logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Ikalawang Kabanata

NAPAMULAT ako dahil sa ingay ng ceiling fan na naririnig ko mula sa kisame. Nanlalabo man ang paningin ko ay pinilit kong bumangon sa kinahihigaan.
“Quinn! Salamat sa Diyos at gising ka na!” biglang salita ni Pracy sa bandang paanan ko.
Gulat akong napatingin sa kaniya. Katabi niya ang mga magulang ko. Ni hindi ko man lang namalayan na kasama ko pala sila.
Kaagad na tumayo si Mama at lumapit sa akin nang mapansin niyang gising na ako.
“Kamusta na ang lagay mo? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong niya at hinawakan ang mukha ko.
Umiling ako bilang tugon. “Ano ang nangyari, Ma? Nasaan po ako?” walang kaalam-alam na tanong ko pabalil.
“Nasa ospital ka, anak,” sagot niya.
Nakakunot na ang noo kong inilibot ang paningin ko sa buong silid. Wala akong maalala. Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito sa ospital.
“Ilang araw na po ako rito?” naguguluhang pag-uusisa ko pa.
“Tatlong araw na…”
Nanlaki ang mga mata kong nilingon si Pracy nang isagot niya ‘yon.
Tatlong araw?! Tatlong araw na akong nakaratay dito?!
“A-Ano ba ang nangyari?”
“Natagpuan ka naming walang malay sa dulong parte ng stadium,” panimula ni Pracy. “Paano ka ba kasi napadpad doon? Ang layo-layo no’n mula sa pinagpwestuhan natin. Anyway, ang akala namin ay doon ka lang nakatulog dahil sa sobrang kalasingan, pero lumipas na ang isang buong araw at hindi ka pa rin nagigising kaya nag-alala na kami. Dinala ka namin rito sa ospital pero ang sabi naman ng doktor ay ayos na ayos naman daw ang lagay mo. Kaya nagtataka kami kung bakit ngayon ka lang nagising.”
Napatulala ako sa kawalan matapos marinig ang mga sinabi niya.
Ano ang nangyari sa akin at doon nila ako nakita sa silid ng stadium? Bakit ngayon lang ako nagising?
Ang daming tanong ang nabubuo sa isipan ko pero ni isa ay wala akong masagot dahil hindi ko talaga maalala ang nangyari noong gabing ‘yon sa party.
“Sigurado ka bang wala talagang masakit sa ‘yo?” paniniguro ni Papa.
Tumango ako. “Opo, Pa.”
“Tutal ay gising ka naman na, babalik na ako sa opisina. Marami pa akong appointments at meeting ngayong linggo. I’ll see you later, sweetie. Magpagaling ka,” paalam ni Papa at humalik pa sa noo ko bago siya tuluyang umalis.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatanaw sa pintuan na pinaglabasan niya.
“Pagpasensyahan mo na ang Papa mo, anak. You know he’s a workaholic man. Masyado siyang abala,” pagpapalubag-loob ni Mama sa akin.
Nginitian ko lang siya. “Naiintindihan ko naman po, Ma.”
Sanay naman na ako.
“Kakausapin ko muna ang doktor kung p’wede ka nang i-discharge,” bilin niya na tinanguan naming dalawa ni Pracy.
“Sige po, Tita. Ako na muna po ang magbabantay kay Quinn,” presenta niya.
Tumango si Mama at lumabas na ng kwarto. Panandaliang katahimikan ang nangibabaw sa pagitan namin ni Pracy bago niya ako pinabulaan ng tanong.
“Naaalala mo ba kung paano ka napunta sa bakanteng silid ng stadium?”
Umiling ako. “Hindi. Kahit ang nangyari noong gabing ‘yon sa party ay hindi ko rin matandaan. Masyadong malabo sa alaala ko ang mga nangyari.”
Hindi na siya umimik pa pero kagaya ko ay alam kong nagtataka rin siya. Marahil ay iniisip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit doon nila ako natagpuan.
***
“KAYA mo na bang pumasok bukas?” tanong sa akin ni Mama nang makauwi na kami sa bahay.
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. “Of course, Ma. Huwag po kayong mag-alala, gaya ng sabi ng doktor, wala namang problema sa akin. Ayos na po ako.”
“Sigurado ka, ha?”
“Opo.”
Dumiretso ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay naubos nang sobra ang lakas ko kaya nanghihina pa rin ako hanggang ngayon. Nakatulala lang ako ng ilang oras sa kisame bago ako tuluyang dinalaw ng antok at nakatulog.
Nagising na lang ako kinabukasan nang marinig ko ang malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Napabangon ako at binuksan iyon. Tumambad sa harapan ko si Mama.
“Male-late ka na, Quinn! Maligo ka na! Bilis!” nagmamadaling utos niya.
Taranta akong napabaling ng tingin sa alarm clock ko. Hindi ko man lang narinig na tumunog iyon.
Dali-dali akong kumuha ng towel at pumasok sa loob ng banyo. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagkababa ko ay nagtaka ako nang maabutang nandoon pa rin si Mama. Kadalasan ay nauuna siya palaging umalis sa aming dalawa dahil mas maaga ang pasok niya sa opisina nila.
“Hindi ka pa umaalis, Ma?”
“Hinihintay kita, anak.”
Bahagyang nangunot ang noo ko. “Hinihintay mo po ako? Hindi ka pa po ba late sa meeting mo? Ano na pong oras, oh.”
“Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita sa school mo. Ako na rin ang magsusundo sa ‘yo mamaya dahil baka gabihin ng uwi ang Papa mo.”
“Ma, hindi naman po kailangan–”
“Alam ko, anak, pero gusto kong gawin…”
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Naiiyak siyang humarap sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
“Sobra akong nag-aalala, Quinn. Lalo na nang mabalitaan ko ang nangyari sa ‘yo. Masyado akong busy sa kumpanya kaya hindi kita naaalagaan. Hindi ko na nalalaman kung ano ang mga pinagkakaabalahan at ginagawa mo. Kaya gusto kong punan ang mga pagkukulang ko sa ‘yo bilang ina mo. Gusto kong alagaan ka,” emosyonal niyang sabi. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may nangyari pang masama sa ‘yo nang hindi ko nalalaman. Baka ikamatay ko kapag nawala ka pa sa akin…”
“Shhh. Huwag ka na pong umiyak, Ma.” Hinagod ko ang likuran niya at pinakalma siya. “Wala pong mangyayaring masama sa akin. Kahit kailan…”
“Ipangako mo sa aking palagi mong iingatan ang sarili mo, okay?” paalala niya pa.
“Pinapangako ko po,” nakangiting pagbitiw ko ng salita. “Ngayon po, halika na at umalis na tayo. Male-late na po tayo pareho.”
Nang makarating kami sa school ay sinalubong kaagad ako ni Pracy. Binalingan ko si Mama na tinanguan ako.
“Papasok na po ako, Ma. Ingat po sa pagda-drive. Bye, love you!” paalam ko at humalik sa pisngi niya bago ako bumaba ng kotse.
“I love you, too, sweetie! Bye!”
“Let’s go,” yaya ni Pracy nang makasabay ako sa kaniya.
Pagkapasok namin sa loob ay mabilis na napuno ng ingay ang buong room. Lahat sila ay nilapitan ako at inintriga.
“Ano ang nangyari sa ‘yo, Quinn?”
“Bakit tatlong araw kang nawala?”
“Nagkasakit ka ba?”
“Ayos ka pa naman noong gabing ‘yon sa party, ‘di ba? Bigla ka na lang nawala.”
Rinig kong mga tanong ng mga kaklase ko sa akin. Hindi ko na lang sila sinagot dahil maski ako ay hindi alam kung ano ba ang totoong nangyari. Napabalik silang lahat sa upuan nila nang dumating ang Professor namin.
Wala namang nagbago. Ganoon pa rin ka-boring ang first subject namin at ganoon pa rin kagulo ang mga kaklase ko.
Natapos ang mga sumunod pang subject bago kami nagkaroon ng free time. Dahil wala naman kaming magawa ni Pracy ay napagpasyahan naming tumambay muna sa hall ng school.
“Malapit na pala ang acquaintance party natin, may naisip ka na bang susuotin?” pagbubukas ng paksa ni Pracy.
Oo nga pala. Isang linggo na lang at magaganap na ang acquaintance party namin pero wala pa akong napipiling suotin.
“Wala pa,” maikling sagot ko.
“Ako rin. Sabay na lang tayong pumili ng susuotin. Siya nga pala, hindi ba masama ang pakiramdam mo?”
“Hindi naman. Wala namang masakit sa akin.”
“Mabuti naman kung gano’n,” ginhawang sabi niya habang nakahawak pa sa dibdib.
Natahimik kami ng ilang segundo. Muli akong napatulala sa kawalan at ilang segundo pa ay napahawak na lang ako sa sentido ko nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Kaagad akong nilapitan ni Pracy at nabitawan ang pagkaing hawak niya.
“Kakasabi mo lang na walang masakit sa ‘yo!” nag-aalalang sermon niya.
Biglang nag-flashback sa isipan ko ang ilan sa mga nangyari noong gabing ‘yon bago ako nawalan ng malay.
Alas dose. Ako na lang ang tanging gising. Kahit nahihilo ay pinilit kong tumayo at lumapit sa dulong parte ng stadium. Nakakita ako ng isang bakanteng silid. Pumasok ako at halos wala akong makita sa loob dahil sa dilim nito. Napalingon ako sa nakabukas na malaking babasaging bintana. Nabigla ako at napaatras nang biglang kumidlat at kumulog nang malakas. Sobra akong nanghina. Nahilo at nandilim ang paningin ko. Bumagsak ako sa lupa at tuluyan nang nawalan ng malay.
Napaangat ako ng tingin kay Pracy nang matandaan ko ang mga ‘yon.
“Oh, ano? Okay ka lang?” tanong niya pa.
“Kumidlat at kumulog nang malakas…”
“Ano?”
“Noong gabing ‘yon. Sa celebration party…”
“Hindi ko maintindihan, Quinn. Diretsuhin mo.”
“Pumasok ako sa bakanteng silid ng stadium. Biglang kumulog nang malakas kasabay ng pagkidlat. Bigla na lang akong bumagsak sa lupa dahil sa panghihina at nawalan ng malay,” pahayag ko. “Iyon ang mga naaalala ko.”
Natigilan siya. “Kumulog at kumidlat? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman umulan noong gabing ‘yon.”
“Oo, walang kaulan-ulan. Maski ako ay nagtataka.”
“Sigurado ka ba?”
“Sigurado ako, Pracy.”
“Parang imposible naman kasi ang sinasabi mo, Quinn. Hindi ka naman natamaan ng kidlat, ‘di ba?” tanong niya na tinanguan ko. “Paano kang nawalan ng malay sa tatlong araw dahil lang doon? Baka may iba pang nangyari na hindi mo lang maalala.”
“Hindi ko rin alam.”
“It doesn’t makes sense.”
Napabuntong hininga ako at tumunganga na lang sa kung saan. Tumayo si Pracy na ikinalingon ko.
“Bibili lang ako sandali ng tubig natin. Nauuhaw na ako, eh.”
Hindi ko na nagawang tugunan siya dahil masyadong malayo na ang nilalakbay ng isip ko.
Nang makaalis siya ay kinalma ko ang sarili ko at pinilit alisin ang lahat ng mga bumabagabag sa akin.
Nakalipas na ang ilang minuto ay wala pa rin si Pracy. Bigla akong nakaramdam ng paghilab ng tiyan. Naparami yata ang kinain kong almusal kanina pati pa ang mga snacks na inubos ko noong recess. Tumayo ako habang nakahawak sa kumikirot kong tiyan.
Nasaan na ba si Pracy?
Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid ng hall. Walang ibang tao kundi ako lang. Napapikit ako sa labis na sakit ng tiyan ko. Namimilipit ito at hindi ko na kaya pang pigilan. Gusto ko nang magpunta sa banyo.
Nang dumilat ako ay napaatras ako sa pagkagulat na naging dahilan ng pagkatumba ko. Naramdaman kong umangat ang mga balahibo sa katawan ko. Nagpa-panic akong luminga-linga sa paligid.
Paano ako napunta rito sa banyo?

Comentário do Livro (39)

  • avatar
    Dandan Dela Cruz

    that was so awesome

    20/07

      0
  • avatar
    Hanna Winx

    high school life. probably the happiest times in our lives many considers their collage life to be the best,but for me high school is better

    20/07

      1
  • avatar
    Misha Yuri

    ganda ng story

    30/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes