dahil dito, akala ko ay dahil nabalitaan lang nila ang tungkol sa mga nangyari mula sa mga walang kwenta nilang source.
  Pagkatapos din kasi ng nangyari sa hallway ay hindi na kami nagpansinan at nag-usap pa ni Mikael sa mga sumunod na klase. Akala ko ay dahil yon sa nadala na sya sa sinabi ko, ngayon ay alam kong dahil na ito sa video.
  Umiling si Sofie, "Sorry, pero hindi eh. Marami na kasi ang shares at repost ng video and mahirap ng malaman kung kanino talaga galing."
  "Pero sigurado na nasa sa school lang din natin ang nagpost nya, isa sa mga nandoon sa building hallway ng building kanina." sabi ko.
  Muli syang tumango bilang pag-sang-ayon. Sinabi kong i-check nya ang lahat ng Facebook account ng mga taong nasa hallway kanina para malaman kung sino ang nagpost, tiningnan nya lamang ako na para bang nababaliw na ako.
  "Baliw ka ba? Hindi ko kilala lahat ng estudyanteng nandoon at mahirap din na isa-isahin sila para malaman kung sino ang unang nag-post dahil siguradong marami din agad ang nag share non pagkapost pa lang."
  Huminga ako ng malalim at tinanong kung wala na bang ibang paraan. Nang umiling syang muli ay mas lalo akong nainis.
  "If you would hire for an IT or a hacker, pwede nating malaman kung kanino ito nanggaling lalo na kung low security lang din naman ang account at device nung nagpost."
  Umismid ako, "Magbabayad pa ako para lang diyan? Tsk."
  Sa totoo lang ay wala naman talaga akong paki-alam kung sumikat ako dahil hindi naman ako active sa social media, isa pa ay wala naman talaga silang alam. Ngunit ang inaalala ko ay sina mommy at daddy pati na rin si kuya. Mayroon din kasing mga comment ang mga hunghang na nilalang na yon na pati mga magulang ko ay dinamay, akala mo ay alam kung paano ang pagpapalaki sa akin.
  Hinablot ko ang tablet ni Sofie at nagbasa muli ng mga comment na sana ay hindi ko na lang ginawa.
  "Luh, epal si ate ghorl, akala mo naman ang ganda."
  "Di pa pasalamat ang hindot, mabuti nga at nakikipag-kaibigan pa si Mikael sa kanya."
  "Kulang lang yan sa pansin."
  "Kulang siguro yan sa aruga kaya ganyan."
  "Di siguro yan mahal ng mga magulang nya."
  Gusto ko ng ibagsak ang tablet na hawak ko, kung hindi ko lang alam na kay Sofie ito at ayaw nyang mawala ang tablet nya dahil dito naka-save ang fan arts nya. Ipinatong ko ito sa center table at mariing pumikit. Mukhang wala akong ibang choice kung hindi ang makipag-usap sa Mikael na yon. Kailangan ko itong ayusin bago pa makarating sa parents ko at kay kuya.
  "I need to talk to him," sabi ko.
  Tumingin sa akin si Sofie at halata ang pagkagulat sa mga mata nya.
  "Ano? Kakausapin mo sya? Sasabihin mo ba sa kanya na ipagtanggol ka nya against his fans?"
  I shook my head, "Hindi. Pero akong bahala, may sasabihin ako sa kanya. I'll message him."
  "Luh, baka hindi ka mapansin non dahil sa dami ng messages na nakukuha nya araw-araw." sabi nito.
  Ngumisi ako at ipinakita sa kanya ang screen ng phone ko kung saan kitang-kita na si Mikael ang naunang nag message at nag-follow sa akin sa Instagram. Nanlaki ang mga mata nito at tumili.
  "Hala, Heaven, sanaol! How to be you?"
  Umiling na lang ako at hindi sya pinansin. Nagpapasalamat ako na online ang mokong nang magtipa ako ng message sa kanya. Mabuti din at hindi na ito nakipagpahirapan pa na pumayag at makipagkita sa akin. Siguro namang alam na nya ang tungkol sa video.
  Nang masigurado na makikipagkita nga ito sa akin ay kinuha ko kaagad ang bag ko at nagpaalam kay Sofie. Humirit pa ito na sasama daw sya ngunit hindi ako pumayag na syang ikinasimangot nya. Kailangan kong maka-usap ng masinsinan ang gagong yon dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala naman ako sa ganitong sitwasyon.
  Kaya ayoko talaga ang nakikipag-kaibigan sa iba maliban kay Sofie dahil sa ganito. Magulo, maraming issue at di ka matahimik kapag may kaibigan kang sunod sa uso. Kay Sofie nga lang minsan ay naiirita na ako sa kaingayan nya at kapag nagsasayaw sya ng mga panibagong Tiktok craze.
  Dahil wala pa naman akong sasakyan at driver ay napilitan nag-book na lang ako ng taxi online. Kinailangan ko pang maghintay ng ilang minuto sa entrance ng village bago dumating ang taxi na binook ko. Wala din naman kasing jeep na dumadaan dito dahil may sasakyan ang lahat ng nakatira kaya naman no choice din kung hindi ang mag-taxi. Mabuti na lang din at malapit lang kami sa Bicentenial Park kung saan kami magkikita ni Mikael.
  Nagpadala ako ng mensahe sa kanya at sinabing papunta na ako. Mabilis itong nagreply at animo ay walang nangyari sa amin kanina at walang video naming dalawang kumakalat ngayon.
  Kung sa bagay ay sanay sya sa atensyon kaya hindi nakapagtataka kung unbothered sya. Isa pa ay hindi naman sya ang dehado, ako ang lumalabas na masama sa video na iyon. Hindi naman din ako ininform ng society na masama na pala ang pagiging honest at straight forward.
  When the taxi reached the park, I paid for the driver's fee and told him to keep the change since sobra ng one hundred pesos ang ibinigay ko. Wala lang naman sa akin ang ganung halaga kaya pinabayaan ko na lang, tulong ko na lang sa kanya. Nang makababa ako ay wala akong sinayang na pagkakataon at inilibot ang paningin ko sa park para hanapin sya.
  Hindi ako nahirapan na makita sya dahil naka-upo sya sa isa sa stone tables ng park habang nakaharap sa tablet nya at sa kamay nya ay ang cellphone nya. Kumunot ang noo ko nang makita mula sa kinatatayuan ko na nakabukas ang camera ng tablet nya. Nakasuot pa rin sya ng school uniform gaya ko at mukhang hindi pa umuuwi.
  Dali-dali akong naglakad papunta sa kanya, ang mga yapak ko ay matunog dahil sa mga tuyong dahon na imbes na magmukhang makalat ay nakaganda sa park. Para kasing nasa ibang bansa ka sa dating nito.
  Nang marating ko na ang kinaroroonan nya ay nakita ko ang reflection ko sa camera ngunit hindi ko pinansin yon at tinapik sya.
  "Mikael," tawag ko dito.
  His face lit up when he saw me. Mabilis itong tumayo at tumabi sa akin. Nagulat ako nang akbayan nya ako at iniharap sa camera. Kumunot ang noo ko at nagulat sa mga sumunod nyang sinabi.
  "Okay, everyone. So, nandito na ang kanina pa nating hinihintay. The same woman from the video who was shouting at me. Tinotopak na naman kasi kaya ganoon na ang nakita ninyo,"
  Tumawa sya pagtapos ay kumindat,
  "Everyone, this is Heavenly Ladesma. She's my topaking girlfriend."
  What the fuck?

Comentário do Livro (21)

  • avatar
    AlimatarNajif

    thank you 😊

    31/01/2025

      0
  • avatar
    Matt Afable

    nyak

    15/10/2024

      0
  • avatar
    CornitaMarlon

    awesome

    30/08/2024

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes