logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

When Love and Pain Combines

When Love and Pain Combines

SeiChan


Chapter 1: Si Reiko

Rei's P.O.V.
"Rei, gising na! Ano ka bang bata ka, bumangon kana nga riyan, at baka mahuli kana naman sa school. Maligo kana at mag almusal." Iyan ang araw-araw na bungad sa akin ni nanay sa umaga.
"Opo nay, andiyan na po! Bakit ba kasi hindi pala ako nakapag set ng alarm kagabi tinanghali tuloy ako ng gising, tulog mantika pa naman ako, hehe!"
Kailangan ko na nga talagang magmadali dahil 7:20 na at 8 ng umaga ang pasok ko. Kinuha ko ang uniform ko sa closet. Ang ganda ng uniform namin sa school, blouse na puti na pinatungan ng vest na kulay brown at nakalagay ang logo ng school sa may bandang kaliwa nito, checkered brown na skirt na above the knee sana ang haba pero hinabaan ko ang sa akin hanggang sa ibaba ng tuhod, ayoko kasing nakalitaw ang hita ko, hindi ako komportable, mahabang medyas na kulay itim at black shoes. Kung sa iba ang ganda tingnan ng uniform pero bakit parang sa akin feeling ko hindi bagay, mukha akong manang na ewan, haha! Alam niyo na wala akong alam sa fashion. Dumiretso na ako sa banyo at mabilis na naligo.

Ako si Reiko Yamada, pero tawagin niyo nalang akong Rei, half Japanese, 16 taong gulang, isang normal na teenager at simpleng mag-aaral ng San Sebastian High School, Grade 10 at isang scholar. Ako kasi ang laging pinanlalaban sa mga drawing contest. Limang taon pa lang ako nang bumalik ng Japan ang tatay ko, sabi niya magtatrabaho lang siya para sa amin pero 'di na bumalik at nagparamdam, in short iniwan kami ng nanay ko. Okay lang naman, kinakaya naman naming dalawa ni nanay, namamasukan siyang labandera para may panggastos kami sa araw-araw. Ako naman hobby ko ang pagguhit, minsan pinagkakakitaan ko rin dahil binabayaran ako ng mga nagpapagawa. Pero umaasa parin ako na babalikan kami ng tatay ko balang araw, hinihintay ko parin ang pagbabalik niya. Kaya nga pinag-aaralan ko rin ang lenggwahe nila para kung sakaling magkita kaming dalawa, kahit papaano ay makakausap ko siya. Wala naman sigurong masama kung hahangarin kong magkita kami ulit hindi ba? Hindi naman siguro masamang mangarap na sana balang araw mabuo ulit ang pamilya namin. Alam kong gano'n din si nanay, 'di lang niya pinapahalata sa akin. Wish ko lang dumating ang araw na iyon bago pa man pumuti ang hair ko, hehe!

(Wait lang, ako naman siguro ang bida dito no Ms. Author? kasi baka kanina pa ako nagkukwento dito hindi pala ako, hehe!)
(Author...Malamang ikaw nga 'te, slow lang, kaya nga ikaw ang unang may POV dahil ikaw ang bida dito, hello!)
(Sorry naman po, nagtatanong lang naman Ms. Author ang sungit mo naman pala, hmp! Panira ka naman ng mood)
Anyway, tuloy ko na ang kwento ko... Sigurado ako gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko no? Aminin niyo, 'wag na kayong mahiya! Simple lang naman akong babae, sabi nila maganda naman daw ako... ay si nanay ko lang pala nagsasabi no'n, hehe! Mga 5'4" ang height, maputi at medyo chinita ang mata, wavy ang hair na abot hanggang baywang, na hindi ko madalas sinusuklayan kaya tuloy napagkakamalan akong taong grasa, pero malinis naman siya ha naliligo naman ako no, baka iniimagine niyo na may kuto ako o kung ano mang namamahay sa ulo ko, wala po 'yun, pramis! Wala akong masyadong kaibigan kasi hilig ko mag-isa at tumambay lang sa kwarto ko at magdrawing maghapon o manood ng anime at maglaro ng online games.
Pero may isa akong childhood friend na madalas kong nakakasama, si James, gwapo, matangkad, matangos ang ilong, bagsak na kulay itim na buhok, medyo may pagka-kayumanggi ang kulay ng balat na bumagay naman sa kanya, mahilig siya sa larong basketball at taekwondo. Sikat din siya sa school namin lalo na sa mga babae at madaming nagkakagusto sa kanya. Kaya nga naiinis sa akin ang halos lahat sa kanila kasi ako laging kasama ni James. Mapang-asar din ang kaibigan kong iyon pero mabait naman, magkapit bahay lang kaming dalawa. Siya ang tagapagtanggol ko 'pag may nang-aapi sa akin. Actually, konti lang naman umaapi sa akin sa school, yung mga kaklase ko lang naman na mukhang espasol at clown dahil sa kakapal ng mga make up, yung grupo nina Jamaica. Araw-araw lagi nalang ako ang nakikita nila, hay buhay nga naman!
'Wish ko lang hindi ako pansinin ng mga kaklase ko ngayong araw na ito, nakakasawa na rin kasi minsang umiwas sa kanila, kung pwede nga lang maging invisible sa harapan nila ginawa ko na, aist!' Bulong ko habang kumakain.
Natapos na akong mag almusal at mag-ayos ng mga gamit ko. Ready na ko sa pagpasok, hinihintay ko nalang si James dahil araw-araw kaming nagsasabay papasok sa school. Dumadaan siya dito tuwing umaga at hihintayin ako sa labas ng bahay namin. Maya-maya nandito narin 'yon, hintayin ko nalang siya.
"Hoy Rei, halika na, malelate na tayo, lumabas kana d'yan!..." sigaw ni James
Speak of the devil, a este si bro pala, hehe! Ayan na siya...
"Okay sige nandiyan na ako..." dungaw ko sa may bintana.
"Nay, alis na po kami ni James, bye po!"
"O siya sige anak at kayo'y mag-iingat na dalawa, mag-aral kayong mabuti."
"Okay po, kayo rin po nay, huwag po kayong masyadong magpapakapagod sa pagtatrabaho niyo."
"Oo na, ikaw talagang bata ka... lumabas kana at baka magsawa kakahintay si James sa iyo at baka iwanan ka niya."
"Nanay talaga! Hindi ako iiwanan no'n, malakas ako do'n eh, hehe!"
Hinalikan ko muna siya sa pisngi at lumabas na ako ng bahay.
"Hi bro, good morning!" bati ko kay James.
"Hi bro, morning din! Musta gising natin?"
"Hmm, ayos lang naman, same-same lang araw-araw, e ikaw ba?"
"Ako? Ayos na ayos, heto puyat, hahaha!"
"Online games na naman ba 'yan James?"
"Ah, eh oo bro, hehe!" sagot niya habang nagkakamot ng batok
"Ikaw talaga..." sabay batok sa kanya.
"Aray ko, ang sakit 'non bro, tara na nga at baka malate na tayo.." yaya ni James sa 'kin.
"Tara bro!" sabay akbay sa kanya.
At naglakad na kami ni James papuntang waiting shed para mag-abang ng jeep na sasakyan namin papuntang school. Actually 5 minutes lang naman ang papunta sa school kapag nag jeep. Pero kapag naglakad aabutan kami ng 30 minutes, hindi pwede dahil malelate na kami.

Comentário do Livro (33)

  • avatar
    Ongjoco Yulimar

    thank you din po😊

    21d

      0
  • avatar
    Reggie Cobar

    yes

    23d

      0
  • avatar
    Kayang Shiee

    50 p

    03/08

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes