logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Chapter 01

Chapter 01
"T*ngina mo, Kenzo! Ang daya-daya mo!" inis na sigaw ko sakaniya.
P.E kasi namin ngayon kaya naglalaro kami ng badminton.
"Anong madaya ro'n?" inosenteng tanong niya.
"Hindi mo pa pwedeng i-smash 'yon." giit ko.
"Anong hindi pa pwede? Eh lampas na sa ulo ko."
"Anong lampas? Taas lang ng tenga mo 'yon, 'wag ka nga." angal ko.
"Tambak ka lang eh." aba't!
"Heh! Ayoko na nga, bwiset ka!" tinignan ko muna siya nang masama bago tumalikod at inilapag ang raketa sa may bench.
Umalis nalang ako roon at pumunta kila Cristelle na nagvvolleyball.
"Elle, sali ako." ani ko nang makalapit ako.
"Akala ko ba sa badminton ka?" takhang tanong niya.
"Ayoko na. Ampangit kalaro ni Kenzo." sabi ko tumawa naman siya.
"Teka sabihin ko lang sa kanila." ani niya at lumakad papunta kila Wella.
Nang pumayag sila Wella, pumwesto na ako at sinimulan nang maglaro. Hindi pa ako nakakatagal na naglalaro pulang-pula na agad ang dalawang braso ko.
"G*ga ka! Sobrang pula na ng braso mo." hinawakan ni Lanna 'yung braso saka hinimas-himas.
"Okay lang 'yan." sagot ko. "Tara na, isang score nalang hahabulin natin."
"Sure ka kaya mo pa?" nag aalalang tanong niya, nginitian ko nalang siya saka tumango.
Saktong bell ay natapos na rin kami sa paglalaro at syempre kami ang panalo, galing ko kayang magspike hahaha.
"Bruha ka, masakit 'yan kinabukasan." sabi ni Elle no'ng makalabas sa cr.
"Hayaan mo na, malayo sa bituka." sabi ko at pumasok na rin sa cr para makapagshower.
"Malayo sa bituka pero kinabukasan may lagnat?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Hindi 'yan, promise."
"Bilisan mo nalang d'yan at may klase pa tayo."
Halos magkapaltos na ang kamay ko sa dami ng pinapasulat sa'min.
"Ang dami namang pinapasulat akala mo naman kung madidiscuss lahat." inis na bulong ko habang isa-isang pinapatunog ang mga daliri ko.
"Ang dami mong reklamo... Magsulat ka na lang d'yan."
"Hindi kita kausap kaya 'wag kang umepal." pag-susungit ko kay Kenzo.
"Isumbong kita, 'ta mo." aba! Nanakot pa ang loko.
"Oh talaga ba kenzo... pakyu!" sabi ko saka binelatan siya.
"Ma'am! Si Ayumi nagrereklamo ba't daw ang dami eh hindi mo naman daw madidiscuss lahat." nanlaki ang mata ko nang biglang sumigaw si Kenzo.
"Miss Takahashi?" agad akong tumayo at nagaalangang tumingin kay ma'am.
"M-ma'am?"
"Ano 'yung sabi mo?" marahang tanong niya.
Shutaa! Lagot ka sa'kin mamaya, kenzo.
Yumuko ako at nagsorry kay ma'am Angeles. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Kenzo.
Kenzo..Kenzo..Kenzo, simulan mo nang maghukay ng libingan mo. Depungal ka pinahiya mo pa ako kay bebe Kreios ko ha.
"Aray! A-Ahh... Ouch, Elle awatin mo nga 'tong pinsan mo! Aray ko! Tama na... A-Ahh!" tumigil na ako sa paghampas sakaniya at tinignan siya nang masama.
"Ano'ng ginawa ko sa 'yo? I papatulfo kita!"
"Edi ipatulfo mo! As if I care. At ano'ng ginawa mo? Nakalimutan mo agad? Bwiset ka! Pinahiya mo lang naman ako sa mga kaklase natin at pati kay Kreios."
"Sorry na nga eh... Eto oh, sa 'yo nalang hehe. Peace."
Agad kong tinabig 'yung kamay niyang may hawak na burger kaya nahulog ito sa sahig.
"Ano ba 'yan?! Nahulog tuloy." tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi pinansin.
"Para talaga kayong magjowa. Kung hindi ko lang kayo kakilala iisipin kong magkasintahan kayo." napangiwi ako sa sinabi ni Elle.
"Yuck...kadiri." sabay na angal namin ni Kenzo kaya tumawa si Elle.
"Mas gwapo pa naman si Kreios kaysa r'yan sa mukhang tuko na 'yan." turo ko kay Kenzo.
"Nahiya naman ako sa 'yo... Bayawak." nagmake-face nalang ako sakaniya at inirapan siya.
Pagdating ng uwian, sabay ulit kaming pumunta ng sakayan ni Elle. Si Kenzo kasi may sundo, richkid eh. Nakagawian na namin ni Elle ang bumili ng mga street foods habang naghihintay ng mga pasahero.
"Nakakabwiset talaga maghintay rito! Napaka tagal." inis na sambit ni Elle habang nakabusangot na isinubo 'yung nag-iisang fishball niya.
"Hindi ka na nasanay. Mag bus sana tayo kaso mamasahe pa ulit tayo." ani ko.
Alas singko na kami naka-uwi ng bahay ni Elle, kaya naman ang lalim ng pagkakakunot ng noo nya. Sino ba namang hindi maiinis... 4:30 ang uwian tapos makaka-uwi kami alas singko na.
"Ma! Nandito na po ako!" sigaw ko nang makapasok ako ng bahay.
Wala akong narinig na sagot mula kay mama kaya lumakad ako papunta sa likuran ng bahay namin. Panigurado nando'n na naman 'yon sa mga mahal niyang halaman.
"Sabi na nga ba at nandito ka eh." nagmano ako kay mama saka tinulungan siyang magdilig.
"Nakarating ka na pala."
"Ma, ba't parang kumukunti itong mga halaman mo?" tanong ko.
"Nagbebenta ako." tumango-tango naman ako.
Nang matapos naming diligan lahat, pumasok na kami ni mama sa loob. Pumunta muna ako ng kuwarto para magbihis ng pang bahay at tinulungang magluto si mama ng hapunan. Siya magluluto ng ulam samantalang kanin naman ang sa 'kin.
Matapos kong sukatin 'yung dami ng tubig inilagay ko na agad sa kalan para hintaying kumulo.
Nang matapos maluto 'yung kanin, sakto namang tapos na rin iluto ni mama 'yung ulam namin kaya naman naghanda na ako ng plato, kutsara, tinidor, at ng baso.
"Kumusta ang araw mo?" tanong ni mama.
Nilunok ko muna 'yung nasa bunganga ko bago magsalita.
"Ayos naman po, ma. Kayo po ba?" balik na tanong ko.
"Ayos lang din naman. Nga pala, tumawag sa 'kin ang papa mo at kinakamusta ka." agad namang nagliwanag ang mukha ko nang banggitin ni mama si papa. Miss ko na siya pati na rin si Yuki. Kumusta na kaya sila?
"May sinabi po ba siya kung kailan sila ulit makaka uwi?" masayang tanong ko.
Umiling naman si mama kaya napawi ang mga ngiti ko.
"Pero ang sabi niya baka isama niya raw tayo sa Japan kapag umuwi sila rito." bumalik naman ang galak ko sa sinabi ni mama.
Hindi ko first time pumunta ng Japan dahil doon ako lumaki at doon din isinilang si Yuki. Dalawang taon lang ang agwat namin ni Yuki, at ang last na kita ko sakaniya ay six years old siya bago kami umuwi ng pilipinas ni mama. Ano na kaya ang itsura niya ngayon?
Nang matapos kaming kumain, ako ang nagprisitang maghuhugas ng pinagkainan namin. Pumunta na ako ng kwarto ko pagkatapos kong maghugas.
Dahil hindi pa ako inaantok, gumawa ako ng dummy account ko para ro'n ichat si Kreios. No'ng una kinakabahan pa akong ichat siya pero dahil dummy account lang 'to nagsend ako ng sticker na nagwave.
Ilang oras akong nag antay at sa wakas ay nag reply na siya pero dalawang question mark lang. Okay na 'yon, atleast nag reply 'di ba?
Dinaldal ko lang siya nang dinaldal kahit na ang tagal niyang mag reply.
Clay:
Tagal mo nmn po mag reply😥😥
Kreios:
Bakit
Sino ka ba?
Clay:
Pyutur mo po😳
Kreios:
Funny
Hindi ko na siya nareplyan dahil inaantok na ako. Kasalanan niya, ba't kasi ang tagal niyang magreply. Ayan tuloy inaantok na 'ko.

Comentário do Livro (110)

  • avatar
    May Amar

    hggggggg to girlfriend shatterproof happy

    17/08

      0
  • avatar
    Princesslara Marlana

    so pretty story

    03/08

      0
  • avatar
    Jhade RC De Guzman

    safff782

    31/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes